My BestFriends Husband Chapter 9


#Mystery_Triller_Romantic_Revenge
🧒Andrew POV
Bigo nanaman ako sa paghahanap kay Megan. Bakit hindi ko sya nakita doon? Bakit?
Nakita ko si Vincent na nag aabang sa pag dating ko. Mukhang pinapasundo nila ako sa lalaking ito.
Hindi ako babalik hanggat diko nahahanap si Megan.
Kailangan kong takasan sya, kailangan di nya ako makita.
Lagot nakita ako ng isang body guard ni Lola. . Alam na alam kasi nila na hindi ako sasama kay Vincent kaya nagpasama pa sila ng makakasama ni Vincent mapauwi lang ako sa mansyon.
Kita kong pasakay ng Taxi si Stephanie kaya no Choice na ako kundi ang makisabay sa taxi nya.
“Umosog ka nga.” Sabi ko ng pasakay na rin sa taxi nya.
Kaya napilitan syang umosog sa pagkakaupo at nakasakay na din ako.
” Anong ginagawa mo? Bakit ka sumakay. Bumaba ka nga! ” Sigaw na sabi nya.
Nakatingin lang saamin ang Driver
“Asawa ko po sya manong” ayaw kasing nyang paandaren yung taxi nya.
Pagkasabi ko na asawa ko ang babaing ito saka sya umander at umalis
” Ano ba pinagsasabi mo jan? Hindi po yun totoo mamang Driver. Hindi ko ho sya kilala. Ni hindi ko nga ho kilala ang lalaking ito. Maniwala ho kayo manong ” pagpapaliwanag ni Stephanie sa driver
Nainis talaga si Tiffany ng mapansing walang paki alam ang driver sa pinagsasabi nya. Kaya naupo nalang sya ng maayos.
At nagbuntong hininga.
**********
🧑🏼Vincent POV
Kanina pa ako pero hindi ko parin nakikita si Andrew. Pinapasundo na kasi nila si Andrew ilang araw na syang hindi bumabalik sa mansyon. Hinahanap parin kasi nya si Megan.
Lumapit saakin ung isang body Guard na kasama ko sa pag sundo kay Andrew
“Sir. Vincent . . Nakita ko ang malita nya. Naiwan nya sa pagsakay ng taxi mukhang nagmamadali dahil nakita kayo. At may kasama din syang babae” sabi saakin ng body Guard na nakakita kay Andrew
“May kasamang babae? Sigurado kang si Andrew ang sumakay sa Taxi?”
” sigurado po akong si sir. andrew ang nakita ko sumakay ng Taxi. Kasama ang isang babai”
“Natakasan nanaman nya tayo. Magmadali tayo.. kailangan naten syang mahanap hindi sya dapat makalayo.”
Sumakay na ako sa kutse ko at iniisip kong sino nga ba ang babaing kasama ni Andrew. . Nahanap na kaya nya si Megan?
**********
🥀Step POV
(Mabait na Stephanie)
“Ano ba ang nalagay sa utak mo bakit mo sinabi kay manong na asawa mo ako?” Nagtitimpi ako sa galit.
“Baka nakakalimutan mo sabi mo asawa mo ako ? I know you remember it? ” Nang iinis na sabi ng tukmol na lalaking ito.
Oo naalala ko yun. Pero nasabi ko lang naman yun dahil para tigilan na ako ng Tarantad*ng ex ko na iyon.
“Idi patas na tayo, saan ka baba?” Inis kung sabi.
“kung saan ka baba? Doon di ako”
” at bakit naman?”
“because im your husband. Diba!” Nang iinis na sabi ni ng tukmol na to nagtitimpi lang ako sa galit kaya lang pikon na talaga ako.
” Hindi kita asawa.!” (pasigaw ko. . Ang bait bait ko pinipikon ako ng tukmol na ito. )
“Misis patawarin nyo na ang asawa nyo. Kung may magkakamali man sya ay dapat mo syang patawarin at kailangan ang mag asawa nagmamahalan hindi nag aaway. Ikaw naman Mr. wag mong aawayin ang asawa mo.” Nakisaw saw narin yung mamang driver kanina pa kasi nya kami rinig na nag aaway.
