Aking Prinsesa Chapter 15


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 15
.
Halos madilim na sa paligid nang magising si Yna, nagising siya na
may bigat pa din sa kanyang dibdib, ang totoo parang hindi niya kayang lumayo kay Nico, na kahit anong sabihin ng isip niya ay di pa din bumibitaw ang puso niya na mahalin ang binata, nagtatalo ang puso’t isip niya, naguguluhan na siya, ano daw ba ang dapat niyang gawin, dapat daw ba siyang lumayo at kalimutan si Nico.. o dapat daw ba na kausapin at humingi siya ng eksplanasyon kung bakit inilihim ni Nico ang totoo na bodyguard niya pala ito, pero nagwagi ang dikta ng isip niya, lalayo na lang siya at kalimutan si Nico, dahil sabi ng isip niya, nakuha ng magsinungaling ni Nico nong una magagawa pa din ng pangalawa at pangatlo, kaya buo na ang pasya niya na lumayo na lang. at hindi nagtagal ay May kumakatok sa Pinto niya..ang papa niya..
.
Yna : papa.!
.
Mabilis na bumangon si Yna para pagbuksan ng pinto ang ama.
.
Yna : papa, (sabay yakap sa ama)
.
Iyak ng iyak si Yna ng makita ang ama, nagpapasalamat siya sa Diyos at walang nangyari sa kanyang masama, at nagkaroon siya ng pagkakataoon na makasama pa ang ama, at nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makahingi ng tawad sa mga pagkakamali niyang nagawa, sa katigasan ng ulo niya, sa mga pambabalewala niya sa mga pangaral ng ama.
.
Yna : papa, sorry po papa, lagi na lang kitang binibigyan ng problema, sorry papa kung naging pabaya ako sa lahat ng bagay, di ko pinapahalagahan yong mga sinasabi mo sakin, ang sama sama ko..(umiiyak niyang sabi)
Ferdie : tama na anak, ang mahalaga ngayon ay ligtas ka na sa kamay ni Noel at sa anak niya..salamat kay Nicolas..
.
Lalong lumakas ang iyak dahil sa pagkabanggit ng papa niya kay Nico, kumirot na naman ang puso niya ng marinig niya ang pangalan ni Nico.
.
Ferdie : tahan na anak..hindi na tayo gagambalain ni Noel, dahil patay na siya. nagtangka siyang tumakas, kaya ayun ang napala niya, nabaril siya ng sundalo..si Poli naman ay nakakulong na siya ngayon..at si Mitch akala ko kaibigan mo yun?
Yna : niloloko lang pala nila ako papa, si Poli at Micht ay may ugnayan po pala, kung nakinig lang po ako sa inyo nun na hindi makakabuti sakin si poli sana nakinig na lang po ako sa inyo nun, hindi po sana nangyari sakin ito.
Ferdie : natakot ako anak, akala ko mawawala ka na din sakin, mabuti na lang at nandiyan si Nicolas..
.
Napapikit si Yna dahil narinig na naman niya ang pangalan ni Nico, kung maaari sana ayaw na muna niyang marinig ang pangalan na iyon, dahil naaalala niya lang ang pagsisinungaling nito sa kanya.
.
Yna : pa, paano nio pong nalaman na naroon kami sa lugar na iyon..
Ferdie : tumatawag ako nun sa cp ni Nico, matagal akong kumokontak sa celpon niya hindi niya sinasagot, ng tinawagan ko uli ang celpon niya, may sumagot na babae ang sumagot..esang daw ang pangalan niya, tapos nakausap ko yong tatay niya si Artemio..
Yna : opo..kilala ko po sila papa..
Ferdie : sinabi nga nila na hinahabol kayo, kaya humingi na ako ng tulong sa mga awtoridad, nagpakalat sila ng mga pulis at mga sundalo sa lugar na iyon kaya alisto na kami, at nong hinahabol kayo ay may sumunod sa inyong mga tao, na mukhang tulisan, kaya isa din yong mga tao na nakatulong para mahanap kayo,
.
sa isip ni Yna ay mabubuting tao naman pala yong mga kinatakutan niya.
