My Knight in Shining Armour” Book 2


My Knight in Shining Armour” Book 2
❤️Ang malambot kong pag-ibig❤️
.
Abby Gaile Trinidad, isang simpleng dalaga na ang pangarap lang sa buhay ay mahalin at suportahan ang pamilya, hindi na siya nangarap para sa kanyang sarili, ang prayoridad niya ay ang kanyang tatay at mga kapatid, at hanggang sa makilala niya ang isang Lalake na nakapagpatibok ng kanyang puso, ngunit hindi niya alam kung paano niya makakamit ang pag-ibig nito kung parehas sila ng katauhan nito. Atin pong tunghayan ang kwento ni Vincent Sebastian at Abby Gaile Trinidad.
.
CHAPTER 1
.
Alvin : abby dapat kasi mag aral ka, tingnan mo si Kate, ang ganda niyang tingnan sa kanyang suot na uniform, nakakadagdag ganda kaya yun.
Abby : sir naman, bakit ba lagi mo akong pinipilit na mag aral, ayokong mag aral, tutal naman, may trabaho na ako, sapat na yong nandito ako sa poder ninyo na pinagsisilbihan kayo, at saka aanuhin ko pa ang mag aral, eh ang laki naman ng pinapasweldo ninyo sakin.. okay na ako sir, kaya huwag mo na akong pilitin.(mahabang paliwanag sa amo)
Alvin : hay bahala ka na nga, kasi hindi naman kasi habang buhay nandito ka sa poder ko, paano kung maghirap ako at wala na akong maipasweldo sa iyo, paano ka na!
Abby : sir huwag kang mag alala, hindi ka maghihirap, mabuting tao ka kaya lalo kang pagpapalain ng may Kapal.
Alvin : hay ewan ko sayo Abby, kate bahala ka na ngang mangumbinsi diyan sa kaibigan mo.
.
Napapakamot na lang sa ulo si Abby, sobrang kulit naman kasi ang amo niya, pero natutuwa naman si Abby dahil napakaswerte niya sa kanyang amo dahil ubod ng bait ito.
.
Kate : bakit ba kasi ayaw mong mag aral abby.
Abby : hay naku, sasakit lang ang ulo ko diyan sa pag aaral na yan, gaya nga ng sinabi ko, malaki ang sweldo ko kay Sir alvin, kaya di ko na kailangang mag aral.
Kate : alam mo abby, mali yong mga pananaw mo sa buhay, dapat baguhin mo yan!
Abby : Kate naman, sa edad ko na to, high school pa lang, buti ikaw kolehiyo na.
Kate : ano naman ang masama dun.
Abby ; naku, eh baka mabully lang ako ng mga kaklase ko, tawagin pa nila akong nanay, buti sana kung ate lang, eh paano kung tawagin pa akong lola.
Kate : grabe ka naman sa lola, hindi ka nga mukhang 20, mukha kang nasa 16 lang.
Abby : hay Kate syempre sinasabi mo yan kasi kaibigan mo ako.ang mabuti pa pumasok ka na, ayan na si Sir pababa na.
.
Pababa na sa hagdan ang amo, mabilis nang nagpunta sa kusina si Abby, dahil alam niyang kukulitin siya ng amo.
.
Alvin : huy abby, ano napag isipan mo na ba yong sinasabi ko sayo.
Abby : sir wala akong panahong mag isip, mabuti pa sir umalis na kayo ni Kate at madami pa akong gawain dito sa bahay.
Alvin : hay, bahala ka na nga diyan, kate tara na baka malate ka pa sa klase mo.
.
Nagpasalamat si Abby at umalis na ang amo at ang kaibigan, ang totoo pangarap ni Abby ang makapag aral, buhat kasi ng mamatay ang nanay niya na yaya ni Alvin, ay siya ang nagtaguyod ng pamilya niya, hindi niya lang magawang tupadin ang mga pangarap dahil inuuna niya ang pamilya, siya ang nagpapaaral sa nakababata niyang dalawang kapatid at sa kanya din umaasa ang dalawa pa niyang mga kuya na may mga pamilya na, siya lang ang Bread winner sa kanilang pamilya.
.
Ernesto : oh anak, akala ko hindi ka uuwi.
Abby : tay, pinayagan po akong umuwi ni Sir Alvin, at saka wala pong pasok si Kate, kaya may magbabantay ng bahay, kumusta po kayo tay, iniinom nio po ba yong gamot ninyo?
Ernesto : oo anak.
Abby : mabuti naman po, may pera pa po ba kayo tay?
Ernesto : wala na nga anak, kinuha ng kuya Wally mo, wala daw silang pambili ng diaper ng anak nila.
Abby : pambihira naman si Kuya wally, imbes na kayo ang bigyan niya, kayo pang walang trabaho ang hinihingan.
Ernesto : hayaan mo na anak.
Abby : eh si kuya manny po?
Ernesto : naku hindi ko alam, hindi pa nauuwi buhat kagabi.
.
