HE IS MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 15


HE IS MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 15
—Keziah Allyson—
Until now hindi ako makapaniwala na kami na nga ni Drake. Its too good to be true. Dati ay boss ko lang siya ngayon ay boyfriend na.
“Hoy Kez anong iniisip ko diyan?Ikaw ha, meron kang hindi sinasabi sakin” natigil ako sa pagmumuni muna dahil bilang nagsalita si Layla. Sabay kasi kumakain ng lunch. Di ko kasabay si Drake kasi may meeting.
“Wala, kumain ka na lang kaya diyan” kaya itinuloy niya na lang ang pagkain niya.
“Hays sana olls talaga akala mo ba hindi ko alam? Kayo na ni boss noh? Nakita ko kahapon sumakay ka sa kotse niya. Tinawag ka pa niyang —” agad kung tinakpan ang bunganga ni Layla baka may makarinig kasi. Ang bunganga talaga ng babaeng ito walang patawad.
” Shhh baka may makarinig sayo”tinawanan niya na lang ako at Di siniseryoso ang sinabi ko.
” Yiee!!! Kinikilig na yan, bagay naman kayo wag ka mag-alala”sabi pa ni Layla. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
“Hello Keziah” may lumapit na isang lalakin sa table namin. Dito rin siya nagtatrabaho. Mukhang bago ata. Ngayon ko lang nakita ehh.
“Hoy wag mong kausapin si Kez sinasabi mo ko sayo, may magagalit” pinalankihan ko naman ng mata si Layla. Ngumiti lang siya. Kaloka itong babaeng ito.
“May boyfriend ka na?” tanong nung lalaki. Teka bat niya tinatanong yun? Kinakabagan tuloy ako baka malaman ni Drake. Ayaw pa naman niyang may lalaki ng lumalapit sa akin.
” Meron na yan, pero wag mo ng tanungin kung sino” si Layla na naman ang sumagot.
“Mr.Cabral go back to work!!! Bawal ang ligawan sa trabaho!!!”putcha nalintikan na. Akala ko ba may meeting si Drake? Ano hindi natuloy? Lagot na.Agad naman umalis sa harapan ko yung lalaki. Narinig ko nman ang tawa ni Layla.
” Ala Kez Lagot ka na, nagalit ata ang boyfiee mo, haba kasi ng hair “panunukso pa ni Layla.
” Ms. Marquez go to my office now, I need my secretary”mahinahong sabi ni Drake sa akin. Nauna na siya. Siguro ay pinaparating niya na sumunod na lang ako.
“Selos ata Kez” bulong ni Layla. Tumawa pa ang bruha.
Pagpasok ko sa opisina ni Drake. Nakaupo na siya sa swivel chair niya at nakahawak sa sentido niya. Ala mayroong problema?
“Hoy anong problema mo?” napukaw ko ang atensyon niya.
“Who’s that guy?” agad nitong tanong sa akin.
“Aba ewan ko, ikaw dapat may alam nun, tinawag mo nga apelyido kanina, Edi kilala mo”pamimilosopo ko. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito.
” I mean May gusto ba yun sayo?what the heck is he talking to you? “selos pa nga.
” Di ko naman kinakausap ehh, si Layla nga ang sumasagot sa mga Tinatanong sa akin”giit ko.
“Well go to our mansion later, kakauwi lang ni mom, gusto niyang magdinner tayo” sabi ni Drake sa akin.
“Sasama lang ako doon sa isang kondisyon” agad na kumunot ang noo niya.
“Sasama ka sa akin no matter what, your my girlfriend” sabi niya sa akin. May sinabi ba akong hinde? Loko rin ehh.
“Baka naandun ang impakta mong tiyahin na kampon ni satanas kaya wag na lang” narinig ko naman ang tawa niya. Patawa tawa lang pero galit siya sa tita niya.
“She will not come, sinigurado na ni mom” pagkatapos ay tumayo siya sa naglakad papunta sa akin.
“I have a...