Ferdie : hanggang sa isinakay na nga daw kayo sa van.at sinundan kayo hanggang sa isakay kayo sa yati.
.
Mahaba ang pagsasalaysay ni Ferdie kay Yna, kung paano sila natuntun, kaya pinutol na lang ni Yna ang topic nilang mag-ama iniba na lang niya ang usapan, dahil puro si Nico na ang binabanggit nito..kumikirot lang ang puso niya kapag naaalala niya ang paglilihim nito na bodygaurd lang niya pala ito.
.
Yna : ah, papa sasama na lang po muna ako kila tita belinda sa america, doon nalang po ako mag-aaral, at pinapangako ko po na, mag-aaral na ako ng mabuti papa, para ako na po ang bahala sa mga negosyo natin..
Ferdie : talaga anak?
Yna : opo papa..ang daming panahon na sinayang ko, sana ngayon nagpapahinga ka na lang sana, at ako sana ang nag-aasikaso sa negosyo natin.
Ferdie : anak, pinasaya mo ako!!
Yna : ah, papa meron po sana akong ipapaki-usap sa iyo papa..
Ferdie : ano yun anak..
Yna : papa, balikan natin si Esang at yong tatay niya, bigyan nio po ang tatay niya ng trabaho, para makapag-aral si Esang ng mabuti.
.
Ikinwento ni Yna sa papa niya ang pagkapahamak ng mag-ama sa kamay ng mga tauhan ni Noel, na hindi siya itinuro ng mag-ama kung nasaan siya, pinagtakpan siya ng mag-ama kahit na malalagay amg buhay nila sa kapahamakan kung hindi siya itinuro ng mag-ama, at ikinwento din niya na ulila na din si Esang sa ina..kaya hindi naman nagdalawang salita si Yna sa papa niya agad ng pumayag ang papa niya..natuwa naman ang papa niya dahil may puso din ang anak niya sa pagtulong sa kapwa..at saka sinabi din ni Yna na magbigay ng pabuya sa mga katutubo na tumulong sa kanila, at sinabi din niya na gusto niyang magbigay ng donasyon, sa orphanage na tinuluyan nila ni Nico.
.
Ferdie : hayaan mo anak, babalikan natin sila..nagugutom ako anak, sabi ng tita bel mo hindi ka pa lumalabas ng kwarto mo, at hindi ka pa kumakain, halika anak, sabayan mo naman akong kumain.
.
Ayaw pa sanang kumain ni Yna dahil parang hindi siya makakain dahil wala siyang gana, dahil sa naiisip niya ang pagsisinungaling ni Nico, ang paglilihim nito, na gusto lang daw nito na makasama siya sa pagbabakasyon, eh hindi naman daw pala, at ayun pala ay dahil sa pinababantayan lang siya ng papa niya..at prinoprotektahan lang siya ni Nico dahil sa bodyguard pala niya ito, sa isip ni Yna kaya pala sa tuwing may tumatawag sa celpon nito ay lumalayo pa sa kanya, ayun pala ang papa niya ang kausap nito, masisisi ba niya ang sarili niya na makaramdam ng hinanakit sa binata, gayong pinagsinungalingan siya nito, at pinaglihiman, hindi sinabi ang totoo sa kanya, paano pa niyang paniniwalaan na mahal siya nito, eh kaya daw pala pinapahalagahan, siya at inaalagaan, ay dahil sa bodyguard niya ito..dahil daw kapag hindi siya naprotektahan ay paano pa siya makakatanggap ng malaking halaga kung napabayaan siya, o kung may mangyayari sa kanyang masama, sinabi man lang daw sana ni Nico ang totoo, baka natanggap pa niya, ayaw niya lang daw yong niloloko siya at pinagsisinungalingan, na katulad ni Poli..nadadala na daw yata siyang umibig, kaya sabi niya sa sarili niya, isasantabi niya muna ang buhay pag-ibig, magcoconcentrate na lang daw siya sa pag-aaral niya..at samantalang si Nico ay naroon na ngayon sa bahay nila mang temyong..gabi na ng mga sandaling iyon, tulog na si esang, kinuwento lahat ni Nico ang mga nangyaring kapahamakan nila ni Yna..at sinabi din ni Nico kay mang temyong na bodyguad siya ni Yna..
