TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 9
Naamoy ko agad ang pinaghalong pabango at natural na amoy ni Travis pagpasok sa loob. Tila gusto kong ikulong ang amoy na iyon sa ilong ko.
Habang nasa byahe, tahimik lang ako, ganoon din siya, walang gustong magsalita. Tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.
Huminto ang sasakyan nasa unahan, sanhi upang itigil din ni Travis ang sasakyan. Nilingon ko siya. Seryoso at magkasalubong ang makapal na kilay nakatingin sa harapan, ilang beses tinatapik ang mga daliri niya sa manibela.
Pumikit ako ng mariin nang biglang kumalam ang sikmura ko, gustong kutusan ang sarili dahil sa kahihiyan.
Dahil sa daming ginawa sa school buong maghapon ay nakalimutan kong kumain kaninang tanghali. Kahit man lang sana kumain ng isang biscuit. Ngumuya at lumunok lang ang kailangan gawin, hindi ko pa nagawa!
Kagat ang labing tumingin ako sa kanya. Hindi naman niya siguro narinig ang pagkalam ng sikmura ko dahil wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Umusad ang sasakyan, pero nagulat ako dahil sa ibang daan siya dumaan. Imbes na pakanan sa’min, ay kumaliwa siya ng tinahak.
“T-teka, Hindi ito ang daan papunta sa’min.” sabi ko.
“Kumain muna tayo.”
Base sa sinabi niya, narinig niya ang pagkalam ng sikmura ko! I wanted to jump out of this car, at magpasagasa sa bisikletang nasa likuran namin. Damn!
Bakit ngayon pa tumunog ang sikmura ko dahil sa gutom? Pwede naman pagkababa ko mismo sa sasakyan niya? Isang malaking turn off iyon!
Kakain na ako sa susunod!
As if naman may kasunod pa ito! kontra ng isip ko.
Sumimangot ako. Dumiretso ang sasakyan niya sa isang maayos at malinis na karinderia, at itinigil sa harap mismo.
Siya ang unang nagkalas ng seatbelt, nang akmang isunod ko ang akin, “Just wait for me here.” he said in a deep baritone voice.
Wala na akong nagawa nang lumabas siya.
Moments later, naramdaman ko ang presensiya niya pabalik. Nagulat pa ako sa dami ng inorder niya. Naguguluhan man ay inabot ko pa rin ito. Ang dami naman ata. Hindi na lang ako umimik pa at tinignan ang daang tinahak niya.
Makalipas ang ilang segundo. Lubak na daan ang tinatahak namin. Wala akong makitang mga bahay sa paligid kundi puro mga puno. Bahagyang gumagalaw ang mga sanga dahil sa kagagawan ng ihip ng hangin.
Pilit ko na lamang iwinawaksi ang mga kung anu-anong pumapasok sa isipan.
Huminto ang sasakyan, hindi pamilyar sa’kin ang lugar. “Saan tayo?” maang na tanong ko.
Bumaling siya sa’kin at kinuha ang apat na supot sa kandungan ko. “Burol.” simpleng sagot niya.
Sumunod ako sa kanya nang lumabas siya. The breeze of the wind touched my face. Inilipad nito ang ilang hibla ng buhok ko, inipon ko iyon at inilagay sa kanang balikat.
I was mesmerized by the lights, na nakikita ko sa ibaba ng burol, para silang mga bituin, pero sa totoo niyan, ilaw sila ng mga sasakyan, at mga kabahayan ng bayan ng Santa Alicia.
Nakita kong inilapag ni Travis ang pagkain doon sa hood ng sasakyan. At tumingin sa’kin. Tumutulong ang bilog na buwan para makita ko ng maliwanag ang kanyang mukha. Malalim at madilim ang kanyang mata, maihihintulad ko iyon sa madilim na kalangitan. ‘Yun nga lang, hindi ko kayang patagalin ang titig ko sa kanya.
Lumapit siya sa’kin, he grabbed my tiny waist using his strong arms and lifted me to the hood of his car. At walang kahirap-hirap siyang sumalampak doon sa harap ko mismo.
I cleared my throat, parang may bumara doon kung ano dahil sa pagdikit ng kamay niya sa baywang ko.
“Lagi ka ba dito?” tanong ko.
“Minsan,” nilabas niya ang laman ng supot. Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya.
“Pag-galing sa klase. Dito din kami madalas nag-iinuman nila Aidan.” aniya.
“Kumain ka na,” malamyos na wika niya.
Tumango ako’t sinimulang kainin ang binigay. “Hindi ka ba kakain? Ang dami nito!” sabi ko nang nakatingin lang siya sa’kin.
Umiling siya, “Kainin mo lahat ‘yan. Look...