Embracing The Darkness Kabanata 11


Halos mabilaukan ako sa ubeng kinakain ng dahil sa mga narinig ko.
“K-Kendra? Ikaw iyon beshie ah.” Ani ni Maharot na may pang-aasar at mabilis silang pumuntang sala para silipin ang lapastangang iyon. Ako naman ay may hinuha na kung sino iyon kaya naman gulat pa din akong nakaupo. Paanong nalaman niya kung saan ako nakatira? Bakit siya naririto? At ang pinakaimportante anong eskandalong ginagawa niya sa labas kung saan kinakaladkad niya ang pangalan ko?
“Every breath you take
Every move you make
Every bond you break
Every step you take
I’ll be watching you.”
“Kendra! Ano ba sino itong Fafa na ito? Napakayummy naman kahit ang pangit ng boses buti na lang gwapo siya.” Kinikilig na sigaw ni Maharot. Ako naman ay taranta at hindi alam ang gagawin. Bakit niya ba ko sinundan? Hindi kaya stalker siya? Tapos dahil hindi ako pumapayag kikidnapin niya na lang ako? Ganoon ba siya ka-obssessed sa Mount Arayat ko? Hindi puwede.
“Every single day
Every word you say
Every game you play
Every night you stay
I’ll be watching you.”
Kailangang matigil ang kahibangan ng adik na iyon. Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang isang pitsel ng malamig na tubig at dali-daling pumuntang salas sa may bintana kung nasaan ang binata na feel na feel ang panghaharana akala mo naman ay napakaganda ng boses at talagang nagdala pa ng banda. Diyos ko po tunay ngang may sayad ang taong ito.
“Oh, can’t you see
You belong to me
How my poor heart aches
With every step youβ€”Fuck!” Mura ng lalaki ng ibuhos ko sa kaniya ang malamig na tubig para mahimasmasan siya sa kalokohan niya. Si Maharot at Maalindog naman ay gulat na nagsinghapan na nakatingin sa akin.
“Baliw kang adik ka! Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?! Stalker ka ano?! Ganoon na lang ba ang kagustuhan mong mapasayo ang Mount Arayat ko kaya hinaharana mo ko gayong tirik na tirik ang araw?! Sinasabi ko sa iyo akin lang ang Mount Arayat ko!” Sigaw kong inis na inis na.
“Beshie anong Mount Arayat? Anong meron ba? Omg pogi basang basa ka na halika pumasok ka at tutuyoin kita ay patutuyoin pala.” Ani ni Maharot na nilabas si Caspian na basang basa at bakat na bakat ang katawan. Sino ba kasing nagsabing magsuot siya ng puting long sleevers gayong ang init init ngayon.
“Marg! Bakit mo pinapasok iyan eh iyan iyong baliw na bigla na lang nag-alok ng kasal kagabi?! Mamaya bigla na lang niya kong gahasain dito! Marg nakita niya lang ang suso ko nagkaganiyan na iyan! Gusto niyang angkinin ang Mount Arayat ko!” Hindi ko na napigilang magmaktol sa kaibigan dahil pinapasok niya sa pamamahay ko ang terorista ng kabundokan ko. Halos lumuwa naman ang mata ni Maharot at ni Maalindog sa mga sinabi ko.
“Pogi. Gusto mo ding makita ang bundok ko?” Biglang sabi ng bruhang si Maharot.
“Marg! Napakaharot mo!” Sigaw ko.
“Maupo ka muna dito pogi. At ikaw Kendra kausapin mo ang manliligaw mo hindi iyong basta ka na lang nambubuhos ng malamig na tubig diyan. Halika Marie sa kusina para ipaghanda sila ng makakain bago pa nila kainin ang isa’t isa.” Tumatawang sabi ni Maharot sabay hila kay Maalindog.
Si Caspian naman ay bagot na nililibot ang paningin sa paligid ng salas ko.
“Manyak. Adik. Baliw. Stalker. Terorista. Ipapabarangay kita gago.” Mariing sabi ko kay Caspian na nagulat tapos mayamaya din ay natawa.
“You’re really impossible. Wala akong balak angkinin ang Mount Arayat mo to make it clear first. Mukhang hindi mo ko nauunawaan.” Sabi ni Caspian na natatawa pa din.
“I never thought ganoon pala ang iniisip mo sa akin kagabi just because I saw your nipples or your Mount Arayat ay aalukin na kita ng kasal. C’mon, I’ve seen bunches of Mounts and mostly of them are bigger than yours.” Bastos na dagdag pa ni Caspian.
Bigger? Bahagya ko namang sinilip ang...