.
Temyong : buti na lang at nakaligtas kayo ni Prince__ ay…Yna pala..akala ko talaga kasintahan mo siya..kasi bagay naman kayo..
.
Napangiti na lang si Nico sa sinabi ni mang temyong na bagay sila, pero nakaramdam din siya ng lungkot, dahil daw sa mga sandaling iyon ay alam na ni Yna na siya ay isang bodyguard o alalay..kung nalaman daw ba kaya ni Yna ang totoo magagalit daw ba kaya ito sa kanya, kaya lang mukhang natakot na siya lalo na sa ama nito, hindi niya nasabi ang totoo kay Ferdie na mahal niya ito, kaya hindi niya tinanggap ang malaking halagang ibinibigay nito, nahiya siya dahil baka daw sabihin ni Ferdie na, hindi siya nababagay sa anak nito, at baka daw isipin ni Ferdie na mas malaki pa pala ang gusto niyang kapalit,.sumakit tuloy ang ulo niya sa isiping iyon,.hindi niya tuloy alam ang gagawin niya, ang sigurado niya lang sa sarili niya ay mahal na mahal niya si Yna, ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya, ang kanyang prinsesa..at sobrang sabik na sabik na ang puso niya na makita ang minamahal niya..nasasabik na uli siyang matikman ang mga matatamis na halik nito..namumuo tuloy ang luha niya sa sobrang lungkot niya, dahil sa nasasabik na siya aa dalaga..
.
Temyong : magpahinga ka na kulas, alam kung hindi ka pa nakakabawi sa sakit ng katawan mo, halos mamaga na ang mga mukha mo sa mga suntok ng mga masasamang tao..
Nico : sige po, pahinga na din po kayo..
.
Pumasok na si Nico sa kwarto upang mahiga, ayaw niya munang umuwi sa pamilya niya, dahil baka daw hindi kayanin ng nanay niya kapag nakita nito ang mukha niya dahil, sa mga sugat at pasa sa mga mukha niya..napagpasyahan niyang bumalik ng bahay ampunan..ng makapasok siya sa kwarto ay nakita niya roon ang bag niya, binuksan niya ito, at naroon pa ang mga damit ni Yna, kinuha niya ang isa at niyakap niya ito, at dinadama niya at iniisip niya na lang na kasama niya roon ang dalaga at kayakap niya, di na niya napigilan ang luha sa kanyang mga mata, tumulo na ang mga luha na kanina pa nagbabadya.
.
Nico : mahal na mahal kita Yna..
.
At hindi nagtagal ay narinig niyang nagring ang celphone niya. Tiningnan niya ito kung sino, ang sa isip niya ay si Ferdie pero ang tatay niya pala ito..
.
Nico : t-tay!!!
Leo : anak, mabuti at ligtas ka, nasan ka, umuwi ka na anak, at nag-aalala na yong nanay mo..
Nico : tay pakisabi po kay nanay maayos na po ako..
Conchita : (kinuha ang cp kay leo)..anak umuwi ka na anak, parang awa mo na umuwi ka na..gusto na kitang makita anak, ano na bang nangyari sayo anak ko, maayos ka lang ba?(umiiyak niyang savi).
Nico : nay, huwag na po kayong mag-alala, okay na po ako nay, huwag na po kayong umiyak at huwag na po kayong mag-alala sakin ay maayos na po ako.
Conchita : umuwi ka na kasi anak.
.
Nag-alala si Nico sa ina dahil may sakit ito sa puso.
.
Nico : huwag ka ng umiyak nanay, bawal po ang masyado kayong nag-aalala, sige po at bukas na bukas ay uuwi na din po ako..
Conchita : sige anak, aasahan ko yan, lagi kang mag-iingat anak ha..
Nico : opo nanay, huwag na po kayong umiyak, maayos na po ako, bukas na bukas ay nariyan na po ako..
Conchita : salamat anak, talagang mamamatay ako sa pag-aalala ko sayo anak ko, lagi kang mag-iingat anak, mahal na mahal kita anak..