gift for you” hinawakan niya ang kamay at hinalikan ang likod ng palad ko. Pulang pula na siguro ang pisngi ko.
“Ano naman yun? Saka di ko naman birthday” tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.
“I know, I just want to it give to you” nilabas niya ang is ang maliit na box.
“Turn around” kaya tumalikod nga ako katulad ng sinabi niya. Kwintas nilagyan niya ng kwintas ang leeg ko.Pagkatapos ay pinaharap niya ulit ako sa kanya.
“bakit mo binigyan nito?” tanong ko sa kanya. Alam ko girlfriend niya ako. Pero di niya na ako kailangan bigyan ng mga ganitong bagay.
“Because I want to, I want to give something special.Because your so special.” Di naman ako makatingin ng deretso sa kanya.
“Your blushing” pag akusa niya. Ehh ano ngayon? Kasalanan naman niya..
“Sabi nga pala ni mama punta ka sa bahay bukas ng gabi, birthday kasi niya, kailangan daw nandun ka, hays ang lakas mo sa magulang ko” napangiti naman si Drake dahil sa sinabi ko.
“Of course, bibilhan ko pa si tita ng gift” sabi niya at niyakap ako.
” Sigurado ka ha wala sa dinner mamaya yung tita Minerva mo? Kapag ako pinagsalitaan na naman nun ng nasama papatulan ko na talaga siya” pagtataray ko.
“Im sure babe wala siya don, kung naandun naman siya, I will defend you.”
“Hoy pwedeng isanla tong kwintas mo na bigay mo? Mukhang mahal ehh” pagbibiro ko kaya biglang nag-iba awra ng mukha niya.
“Try it Keziah. You face your consequences” seryosong sabi niya.hindi marunong makibonding aba. Joke lang ehh.
“Joke lang oyyy!Di naman mabiro to” sabi ko at tumawa.
“Its not funny” ang mukha niya ay seryoso pa rin.
Bigla namang may kumatok sa pintuan. Lumayo muna ako kay Drake.
“Come in” maawtoridad niyang sabi.
“Sir may naghahanap po sa inyong babae sa labas,” sabi ni Layla. Tinignan niya ako at parang sinasabing Di niya kilala yung babae.
“Who?” tanong ni Drake.
“Di po namin kilala, kailangan niya daw po kayo makausap. Gusto nga pong pumasok sa opisina niyo pero di po namin pinayagan.” pagpapaliwanag ni Layla. Sino na naman kayang impaktang babae yun? Ako girlfriend wala silang laban sakin. Subukan lang nilang agawin si Drake. Hindi kaya yung babae lang nung last time?
” Babe just stay here, I can handle this”sabi niya at hinalikan ako sa labi bago lumabas ng opisina. Sinabihan niya si Layla na samahan ako.
” Haba talaga ng hair ehh”kantyaw ni Layla. Pinanlisikan ko siya ng mata pero tumawa lang ang loka.
“Sino yung babae?” pag-uusisa ko.
“Ewan ko bess pero mukhang basta alam na yun” ang alin? Loka talaga ang babaeng ito.
“Parang ano katulad ni boss yung alam mo na kilala” sabi niya sa akin.
“Ano kayang pakay ng babaeng yun? Tara silipin natin” agad siya ng umiling. Takot kay Drake.
“Wag dito na lang tayo,wala lang yung babaeng yun, mas maganda ka dun Kez” sabi pa ni Layla. Hinawakan ko naman ang pendant ng binigay ni Drake sa akin na kwintas.
“Kez Omygosh, ang ganda ng kwintas mo! Yie sana all talaga love na love! Swerte mo Kez!”
“Fuck!!! Get out of my company!!!” Nagulat kami ni Layla. Boses ni Drake iyon. Lumabas na kami sa opisina ni Drake at nakita namin sa may labas na may kausap itong babae.
“Always remember Drake, you are once mine and you will always be mine!” sabi nung babae at naglakad papalayo, ano daw? Anong meron sa kanila? Ex niya?
Mas maganda pa rin ako noh!!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top