Margarette Ways of Love


PROLOGUE

                         *MARGA POV*

“Hon, asan ka?”  tanong ko sa boyfriend ko. Magkausap kami sa phone ngayon. Nabobore kasi ako dito sa bahay kaya tinawagan ko siya.

“Dito sa bahay hon. Gumagawa ng project. Why?”  malambing na sagot nito. Kaya napangiti naman ako bago sumagot.

“Wala naman po. Sige hon, e-end call ko nalang. Tapusin mo muna ‘yang ginagawa mo.”  malambing ko ring sagot sa kanya.

“Okay hon. Bye.”

“Bye. I love—”

*toot toot tooot*

Napatingin naman ako sa phone ko nung pinatayan niya ako. Medyo nalungkot ako sa ginawa niya. Dati-rati, before siya mag-‘bye’ mag-a-I love you muna. Bakit ngayon, wala na? Pinatayan agad ako.

“Ano ka ba Margarette! Ayan ba ang epekto ng pagkabored? Napapraning ka na?”   kastigo ko sa sarili ko.

Naisipan kong pumunta nalang ng park. Kaysa dito sa bahay, magpakabored ng sobra.
Tumayo na ako sa kama at inayos ang higaan bago kinuha ang towel sa closet at pumuntang banyo.

*****

After 30 minutes, natapos din ako.

Tapos ng maligo, magbihis at maglagay ng baby powder saka lipgloss.

Tada! Simple as me.

Kinuha ko lang phone ko saka naglagay ng pera sa bulsa ng pants ko .Ginulo ko muna buhok ko bago tinalian. Nagiging messy tuloy. Hihihi.

Di ko na tinext si Jex na aalis ako. Tutal, busy naman siya. Di rin naman niya yun mababasa kaya okay lang. Saka di naman na yun nagagalit. Di tulad dati, kapag aalis ako na di nagpapaalam. Mas malala pa kay papa magalit.

Jex is my boyfriend. 1 year na kaming mag-on. Sobrang mahal namin ang isa’t isa. Siya yung matatawag mong ‘Knight in shining armour’ mo. Lagi niya ako pinagtatanggol kahit kanino.

“Nanay aalis muna ako ha?”  paalam ko kay nanay na nanonood ng tv.
Si nanay, di namin kamag-anak. Nanay lang tawag ko sa kanya dahil siya ang nag-aalaga sa’kin mula pa noong 7 years old ako. Nasa abroad kasi si mama eh.

“Sige anak, mag-iingat ka ha?”

“Opo nay. Babush!”  kiniss ko lang sa pisngi si nanay bago tuluyang lumabas ng bahay.

“Manong, pakihatid naman po ako sa park.”  nakangiti kong sabi kay manong ng mabungaran ko siya na chinicheck ang sasakyan. Lumingon naman siya sa’kin at ngumiti bago sumagot.

“Sige Marga. Dun ba sa pinakamalapit na park?”

“Opo.”  nakangiti kong sagot, kaya pinagbuksan na ako ni manong at sumakay naman ako kaagad.

After 30 minutes, andito na kami. Medyo matraffic kasi. Di na nakapagtataka kasi Pilipinas eh. Always traffic at magulo.

“Salamat manong.”

“Walang anuman iha. Hihintayin ba kita o papasundo ka nalang?”

“Papasundo po. Thanks ulit.”  saka ako bumaba at kumaway kay manong. Kumaway naman siya pabalik kaya ngumiti akong pumasok sa park.

‘Di ko alam kung bakit, pero biglang kumabog dibdib ko. Para bang may kakaibang mangyari, pero iwinaksi ko nalang ito. Ito siguro ang napapala ng mga taong nagkukulong palagi sa bahay, kapag lalabas, kinakabahan na.

Nakasabit sa leeg ang camera na dala ko. Mahilig kasi ako kumuha ng magagandang tanawin. I love nature. Kahit simpleng halaman lang yan, kinukunan ko ng picture.

Itinapat ko ang camera ko sa aking mukha at nakangiting kinunan ang isang pamilya na masayang nagkwekwentuhan, habang yung mga anak nila naghahabulan paikot-ikot sa mag-asawa.