Nico : mahal na mahal din po kita nay, kayo ni tatay at ng kapatid ko.
.
At natapos na ang pag-uusap nila ng kanyang ina..hindi na siya tutuloy sa bahay ampunan dideretso na siyang uuwi sa bahay nila, dahil baka mamaya sa sobrang pag-aalala pang nanay niya ay kung mapano pa ito, hanggang sa lumipas ang magdamag, hindi din naman masyadong nakatulog si Nico dahil hindi siya makatulog sa pag-iisip niya kay Yna, buong magdamag ay laman ng isip niya si Yna, bumangon na siya dahil uuwi na siya sa araw na iyon, inayos niya ang laman ng bag niya, tulad ng sinabi ni Yna iniwanan ni Nico ang ibang mga damit ni Yna dahil nabanggit ni Yna sa kanya na gustong ibigay ni Yna ang mga damit kay esang, itinira ni Nico ang isang pares ng damit ni Yna, damit ni Yna nong una siyang makita ng dalaga..at ng maiayos na ang mga laman ng bag niya at nakapagbihis na din siya ng pang-uwi ay lumabas na siya ng kwarto.
.
Temyong : oh kulas, saan ka pupunta, akala ko ba hindi ka pa aalis ngayon?
Nico : uuwi na din po, ako si nanay po kasi pilit na akong pinapauwi..
Temyong : ganun ba, eh magkape ka muna, esang anak ipagtimpla mo ng kape si Kuya kulas mo at uuwi na pala siya, hindi pa naman ako nakakaluto ng almusal..
Nico : ayos lang naman po, kahit kape na lang.
.
At habang nagkakape sila mang temyong at Nico ay naalala ni Nico ang mga damit ni Yna na iniwanan niya sa papag.
.
Nico : esang, siya nga pala may iniwan akong mga damit sa papag sabi ni Ate Yna mo ibibigay daw niya sa iyo yun, hindi pa niya naisuot yong iba doon, sayo na lang daw.
Esang : talaga kuya kulas..
Nico : oo..at isa pa mang temyong, balak din niyang amukiin kayong tumira sa manila upang doon na lang daw mag-aral si Yna..
Temyong :...


naku, hindi siguro namin kayang mabuhay doon..wala naman akong alam na trabaho roon sa maynila..
Nico : ang sabi naman po niya ay bibigyan kayo ng trabaho ng papa niya,.
Temyong : naku nakakahiya naman..
Nico : yun naman po ang sabi niya noon, kaya po bumalik kami dito nun..
Esang : tatay kabait naman pala ni Ate Yna ano..
Nico : oo mabait talaga yun, parang yong papa niya, maraming tinutulungan na mahihirap yun, kaya pinagpapala sila, dahil may mabuting puso para sa mga mahihirap.
.
At ng makatapos magkape ni Nico ay hindi din nagtagal ay nagpaalam na siya sa mag-ama.
.
Esang : mag-iingat ka kuya kulas, pakisabi kay ate Yna salamat sa bigay niya.
.
Nakaramdam ng lungkot si Nico dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang dalaga.
.
Temyong : sige na Kulas para makarating ka na agad sa inyo at para hindi na mag-alala si Conching, ikumusta mo na lang ako kay Leo..
Nico : opo, sige po tuloy na ako..
Temyong : sige, mag-iingat ka..
Nico : salamat po. Sige esang!
Esang : sige po kuya, ingat po kuya kulas.
.
At nakaalis na nga si Nico..at samantalang sa bahay nila Yna ay sabay sabay silang nag-aalmusal ng tita at tito niya, pati ang papa niya.
.
Belinda : sasama na din kami sa,inyong mag-ama sa pag-punta kila sesang ba yun?
Yna : ah esang po tita..
Belinda : ah, esang..para na din makalibot pa kaming mag-asawa doon, yun lang naman ang libangan namin ang maglibot ng maglibot, dahil naiinip na kami sa buhay, at magbibigay din kani ng donation sa orphanage.
.
