Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 21


Author: Miss Jay
” Nanay Agnesia, ” tulo ang luha ng umpisahan ko ng magsalita ” Ako po ay aalis na, Marami pong salamat sa naging pagtanggap nyo sa amin ng mga bata. Marami pong salamat at kahit noon na hindi nyo pa ako nakikita eh tinanggap nyo po ako ng buong puso ” masaganang luha at hindi paawat ang nananatili sa aking mga mata ” Iingatan nyo po ang sarili nyo, huwag nyo pong kakalimutan ang uminom ng gamot nyo ha Nanay ” nakangiti pero puno ng pait ang aking tinig, napatingin ako sa kinaroroonan ni Jay, tiim bagang syang nakatingin sa amin na parang sinusuri ang bawat akto namin ng kanyang Ina.
” Magiingat kayo doon anak ha, dalawin mo kami ng tatay mo pag minsan, isama mo yung mga bata para gumulo naman dito sa bahay ” umiiyak na din si Nanay Agnesia ” Sana kung ano man ang naging desisyon mo eh patnubay ng nasa itaas ang hiling ko. Maging maayos at matiwasay sana ang inyong mga buhay ng aking anak kahit na hindi kayo makasama ” mahaba...


nyang turan sa akin at mahigpit namin niyakap ang isat isa ” Bukas ang pintuan namin sa inyo, at kung sakali na ituro ng mga paa mo pabalik dito eh malugod ka namin tatanggapin ng aking anak ” pagtatapos nya at akoy kanyang hinalikan sa aking noo.
Patuloy ako sa pagtangis at kinuha ko na ang aking mga dadalhin at naglakad na papunta ng pintuan palabas ngunit bago ko yon lubasan nagawa eh may isang kamay na humila sa akin pabalik at akoy napalingon at si Jay iyon ” Sandali ” iyon lamang at akoy kanyang hinalikan ng buong alab habang yakap yakap at wala syang naging paki alam kahit naandoon pa ang kanyang Nanay.
” Mahal na mahal kita Jane, sana sa paglipas ng panahon ay maging pwede na sa atin ang lahat ” tumutulong parehas ang aming mga luha at pagkatapos non mahigpit kaming nagyakap at akoy bumulong ” Sana mahintay mo ang panahon kung saan pwede na tayong magmahalan ” iyon lamang at ipinagpatuloy ko na ang aking paghakbang. Aalis ako sa bahay na ito baon ang pagmamahal mo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top