Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER NINE.


“Ano Cuz,Ayos ka lang ba dito?”
“Oo nga,Okay lang ako”
“Oh sige bakit naman kasi nangyari sayo yan eh di ka tuloy makakasama samin ni tita sa mall.Anong gusto mong pasalubong?”
“Chocolate cake nalang”
“Okay yun lang?”Tumango siya at ngumiti sa pinsan.
May kumatok at pumasok ang tita zandra nila.Tumingin ito kay faith.
“Are you ready faith?”
“Yup tita”
Sa kanya naman lumingon ang tiya.”You mixxel,okay ka lang ba dito”
“Yes tita.Sige umalis na kayo para maaga kayong makauwi”
“Okay.Tumawag ka nalang ng mga maid kong may kailangan o kaya kong nagugutom ka.Nasabihan ko na naman din sila”
“Okay tita.Thank you”
“Your always welcome”
Lumabas na ang dalawa.Siya naman ay inabala ang sarili kakacellphone.Nagfacebook siya.Ang daming nag message sa kanyang mula sa California.Mga naging classmate niya sa college doon at ang iba ay ang mga lalaking may gusto sa kanya.May natanggap ding siyang mensahe mula dating nobyong si Xander,Isang filipino rin si xander.Naging magkasintahan sila noon first years college at nagtagal ang relasyon nila ng anim buwan.Naging masaya ang naging relasyon nilang dalawa.Minahal niya ng husto si xander pero noong fifth monthsary nila ay nalaman niyang niloloko lang pala siya nito dahil may iba pa pala itong girlfriend paliban sa kanya.Ang hay*p tino-time siya.Grabe ang sakit na naramdaman niya noon,Ito pa man din ang first boyfriend niya pero niloko lang siya.Kaya nga mula noon ay naging ilag na siya sa mga lalaki lalo na sa mga lalaking nagpaparamdam na gusto siyang ligawan.At pinangako sa sarili na kong mag-mamahal siyang muli ay doon sa sigurado siya lang ang babae sa buhay nito,yong hindi siya ito-to-time.At yong mamahalin siya ng husto.
Hindi niya binasa ang mensahe nito at pinatay nalang ang cellphone.Bumaling siya sa kama at tumagilid paharap sa pinto.Tamang-tama at may kumatok.
“Pasok,Bukas yan”
Bumukas ang pinto at bumungad si pablo na may dalang tray ng pagkain.Napabalikwas siya ng bangon.
“Anong ginagawa mo dito?At bakit ikaw ang may dala niyan?”
“Busy si aling Rosa pati ang ibang katulong dahil ngayong araw na kasi aanihin ang ibang pananim”Walang ngiti nitong sabi pagkatapos ay naglakad ito papalapit sa kanya at nilagay ang tray ng pagkain sa side table.
“Okay lang naman na siguro sayo ang Sinigang na baboy at Adobong sitaw na niluto ko diba?pero kong ayaw mo at may gusto kang iba ay sabihin mo at lulutuin ko”
Ano daw?Nilutuan siya nito?
Saglit siyang Napatulala sa sinabi nito at hindi nakapagsalita.Natauhan lang siyang ng magsalita ulit ito.
“Ayaw mo ba nito?Ano bang gusto mo?At maluto ko na”
“H-hindi na.Okay na ito”Aniya ng hindi nakatingin dito.
“Sige.alis na ako”Naglakad na ito palabas at naiwan siyang sinusundan ng tingin ang lalaki hanggang maisarado ang pinto.
Matagal ng nakaalis si pablo ay hindi niya parin maalis ang tingin sa pintong nilabasan nito.
Totoong mabait ba talaga ang lalaki gaya ng sinabi ng pinsan niya?.Nagkamali lang ba siya ng akala dito na bast*s ito ?At baka siya nga lang talaga ang nag-iisip nito dahil hindi niya matanggap na isang katulad lang nito ang Nagtangkang patulan ang kamalditahan niya,Na kahit kaylan ay walang sinuman ang nakagawa sempre maliban sa ex niyang si xander..
