THE DOCTOR’S OBSESSION. K a b a n a t a 2


THE DOCTOR’S OBSESSION.
K a b a n a t a 2
Alisha’s PoV
Ngayong araw na akong makakalabas sa hospital. At nagtataka ako kung sino ang nagbayad pang hospital ko?
Tinanong ko kasi ang isang nurse na pumasok dito kaganina sa room ko ang sabi n’ya ‘may nagbayad na daw.’ Sino naman kaya? Gusto ko sanang makita at malaman kung sino ang nagbayad ng makapagpasalamat manlang ako.
“Ah ma’am gamit po ‘yan ng hospital hehehe.” Napatingin naman ako sa mga hawak ko.
Napa kamot naman ako sa ulo dahil sa katangahan ko. “Ah sorry.”
Naalala ko pala na ni miski isa wala akong dalang gamit. Atsaka hind parin ako naliligo ang lagkit ko na amoy cracklings na ako.
Napatingin ako sa nurse ng mag salita ulit ito.
“Pinapabigay po sainyo.” Sabay abot ng mga paper bag. Napa taas naman ang kilay at kinunotan s’ya ng noo.
“Sino naman ang nag bigay?”
“H-hindi po kasing p’wedeng sabihin, sige po mauna na po ako.” Akma pa sana ako mag sasalita ng lumabas na s’ya, ang bastos naman kinakausap ko pa.
Agad ko nalang tinignan ang laman ng paper bag at ng makita ko kung anong laman nito ay nagtaka naman ako. Sino naman ang magbibigay at bibili sa’kin ng ganitong kamahal na damit?
Agad kong inilabas ang isang dress na hanggang tuhod lang ang haba. Pinag halong kahel at ginto ang kulay nito na alam kong babagay sa’kin.
Mabilis na akong nag tungo sa cr. Hindi naman ata bawal ang maligo dito?
“bahala na!” Mabilis na akong pumasok sa banyo at nag simula na tanggalin ang suot ko at nang matanggal ko na ay agad na akong nag simulang maligo.
Mga ilang minuto lang ang itinagal ko at agad na akong lumabas sa cr na suot-suot ngayon ang dress na binigay sa’kin.
Sinuklay ko naman ang buhok ko gamit ang kamay ko. Napahinto naman ako sa paglalakad ng mahagip ng mga mata ko ang isang bouquet sa ibabaw ng kama.
Napa kunot naman ang noo ko at nag tatakang nakatingin do’n.
“Sino naman ang naglagay nito?” Takang tanong ko sa sarili at maynakita naman akong gold card na nasa loob nito, mabilis ko naman ‘yon kinuha at pangalan ko kaagad ang nabasa ko.
‘So para sa ‘kin ‘to?’
inayos ko muna ang sarili ko at kinuha ang sandal na kapares ng dress na suot ko.
Nang mapagtanto ko ng okay na ang lahat ay agad na akong naglakad papalabas habang bitbit ang red roses bouquet.
Nang makalabas na ako ay maraming napapahinto at napapatingin sa’kin. Tinataasan ko lang sila ng kilay at binibigyan ng ‘what? look’
Ang ayaw ko pa naman ang maging center of attraction. Nakaka ilang kasi.
Huling makita ko si doc ay no’ng kagahapon, hindi na s’ya pumunta sa room ko mula kaganina. I know naman na busy ang isang tulad n’ya.
Nang nasa first floor na ako ay marami na namang napapatingin sa gawi ko. Medyo marami kasi palamuti sa dress ko at isama mo pa na kumikimang-kinang ang suot ko.
“Ang ganda ni ate girl!”
“true, bagay na bagay sa kaniya ang suot n’ya.”
“Ano kayang brand ng sabon ang gibagamit n’ya mala porsilena ang balat at kinis!”
Hindi ko nakang pinag tuonan ng pansin mga pinag sasabi nila.
Nang tuloyan na akong nakalabas ay ngayon lang sumagi sa isip ko na wala na pala akong uuwian wala akong matitirahan.
‘shock!’
Napa hilot nalang ako sa sentido. Wala rin akong dalang cellphone kaya hindi ko ma ko-contact ang mga kaibigan ko. Kahit naman taong bahay ako ay may mga kaibigan parin naman ako at ‘yun ang mga pinsan ko. Hindi nila alam ang nangyari sa’kin dahil nasa ibang bansa sila.
“Paano na ‘to.” Ayoko naman umuwi sa mga magulang ko dahil alam ko ang kahahantungan ko kung uuwi ako do’n. Ayoko narin muna sila makita.
“Ma’am ikaw po ba si alisha?” napatingin naman ako sa harapan at ganun nalang ang gulat ko ng may nakahintong limousine sa harapan ko.
“Y-yes.” Ngumiti naman ang babaeng ito. Na may katandaan na


