Aking Prinsesa Chapter 16


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 16
.
Samantalang si Yna ay nalalapit na ang kanyang pag-alis papuntang America. hindi niya makakasabay sa pag-alis ang tita at tito niya. dahil maiiwan pa ang mga ito dahil inaayos pa nila ang papers ni Gino dahil para sa passport nito at Visa nito, para sa pagpunta din ni Gino sa America.
.
Ferdie : anak, sigurado ka ba na sa America mo gustong mag-aral?
Yna : opo papa.
Ferdie : bakit parang May lungkot sa mga mata mo?
Yna : wala po papa.. naiisip ko lang po na bakit ba hindi ko ginawa ito noon pa.sana ay nakatapos na ako..sanay ako na ng nag-aasikaso sa negosyo natin..sana parelax relax ka na lang sana.
Ferdie : ano ka ba anak. ayos lang, huwag mo ng isipin yun. ang mahalaga, natuto ka na.
Yna : naiinis ako sa sarili ko papa, bakit kailangan saka ko mare-realize na mali ang sistema ko sa mga ibang tao pa. bakit di ko agad na-realize na sa maling landas pala ako nagtatahak..
Ferdie : ganun talaga ang buhay anak. Kung minsan ayaw pa nating gawin ang mga bagay na dapat ay noon pa natin ginawa.
Yna : tulad mo pa. bakit kailangan mong talikuran ang pansariling kaligayahan mo na dapat ay noon mo pa din hinanap..
Ferdie : dahil mahal kita anak, ikaw ang kaligayahan ko, ang maibigay ko lahat-lahat ng pangangailangan mo..
Yna : kaya nga po papa, naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang naisip Yong kabutihan mo sakin.. naiinis ako sa sarili ko dahil bakit–
Ferdie : Tama na anak, ang mahalaga naisip mo na yong mga pagkukulang mo.at alam ko sa pag-alis mo ay mapagtatagumpayan mo ang anumang mithiin na nariyan na sa puso mo..
Yna : papa salamat ah. sa pagbibigay mo uli ng tiwala sakin..pangako ko po ngayon, na hindi ko na po kayo bibiguin..
Ferdie : salamat anak.
Yna : salamat din po papa, mahal na mahal kita pa..(yumakap sa ama)
Ferdie : (yumakap din sa anak)..mahal na mahal din kita anak ko, mag-iingat ka doon ha.
Yna : opo papa, kayo din po dito lagi kayong mag-iingat, wag po masyadong magpakapagod.
Ferdie ; okay lang si Papa dito anak..oh pano anak, baka mahuli ka sa flight mo..
Yna : ah, opo nga sige papa punta na ako.
Ferdie : sige ako na ang magdadala ng maleta mo.
Yna : sige po papa, salamat.
Ferdie : ikaw na muna ang bahala sa bahay natin dun, baka sa susunod na buwan ay pupunta din ako doon..
Yna : sige pa, asahan ko po na makakapunta kayo dun ah.
.
At hanggang sa sakay na silang mag-ama papuntang Airport..habang nasa byahe sila ay hindi niya pinahahalata sa papa niya na nalulungkot siya, sa totoo hindi gusto ng puso niya na umalis ng pilipinas, dahil meron ayaw maiwan ito, ngunit ang isip naman niya ang nananaig na umalis siya, naguguluhan talaga siya dahil nagtatalo ang pusot isip niya, siguro natakot lang talaga siya na maloko ulit, na mabigong muli sa pag-ibig, na parang natakot na siyang magtiwala sa lalake dahil kay Poli, at ngayon nadamay na si Nico sa kagagawan ni Poli..pero ang totoo mahal na mahal niya si Nico, at isa pa hindi naman daw siya pinupuntahan ni Nico, siguro nga daw ay hindi siya totoong mahal ni Nico, sa isip ni Yna, wala nang pakialam sa kanya si Nico dahil nakuha na ng binata ang malaking halaga na ibinayad ng papa niya, kaya hindi na ito nagpapakita..nakaramdam na naman siyang kirot sa puso niya.
.
Ferdie : anak, mukhang malalim yong iniisip mo.
Yna : ah hindi papa..iniisip ko lang yong mga katutubo na tumulobg sakin..papa puntahan mo sila ah..gusto ko pa sanang makapagpasalamat ulit sa kanila kaya lang, wala ng pagkakataon, kaya ikaw na papa ang bahala..
Ferdie : oo, anak, sa katunayan, pagkahatid ko sayo doon na ang punta ko, kasi sa mga susunod na araw ay magiging busy na ako.
.
At samantalang si Nico ay naroon na sa tapat ng Mansion nila Yna..hindi na talaga niya matiis na hindi makita si Yna, sabik na sabik na siya sa kanyang minamahal..hindi niya agad napuntahan si Yna sa kadahilanang nagkasakit ang mama niya, sumumpong ang highblood nito, kaya kina-ilangang i-confine.,at isa pa, natatakot din siya na baka hindi daw siya tanggapin ni Yna dahil isa lang lang siyang mahirap o isa lang palasiyang bodyguard..pero ngayon ay hindi na siya makatiis na hindi masilayan ang magandang mukha ng kaniyang prinsesa..nagdoorbell si Nico sa may gate, at hindi nagtagal ay may sumilip na gwardiya sa may maliit na bintana.
.
Guard : sino sila?