At naalala ni Yna si Gino..naalala niya ang mga pangarap ni Gino na magkaroon ng mga magulang na magmamahal sa kanya..mukhang tamang tama ang tito at tita niya ay walang anak, may 15 years na silang kasal ay hindi pa sila nabibiyayaan ng anak, dahil may diperensiya ang tito robert niya, hindi magkakaanak ang dalawa dahik baog ang asawa ng tita niya..mahal na mahal ng tita niya ang asawa nito kahit na hindi siya mabibigyan ng anak nito, hindi niya ito iniiwan, di tulad ng unang naging asawa ng tito robert niya, ng malaman na baog ito ay hiniwalayan ng babae.,pero ang tita niya ay hindi, walang pakialam yong tita niya na kahit baog ang asawa niya ay mamahalin pa din niya ito..kaya kahit walang anak ang mga ito ay masaya pa din sila, dahil, hindi naman nagkulang sa pagmamahal si Tito robert niya sa tita niya.
.
Yna : tita, tito..
Bel&Robert : yes?
Yna : gusto niyo bang magkaroon ng anak.
.
Nasamid ang tita niya..samantalang ang tito niya ay kinakitaan niya ng lungkot sa mga mata.
.
Yna : ang ibig ko pong sabihin, kung gusto niya pong magkaroon ng bata na aalagaan, at ituturing na parang anak..
.
Napa-isip ang mag-asawa..
.
Belinda : oo naman..
Yna : yes!!!(tuwang tuwa ito)
Belinda : bakit hija?
Yna : tita, tito, may nakilala ako sa orphanage, mabait siyang bata..
Ferdie : oo nga naman, mag-ampun na lang kayong mag-asawa, bakit ba hindi niyo naisip yun.
.
Kinukwento ni Yna si Gino sa mag-asawa, at kinuwento din ni Yna ang nalaman ni Yna na storya ng naging buhay ni Gino, at lalo na sa sinapit niya sa kamay ng ama nito..at naiiyak naman si Belinda sa kwento ni Yna tungkol sa bata, at mukhang nag-kainteres ang mag-asawa dito.
.
Robert : honey, ampunin na natin si Gino, i want him to be my son honey, our son..
Belinda : are you sure honey?
Robert : yes hon..
Belinda : oh, thank you honey..hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya.
.
At hanggang sa lumipas ang mga oras, ay sakay na sila ng kanilang chopper, excited ang mag-asawa na makita ang batang si Gino..at hanggang sa makarating na nga sila, naghanap ang piloto ng paglalapagan, at nakakita naman sila ng malapit lang sa bahay ampunan..at samantalang ang tao sa ibaba ay nagtataka sila kung bakit may lumalapag na sasakyang panghimpapawid sa lugar nila, at dahil bihira lang makakita ang mga tao na kalapit bahay lang ng orphanage ay naki-isyuso ang mga ito sa lumalapag na chopper..at nagtataka din sila Mother Fely at pati na din si manang Veron..at ang mga bata na naroon sa bahay ampunan, ang ibang bata naman ay natakot sa ugong ng makina ng chopper, at ng makalapag na sila, ay binuksan na nila ang pinto at nagsibabaan na silang lahat..at hanggang sa naroon na sila sa tapat ng gate ng bahay ampunan..gulat si Manang Veron ng makita siya..
.
Veron : Yna?
Yna : manang veron..
Veron : mother fely si Yna..
Mother Fely : si Yna nga..
.
Inutusan niya ang bagong tagalinis na buksan ang gate..at ng makapasok sila sa loob ay sinalubong sila ni Mother Fely..niyakap niya si Yna.
.
Mother Fely : Diyos ko Yna, mabuti at nakaligtas kayo anak..
Yna : opo mother Fely, salamat po sa Diyos..
Mother Fely : si Kulas hija kumusta nasan siya, bakit hindi mo siya kasama?
.
Hindi alam ni Yna ang isasagot niya.
.
Veron : Yna salamat sa Diyos at nakaligtas kayo ni Kulas, sobra kaming nag-alala ng mapanuod namin sa, TV ang nangyari sa inyo ni Kulas, nong pag-alis nio pala dito nagyari yun.,
Yna : opo..siya nga po pala, mga pamilya ko po, eto po ang papa ko..