“Hindi ko po talga sya asawa Manong. Maniwala ho kayo. Nagsisinungaling ho sya” pagpapakiwanag ko kay manong Driver
“Sino ba saatin ang nagsimulang magsinongaling? Ikaw o ako? ” Sabi pa ng tukmol na to.
Natauhan naman ako sa sinabi nya. Oo nga ako yung unang nagsinungaling at sinabi na asawa ko sya dahil para tigilan ako ng ex ko. Pero may dahilan ako. Pero sya walang dahilan para sabihin yun nakikisakay lang naman sya sa taxi ko ah.
“napagdaanan din namin yan ng asawa ko. Kaya wag kanang magalit pa sa asawa mo. Misis” sabat ulit ni manong Driver.
Kita ko ang pagtawa ng tukmol na ito. . Anong tinatawa tawa nya. Walang nakakatawa sa pinag sasabi nya kay manong. Ayan tuloy naniwala si Manong.
Nanahimik nalang ako. Hindi nagtagal ay dumating na kami sa tinitirahan ko.
Sinusundan parin ako ng tukmol na ito.
Nainis ako at hinarap sya.
“Hoy! Bakit mo ako sinusundan. Bakit dka pa umoowi?” Inis kong sabi
“Hindi Hoy ang pangalan ko. Andrew ang pangalan ko. At wag mo akong pagtabuyan. Wala akong uuwian. nasaan ang bahay natin??” Pang aasar nanaman ni Andrew saakin.
“ang kapal ng mukha nito. Anong bahay natin?? Hoyy Nagjojoke lang naman ako ng sabihin ko na kinasal tayo. Bakit mo tinutoo? Pran*ng kaba?”
“wala nga akong mapupuntahan. . Kaya ako sumama sayo bingi kaba? .”-Andrew
“Sinong niluko mo? sa pananamit mong yan wala kang matitirahan sinong niluko mo. Hoy alam kung mayaman ka. Ser* ulong tu. Umowi ka sa inyo”
Naglakad ulit na ako. Kailangan pa kasing lakarin ang tinitirahan ko eh.
Napansin kong nakasunod parin saakin si Andrew
“Ano ba sinabing umalis kana. Wag mo akong susundan.”
“wala nga talaga akong Mapupuntahan. Kaya tulongan...


mo ako.”
“wala akong paki alam kung wala kang matitirahan. Umowi ka sa planita mo. ”
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang biglang natamaan ako ng bola. May mga naglalaro kasing mga batang tambay sa dinaraanan namin.
Kaya ayon sapol ang ulo ko. At nawalan ako ng mal*y.
🧒Andrew POV
Kahit anong pamimilit ko sa babaing ito ayaw parin nya akong tulongan kaya buti nga sayo. Nakarma ka agad natamaan kasi ng bola sa ulo si Stepahanie kaya ayon hinimat*y.
Kaya tinulongan ko nalang sya. Kawawa eh.
” nasaktan kaba? “Tanong ko ng makita kong nagkamalay na sya.
“Okey na ako. ”
Kita ko sa mukha nya ang pag iiba ng aura nya. Ang mga mata nya kakaiba ngayon kumpara kanina. Ang tuno ng pananalita nya nag iba na rin.
Bigla akong kinabahan sa inasaal nya ngayon. Kasi malalagkit ang mga tingin nya saakin at nakakatakot din ang mga ngiti nya saakin.
“teka bakit ka nakatingin at nakangiti jan na parang may binabal*k na masama?”
“Hindi ba pweding panggamot para sa hiya. Nakakahiya kaya ung nangyari kanina. Ano nga pala yung pinag uusapan naten? Kanina? ”
Bakit hindi na nya maalala ang pinag usapan manin?
“Ang sabi ko wala akong mapupuntahan . Pero kung ayaw mo akong tumira mona sa bahay mo sigi aalis na ako”
Aalis na sana ako ng bigla nya akong pinigilan.
“Aalis kana agad akala ku ba wala kang mateterahan? welcome ka naman sa bahay ko eh? Mag isa lang naman ako doon. Nakakalungkot ang mag isa. ”
Nakakapagtaka kanina ayaw nya ngayon. Namimilit na? Kakaiba din ang babaing ito ah.!
“Halika na wag kang mahiya. Magkibigan naman tayo diba. Ang magkakaibigan nagtutulongan diba!”
