THEY’RE INTO EACH OTHER Chapter 8


THEY’RE INTO EACH OTHER
Chapter 8
“Bes? …bes, ikaw ba yang umiiyak?” ng sandaling marinig ko boses ni bes kaagad kong inayos yung itsura ko at binuksan yung pintuan.
“Bes, tara” sabi ko and naglakad ako ngunit hinawakan niya mga braso ko.
“Bes, umiyak ka” saad niya and bakas sa kanya yung pagaalala.
“Hin-hindi haha napuwing lang ako” pagsisinungaling ko.
“Bes naman e, ano bang problema? saka kilala kita alam ko yang pag iyak mong yan” niy*kap ko siya ng mga oras na yun and hindi ko na mapigilan pang hindi tuluyang maiyak. sinabi ko lahat sa kanya and sinabi niya sakin na “wala naman akong kasalanan” besides, yung dad niya raw unang nakap*tay sa kuya ko.
FLASHBACK FROM 5 YEARS AGO
“Dad, mom mauna na ho kami ni kuya baka hindi na namin mabili yung dog ko” nagmadali naman akong lumabas pasakay ng kotse ni kuya and kumaway sa parents ko na nakangiti sa amin.
“Mag ingat kayo at kaagad umuwi kapag nabili nyo na” bilin ni mom and kumaway ako sa kanila.
“Isara mo na yan pusa” pagbibiro niya sakin habang ini-engine yung kotse.
“Grabe ka sakin talaga kuya!” tumawa na lamang ako at muling tumingin kina mom and dad while waving. “Bye mom and dad” muli kong sabi bago ko isara yung window ng kotse.
Kalahating oras na yung naibyahe namin and mga ilang oras nalang makakarating na kami sa kaibigan ni kuya na nagbebenta ng cute na dog and some animals.
“Cath, sure ka ba talagang aso gusto mo?” tumango ako
“Kuya huh! … baka iba na naman yan” natatawa kong sabi sa kanya dahil alam kong binubwiset niya ako.
“E, hindi ba yung pusa at aso mortal enemy?” pagbibiro niya and hindi na ako nakapagpigil biniro ko siyang iiwan siya ni ate clasrisse.
“Grabe ka sa biro mo personalan” natatawa niyang sabi and tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa hindi namin inaasahan nagkabungguan kami ng isa pang kotse.
Malakas ang pagsemplang nito dahilan upang bumaliktad kami. medyo may malay ako noong time na yun and pinipilit kong gisingin si kuya.
Iyak lang ako ng iyak habang sinusubukan ding makalabas dito. dug*an kaming dalawa ng mga oras na yun at hirap akong makakilos.
“Tu-long-ng” while crying “kuya-a gumising ka please-e” walang tigil ang pag agos ng aking mga luha...


ng oras na yun and someone take me out.
“Sorry-y … sorry” maluhang sabi ng isang lalaki na kaedad ni dad. nakiusap akong tulungan niya kuya ko kaso sinabi niyang wala na ito.
Hindi ako naniwala sa kanya and pinilit kong gisingin ang aking kapatid habang naririnig ko naman na tumatawag siyang pulis and ambulance.
“Pasensya ka na talaga iha” hingi siya ng hingi ng tawad habang ako tulala at nakatitig lamang sa kuya kong wala ng buhay.
Tuloy sa agos ang aking mga luha habang pilit naman akong naniniwala parin na buhay ang aking kapatid. ilit din nila akong dinadala sa ambulance habang ang aking kapatid tinatakpan na nila ng isang tela na para sa mga yum*o na.
“Kuyaaaaaaaaaaa-aaaaaaa!” sa pagsigaw kong yun habang umiiyak bigla na lamang akong nawalan ng malay.
“Kawawa yung kapatid niya ke bata pa nila para sapitin itong trahedya” rinig kong pagbubulungan ng mga nurses habang bahagya kong iminumulat ang aking mga mata.
“Ku-kuya” muli akong naiyak ng mga oras na yun and ilang sandali pa ng marinig kong parating sina mom and dad dito.
Galit na galit ang aking dad sa nalaman niyang ito and gusto niyang makita yung nakabunggo sa amin.
“Sinabi ko kaseng mag iingat kayo e” naiiyak na sabi ni mom habang y*kap ako.
“Si kuya mom wala-a na” yumak*p din ako sa kanya and hindi makapaniwala sa nangyari. ang saya pa namin e.
END OF FLASHBACK
“Bes, wala kang kasalanan yan ang lagi mong iisipin. kung ano man nangyari sa dad niya wala kang kinalaman kase wala ka roon sa pinangyarian and gumanti lang dad mo sa way na alam niya. but, it doesn’t mean na tino-tolerate ko yun” inunasan niya mga luha ko and sinabing kumalma ako bago pumasok sa room.
“Saan kayo galing and ang tagal yata ng break niyo?” nagtatar*y na bungad sa amin ni ma’am
“Ahm, madam masakit kase yung tiyan ko kaya natagalan sa cr and hindi naman ako mahindian nitong bes ko kase sinabi kong samahan niya muna ako” pagsisinungaling ni joanah.
“Weh” sabi ng mga boys habang nagtatawanan pa. napatingin naman ako kay danfort at nangungusap ang mga mata nito.
Agad naman akong umupo sa aking upuan habang nakayuko at hindi nagsasalita kahit anong tanong sakin ng ilan, basta tango lang at iling ang aking ginagawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top