CHASING HER (Sequel) CHAPTER III


Billionaire Man Series One: Setrix Dale
#BMSOSDCH
———
THE party continue at kahit papaano ay na-iba ang mood ni Jullians. Nakangiti siya habang nakatingin kay Jullians na naglalaro sa games kasama ang mga kalaro nito.
“It’s been a while. So you have been on states.” napatingin siya sa lalaking tumabi sa kaniya.
Nilamon ng hiya ang pagkatao niya ng mapagsino ito. That jerk!
Tumayo siya at akmang aalis ng magsalita ito. “Are you avoiding me? Why? Dahil ba sa hindi ka nagtagumpay sa plano mo?” Her brows instantly arched.
Nilingon niya ito ng kunot ang noo. “What do you mean?”
“Don’t act as if you don’t know. Such a traitor.”
Nagtatanong ang isip niya habang pinapanuod itong naglakad palayo. What does he mean? Anong alam nito?
Nagitla siya ng may kumapit sa blouse niya. Nakita niya si Jullians na nakangiti sa kaniya. “Pwede niyo po ba akong samahan sa comfortroom, Mommy Venice?”
Pinisil niya ang pisnge nito at sinamahan ito sa comfort room.
Nang matapos sa pag-cr si Jullians ay bumalik na ulit sila. Tinawag si Dra. Belen si Jullians kaya naiwan siyang mag-isa ulit sa silya.
Nahagip ng tingin niya si Christian na binibihisan ng daddy nito,na si Setrix.
Nilakasan niya ang loob at lumapit. Nagbabakasakaling may malalaman mula rito.
Tinyempo niyang naka-alis na si Christian bago siya lumapit.
“Excuse me.” she try to get his attention and so she succeed.
Madilim ang ekspresyon nito. He is greeting his teeth like he has too much angered towards her.
Did i do something wrong to this man in my past? Tanong sa isipan niya.
“I want to talk to you.”
He tsked. “Why? Because you need me?”
“Yes.” she answered with no hesitation.
Bumalatay sa mga mata nito ang pait. Lumungkot din ang mukha nito ngunit agad itong umiwas ng tingin at tumayo saka tumalikod habang nakapamulsa.
May nasabi ba akong nakasakit sa damdamin niya?
“Kung sinabi mo lang sana na hindi mapapatawad pa kita. Nagkamali nga talaga ako sa pagpili sa’yo. I thought i can change you.”
Pagpili? Mapatawad?
“Sabihin mo sa’kin,anong nagawa ko sayo dati? Pagpili? Please sabihin mo sa’kin.” namamaos ang tinig niya.
Hindi niya alam kung bakit biglang bumara ang lalamunan niya.
“Are you that happy to see me suffering from pain? It still hurt, Venice. It still damn hurt.” nagkislapan ang mga mata nito pero agad na itong umalis at iniwan siyang may dinadalang bigat sa dibdib.
Sino ba ang lalaking iyon at bakit ganito kabigat sa dibdib ang mga sinabi nito?
BANDANG alas kwatro ng hapon ng matapos ang party at buong maghapon rin niyang dala ang bigat na iyon sa dibdib niya. Kung hindi lang dahil kay Jullians ay kanina pa siya umuwi.
Maraming tanong ang nasa isipan niya.
‘Gusto mo ng ice-cream? Manggo flavor?’ Ang mga salitang iyan pakiramdam niya pamilyar pati narin ang boses pamilyar din sa kaniya.
At ang mga sinabi ni Setrix ang nagpapagulo sa isip niya. Anong meron sa kanila dati ng binata?
Alam niyang malaki ang koneksiyon ni Setrix sa nakaraan niya at ang pagsakit ng ulo niya kanina ng tinawag ito ni Jullians ay isang patunay.
Nang matapos ang party ay nauna pa siyang umuwi at nagpa-alam lang kay Dra. Belen at Jullians.
VENICE was watching her reflection at the mirror habang medyo sabunot ang sariling mga buhok. Tinawagan niya kanina si Mario pero unattended ang phone nito.
Naiinis siya dahil kung kailan niya ito kailangan ngayon pa ito nawala.
At hanggang pagsapit ng umaga ay hindi ito umuwi. She should be happy dahil ito ang gusto niya pero dahil kailangan niya itong maka-usap ay napuno ng frustration ang mukha niya.
Damn!
What if puntahan ko nalang kaya siya sa bahay nila? She asked herself.
But that man seems doesn’t want to talk to her nor to see her.
Nangalumbaba nalang siya buong-araw.
Nang sumapit ang lunes hindi muna siya nagpunta sa Calle’s since pang-hapon naman ang schedule niya.
Mga alas tres ng magligpit siya ng sarili at nagpunta na ka-agad sa Calle’s Hospital.