Sinundan ko na sya at kita ko na pumasok sya sa isang maliit na bahay kaya pumasok na rin ako.
“Pasinsya kana sa bahay. Maliit lang kasi. Dito kasi ako nagtatago sa mga taong gusto akong mawala.”
“Bakit may kaaway kaba?” Tanong ko.
“Oo Ang pamilya mo? ” Seryuso nyang sabi na may poot at galit sa tuno ng pagkakasabi nya. Kaya kinabahan ako sa sinabi nya.
Pero bigla syang tumawa.
“Joke lang! Naniwala ka naman ” natatawa sya na parang Bal*w. Pero mukha talaga syang bal*w
“Wag monang isipin pa ung sinabi ko kanina. Mag feel at home ka sa bahay na ito. May kaliitan nga lang pero malinis naman kaya magiging comportable ka dito.” Dagdag pa nyang sabi na para bang feeling nya close kaming dalawa.
Iginala ko ang paningin ko sa kabouan ng bahay nya at lumapit ako sa isang picture frame na nakasabit sa dingding nya.
Nagulat ako ng makitang magkasama sa picture si Megan at ang babaing ito. Kung ganon kilala nya si Megan?
“Kilala mo si Megan?” Napatanong na ako sa kanya.
“Sempre sya ang nag iisa kong Bestfriend. ” mataray nyang sabi
“sya ang hinahanap ko sa singapore nalaman ko kasi na nandoon sya. Kaibigan mo pala sya. Bakit dimo Sinabi? Kaya pala familyar ka saakin. Kasi magkaibigan kayo ni Megan. Bakit mo nga pala hindi binanggit ?”
” Bakit ko naman sasabihin bakit nagtanong kaba? Tinanong moba ako sa singapore? Diba hindi , Ngayon kalang nagtanong diba?” Pang aasar nyang sabi.
“Alamo ba kong nasaan na sya ngayon?” Tanong ko sa kanya
“Kahit alam ko hindi ko sasabihin.”
“Pero bakit ayaw mong sabihin saakin?”
“Dahil kahit sabihin ko hindi ka parin maniniwala?”
“Maniniwala ako. . Kaya sabihin mo saakin?”
“Paano kung sabihin kung ako si Megan. . Maniniawala kaba?”
“Bal*w”
“See kahit sabihin ko hindi ka maniniwala? ”
“Paano ako maniniwala sayo?. Sabi mo may 2nd personality ka. Na dalawa kayong nabubuhay sa katawan yan? Ano ba ang totoo sayo?”
“Ayaw mong maniwala na dalawa kaming nabubuhay sa katawang ito?”
“Sa una ayaw kong maniwala pero sa tingin ko totoo ang sinabi mo na may 2nd personality ka nga. Kasi kasi kanina ayaw mo kong papasukin sa bahay mo at pinagtatabuyan mo pa ako. Pero ng matamaan ka ng bola bigla kang nag ibang katauhan. Nag iba ka hindi na ikaw yung kausap ko kanina.”
“Buti naniwala kana na dalawa kaming nabubuhay sa katawang ito. Magpapakilala ako sayo. tunay naming pangalan ay Stepahanie. Pero dahill dalawa kami sa iisang katawan na ito. tuwing ako ang susulpot tawagin mo akong Tiffany. Pero pag si sleeping beauty ang lumabas tawagin mo syang Step. Para pariho kaming may nakename diba. ” mataray nyang sabi
“Tsk. Ang haba pa ng sinabi. Sabihin mo nalang kasi kung nasaan na si Megan para hindi na kita kulitin. ”
“Gusto ko nga na kulitin mo ako sa pagtatanong kay Megan. Para naman may bonding tayong dalawa. Gusto kong pahirapan ka mona bago mo mahanap si Megan” Pang iinis nyang sabi saakin.
“Gusto mo akong pahirapan? Bakit?” Inis kong sabi
“Wala trip ko lang na inisin ka. Ang cute mo kasing mapikon. ”
Nakita kong pumasok na si Stepahanie sa kwarto nya at ako nagtitimpi lang sa galit.
Hindi ako aalis dito hanggat hindi nya sinasabi sa akin kung nasaan si Megan. dahil sya ang magiging daan kong paano ko makikita si Megan.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top