MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 17


MARRIED TO A HEARTLESS MAN❤️
CHAPTER 17
Di maiwasan ni Clara ang pagtulo ng mga luha niya. Dahil sa mga sinasabi ni Tyron ay gulong gulo ang isip niya. Di niya sukat akalain na makakagawa ng ganong kasalanan ang asawa niya.
“Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin to?” nahihirapan niyang tanong dito.
“I was afraid” sabi nito habang hawak ang mga kamay niya at hinahaplos iyon.
“Nakakatakot ka saan?Asawa mo ko pero Bakit ngayon ko lang nalaman. Kung hindi ko pa nakita ang larawan na iyon at hindi ipinadala ng lalaking may galit sayo. Hindi ko pa malalaman. Hindi mo pa sasabihin sa akin. Di ko na alam ang iisipin ko. Hindi ko na alam…”pinunasan nito ang mga hulang nanggagaling sa mata niya.
” I thought you’ll not accept me because of what I do. And you’re going to leave me. Hindi ko kaya Clara. Ikaw ang buhay ko. Ikaw ang pamilya ko. Ikaw ang kasiyahan ko at magkakaanak na tayo. “nasasaktan siya dahil ramdam niya ang sakit habang sinasabi ng asawa niya ang mga salitang iyon.
” Sa tingin mo ba dahil lang don iiwan kita? Mahal kita diba? Tanggap kita kahit Ano ka pa. Kahit ikaw pa ang pinakasamang tao na nakilala ko. Tatanggapin kita. Pero dapat sinabi mo agad. Paano kung napahamak ako? Paano kung napahamak kami ng anak natin? Kung sinabi mo agad pwede naman akong mag-ingat. Pero Hindi ehh tinago mo. Tinago mo sa akin! Paano na lang kung napahamak kami ng anak mo. Paano na lang ha? “Di niya maiwasan ilabas ang nararamdaman niya. Pwede naman kasing sabihin sa kanya ni Tyron ang lahat lahat. Maiintindihan niya naman.
” I love you so much wife. I can’t lose you. Hindi ko kaya na pati ikaw ay mawala sa akin. Kaya ko namang ayusin to. Trust me. I will fix this.” binawi niya ang kamay niya na hawak ng asawa niya.
“Hindi naman ako mawawala sayo kung magsasabi ka lang naman ng totoo.” sabi niya at pinunasan ang mga luha niya. Nadadala na rin siya ng emosyon niya lalo pa at buntis nga pala siya.
“I’m sorry, I’m sorry, if I put you in this mess I’m really sorry. But please wife don’t leave me.” hinawakan nito ang mukha niya at hinaplos ang mukha niya. Bigla siya nitong niyakap.
“Saglit lang naman. Saglit lang”sabi niya kaya bigla itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Iiwan niya ito pero Saglit lang kailangan niya lang makapag-isip mahal niya si Tyron. Pero mahal niya rin ang magiging anak nila at ayaw niyang madamay ito.
” Wife, what are you saying? Are you going to leave me?”umiwas siya ng tingin dito. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang asawa niya.
” Siguro mas mabuting maayos mo muna ang lahat. At sa tingin ko mas maayos mo ang lahat ng ito kung wala muna ako sa tabi mo para di mo muna iniisip ang kaligtasan ko at ang kaligtasan ng magiging anak natin.”
“No! I can’t fix this kahit nandito ka sa tabi ko. Mas makakaya ko to kung nasa tabi kita. Poprotektahan kita. Hindi kita hahayaang masaktan.” lalo ng umagos ang luha ang mga luha niya. Sobrang sakit.
“Kung mahal mo ko Hindi mo ko idadamay sa gulo ng buhay mo.Kailangan lang naman natin maghiwalay ng panandalian habang inaayos mo ang lahat. Then babalik na rin sa dati ang lahat. Don’t worry aalagaan ko ang sarili ko at ang anak natin.” sabi niya at pinilit ngumiti.
” But you promise…you said you’ll never leave me…. You said you love me… fuck, Clara sabi mo mahal mo ko. “sobrang sakit pala talagang makitang nasasaktan ang taong mahal mo dahil sayo pero kailangan niyang gawin yon. Para sa kaligtasan ng lahat para pagkatapos nun maging maayos ang lahat.
” Mahal nga kita, sa tingin mo ba ayos lang sa akin na Iwan ka kahit saglit lang? Kung masasaktan kita dahil Don mas sinasaktan ko ang sarili ko. Pero kailangan, Tyron kailangan… Para sayo, para sa akin… Para...


