Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 17


Author: Miss J
Tumigil na kami mismo sa tapat ng aming gate pero si Jay nakahawak parin sa manibela at nakatingin ng daretso sa labas, Nilakasan ang aking loob, bumuntong hininga ako ng malalim bago ko sya hinarap ” Wala ka bang nais sabihin sa akin? Hindi mo man lamang ba ako titingnan? ” hirap ang kalooban, hindi ko mabigkas ” Nasabi ko na sayo kanina lahat ng nais kong iparating sayo, nasasayo na kung ano ang nararapat na gawin ” hindi parin sya tumitingin sa akin ” Sige na, hindi na ako bababa, mga bata andito na tayo sige nat hapon na para makapahinga din kayo ng maaga ” Ang mga anak ko ni walang kumilos ni isa ” Jane bumaba na kayo bago ko pa paliparin tong sasakyan, sinasabi ko sayo hindi kana makakabalik pa dito kaya bumaba kana para bumaba din ang mga bata ” napatingin ako sa gawi nya at sinuri ko ang ekspresyon ng kanyang mukha, puros lungkot at walang kabuhay buhay ang kanyang malamlam na mga mata ”...


Iingatan mo ang sarili mo, ang mga bata Huwag mong papabayaan ” at hinalikan si Baby John sa kanyang noo. Umibis na ako at ang mga bata, masakit pala sobrang sakit pala ” Babye Tito, ingat ka po sa byahe ” si Julia na kumaway pa Kay Jay at ngumiti ” tena po Mama, Pasok na po tayo ” Sunod sunuran nlamang ako sa mga oras na yon wala na akong maapuhap sabihin hanggang sa paharurutin ni Jay ang kanyang sasakyan ni hindi na sya nagaksayang tingnan ako.
” Tao po! Manang Cora ! ” pagdoorbell ko sa aming gate
Humahangos na lumabas buhat sa my pintuan ” Jane? Ikaw na bayan bata ka?” Ako na napangiti ” Opo manang ako nga po ” niyakap ko na sya, ang nagalaga sa akin simulat sapol ng aking kabataan.
Pumasok na kami at inayos ko na ang aking mga anak, inayos ko na din ang aking sarili kakailanganin Kong magpahinga para bukas sa muli naming pagkikita ng Ama ng aking mga anak… Si Jojo !






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top