WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 58


KATRINA’s POV:
TULUYAN ng naging cold si David sa akin.
Hindi niya na ako kinakausap at tinatabihan sa pagtulog.
Simula nang ipagtapat ko sa kanya na pinatay ko si Michael, halos hindi niya na ako kibuin.
Everytime na inaaya ko siyang kumain lagi na lang siya may lakad at walang gana.
Kaya nagtataka na ako sa kinikilos ng asawa ko.
This past few days, he’s always busy.
Siguro, oras na para humingi ako ng tulong ulit kay Deo.
I smell something fishy about Sandra.
Sa palagay ko, may tinatago siya na kailangan ko malaman.
So here, patungo ako sa condo na tinutuluyan ni Deo. Sabi niya sa akin, ano mang oras pwede ko siyang lapitan.
Hindi naman ako inabutan ng isang oras dahil walang traffic sa araw na ‘to.
Pagkarating ko do’n, bukas ang pinto.
And I guess, nasa banyo siya at naliligo.
Kaya umupo ako sa kama at hinintay na lumabas ang binata.
I don’t like Deo. I’m just using him to win back David. Well, magkamukha sila, but I will never love him.
“Ohh? What are you doing here? Mukhang may problema ka yata ha?”, bigkas nito na talagang kilala niya ang pagkatao.
Kung sabagay, lumalapit lang ako sa kanya kapag may kailangan ako.
“David na naman?”, panghuhula niya.
“Obvious ba?”, mataray na tugon ko.
Si David lang naman ang rason kung bakit ko siya kinakausap.
“Kasal na kayo, diba? So hindi ka pa rin niya mahal?”, pang-iinsultong tawa ang ginawa nito na talagang natamaan ako.
“Si Sandra kasi.”, pag-uusal ko na may galit sa babaeng ‘yon.
Tatlong araw na ang nakalipas, pero si David, panay kompanya ang inaatupag.
At alam kong hindi lang kompanya ang pakay nito.
“Sandra? At sino naman ang babae ‘yan?”, tanong niya na animoy hindi kilala yung tao.
“You don’t know her? Siya lang naman ang boyfriend ni Mr. Derick na top 1 ang company nila sa Pilipinas. And top 5 in Asia.”, wika ko para ipaalam ang background ng dalaga.
But he just laugh. Halos hawakan nito ang tiyan para pigilan ang tawa.
“Walang nakakatawa, kaya pwede ba, tumigil ka na.”, inis kong turan.
“Bakit parang kabado ka? Ano bang kinatatakutan mo sa babaeng ‘yon, bukod sa mas mayaman siya sayo?”, tanong ni Deo.
“Feeling ko kasi siya si Kate. I mean, wala akong ebidensya laban sa kanya. Pero malakas ang kutob ko eh.”, saad ko muli.
“So...


what do you want?”, seryosong sambit niya.
“I want her to rest forever. Masyado siyang asungot sa buhay namin ni David. Patay na nga si Kate, siya naman ang pumalit.”, diretsang tugon ko na hindi man lang nabulol.
“Ayon lang pala, basic!”, saad niya at hinaplos ang braso ko.
“Kapag nagawa ko ba ‘yon, ano bang premyo ang ibibigay mo?”, he continue.
“Ako ng bahala sa premyo. May isang salita ako. If you want my body, then go on. Ibibigay ko ulit ‘to sayo. Kaya ayusin mo ang trabaho mo.”, pahayag ko sa binata.
“Hindi ko yata gusto ang pagtrato mo sa akin, Katrina. Ikaw na ang nag-utos, masyado ka pang bossing. Baka hindi mo alam, may alas ako na hindi niyo alam. Napapaikot ko ang lahat, at kasama ka na do’n sa napaikot ko.”, litanya ng lalaki.
Nagkaroon tuloy ng pagtatanong ang isipan ko dahil sa mga ngising nakita ko sa labi.
“And happy to say, I enjoy every single day, sa tuwing nakikipaglaro ako sayo, sa asawa mo at–“,
“At kanino?”, agad na bigkas ko.
“Chill. Hindi ko muna sasabihin. Mas maganda kapag ako lang ang nakakaalam.”, turan niya at tumawa pa talaga.
“Can you please be honest to me. Ano bang alam mo na hindi namin alam ha?”, tanong ko muli.
“Hindi tayo close, Katrina para magsabi ng totoo sayo. Kasi parausan lang kita.”, tugon nito na ikina-init ng ulo ko.
“How dare you!”,
“Same to you. Kaya huwag mo akong tataasan ng boses dyan. Kung ayaw mong sabihin ko kay David na ikaw ang nagset-up sa kanya. Ikaw lahat, Katrina. Gumawa ka ng kwento para magalit si Kate sa kapatid ko. Ako pa ang ginamit mo para maging kapani-paniwala ang lahat. Hindi ka pa nakontento at pinatay mo ang batang si Michael.”, wika niya para ipaalala sa akin ang mga kasalanan na ginawa ko.
“Hindi lang ako ang pumatay kay Michael. Ang mama mo ang nag-utos sa akin para patayin ang bata.”, I said as I defended myself.
“Kahit na. Ikaw pa rin ang punot-dulo ng lahat.”, turan nito.
“Mahal ko lang si David kaya ko nagawa ‘yon. Hindi mo alam kung ilang taon ang ginugol ko sa abroad para lang matanggap ng mama mo. I love him to the point that I can kill! Handa akong patayin ang lahat, basta maging akin siya. Akin si David!”
END OF CHAPTER 58
©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top