#Mystery_Thrill_Romantic_Drama
🌺Step POV
Ang tahimik ng biyahing iyon. Pero si Sir Vincent ang bumasag sa katahimikan habang nagbibiyahi kami papuntang Restawran
” Ayos ka lang ba talaga? ” Biglang tanong nya saakin .
” ah Oo ayos lang ako salamat sa pag alala. ” Ano ba ang nangyari bakit nagtatanong sya kong okey lang ako. Naku mukhang may nangyari talaga kanina.
” sa uulitin kasi wag mo nang patulan pa si Hena. ”
Sinasabi ko na nga ba pinatulan ni Tiffany si Hena. Kainis naman sya.
Pahamak talaga su Tiffany kahit kailan.
“Sigi sa uulitin diko na sya papatulan” nahihiya kong sabi sa kanya
Tahimik nanaman kaming dalawa.
“Si Andrew ba ang ama ng pinagbubuntis mo.” Mahinahon nyang tanong saakin.
Bigla akong kinabahan. Aaminin ko ba sa kanya? Pero hindi ko naman sa kanya maitatago yun kasi baka malaman din nya kay Chairwamen.
Kaya kailangan kona sa kanyang sabhin. Magkaibigan naman kaming dalawa. Siguro maiintindihan naman nya ako. Paano kung magalit nanaman sya tulad noong huli kaming magkita.
Bahala na aaminin kona.
“Ka-kasi ano! Accidenti ang nangyari saamin sa Singapore. Pareho kaming lasing non wala kaming maalala.”
Mahinahon kung sabi kaya lang…
” Ano nanaman ang ginagawa mo sa Singapore? ” nagulat nalang ako ng sigawan nya ako. Bakit ba sya ganito? Bakit na sya nagagalit ng ganito?
“Bakit kaba nagagalit?” Natatakot kung sabi. Hindi ko sya maintindihan.
“Nag iisip kaba ng tama huh! Anong ginagawa mo doon ah. . Bakit kayo magkasama? ” Galit na galit nyang sabi habang nag Ddrive. Nakaramdam ako ng takot sa kanya.
“Nagvacation lang naman ako doon eh… bakit ka nanaman ba nagagalit natatakot na ako sayo. ” Lakas loob kong sabi sa kanya kahit natatakot na ako sa pag sermon nya.
Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa paninigaw nya saakin.
Saka lang kumalma si Sir Vincent ng makitang naiiyak na ako
” Hindi mo ba nakikita nagagalit ako. Ung gusto ko nang pumat*y ng tao dahil sayo.”
“Bakit ka naman papatay ng tao dahil saakin?” Lakas loob kong sabi
” Dahil galit na galit ako. Ito ba ang plano mo? Sirain ang buhay mo Stephanie. Inaamin ko naman na kasalanan ko ang lahat. Kung sana nakinig nalang ako sayo noon. na umalis sa lugar na ito hindi sana ito mangyayari sa inyo ..kasalanan ko..” galit nyang sabi at pati sya naiiyak narin sa pagtatalo namin ngayon.
Hindi ko parin maunawaan ang lahat kung bkit sya ganito saakin. Nalilito ako sa mga kinikilos nya. Napapa isip ako kung bakit sya nagagalit ng ganito.
“Bakit mo sinisisi ang sarili mo. Hindi mo kasalanan, wag mong isipin na kasalanan mo. Dahil wala kang kasalanan sa nangyari saakin. ” Mahinahon kong sabi
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sir vincent bago sya nagsalita
” Ano na ang gagawin mo sa batang yan.. paano mo pa sya isisilang ng normal. ” Pilit nyang maging mahinahon sa pag uusap namin ngayon
“Isisilang ko sya ng maayos.”
” Umalis na tayo sa lugar na to. Habang wala pang nakakaalam. Diba gusto mong lumayo na tayo sa lugar na to? Kaya susundin kuna ang gusto mo, lumayo na tayo dito.”
Ano ba ang pinag sasabi nya? Bakit kami lalayo?
“T-teka po sir Vincent Wala po akong maalala na sinabi kung lumayo tayo”
Nasabi ko nga ba iyon kay Sir Vincent o si...