+ mabilis na dumating ang ambulansya, masyado ring mabilis ang pangyayare, walang nakakita samin ni Primo ng itsura ng nakabangga, nasa Operating Room na ngayun si Sir Luis. Hindi padin ako makapaniwala na sya ang ama ni Primo. Sa ngayun hindi ko pa sya makausap ng ayos. Tumawag sakin ang headquarters at sinabing hawak na nila ang nakabangga, lumapit ako kay Primo na nakabantay lang sa pinto ng operating room.
Aya- Sir?
+ tahimik lang sya at hindi humaharap sa akin.
Aya- aalis po muna ako papuntang presinto, nahanap na daw po ang nakabangga, ako na po ang bahalang humarap muna.
+ hinawakan ko sya sa braso pero tinabig nya. Nilampasan nyako.
Aya- Sir, san ka pupunta?? Sir Primo!!!
+ sumunod agad ako sa kanya, alam kong pupunta syang presinto para harapin ang salarin. Kahit sa kotse hindi na nyako nahintay at nag drive na palayo, agad akong pumara ng taxi at sumunod sa kanya. Alam kong galit na galit sya pero delikado parin lalo na at kilala syang tao. Paglabas nya ng kotse, bumaba narin ako at hinabol sya papasok ng presinto.
Primo- Nasan na?
SPO2- Mr. De Chavez, good thing nandito kayo.
Primo- ASAN NA?!!!
+ nagulat ako, katulad ng ibang mga pulis na nandito.
SPO2- nandito po sya.
+ pinasunod sya ng pulis sa Interrogation room, kaya bumuntot din agad ako. Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto isang katakot takot na sapok agad ang inabot ng isang lalake na nakaupo at nakaposas.
Aya- Sir.
+ pinigilan sya ng mga pulis.
Primo- HAYOP KA! SISIGURADUHIN KONG MAKUKULONG KA.
Aya- Tama na.
Primo- PAPATAYIN KITA.
+ panay naman ang pag mamakaawa at paghingi ng tawad ng lalake.
Lalake- hindi ko po sinasadya patawarin nyo po ako.
SPO2- Mr. De Chavez, we are currently undergoing interrogation, wag kayong mag Alala, gagawin namin ang lahat para mabigyan kayo ng sapat na hustisya. Maam, maari po bang ilabas muna natin si Sir.
Aya- opo.
+ tinulungan ako ng isang officer na ilabas si Primo sa room na yun. Ramdam ko ang galit nya pero ito na lang ang magagawa namin na paraan.
Aya- Sir Primo, mas mabuti po siguro na nasa ospital kayo ngayun, mas kaylangan kayo ni Sir Luis.
+ tumingin sya sakin, tapos ay naglakad na palabas ng presinto, this is the first time na nakita ko syang ganyan, mejo naawa ako sa kanya sa nangyareng ito. After 1 hour ng paghihintay ko sa presinto, lumabas na ang mga nag interrogate pati yung lalake. Sa totoo lang napansin kong umiiyak yung lalake. Nasa harap sya ngayun ng Information desk para hingin ang primary information sa kanya. Lumapit naman sakin ang isang pulis.
SPO2- Maam, wag kayo mag alala, inamin din naman nya na sya nga ang nakabangga pati ang violation nya na dire diretsong pag dadrive under the red stoplight, ilang information na lang ang kaylangan namin pati pag alam kung intentional ba o hindi, then there is no need for hearing makukulong sya agad.
Aya- salamat.
Lalake- Sir, Maam, inaamin ko po ang kasalanan ko pero kahit sandali lang payagan nyo po sana akong makita ang mag ina ko. Parang awa nyo na.
Major- dalhin nyo na muna yan.
Lalake- parang awa nyo na po..
Hinila na sya ng dalawang pulis.
Aya- mag ina?
Major- ah yes Maam, ng makabangga sya kasama nya ang mag ina nya, isang 5 months old baby at ina nito. Dinala narin sa ospital kasi critical ang baby dahil sa aksidente.
+ nanlumo ako sa narinig ko.