.
Hindi nakikita...


ni Nico ang gwardiyang nagsasalita, sa may intercom niya narinig ang boses ng gwardiya.
.
Nico : ah,, Nicolas De Jesus po..
Guard : ano ang kailangan mo?
Nico : ah, gusto ko lang po sanang maka-usap si Yna..
Guard : ah pasensiya na, wala na si Mam Yna..
Nico : ha!! Anong ibig mong sabihing wala na?
Guard : umalis na si mam Yna, pumunta na ng America, hinatid na siya ni Boss ferdie sa airport.
.
Nakaramdam ng kaba si Nico, iiwanan ba siya ni Yna?
.
Nico : kailan pa siya umalis?
Guard : mga 30 minuto na siguro ang nakalilipas ng umalis sila—
.
Hindi na siya nagpaalam sa gwardiya, umalis na siya agad, dahil susunod siya sa airport, at hiniling niya na sana ay maabutan pa niya, ngunit wala siyang mapara na taxi, nagngi-ngitngit ang kalooban niya, naiinis siya sa sarili niya, kung bakit ba naman kasi, natakot pa siyang harapin si Yna, sana ay nagkausap man lang daw sana sila..namumuo na ang luha niya sa, mga sandaling iyon, dahil wala man lang siyang madaanan na taxi..lakad takbo ang ginagawa niya nang sa ganun daw ay makalabas siya ng subdivision na iyon, at hanggang sa makarating na siya sa labas ng subdivission, halos hingal na hingal siya sa pagtakbo..sinita pa siya ng gwardiya kung bakit ba siya mabilis na tumatakbo..at hanggang sa may natawag na siyang taxi..at hanggang sa sakay na siya ng pinara niyang taxi..at naki-usap siya sa driver na sana ay makarating sila ng mabilis sa airport, at sana iwasan nilang dumaan sa matrapik..pero hindi umaayon sa kanya ang pagkakataon..naipit sila sa trapik..kaya ang ginawa na lang niya ay kumuha ng pamabayad ng pamasahe at binayaran na niya ang pasahe niya..bumaba na siya at tinakbo na lang niya, dahil malapit na lang naman ang airport doon..at hanggang sa marating na nga niya ang airport, halos bungguin na niya ang mga nasasalubong niyang tao, noon lang niya napansin sa pagmamadali niya, exit pala ang tinatahak niya..at ikinakalat niya ang paningin niya at nagbabakasakali na mahagip niya ng mga mata niya si Yna, ngunit bigo siya, at hanggang sa makita niya si Ferdie at mukhang paalis na ito..at nakita rin siya ni Ferdie.
.
Ferdie : oh Nicolas, anong ginagawa mo dito..mukhang hingal na hingal ka ah..may hinatid ka din ba? Hinatid ko din kasi si ma’am Yna mo, naka-alis na siya sa america na daw siya mag-aaral eh, kaya hinayaan ko na ang gusto niya..siya nga pala, pumunta ka sa akin sa bahay, o kaya sa opisina para makuha mo na yong pera mo.,bakit ba kasi bigla ka na lang umalis nun, pinahanap kita sa tauhan ko, hindi ka naman na nila nakita.
.
Halos hindi makapagsalita si Nico, dahil sa halo halong emosyon.
.
Ferdie : o sige, maiwan na kita diyan ha, basta puntahan mo ako..hintayin kita.
.
At tuluyan ng umalis si Ferdie, hindi na napigilan ni Nico ang mga luhang tumulo sa mga mata niya..naupo na lang siya sa upuan dahil parang ang bigat bigat ng pakiramdam niya, ang sakit sakit ng kalooban niya, dahil bakit hindi man lang niya agad nalaman na aalis pala si Yna. Pero wala naman siyang masisi dahil siya naman daw ang may kasalanan nun, dahil sa hindi niya agad pinuntahan si Yna..walang paki-alam si Nico sa mga taong tumitingin sa kanya, basta gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon, dahil hindi niya mapigil ang mga luha na umagos sa mga pisngi niya, dahil sa iniwan siya ni Yna, lumayo na ito sa kanya..sa isip niya ay hindi daw ba siya mahal ni Yna at kailangan pang lumayo ito, paano na daw ngayon ang puso niya, na kailan lang ay kay saya saya nila, pero ngayon ay durog na durog na ito..at hanggang sa umalis na lang si Nico sa lugar na iyon..at samantalang si Yna naman, sa mga sandaling iyon, ay iyak din ng iyak, halos hindi maubos ang luha niya, dahil nasa parte pa lang siya ng pilipinas ay lungkot na lungkot na siya..sabik na sabik na yong puso niya na makita si Nico..sa isip niya tama ba yong ginawa niya na lumayo muna..kapwa nahihirapan ang dalawang puso na nagmamahalan, kung bakit kasi natakot si Nico na harapin si Yna, dahil sa siya ay isang bodyguard lamang, kung bakit ba naman kasi si Yna ay natakot ng malokong muli ng lalake, dahil sa kagagawan ni Poli..kung bakit ba kasi pinangingibabawan ng takot ang kanilang isip..kung bakit ba kasi hindi ang puso ang mangibabaw sa kanila, upang mapaglabanan ang ano mang takot na namamayani sa kanilang isipan, may pagkakataon pa ba kaya ang mga puso nila sa isat isa..
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top