Mapait akong ngumiti habang nakatitig sa picture nila. Nakakainggit. ‘Di na kasi namin nagagawa ‘yan. Ang magbonding. Ilang years na ang nakalipas.

Haist! Ano ba ‘to? Wag mo na nga isipin ‘yan Marga. Mag-eemote ka na naman. ‘Di bagay sa’yo.

Nagpatuloy ako sa paghakbang. May nakita akong mga bata na naglalaro ng Apple pen. Natatawa ko silang pinanood at nirecord ko ginawa nila. Ang saya nila. Kung may kapatid lang siguro ako, tiyak masaya ako ngayon.

Umalis na ako doon at pumasok pa. Then I saw a couple na sobrang sweet sa isa’t isa. Nakaakbay ‘yong boy sa girl at hinalikan niya ito sa leeg.

Eww! ‘Di ko inexpect yun.

Nagpalinga-linga ako, baka sakaling may ibang tao dito. Mapapahiya sila. I sighed nang wala akong makita. But wait! Parang kilala ko ‘yong girl.

Mas lumapit ako sa kinaroroonan nila, ‘yong tipong maririnig ko ang kanilang pinag-usapan. Nagtago ako sa isang malagong halaman. ‘Di ako mapapansin dito.

“Sweety naman. Hihihi. Stop it! Baka may makakita.”   Kunwari pag-aawat ng babae sa boyfriend niya pero ‘di naman umiiwas. Simpleng malandi ah? Hahaha!

Tama nga ako, kilala ko siya. Siya lang naman ang pinsan kong ‘di ko makakasundo. Maarte at malandi eh.

“Hindi ‘yan sweety. Tingnan mo, walang tao oh!”   Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I know this guy. I recognized his voice. I can’t believe it. My body is shaking.

“Hihihi. Buti nalang pumayag ka makipagkita sa’kin. Sobrang namiss na kita.”   Rinig kong sabi ng SMNB(Simpleng Malandi na Babae). Hindi ko na sila tiningnan, dahan-dahan akong umatras. Iyong tipong ‘di nila ako maririnig. Nanginginig ang kamay ko na dinukot ko ang aking phone sa bulsa.

Sinubukan...


ko siyang tawagan habang tinitingnan sila. Medyo malayo na ako pero tanaw ko pa rin sila.

“Hello hon. ‘Di pa ako tapos sa project ko eh. Mamaya nalang ha? Ba-bye.”  

Nanggigigil kong ibinulsa ang phone ko. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila habang nagmamadaling lumakad at bumalik sa pwesto ko kanina.

Dito sa pwesto ko nakaharap ang bench kaya kitang-kita ko talaga ginagawa nila. Ni-zoom ko ang camera ko at itinapat sa kanila.

Tingnan natin kung anong mukha pa ang maihaharap niyo. Mga taksil!

Galit kong sabi sa isip habang pinapanood sila.They’re kissing passionately, akala mo nasa isang movie. Ang ganda sana panoorin kung ibang tao lang sila, pero hindi eh. Boyfriend ko ‘yan! Nakipaghalikan sa pinsan ko. Ang sweet nilang panoorin at ang saya nila, habang ako dito nasasaktan at nagdurusa.

Kumikirot ang dibdib ko, parang tinutusok ng ilang libong karayom. Ang sakit!

Pagkatapos kong maisave ang video record. Kinunan ko na naman sila ng picture.

Lalo akong nanginig sa galit nang ipinasok ni Jex ang kamay niya sa loob ng blouse ni Bea. And I saw it with my own eyes that he squeezed it.

Napakababoy nila!

Ang lakas ng loob nilang gagawin ‘yan dito kasi minsan lang may pumupunta sa part na ito. Medyo may malalaking kahoy at malalagong halaman ang nakatanim, kaya natatakot ang mga bata na pumunta dito.

“Nagkamali kayo na ako ang tinraidor ninyo! Pagsisihan at pagbayaran niyo ito. ‘Di muna ako magpapakita. Pero sisiguraduhin kong luluhod kayo sa harapan ko at magmakaawa sa gagawin ko!” 