Major- sa ngayun kami ang naka alalay sa pamilya nya, hindi pa kasi sya pwedeng makalabas sa ngayun para makita sila, itutuloy bukas ang secondary interrogation.
Aya- same hospital lang po ba ang pinagdalhan sa mag ina nya?
Major- yes maam.
+ kawawa naman yung bata. Umalis nako ng presinto pagkatapos nun at bumalik sa hospital, naabutan ko dun si Primo na nakasabunot sa ulo. Alas dose na ng gabi pero wala parin syang imik, ayoko munang magsalita alam kong hindi sya okay. Bumuntong hininga na lang ako. Maya maya lumabas sa OR ang doctor.
Doc- are you the realatives?
Primo- yes
Doc- He survived, but not stable, kaylangan pa namin syang i observe, critical ang breathing nya. We will transfer him now to a room para maobserbahan.
+ huminga sya ng malalim.
Aya- salamat po.
Doc- okay.
+ pag alis ng Doctor, sumunod kami sa room na pag tatransferan ni Sir luis. Hindi umaalis ang tingin nya sa daddy nya. After ilang minutes lumabas muna ako para bumili ng pagkain, pabalik nako ng may nakita akong ginang na nakaupo sa hallway at umiiyak, napatingin sya sakin. Napaiwas ako ng tingin at didiretso na sana ng lakad ng bigla nyakong hawakan.
Ginang- Maam diba kasama kayo nung matanda at nung lalake?
+ sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nya pero hindi nyako bitawan.
Ginang, tulungan nyo po kami, hindi ho sinasadya ng asawa ko ang nangyare, baka pwedeng pakawalan nyo na sya, kaylangan namin ang asawa ko, kaylangan sya ng anak namin. Parang awa nyo na.
+ hindi ko alam kung anong isasagot ko, iyak lang sya ng iyak, may nakatingin narin sa aming ibang pasyente. Inalis ko ang pagkakakapit nya sakin.
Aya- Pasensya na po.
+ naglakad nako palayo. Kinabukasan, nasa kwarto parin kami kung san naka confine ang ama ni Primo, hindi sya natulog, maya maya nag ring ang phone nya.
Primo- Total inamin na nya, sinadya man nya o hindi, ikulong nyo na. Dalhin nyo na lang lahat ng kaylangan kong pirmahan kapag sinabi ko.
+ napatingin ako sa kanya. Sa totoo lang mejo hindi ako komportable sa nangyayare, alam kong mali ang nagawa ng mama, pero bakit parang may mali.
Primo- Aya.
Aya- Sir.
Primo- Kapag may dumating, sabihin mo ayoko muna ng bisita. Kahit sino pa yan. Maliban kung nurse at Doctor.
+Yumuko na lang ako at tumango. Lumabas muna ako ng kwarto, napapaisip kasi ako. Hindi ko naman sya magawang kausapin. Paglingon ko may dalawang taong parating ng malapit na sila, Si Madam Loida at yung model pala. Dire diretso sana sila pero humarang ako saglit.
Aya- Madam pasensya na po.
Loida- napanood ko ang nangyare. Kaylangan ko syang makita.
Aya- ayaw po muna nyang magpapasok ng bisita.
Loida- Aya, Nanay ako ng boss mo.
Aya- sorry po.
+ hindi naman sa ayaw ko talaga, pero alam kong hindi sila okay ni Primo kaya baka mas lumala pa.
Loida- bakit ba ang kulit mo?!!!
+ pinipilit nyakong itulak, pero pinigilan ko sya.
Allissa- how dare you?? Sino ka ba? PA ka lang diba?!!!!
Aya- pasensya na po uli.
Allissa- hindi mo bako kilala? Gusto mo ipatanggal kita sa CEO nyo.
+ bumuntong hininga na lang ako.
Loida- tumabi ka!!
+ nagulat kami pare pareho ng may nagbukas ng pinto.
Aya- Sir.
Primo- Malinaw naman siguro ang sinabi ng PA ko, ayoko ng bisita!
Loida- anak, ayos ka lang...