Still, hindi parin naka-uwi si Mario. Naiinis na nga siya.
Dra. Belen met her at the entrance. Nagmamadali ito that time kaya basta nalang ibinigay sa kaniya ang isang log book.
She change her suit at the locker but made sure na na-lock niya ang pinto bago siya nagbihis.
Binuklat niya ang log book at ang nilalaman no’n ang mga pasyente ni Dra. Belen na , sa kaniya na inatas ngayon.
Room number, info at kung anong cases nakasulat roon.
Sinimulan na niyang i-checked ang mga pasyente niya at bawat checked sa bawat isa ay nagpapakilala muna siya.
May isang pasyente siyang nasa mid-40’s na babae. Amnesia ang kaso. Stella Madricon ang pangalan. Nakita daw sa isang malalim na bangin at duguan.
Iyon ang kwento sa kaniya ni Dra. Belen ng magtanong siya.
May pagkakapareho sila kaya rin siguro mas naging malapit siya rito. 4 years daw itong in-coma at last month lang nagising.
She pity her lalo na kapag umiiyak ito. Miss na daw kasi nito ang lolo niya. Lolo lang daw kasi nito ang naalala at kahit ang pangalan ay hindi matandaan.
Kaya lang ito nakilala ay dahil paminsan minsang bumabalik ang memorya nito at nagwawala. 5 minutes na ang pinamatagal na pagbalik ng memorya after that blangko na ulit.
Mas masaklap ang sa kaniya dahil wala talaga siyang ma-alala.
Hindi na muna niya inisip ang lalaking iyon at nag-focus sa trabaho.
Nang mag-gagabi na ay nauna pa siyang umuwi. Hindi narin nag-abala pang magtanong si Dr. Keneth kung anong nangyayari sa kaniya dahil palagi siyang lutang at si Dra. Belen naman ay maaga pang umalis pagka-tapos ng schedule nito dahil may importanteng lakad.
Naisip niyang bumili muna ng isang gallon ng mango flavor ice cream bago umuwi para naman maibsan kahit kaunti ang frustration niya.
Nang makabayad sa driver ng taxi ay bumaba na siya. Nahagip ng tingin niya ang itim na kotseng nakaparada sa kabilang bahagi ng gate nila.
Niliitan...


niya ang mga mata upang mapagsino ang nasa loob ng kotse dahil alam niyang may tao do’n.
Nanlaki ang mata niya ng magtama ang tingin nila ng binata.
Anong ginagawa nito dito?
Gusto niya sana itong kausapin pero natatakot siyang madagdagan ang bigat sa dibdib niya at baka hindi rin siya pansinin nito.
Binuksan niya ang gate at papasok na sana ngunit parang hinigop ang mga mata niya para lingunin ang kotse.
Nakabukas ang pinto pero wala ng tao.
“Hinahanap mo ako?” baritonong boses na nanggagaling sa likuran niya.
Naramdaman niya ang pagtaasan ng mga balahibo niya sa batok. Bumaling siya at halos gahibla nalang ng buhok ang layo nila sa isa’t isa.
Nagulat siya at napalayo. Tumikhim para buoin ang boses.
“What are you doing here?” napalunok siya ng ngumisi ito.
Damn that smirk!
“Still your favourite?” tukoy nito sa dala niya.
“Bakit ka narito?” ulit niya sa tanong.
“Ganiyan ka na pala mantrato ng bisita ngayon. Baka naman pwede mo akong papasukin.” sinamaan lang niya ito ng tingin. “Okay, sure..a yes coffee nalang mas gusto ko. Thank you.” parang baliw na kausap nito sa sarili.
“Umalis ka na. Wala ako sa mood makipag-usap sayo ngayon.” tugon niya at binuksan ang pinto at akmang papasok na ngunit mahigpit na paghawak sa braso niya ang nagpatigil sa akma niyang pag-pasok.
“Bakit ba ang bilis mong makalimot? Gano’n nalang iyon? Kakalimutan mo na? Gusto kitang saktan ngayon ,Venice. God know how much i hate you!” gitil na sinambit nito ang huling linya.
Marahas niyang binawi ang kamay. Hindi siya papayag na makita nitong nanginginig siya. Not to this man na hindi niya pa maalala.
“Wala akong alam sa sinasabi mo. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis.”
Ngumisi lang ito at hinawakan ang labi. “Ginagalit mo talaga ako.”
“Sinabi ko na sayo na hindi ko alam ang sinasabi mo ,okay? Umalis ka na at huwag mo na muna akong guluhin dahil ngayon palang gulong gulo na ang isip ko sa mga inaakto mo! Leave me alone!” malakas na sigaw niya sa mukha nito at akmang papasok ng hapitin nito ang beywang niya at sa isang iglap ay nagkadikit ang mga labi nila.
