Bahag-hari


Bahag-hari.”
📖✍️: Auroa Armania
Sa isang malayong lugar at malaking bayan, mayroong tatlong magkakaibigan na gustong maging prinsipe at maging prinsesa. Ang mga pangalan nila ay sina Ceron, Lue at Ron. Si Ceron ay isang tunay na lalaki, si Lue ay isang lalaki pero nagkakagusto ito sa babae at lalaki, at si Ron naman ay pusong babae. Tanggap at nirerespeto nila ang isa’t isa, dahil din sa kanilang kasarian ay hinuhusgahan sila ng mga tao roon, lalo na si Ron dahil isa siyang lalaki pero ang kaniyang damit ay pambabae. Nag-iinsayo sila para sa paparating na paligsahan, kapag sila ay nanalo ay magiging ganap na silang prinsipe at prinsesa, nag-alala sila kay Ron dahil hindi ito marunong gumamit ng espada at ito rin ay malamya. Nakaisip ng ideya sina Ceron at Lue upang maging magaling si Ron sa pakikipaglaban, ang kaniyang dala-dalang payong ay ginawa nila itong espada at ininsayo nila si Ron.
Kinabukasan ay nag handa na ang magkakaibigan upang sumali sa paligsahan, niyakap nila ang isa’t isa palatandaan ito upang galingan nila. Ang unang sumabak sa laban ay si Ceron, magaling itong gumamit ng espada at dumepensa sa kaniyang sarili gamit ang kaniyang espada, ang kaniyang kalaban ay kinabahan kaya hininto ng kalaban ang laban at sumuko na. Ang sumunod namang sumabak sa laban ay si Lue, sa una ay kinabahan ito kaya ang kaniyang magagawa lang ay depensahan ang kaniyang sarili, nong may pagkakataon na siyang lumaban, lumaban ito at ang kaniyang kalaban nanaman ang dumepensa sa kaniya sarili. Ang kaniyang kalaban ay natumba dahil nadulas ito, agad namang itinutok ang espada ni Lue sa kaniyang kalaban, nanalo si Lue. Ang huling lumaban ay si Ron, kitang-kita ang kaba ng mga kaibigan niya sa kaniya, ang hari ay pinahinto muna ang paligsahan at nilinaw kung sigurado na ba si Ron sa kaniyang desisyon, tumayo si Ceron at sinabi niya sa hari na, handa...


na makipaglaban si Ron at kapag manalo siya ay magiging isa siyang prinsesa. Sumang-ayon naman ang hari at ipinatuloy ang paligsahan, humingi sila ng lakas kay bathalumang Oab para bigyan ng lakas si Ron upang manalo sa paligsahan para makamit niya ang kaniyang pangarap na maging prinsesa. Naghanda na si Ron upang makipaglaban, ang kaniyang kalaban ay ngumiti ito para bang minamaliit niya si Ron dahil siya ay kilos babae, at siguradong-sigurado siya na siya ang mananalo, nang tumunog ang tampoli hudyat ito na nagsimula na ang labanan, unang sumugod ang kalaban ni Ron, depensa lang ang kayang gawin nito ilang segundo ay binuksan niya ang kaniyang payong kaya napaatras niya ang kaniyang kalaban, agad naman niya itong nilabanan. Sang-ayon sila na, ang gagamitin ni Ron sa pakikipaglaban ay payong habang ang kaniyang kalaban ay espada. Tumalon ang kaniyang kalaban at inataki niya si Ron, nasira ang kaniyang payong kaya wala na siyang pangdepensa, tumakbo si Ron at inataki niya ang kaniyang kalaban, hindi rin nagpatalo ang kaniyang kalaban kaya lumaban din ito, yumuko si Ron at hinila niya ang paa sa kaniyang kalaban gamit ang kaniyang payong agad naman siyang tumayo at tinutok ang kaniyang payong sa kaniyang kalaban, sumigaw ang kaniyang mga kaibigan tanda ito na nanalo si Ron.
Silang tatlo ay ganap na isang prinsipe at prinsesa, sobrang saya nila dahil ang kanilang matagal na pangarap ay nakamit na nila. Hindi nila inaakala na si Ron pala ay magaling sa pakikipaglaban kahit pusong babae ito at kilos babae. Ang mga tao roon ay ginagalang na sila lalo na sa mga kagaya ni Ron. Ang tawag ng mga tao roon sa kanila ay, bahag-hari, kahit madumi man ang tingin nila sakanila, sila parin ay isang bahag-hari na makulay at magandang tignan, sa kabila ng mga pintas at panghuhusga nila sa kanila, kukulay parin sila. Sa huling pagkakataon ay kumuha sila ng litratro na magkasama.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top