Ferdie : magandang umaga po..ako po si Ferdinan Villaroman.at sila naman po..
Mother Fely : magandang umaga din naman..
Yna : at ito naman po si Tita Belinda ko, at tito robert ko..
Bel&robert : good morning po mother.
Mother Fely : good morning, tayo dito sa loob, veron ipaghanda mo sila ng mamimeryenda..
Veron : opo.
.
At pumasok na sila sa loob ng bahay, nakaramdam ng kirot sa dibdib si Yna dahil sa naalala niya si Nico, at kapag naaalala niya si Nico ay naaalala niya rin ang pagsisinungaling sa kabya ni Nico..at hanggang sa nakita siya ng isang bata na umiiyak pa ito sa tuwa ng makita si Yna.
.
Gino : ate Yna!!!(sumugod ito ng yakap)..ate Yna nagbalik ka..
Yna : Gino..(niyakap niya rin ito)
Gino : akala ko po, hindi ka na babalik dito, akala ko hindi ka na po pupunta dito.
Yna : pwede ba yun, diba sabi ko nga sayo babalik ako..
Gino : eh nasan po si Kuya Kulas..
Yna ; ah, eh..(nagisip ng dahilan)..uuwe daw muna siya sa kanila..
Mother Fely : naku, laging umiiyak yan nong umalis kayo ni kulas dito..lagi ding nagmumokmok sa kwarto laging walang ganang kumain..
Yna : bakit naman Gino, diba sabi ko huwag malungkot at huwag ng iiyak..
Gino : eh kasi naman po, hindi ko naman po mapigil yong lungkot ko ate Yna..isama nio na po kasi ako..
Yna : hayaan mo Gino, magkakaroon ka na din ng pamilya, hintay hintay kalang ah.
.
Nang makita ng mag-asawang Belinda at Robert si Gino ay nakaramdam ng saya ang mga puso nila, parang matutupad na nila ang matagal na nilang inaasam ang magkaroon ng anak..at hanggang sa kinausap na nila si Mother Fely, si Yna naman ay dinala ni Yna sa labas, si Gino para din kausapin ito..at kinausap na nga nila si Mother Fely nila Robert at Belinda para sa pag-adopt kay Gino, nagdala na din sina Belinda at Robert ng mga dokumento o posibilidad na mga requirements para sa pag-ampon sa mga bata..at mabusisi naman si Mother Fely sa mag-asawa, at hanggang sa makapasa naman sila para maging magulang ni Gino, naiyak sa tuwa si Belinda, magkayakap sila sa tuwa ng sabihin ni Mothet Fely na pwede nilang ampunin si Gino, at isa pa tiwala siya dahil sa pamilya ni Yna mapupunta ang bata..at habang kausap ni Mother Fely ang mag-asawa ay kausap naman ni Yna si Gino..
.
Yna : Gino, gusto mo talagang magkaroon ng mommy at daddy?
Gino : opo ate Yna, gustong gusto ko po..
Yna : bakit gusto mong magkaroon ng mommy at daddy?
Gino : gusto ko po kasi magkaroon ng mommy at daddy para po may magmamahal sakin, at may tatawagin po akong mommy o mama o kaya po nanay, at ganun din po ang daddy o papa, o tatay..yun pong mamahalin po ako, at ituturing po na totoo nilang anak..
Yna : ikaw talaga para ka naman matanda ng magsalita..
Gino : gusto ko po kasi ng may nasasabi po akong pamilya ko, katulad po sa napapanood ko sa tv na may pamilya po sila.
Yna : ah kaya pala, kakapanood mo ng tv.
Gino : at saka,gusto ko po na may magbabasa po sakin ng mga storybook yun pong may magpapatulog sakin. At may mag-aalaga po sakin kapag po may sakit ako.
Yna : ganun ba.
Gino : at saka po, gusto ko po na may nasasabi po akong magulang ko, na aalagaan ko din po kapag may sakit sila at lalo na po kapag sila ay matanda na po..
Yna : kabait mo naman..
Gino : kaya po lagi ko pong ipinagdadasal kay God na sana po magkaroon na ko ng mommy at daddy po..
