– Lorraine –
Tahimik akong naghahalo ng niluluto ko at lutang parin ang isip ng merong humalik sa pisngi ko na naging dahilan para magulat ako kaya naman napaharap ako sa kanya.
” Sorry mahal k0. Nasurprise kaba? Hahaha” hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang makita ko si Alex. Gusto ko maging masaya sa pagdating nya pero nasa isip ko parin si Mark. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba syang tingnan sa mata gayong may kasalanan ako sa kanya. Sa lahat ng mga ginawa ko ang nagawa namin ni Mark ang hindi ko pwedeng aminin sa kanya.
” O-o0 n-nabigla ako. Hindi mo naman kase sinabi sakin na ngayon kana babalik hindi tuloy ako prepared.” Tumalikod ako sa kanya at dun lang ako nakapagsalita.
” Mamaya na yang niluluto mo. Ako muna ang unahin mo .Mis na mis na kita e! Di mo ba ako na miss? ” Napaso ako kaya napa aray ako. Pero mas masakit at nakakapaso yung tanong nya
Kinuha nya yung kamay ko at inihipan nya.
” Itigil mo na yan. Ako na ang bahala kung ayaw mong masunog yan. ”
“P-pero pagod kapa sa byahe kaya ako na. Hindi naman masyadong mahapdi e. ”
” Ayos lang ako. Magpahinga ka muna mukhang masyado mong tinuon ang atensyon mo sa mga gawaing bahay nung umalis ako. Namumutla ka tuloy ngayon. ”
Napansin ko si Lara na nakatingin samin at parang nagulat din sya pagharap ko sa kanya.
” K-kanina kapa ba dyan?” Tanong ko ng mapansin kong tahimik lang sya ngayon. Nginitian nya lang ako pero nahahalata ko sa kanya ang lungkot sa mga mata nya. Siguro pagod lang ito.
” Lara kumain kana ba? Kain ka muna mukhang pagod na pagod ka sa byahe ”
” Oo nga Lar, tara kain muna tayo! ”
” Hindi! Sige lang! Lalabas lang ako kapag nagutom nako. Magpapahinga muna ako. ”
” Are you sure? Kanina pa tayo walang kain ah..”
” Y-yes! Una na muna ako. Enjoy muna kayo dyan”
Minsan ko lang makitang malungkot si Lara at alam ko malalim ang dahilan nito. Gusto ko man syang kausapin dahil baka makatulong ako nag-aalala naman ako na baka hindi sya magsabi ng totoo sakin.
” Kwentohan mo naman ako ng mga ginagawa mo habang wala ako ”
” H-Ha? A-ano namang ikukwento ko sayo? Wala namang bago sa mga ginagawa ko ganon parin. Maboboring kalang sa kwento ko” .
” Tatlong linggo akong nawala wala ka manlang bagong ginawa? Sakin andaming nangyare. Ang dami naming pasyente don at nag eenjoy akong makasama sila dahil naaalala kita. Nasa malayo nga ako pero yung isip ko naman sayo. Naiinis nga lang ako dahil pawala-wala ang signal. Gusto ko sanang ireport sayo lahat para naman alam mo lahat diba? ”
Bumibilis ang kabog ng dibdib ko sa twing tinatanong ni Alex kung ano ang mga ginawa ko. Pakiramdam ko mapapa amin nya ako.
” Maliligo na nga ako baka napapangitan kana sakin ngayon kaya hindi mo manlang ako matingnan ” dismayado sya sa pinapakita ko sa kanya ngayon. Bakit ba kasi nahihirapan akong makipag-usap sa kanya ng maayos ngayon? Ayaw ko naman talagang maramdaman nya ito.
” Hindi! Hindi ka panget wag kang mag-isip ng ganyan.. M-masama lang pakiramdam ko ngayon Alex kaya wala ako sa mood ”
” Tumingin ka nga sa mata ko ” malambing nyang sabi saka lumapit sya sakin at pinulupot nya ang braso nya sa bewang ko . Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa nerbyos. Hinawakan nya rin ako sa magkabilang pisngi saka hinalikan . Nanlaki ang mga mata ko at natulak ko sya bigla.
” S-sorry ” mabilis na sabi ni Alex nang hindi ko nagustuhan ang ginawa nya. Tumalikod sya at balak ng umalis ng habulin ko ulit sya. Si Mark kasi ang naisip ko ng halikan nya ako kaya natulak ko sya ng hindi sinasadya.
” Alex sandali. I’m sorry.. pasensya na talaga. ” Niyakap ko si Alex dahil ayaw kong sumama ang loob nya sakin. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ko to nararamdaman. Ayokong maging cold sa kanya kaya sana wag nya ulit akong sukuan sa kung ano man ulit ang nangyayare sakin ngayon.
Niyakap nya rin ako. Ang malinaw lang sakin ngayon, kahit nasaktan ko si Alex natatakot akong mawala sya sakin. Ayokong iwan nya ako dahil sya ang kailangan ko.
” It’s okay. Aalis lang ako saglit pero babalik agad ako ”
” Babalik ka ha? Sorry na talaga” tumango-tango sya sakin. Alam ko masama parin ang loob nya sakin kaya aalis sya para magpalamig.
Lorraine! Kababalik palang nung tao binigyan mo agad ng sama ng loob! Galit na sambit ko sa sarili.
Lumabas si Lara sa kwarto nya at napansin kong kagagaling nya lang sa pag iyak kaya nilapitan ko sya.
” Lara! ” Kahit nakatalikod na sya sakin alam kong pinunasan nya ang luha nya gamit ang kamay nya. Ayaw nyang malaman ko na umiiyak sya.
” Oh Lorraine? U-umalis na si Alex? ” Kahit na anong tago nya sakin halatang-halata ko parin lalo na sa boses nya.
” Alam mo kahit di mo sabihin sakin alam ko hindi ka okay. Pwede mo namang sabihin sakin ang problema mo kahit ano pa yan handa ako makinig at baka makatulong narin. ”
” Pano mo naman nasabing hindi ako okay? Masyado lang talaga akong madrama minsan. Nahahawa na siguro ako sa mga pasyente ko nagiging baliw narin ako kakausap sa kanila haha” tumawa nga sya fake naman. Ginagawa ko narin ang ganyang pagtawa nuon para ipakita sa kanila na kaya ko pa.
” Alam ko kung ano man ang problema mo kayang-kaya mo yan lampasan dahil alam mo ang dapat mong gawin para maka iwas sa depression. Pero sana wag mong kakalimutan, nandito lang ako para sayo. Marami kaming nagmamahal sayo Lara. ”
“Mali ka Lorraine, H-hindi porket ito yung trabaho ko kaya ko nang i handle yung sarili kong problema. Kami yung mga taong, magaling mag advice sa iba, pero pag samin na nangyare wala na . Nakakabobo pag ikaw yung nasa sitwasyon. May mga problema lang talaga na, minsan kailangan natin ang ibang tao pero pag problemang puso para sakin, sarili mo lang makaka solve . ” Nabigla naman ako sa sinabi ni Lara . Problemang puso? Anong ibig nyang sabihin? Ang...