/> “Sumama po kayo sa’kin.”
“Ha? Mawalang galang na po bakit naman po ako sasama?” Nako kahit matanda na ‘to, hindi parin ako mag titiwala.
Napa kamot naman ‘to sa batok.
“di ba wala kang matirahan, kaya sumama ka sa’kin. Wala akong masamang gagawin sa’yo hija, mag tiwala ka.” paano naman n’ya nalaman? Stalker ko ba ‘to.
Tinignan ko ng maigi ang matandang ito at napabuntong hininga. mukha naman s’yang mapagtitiwalaan. Tumango nalang ako. No choice ako tsaka isa pa ayoko namang pagala-gala dito sa kalsada.
May lumabas naman sa sasakyang isang lalaki at ipinag buksan ako. Nag pasalamat muna ako dito bago pumasok sa sasakyan.
‘Sobrang bango.’
Naramdaman ko naman na umandar na ang sasakyan.
Hindi ko tuloy mapigilan mag tanong sa matanda na katabi ko.
“Ahm matanong ko lang po, paano n’yo po nalaman ang pangalan ko?” tumingin naman s’ya sa’kin at tanging ngiti lang ang sinagot nito.
‘Wierd’
hindi nalang ako nag abala pang mag tanong.
Makalipas ng ilang oras ay tumigil narin ang sasakyan.
Bababa na sana ako ng pigilan ako ng matanda.
Napa kunot ang noo ko ng ibigay n’ya sa’kin ang isang susi at isang credit card? Kanino naman ‘to galing?!
“para saan po ‘to?” Tulad kaganina nginitian n’ya lang ako.
bumukas naman ang pinto ng sasakyan at agad na akong lumabas.
Nag taka naman ako dahil napapaligiran na kami ng mga matataas na mga puno.
Taka akong humarap sa matanda na kakalabas lang sa sasakyan. Naka ngiti itong nakatingin sa’kin.
“simula ngayon dito ka na titira, hija.” Mas lalong lumukot ang noo ko dahil sa pagtataka at maraming katanungan ang namuo sa isipan ko.
Nakita naman n’ya kung ano ang naging reaction ko.
“Alam kong nagtataka ka pero hindi ko p’wedeng sabihin, baka malagot ako kay master kung sasabihin ko sa kaniya.”
“ano po?” Hindi ko kasi narinig ang huli n’yang sinabi. Umiling naman ‘to at ngumiti.
“O’sya pumasok ka na, alam kong pagod ka na. Wag ka mag alala kompleto ang gamit sa loob ng bahay na ‘yan at sa puting pinto ang kwarto mo sa kanan.” Tumango nalang ako kahit gusto ko ng mag tanong dahil naguguluhan na ako.
‘May secret admirer ba ako?’
Pumasok na sila sa loob ng sasakyan at agad na umandar papaalis sa kinaroroonan ko. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ay agad akong humarap sa likuran ko.
Napataas ang kilay ko dahil medyo may kalakihan ang bahay kahit labas palang ang nakikita mo.
Agad nalang ako naglakad at agad binuksan ang gate at halatang bago pa ito. Pag kapasok ko ay agad akong namangha dahil napapaligiran ng mga iba’t ibang bulaklak ang labas ng bahay.
Napa pikit pa ako dahil sa sariwang hangin. At sobrang tahimik.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay agad kong ginamit ang susi na binigay sa’kin. Nang mabuksan ko na ay dahan-dahan akong pumasok sa bahay.
Namangha naman ako sa ganda ng loob. At hindi ko tuloy mapigilan ang mag taka dahil halos lahat ng gamit ay mamahalin at mga bago. Napa tingin naman ako mag kaharap na pinto, kulay puti at kulay itim.
“Cr siguro ‘yung kaharap ng magiging kwarto ko.”
Naglakad na ako papunta do’n at hindi na inabala libutin ang loob nito. Naramdaman ko narin kasi ang pag kaantok.
mabilis akong pumasok sa puting pinto at agad na sinara ng makapasok ako at mabilis na humilata sa kama, hindi ko na tinignan ang loob ng kwarto ko.
Na hanggang tuluyan na akong makatulog.
***
Nagising ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Napa tingin ako sa bintana na nasa kaliwa ng kama ko.
Gabi na pala masyado atang nasarapan ako sa pag tulog.
Mabilis akong tumayo at hindi muna ako nag palit dahil okay pa naman ang suot ko.
Naglakad na ako palabas para magluto ng makakain, siguro naman may stock ng pag kain dito.
Nang mabuksan ko na ang pinto ay s’ya rin pagbukas ng itim na pinto. Natuod ako sa kinatatayuan ko at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.
“Doc?!”
‘Anong ginagawa n’ya dito?!’
Pag tatapos ng kabanata 2






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top