Yna : paano kung sabihin ko sayong sinagot na ni God ang dasal mo..
Gino : po?
Yna : sinagot na ni God ang dasal mo, meron ka ng magiging mommy at daddy..
Gino : po?
Yna : oo, meron na..
Gino : talaga po ate?
Yna : oo..
Gino : nasan po sila?
.
Tuwang tuwa ang mag-asawa ng marinig nila ang usapan ni Yna at Gino..hindi sila nagkamali ng disisyon nilang ampunin ang bata, totoo nga daw pala ang sinabi ni Yna na mabait ang bata..hindi napansin nila Yna at Gino na nasa likudan na pala nila ang mag-asawa at si Mother Fely.
.
Belinda : nandito kami baby?
.
Lumingon si Gino sa likudan nila..
.
Mother Fely : sila na ang magiging mommy at daddy mo Gino..
Gino : talaga po..
Yna : oo Gino..sila yong sinasabi ko sayo, tita ko siya, kapatid siya ng mama ko..wala kasi silang baby, tulad mo nangangarap na magkaroon ng magulang, sila naman nangangarap na magkaroon ng anak.
.
At binigyan nila ng pagkakataon na makapag-usap ang mag-asawang at si Gino, samantala naman ay kausap naman nila Ferdie at Yna si Mother Fely, natutuwa si Mother Fely dahil nagbigay ng napakalaking halaga si Ferdie para sa ampunan..at sa pag-uusap nila ay may hindi sila inaasahang bisita, ito ay ang mag-amang Esang at Temyong..
.
Esang : ate Y-yna!!
.
Napalingon si Yna kay Esang..
.
Yna : Esang, mang temyong..
Mother Fely : o temyong,buti at nadalaw kayo..
Temyong : opo. Magandang umaga po, Prince–ay Yna pala..
Yna : opo mang temyong..tamang tama po, pupunta po talaga kami sa inyo..
Esang : ate Yna, salamat po sa binigay niyong damit ha..
Yna : h-ha..
.
Nagtaka si Yna, maalala nga pala niya yong mgadamit na ibibigay niya kay esang, ibig sabihin na kay esang na yong mga damit niya na ibibigay niya sana..
.
Esang : sabi po kasi ni Kuya kulas na bigay nio po yun..
.
Ah sa isip niya, nanggaling roon si Nico.
.
Temyong : sayang hindi kayo nag abot ni Kulas, kakaalis lang ni kulas kaninang mga bandang alas singko ng umaga..sabi nga niya pupunta siya dito, hindi naman natuloy dahil pilit na siyang pinapauwi ng nanay niya.
.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng malaman na muntik pala silang mag-abot ni Nico roon..hindi niya kasi alam kung paano niya haharapin si Nico..pero sabik ang puso niya na makita ang binata..kaya sa nararamdaman niyang iyon ay kinagalitan niya ang puso niya, dahil daw hindi na nadala,..at hanggang sa ipinakilala na ni yna ang papa niya sa mag-amang esang, at hanggang sa inalukan na nila ng tulong ang mag-amang esang at temyong, ayaw ni Mang temyong ngunit gusto naman ni Esang, nakita ni Temyong ang saya ng anak. Ng sabihin na makakapag-aral ito, at walang iintindihin na gastos, dahil papag-aralin ito ni Ferdie, at bivigyan pa ng trabaho si Temyong, napapayag na din si Mang temyong sa alok ng mag-ama, dahil pinagbigyan ni Mang temyong ang kagustuhan ng anak. Dahil noon lang niya muling nakita ang saya sa mukha ng kanyang anak na si Esang..
.
At hanggang sa nagpaalgam na din sila yna kila mother fely at manang veron. At ganun din sa mag-amang temyong at esang..at nagpaalamna din si Gino sa mga kapwa bata niya, at mother fely at manang Veron, at ang mag-amang temyong at esang ay nagbigay si mang temyong ng takdang araw para sila ay balikan para sunduin, upang sa maynila na sila manirahan at ng sa ganun ay matupad ni Esang ang pangarap na makatapos ng pag-aaral..at hanggang sa tuluyan ng nakaalis ang mag-anak na kasama na si Gino.
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top