Nagising si Fatima na wala na sa kanyang tabi si Tyler. Araw naman ng linggo kaya nagtataka siya kung pumasok ba ito sa kompanya, gusto niya ay lagi itong kasama. Lumabas siya ng kwarto. Rinig niya na agad ang asaran sa living room. Umaga palang ay nagkakatuwaan na sa Mansyon.
“What the hell is he doing here?” boses iyon ni Trisha.Naiinis kasi ito kung bakit nasa Mansyon nila ang binatang si Cedric. Napangiti nalang siya dahil siguradong magkakadevelopan ang dalawang ito.
“Trisha ang bibig mo. Di ka namin pinalaking ganyan. At empleyado rin siya sa kompanya. One of our best engineers.”
“Kung makareact ka naman ate parang nililigawan ka na. Chill ka lang ang aga aga pa ehh.Yari ka kay ate Fatima bestfriend niya yan.” hilig talaga ni Troy na asarin ang nakakatandang kapatid.
“Napadaan lang naman po ako para makausap si Fatima. May pinapasabi po kasi si Tita Fe kung bakit di siya nakapunta ng birthday ni Faith.” paliwanag ni Cedric sa mga ito.
“Yun naman pala ehh baka kasi may magselos di ba Kuya Tyler? Ay andyan pala si ate ehh.Ate Fatima goodmorning. Umaga palang ang ganda mo na talaga.”sabi ni Troy ng makita siya nito na nakababa na ng hagdan. Agad na lumapit si Tyler sa kanya at inakbayan siya.
” Wag mo kong bolahin Troy!si Faith pala? ”
“Tulog pa Iha” ang Tita Clara niya na ang sumagot.Ang asawa nito naman ang nasa kompanya at ito muna ang nag-aasikaso.Tumango nalang siya.
“Trish ang aga aga nagtataray ka na naman. Nakakabawas yan ng ganda sige ka. Diba Cedric? At siya na pala ako ba talaga ang pinunta mo dito? Sisilay ka lang ehh.” kaya mamamatay matay sa tawa si Troy, si Tyler naman ay napangiti. Ang mukha naman no Trisha ay mamula mula na. Pero nagkunwari pa rin itong naiinis.
“Iho sumabay ka na sa min na magbreakfast. Masarap akong magluto.Diba Trish?” tumingin lang si Cedric kay Trisha saka ngumiti.
“Mom!” angil nito.
“Wag na po. I have also works to do. Pupunta pa po ako sa kompanya niyo.” magalang na sagot ni Cedric sa ginang. Nakayakap lang si Tyler sa kanya at nakikinig sila sa usapan.
“Wag kang aalis bro! Pag umalis ka Di ka na makakabalik dito sige ka.”
“Stay man, wag mong alalahanin yang brat kung kapatid. Faith will be happy to see you.” hindi niya inaasahan na sasabihin yon ni Tyler.
“Dito ka na magbreakfast. Kunyari pa ehh. Yung isa naman diyan gustong gusto ,ayaw pang umamin.” kantyaw pa niya kay Cedric.
“Invited ka na rin sa kasal nila bro. Ikaw best man tas si ate Trish maid of honor. Tas kayo na isusunod na ikakasal. Swerte naman.” gatong pa ni Troy.Agad na lumapit dito si Trish at kinutusan ito.
“Pikon ka ate!”
“Ano palang nagustuhan mo sa kapatid ko?” tanong ni Tyler kay Cedric. Kaya agad na umangil si Trisha.
“Kuya!di niya ko gusto!”
“Are you sure of that?”
“I just like her” walang alinlangang sagot ni Cedric. Dahilan para matahimik ang lahat. Biruan nauwi sa aminan. Miski si Trisha ay natahimik at walang masabi.
“Woah! Kilig na yan si Ate Trish ! HAHAHA sabihin ko to kay dad.” tawa ni Troy. Ang daddy kasi ng mga ito ay may pagkastrikto lalo na kay Trisha.Ayaw na may mga lalaking lumalapit dito dahil nag-iisang babaeng anak pero dahil kilala si Cedric. Siyempre tanggap agad.
” Bagay na Bagay sila”bulong niya kay Tyler.
“Just like us? ”
“Oo parang tayo.” sabi niya at hinalikan ito ng smack sa labi.
“Double wedding na ba toh?” kantyaw ni Troy.
“Gago! Hindi pa kami lang ang ikakasal.” sabi ni Tyler pero tinawanan lang ito ni Troy at ni Cedric.
“Ano pong nangyayari? May nag-aaway po ba?” si Faith na kabababa lang.
“Goodmorning Faithy!” agad na lumapit si Trish dito para makaiwas sa usapan.
“Ninong Cedric! Andito ka po!” agad itong niyakap ni Faith.
“Alam mo ba kung bakit nandito siya Faith? Hulaan mo dali!”
“Shut up Troy! Wag mong idamay sa kalokohan mo ang anak ko!” sabi niya.
“Bawal galitin ang buntis. Itigil mo na ang kalokohan mo Troy. Gutom lang...
Please deleted po ito walang pahintulot po ang LSPBO po dito sa mga nakaw na story po at hindi sila kapartner ng pinoy love story, huwag ninyong isangkot ang Lspbo sa mga ganitong site kasi wala din silang alam sa mga nagnanakaw ng story at they find them para maiwasan na ang pagnanakaw, at sa nagmensahe dito kung sino ka man sana ineng huwag mong isangkot ang Lspbo dito alam na ba nila ang ginagawa ninyo?