sa magiging anak natin….”
“Maybe your right. Ill fix this. I’ll fix this fucking mess. Ibabalik ko ang lahat sa ayos.Kung kailangan mo kong Iwan dahil sa tingin mo yun yung tama then do it.But always remember I love you. I always do. Once that I fix this we can be together again and forever will be. “sabi nito at iniwan siya sa kwarto nila.
” Sorry Tyron, sorry my love. I just want us to be safe.”nakatanggap siya ng text kanina.Lumabas ang asawa niya kanina panandalian bago nila itunuloy ang pag-uusap. It was a death threat from unknown number.
Bigla namang may tumawag sa kanya sa cellphone niya. Agad niyang sinagot yon.
” Hello darling? How are you? Kamusta kayo ng asawa mo? “boses yun ng mommy niya.
” Mom”nahihirapan niyang sabi.Di niya mapigilan ang pag-iyak niya.
“Wait, are you crying? Did your husband make you cry? What happened?” alalang tanong ng mommy niya.
“I hurt him, mom. I hurt the person I love. I hurt the man that always making me fell so special. I hurt the father of my child.” sabi niya na umiiyak pa rin.
“Hey honey, stop crying, stop it, it’s bad for the baby, gusto mo bang puntahan kita diyan? You’re dad and I will go there”
“No mom, I’ll go there” biglang nawalan ng imik ang mommy niya.
“Wait what??? Iiwan mo ang asawa mo? Did you have a fight. Fix it, honey. Wag ka Agad sumuko. Pag-usapan niyo.” payo sa kanya ng mommy niya.
“Mom napag-usapan na namin, it was the decision of the both of us. Mas mabuti hiwalay muna kami. It was only temporary. We just need to fix some matters.” paliwanag ni Clara sa mommy niya.
“Clara my daughter. Your going to be a mother. Be strong. Be strong for your family. If you think that’s the right thing to do then I’ll support you. I’m always here for you. Kami ng dad mo” ito ang dahilan kaya mahal na mahal niya ang mga magulang niya.
“Mom stop it your making me cry even more.” sabi niya at mahinag tumawa. Ang drama naman kasi ng mommy niya.
“I love you, Clara, you’ll always be my baby” sabi ng mommy niya. “Me too mom, I love you always.” sabi niya at pinatay ang tawag.
Umupo muna siya sa gilid ng kama nila ni Tyron. Nakita niya ang larawan nilang magkasama. Nakapatong ito sa lamesa roon.Masaya sila sa picture na yon.Kinuha niya iyon ay niyakap.
Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto nila.Bumaba siya nagbabakasakaling makikita niya si Thalia pero wala ito.
“Iha wala si Thalis tumawag kasi ang magulang niya may emergency daw, ang asawa mo ay naandun sa garden” sabi ni Manang Cely ng makasalubong niya ito.
Naabutan niya si Tyron na nasa hardin nga ng mansyon at pinagmamasdan ang mga halaman.
“Pwede mo ba akong ihatid kila mommy? Ok lang naman din kung ako na lang aalis mag-isa” humarap ito sa kanya. Lumapit ito at niyakap siya.
“I promise, aayusin ko to Clara, Ill fix this mess. Wife I really love you but I guess if you want this, even if I will be in pain I will let you.” nasasaktan silang dalawa. Ang sakit talaga.
“Hindi naman ako habambuhay mawawala, it just a matter of time. After this will be forever again. You’re only man I love.And I will be always your wife.” sabi niya kaya bumitaw na rin ito sa yakap.
Sa tingin niya ito muna ang pinakatamang gawin. Para maging ligtas ang lahat. Para maging maayos at matapos na ang lahat. Dahil kung magkasama sila ni Tyron. Mas lalo lang magiging komplekado ang lahat. Dahil sa kalaban ng asawa niya. Iniisip niya rin ang kaligtasan ng anak nila. Kung magdedesisyon siya para sa sarili niya ma’s pipiliin niyang manatili sa tabi ni Tyron pero magiging ina na rin siya at mas importante ang magiging anak nila.
A/N:Thank you po sa patuloy na pagbabasa❤️Hindi po masakit pramis😭kaya nila yarns😢😩😊






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top