Napakurap kurap siya habang lapat parin ang mga labi nila.
Gusto niya itong itulak ngunit wala siyang lakas ng loob. Nanghihina ang mga tuhod niya. Pakiramdam niya tinakasan siya ng lakas.
“Hindi kita guguluhin ngayon o bukas but I’ll be back again.” litanya nito bago umalis at pinaharurot ang kotse.
Napahawak siya sa labi at ng matauhan ay pinahid ang likod ng palad niya sa labi niya.
“Damn you, Setrix Dale!” inis na sigaw niya at nagpapadyak na sinara ang pinto at pumasok sa loob saka padabog na sinara ang pinto.
NAKA-UPO ngayon sa swivel chair si Setrix sa loob ng kaniyang opisina dito sa mansyon nila. Wala sila ni Katrina at Christian dahil doon muna ito natulog sa Mommy’t daddy ni Katrina. Hindi naman siya tumanggi dahil pabor sa kaniya iyon upang makapag-isa siya.
Naalala niya ang una nilang pagkikita ng dalaga sa birthday ng bestfriend ni Christian na si Jullians.
Nanibago siya sa itsura nito. Mas tumangkad ito at..gumanda. Inaamin niya. Nabubwesit siya dahil nag magkita sila ay biglang bumalik ang sakit ng ginawa nitong panloloko at bumalik ang kaka-ibang tibok ng puso niya na tanging dito lang tumibok.
Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya ito magawang lubayan. Sa buong party nakatuon lang ang atensiyon niya sa bawat galaw nito. Naramdaman din niya ang kakaibang kuryente na dumaloy sa kamay niya ng nagdikit ang mga kamay nila at lalong hindi niya inaasahan na magagawa niya itong hapitin at halikan.
Napasabunot siya sa sariling buhok. “Damn! I’m so stupid! I shouldn’t kissed her! I’m so stupid! Dapat galit ako! Dapat ipinamukha ko sa kaniya iyon!” frustrated na sigaw niya.
Napahilamos siya sa mukha at bumuntong hininga. Pipilitin niya ang lahat para makalimutan niya ang nararamdaman niya para rito. At kahit anong mangyari gagawa siya ng paraan para maramdaman rin nito ang sakit na ipinaramdam nito sa kaniya.
Sana lang talaga hindi ulit ako pumalpak. Wika niya sa sarili.
PARANG baliw na masamang nakatingin si Venice sa tv. Hindi niya alam kung nanadya ba talaga ang pagkakataon o nagkataon lang.
Nanunuod kasi siya ng romance at saktong kasalanan nung babae tapos bumalik si lalaki. May kissing scene pa.
Naalala niya tuloy ang paghalik sa kaniya ni Setrix kaya ngayon panay na naman ang pahid niya sa labi ng likod ng kaniyang palad kahit na kanina pa nawala ang marka ng halik nito doon.
Damn! Bakit ba hindi ko makalimutan iyong halikan na iyon? At bakit hindi ko siya tinulak? Bwesit!
Tumayo siya at padabog na pinatay ang tv saka inlapag sa center table ang galloon ng ice cream at kumuha ng tubig sa ref.
Tumunog ang cellphone niya sa mesa kaya agad niya itong nilapitan.
‘Mario’s calling…’
Inis na sinagot niya ang tawag. “Aba’t buti naman at naisipan mo pa akong tawagan, ano? Kailan ka ba uuwi? Bwesit na bwesit na ako sayo! Akala ko ba one day ka lang mawawala?” inis na bulyaw niya rito.
Mario chuckled. “Bakit parang atat ka? Akala ko ba gusto mo akong mawala sa tabi mo? Anong nangyari do’n?”
“Nagbago na ang isip ko. Nasaan ka ba? Umuwi ka na nga dito.”
“On the way.” nakahinga siya ng malauwag. “Bakit ano ba ang nangyari?”
“I met this guy name Setrix Dale. We talked and based on her words and reaction, parang may koneksiyon siya sa nakaraan ko kaya umuwi ka na dahil marami akong itatanong sayo.” litanya niya.
Natahimik ang kabilang linya ng biglang magmura si Mario. “Damn!”
“Anong nangyari?” alalang tanong niya.
“My boss texted me. Kailangan niya ako. Hindi na muna ako makaka-uwi. Bye.”
“What? Mario——”
‘Tooot….tooot…toot..’ inis na tininganan niya ang wall screen. Binabaan siya ng loko.
Wala nalang siyang nagawa kung hindi ubusin ang ice cream at matulog dahil may trabaho pa siya bukas.
——
TBC.🖤 MORNING!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top