Napabuntung-hininga siya at binaling ang tingin sa pagkaing dala nito.Inaangat niya ang takip at umalingasaw ang mabangong aroma ng pagkaing naroon.Tinikman niya ang dalang pagkain nito.
‘Hmmm,Sarap.akalain mo marunong pala magluto ang ungg*y na iyon’
Hindi niya alam kong bakit bigla siyang Napangiti habang kumakain.Yong totoong ngiti.Hindi niya talaga akalaing ipagluluto siya ni pablo ng simple ngunit masarap na pagkain.Kahit na sa dami ng pasaring niya dito mula ng dumating siya sa hacienda.Time na ba para makipagbati siya rito?At humingi ng pasensiya.Napapagod na rin kasing siyang makipag-asaran Sa lalaki dahil gantihan lang lagi ang nangyayari.
Abot tenga ang ngiti niya ng oras nayon ng bigla bumukas ang pinto.Si Pablo uli.May dala itong pitchel at baso.
Nakatingin ito sa kanya at tila gulat pa ang expresyon gaya niya.Nagtataka siguro ito kong bakit siya na kangiti kaya dahan-dahan niyang inalis ang ngiti na nakapaskil sa labi at kinagat ang ibabang bahagi nito bago tumingin sa pagkain para maiwasan ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
“Ehem,Ano Tubig nakalimutan kong dalhin”Anito sabay lapit sa kanya at nilagay side table ang dala.
“Okay”Aniya naman na hindi inaangat ang tingin dito.
“Labas na ulit ako kukunin ko nalang mamaya yung pinagkainan mo”Paalam nito sa kanya.
Naglakad muli ito...


papalabas ng kwarto ngunit bago pa nito maisara ng tuluyan ang pinto ay tinawag niya ang pangalan nito.Siguro ay ito na ang oras.
“Pablo”
“UHMMM….T-Thank you” Senserong wika ni Mixxel habang nakatingin sa mga mata niya.
Nakakapagtaka pero isang milagro ito sa palagay niya.Nagpasalamat ang babae at sensero pa.
“Hmmm You’re welcome?”aniya.
“A-at pwede bang pumasok ka muna at isara mo iyong pinto”
“Huh? Bakit?”
“Wag kang mag-isip ng kung ano,may sasabihin lang ako”Sabi nito sabay irap.
Kahit na nagtataka ay sinunod niya ang sinabi nito.Pumasok siya ulit at sinara ang pinto bago lumapit sa dalaga.
“Ano ba iyon?”
Napalabi muna ito bago nagsalita.”G-gusto ko lang m-mag-t-thank you–sa ano..”
“I said You’re welcome.Wala iyon”Putol niya dito.
Tinangnan siya nito ng masama.”Pwede bang patapusin mo muna ako?.Nakakainis ka alam mo iyon?Tinatry ko na nga maging nice sayo eh”
Napalunok siya bigla.”Sorry”
“Tch,So yon nga I just want to say thank you sa pagtulong mo kahapon sakin nang matapilok ako….at sa pagluto nitong pagkain…and gusto ko ring humingi ng sorry sa lahat kasungitang nagawa ko sayo.Ayoko na nang away.Kaya pwedeng peace na tayo”Sabi nito.
Hindi siya nakapagsalita agad dahil nagproproseso pa sa utak niya ang sinabi nito.Totoo bang ang masungit na babae ay nag-sosorry sa kanya at nakikipagbati pa?.Anong nangyari dito at biglang bumait?.Kahapon lang ay galit na galit ito dahil sa pagpuna niya sa hindi sensirong pagpapasalamat pero ngayon ay…..Hindi kaya epekto ito nang pagkakatapilok nito.?
“Hoy speechless ka diyan.Ano na?wala ng away ha”
Pero Kung ano man iyon ay wala na siyang paki-alam.Ang mahalaga ay hindi na siya susungitan ng dalagang kaharap.