bundok ko ah. Bakit malaki naman ito ah. Teka nga bakit ko ba kinokompara pake ko sa mga bundok na nakita niya na.
“Eh kung hindi dahil sa Mount Arayat ko bakit mo ko inalok ng kasal? Halos dalawang oras pa lang tayong nagkakakilala kagabi. Sige nga. Nalove at first sight ka sa ganda ko ganoon ba iyon?”
“Let me talk first. Hindi ako interesado sa Mount Arayat mo at hindi din ako nalove at first sight sa iyo. Hindi kita type.”
“A-Ano?! Bakit hindi mo ko type?! Este eh ano pa lang kalokohan iyong pinagsasabi mo sa akin kagabi? Bakit mo ko aalukin ng kasal kung hindi mo ko type? Napakagulo mo mas magulo ka pa sa bulbol na nagkabuhol buhol.” Sabi kong naiirita at gulong-gulo na. Nakahits yata itong taong ito.
“Yes I asked you to marry me because I need you. I need someone like you to be my wife.” Seryosong sagot ni Caspian. Kailangan? Kailangan niya ko? Kailangan niya lang ako?!
“Potangina. Kailangan mo ko? Ang labo mo pre. Sabi ko na sayong tigilan mo na ang pagshashabu.”
Tumawa naman muli si Caspian na ang sarap ibaon sa lupa.
“Okay I will elaborate it to you. I’m Caspian Alexander Balthazarβ€””
“Alam ko pero anong pake ko?” Sabat ko.
“One million. I will give you one million.” Biglang sabi ni Caspian na muntik ng magpalaglag sa eyeballs ko. At magpatumba sa akin sa kinauupuan ko. Gulat akong napatingin sa seryosong si Caspian. Seryoso may ganoong kalaki siyang halaga na pera at bakit naman niya ibibigay sa akin iyon?
“It seems to me that you are ready now to hear what I’m going to say. Of course hindi libre ang isang milyong ibibigay ko na sa iyo. I’m giving you the half million before our marriage and the other half after our annulment kapag pumayag ka na. Our marriage will happen as soon as you agree. We have to fake our relationship for a year and after that you’re free but of course our marriage needs to be legal.” Paliwanag ni Caspian. Habang ako ay nakatungaga lang sa kaniya. Seryoso ba ito?
“Teka. Malabo pa din. Bakit ako? Bakit kailangan mong magpakasal? Hindi kaya bakla ka?!” Nakasigaw kong sabi sabay turo pa sa lalaki.
“Alam mo ang hilig mong magconclude. I’m straight as a pole.” Galit na sabi sa akin ni Caspian na waring nayamot na talaga noong masabihan kong bakla.
“Malabo pa din eh. Kasalanan ko bang malabo kang magpaliwanag.”
“Hindi ka kasi nakikinig ng ayos at saka hindi pa ko tapos. Kailangan kong makasal bago ko makuha ang mana ko kay Chairman which is my Lolo, that’s his condition. Maraming babae diyan pero marami ding baka maging gahaman kapag oras ng annulment na. You see I have a long time girlfriend that is not known by many lalong lalo na sa family ko. And she is not ready to settle down yet at isang malaking kasiraan at paglabag sa kontratang pinirmahan niya ang pagkakaroon ng nobyo kaya kailangan ko ng magpapanggap bilang asawa ko. She asked me for a year and after that handa na siyang lumantad bilang girlfriend ko kapag tapos na ang kontrata niya and by that time hihingin ko na din ang kamay niya. It’s all planned already ikaw na lang ang kailangan ko.” Mahabang paliwanag ni Caspian na halatang desperado na.
“Pero bakit ako?” Iyon ang katanungang hindi niya pa din nabigyang kasagutan sa haba ng paliwanag niya.
“It’s not you. It’s your job and background that I needed. Wala sa kondisyon ni Lolo na hindi ko pwedeng pakasalan ang kahit na sino. Ikaw dahil kapag natapos na ang isang taon nating palabas ang trabaho mo ang magiging matibay na dahilan ko para kumalas ako sa iyo na sigurado akong papanigan nila.”
To be continued…
Sakit Caspian ha apakamo😬 Sinong mga umasa dyan kumusta naman kayo nyahahahahahah Enjoy readingπŸ₯°






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top