Nanggagalaiti ako sa galit at sakit sa aking nasaksihan. Bago pa ako tuluyang masiraan ng bait, nilisan ko na ang lugar na iyon habang tumutulo ang luha.

Magmula ngayon, isinusumpa ko na ang park na iyon. Lalo na ang dalawang taong nagtaksil sa’kin. Magbabayad sila!

Paglabas ko ng park, pumara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa mall. Ayaw ko ng umiyak. Hindi siya worth it. Tama na yun kanina. Magpapalamig lang ako. Kaya ko ‘to! Sanay akong mag-isa.

“Ma’am, nandito na po tayo.”   Napatingin ako sa taxi driver. Sa dami ng iniisip ko, ‘di ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng mall.

Inabutan ko na siya ng bayad at lumabas. ‘Di ko na hinintay ang sukli ko, alam kong mas kailangan yun ni manong.

Dumiretso ako sa loob at pumasok sa Jollibee. Gusto ko kumain. Kapag ganito ako, gusto kong kumain nang kumain. Sa pagkain ko binubuhos ang sakit ng nararamdaman ko.

Umorder ako ng large fries at sundae pati na rin rice, chicken and burger.

After ko makuha ang order ko, naghanap kaagad ako ng mauupuan at pumwesto sa tabi ng bintana. Nilantakan ko kaagad ang kanin at chicken, sinunod ko ang fries at sinawsaw sa sundae. Ito palagi ginagawa ko mula pa noong bata pa ako. Nakasanayan ko na, masarap kasi. Try niyo.

I burped after I ate. Sobrang busog ko. Pinalipas ko ang dalawang minuto bago tumayo at umalis.

Pero sarap sumigaw ng makita ko ang dalawa na magkaholding hands habang nasa escalator at nagtatawanan. Ang saya nila. Ang ganda nila panoorin. Kinuha ko kaagad ang camera ko at kinunan sila ng picture saka umalis.

Tinatamad akong umuwi kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas ng mall. Bahala na saan ako mapunta.

Nakakita ako ng bench at umupo.

Naalala ko na naman ang dalawang taksil. Di ko na mapigilan na umiyak. Sobrang sakit! Parang sasabog ang puso ko sa sakit.

Wala man lang akong kakampi, walang magcocomfort. Walang magulang na mapagsasabihan ng problema.

Nakatukod ang dalawang kamay ko sa bench habang umiiyak. Hilam na ng luha ang mukha ko.

Natigilan ako nang may kamay na may hawak na panyo ang bumungad sa harapan ko. Di ko ito kinuha pero nagsalita ako.

“Anong gagawin ko diyan? Nakakaalis ba ‘yan ng sakit na nararamdaman ko ngayon?”  masungit kong tanong sa kung sino man ang nasa harapan ko.

Alam ko, lalaki ito. Based on his hand. Malaki at panlalaki talaga.

“Hindi. Pero nagpapatuyo ito ng luha na sinayang mo sa mga walang kwentang tao.” Bahagya akong natigilan sa sinabi niya at pinahid ang luha gamit ang kanang kamay.

“No, thanks.”  walang-gana kong sagot dito.

Wala akong balak makipag-usap sa kanya. Wala akong gana makipag-usap lalo na sa mga strangers.

Inayos ko ang camera ko at tumayo. Saka ko iniwan ang lalaking ‘di ko kilala. Ni mukha niya ‘di ko alam at ‘di ako interesado sa kanya.

Napatingin ako sa langit at bumuntong-hininga.

“Kaya mo ito Marga. Makakaya mo ito. Nabubuhay ka nga noong ‘di mo pa siya nakikilala eh. Kaya mabubuhay ka rin na wala na siya. Hindi siya ang oxygen mo. Kaya fighting!”   bulong ko. Ngumiti ako ng mapait at pinipigilan ang luhang tumulo saka nagpatuloy sa paglakad.

Sana makayanan ko nga.

Pero humanda sila.

Dahil gaganti ako.

Be ready for my Sweet Revenge.

================================

Hello! How was it?

Vote and comment.

Enjoy reading!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top