Ngumiti siya rito at tumango.”Sure.Sorry din sa lahat ng nasabi ko noon sa cellphone.Peace na tayo.Walang ng away.Promise mo yan”
Bumaling ito ng tingin sa ibang direksyon.”P-promise.Sige na pwede kanang labas,Itutuloy ko na ang pagkain ko”
“Sige ubusin mo ha”Aniya sabay labas.
“Mukhang masayang masaya ka pablo ah,Anong meron”Puna ni aling rosa sa kanya pagkatungo niya sa kusina.
“May Magandang balita po aling rosa”
“Ha?Ano iyon?”
“May angel pong sumapi sa isang dem*nyo”Natatawa niyang sabi.
Kumunot ang noo ng matanda sa kanya at mukhang naguluhan sa sinabi niya kaya lalo siyang natawa.
“Yung masungit na pamangkin po ni tita zandra.Bigla pong bumait.Akalain niyo pong nagthank you siya sakin na hindi labas sa ilong at ito pa po humingi siya nang sorry sa mga kasungitang ginawa niya raw sakin”
Natawa ito.”Talaga ba,mabuti naman para maiba.Eh mula nang damating iyon dito ay Mainit na ang ulo niya sayo eh”
“Oo nga po.Walang araw na hindi niya ako minamalditahan”
“Namamaga parin ba ang paa?”
“Medyo pa po pero siguradong bukas ay mawawala na naman rin iyon”
“Mukhang may mabuting naidulot naman pala ang pagkakapatid niya.Ano?”
“Mukha nga po”Aniya at sabay na natawa.
“KAMUSTA na ang mga paa mo,Mix?”Tanong ng kanyang tiya zandra.
“Okay na naman tita,Kumikirot pero di naman gaanong masakit.Kayo,kamusta ang pagmamall niyo?”
“Ito sumakit ang mga paa ko dito sa pinsan mo.Masyadong mapili at maarte sa mga damit na bibilhin”
Natawa si faith.”Ofcourse tita,kailangan yon.Gusto ko lahat ng binibili ko ay yong mga hindi mabilis masira.Sayang naman ang pera kong bibili lang ako ng madaling masira diba?”
“Kunsabagay.Siya nga pala Mix,Nasabi ni aling rosa na si Pablo ang nagluto at nagdala ng pagkain mo kanina dito.Nag-away kayo no?”
“Totoo tita?.Ipinagluto ka ni pablo cuz?your so lucky naman”Si faith.
“Yeah,nagulat nga ako kanina eh. Tsaka di kami nag-away”
“Talaga?hindi mo siya tinarayan?,sinungitan?”
“I said no.”
“Okay,eh nagpasalamat ka naman ba sa pagluluto niya sayo?”
Tumango siya sa tiya ngunit mukhang hindi ito na niwala dahil nakakunot ang noo nito.napailing siya.Mahirap bang paniwalaan na nagpasalamat siya sa lalaki.
“Oo nga tita,maniwala ka.Nagpasalamat ako at sincere yon and nagsorry na rin ako sa mga nagawa kong mali sa kanya.Maybe tama kayo ni faith he’s kind.At may mali ako dahil kong hindi kasi ako naging rude sa kanya baka hindi din siya naging ganun din sakin.”
Nagkatinginan ang kanyang tiya at si faith.Nagtaka siguro kong bakit nag-iba ang ihip ng hangin.Noong mga nakaraang araw ay hindi siya nagpapatalo at tumatanggap ng kamaliaan ngunit ngayon naman ay talagang inaamin niya na.
“You know cuz,May naging mabuting cause naman pala ang nanagyari sa iyo?Diba tita”
Tumango ang kanyang tiya.”Your Right faith”
“At ano naman iyon?”Tanong niya.
Nagkatinginan ang tiya niya at pinsan tsaka nagngitian ang mga ito sabay sabi sa kanyang…”NAGING MABAIT KA!” Sabay tawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top