Pag dating nila Estephen sa Ala-mansyon nitong bahay ay sinadya nyang alalayan ang dalawang babae at hayaan si Zari na mag isang bumaba,
“Dito muna kayo mag stay okay. ” aniya sa dalawa pag karating sa living room, ipinaupo nya ang dalawa sa mamahalin nyang sofa na nababalutan ng itim na lether.
“bakit hindi ka pumasok? ” kunot noong aniya pag balik sa labas para puntahan si Zari.
“Uuwi na’ko. ” kakmadong aniya na may halong pakikiusap ngunit lalong kumunot ang noo ng, lalake na kaharap.
“You stay!” galit na saad pa nito.
“pero hindi pa naman nag uumpisa ang trabaho ko! “dipensa ni Zari.
“mula nang nag aplay ka ay gumana na ang oras ng pagta’trabaho mo, kaya nag umpisa na iyon.”sarkastikong saad ni Estephen.
“pero gabi na at oras na para umuwi ako. ”
“hindi ko kayang bayaran ang utang mo, kung hindi ka mag o’over time kaya pumasok ka na kung ayaw mong alisin ko sa magandang kalagayan ang nanay mo.” pananakot ni, Estephen tsaka tinalikuran si Zari.
Pinilit pigilan ni Zari ang pag bagsak ng luha nya sa halip ay sumunod sya sa lalake, “naroon ang kwarto mo. ” turo pa ni Estephen sa kwarto malapit sa ilalim ng hagdan. ” gumising ka ng alas sais bukas at mag luto ng almusal, sabay tayong papasok. ”
Muling iginiya ni Estephen ang dalawang babae papasok sa isang silid.
~
Nagpakawala si Zari ng napakalalim na buntong hininga, hindi nya malaman kung ano ba talaga ang plano ni Estephen sa kanya, apat na taon na ngunit sariwa pa sa ala-ala nya kung ano ang nangyari ng gabing iyon.
FLASHBACK
Isang accountant si Zarielle sa isang malaking kumpanya ganun pa man ay hindi nya nalilinutan ang obligasyon sa asawa mahal nya ito at labis naman ang pinapaaramdam na pag mamahal ni Estephen para sa kanya kaya’t hindi na dapat pang tanungin iyon, hanggang isang gabi.
Iyon ang Universarry nila sa ika apat na taon bilang mag asawa, dala nya ang mamahaling Champagne na pagsasaluhan nila sa gabing iyon ngunit halos madurog ang puso ni Zari nang pag bukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Estephen na naka ibabaw sa isang babae na kahit kailan ay hindi nya inisip na kamumuhian nya, si Jessica ito ang kaibigan nya mula nang ikasal sila ni Estephen ngunit nalaman nya na matagal na pala itong may gusto sa Asawa nya.
Itinikom nya ang bibig nya tsaka tumalikod at tumakbo palayo.
~
“Hey! Wake up..”mukha ni Tipen ang bumungad nang magmulat ng mata si Zari kaya ...
next