Sa pag uusap nilang mag ama ay dumating ang kanyang hipag na asawa ng kuya Manny niya na karga ang dalawang taon na bata, at may nakakapit sa damit nitong tatlong taong bata..
.
Laila : abby, dumating ka pala.
Abby : oo ate, kumusta kyo ate si kuya manny hindi pa daw umuuwi buhat kagabi?
Laila : oo nga eh.
Abby : saan ba kayo galing?
Abby : hinanap nga namin si Manny, nakila pareng Kanor lang pala na nagsusugal.
Abby : pambihira naman si Kuya manny, nakukuha pang magsugal ni halos wala nang pang gastos sa araw araw.
Laila : kaya nga, eto nga at hindi pa kami nakaka saing, wala nang bigas.
Abby : aysus, nagbigay si Abby ng pera sa ate laila niya..
Abby : eto ate, pambili ng bigas, akin yang pamangkin ko at ako muna ang magkikilik bumili ka muna ng bigas.
Ernesto : anak pasensiya ka na ha..hindi kita matulungan sa paghahanap buhay.
Abby : tay, huwag po ninyong isipin yun.
Ernesto : nahihiya na ako sa iyo anak.
Abby : tay, bakit po kayo mahihiya sakin, mahal ko po kayo tay, nagtatrabaho ako para po sa inyo, at saka ang kalingan po ninyo ay ang magpalakas, mahina na po yong katawan ninyo.
.
Magkakasama sa bahay ang tatay niya at ang pamilya ng kuya manny niya, ang kuya wally niya ay may sariling bahay, halos katabi lang ng bahay nila, pero pa extra extra lang din sa pagtatrabaho ito, halos kulang din sa pamilya nito ang kinikita, at ang mahirap ay sinasamahan pa ng bisyo, Hanggang sa narinig nga jila na nagtatalo ang kuya wally niya at ang asawa nito..napapa iling na lang si Abby sa mga sistema ng kanyang mga kuya, kung maaari nga lang daw ay ayaw niyang umuwi ng bahay nila, kundi lang sa kapatid niyang dalawa, at sa tatay niya ay hindi siya uuwi..at lumipas ang mga araw at buwan…
.
Kate : Abby tara sa Mall maglibot tayo, kasi masyado ka nang na iistress sa buhay mo, manood Tayo ng sine.
Abby : naku pasensiya ka na Kate, wala akong pera nagtitipid ako, wala akong pang mall.
Kate : huwag kang mag alala treat ko.
.
Narinig ni Alvin ang pinaguusapan ng mag kaibigan.
.
Alvin : sige na abby, lumabas kayo ni Kate, magrelax relax ka naman minsan abby, puro ka trabaho dito sa bahay, kumuha ako ng kasama mo dito sa bhay, pero lahat ng gawain dito sinasakop mo, sobrang sipag mo naman.
Abby : sir naman, ano po ba ang gusto ninyong gawin ko, maging tamad ako.
.
Napapakamot na lang sa ulo si Alvin, lahat na lang daw ng sinabi niya ay may sagot si Abby sa kanya.
.
Alvin : huwag po kayong magalit maam.
Abby : sir hindi po ako nagagalit.
.
Problemado si Abby dahil sinugod daw ang kanyang tatay sa ospital.
.
Kate : abby, mukhang hindi ka okay, halika muna, mag gayak ka dahil mamasyal tayo.
.
Pansin ng amo ni abby na may problema ang dalaga.
.
Alvin : ayos ka lang ba abby, mukhang may problema ka nga.
Abby : kasi sir, si tatay po sinugod daw nila ng ospital kagabi.
Alvin : ah kaya pala, sige ang mabuti pa ay umuwi ka muna, alagaan mo muna si tatay Ernesto.
Abby : eh gustuhin ko mang pong umuwi, wala na akong maibibigay na pera sa kaniya, halos naibigay ko na po sa pamilya ko yong buong sweldo ko nitong buwan na ito.
Alvin : ganun ba, sige heto ang pera umuwi ka muna.
Abby : ay naku sir talaga po ba?
Alvin : oo.
.
Inabutan ni Alvin ng pera si Abby.
.
Abby : maraming salamat po dito sa cash advance ko.
Alvin : hindi yan cash advance, bigay ko lang yan.
Abby : naku sir, nakakahiya naman po.
Alvin : ano ka ba, ano bang nakakahiya dun, para ko na ding tatay si Tatay ernesto kaya tanggapin mo tong ibinibigay ko sayo, at saka sige na gumayak ka na at umuwi ka muna kay tatay Ernesto, sa ngayon kami muna ni Kate ang mamasyal.
Abby : magdi-date kayo sir.
Kate : huy!! Sira ka kung ano anong sinasabi mo.
Abby : Joke lang, di ka na mabiro.
Alvin : oh eto pa, idagdag mo pa to abby.
.
Binibigyan pa ni Alvin ng pera si Abby.
.
Abby : sir naku, madami na po ito.
Alvin : sige na kuhanin mo pa to, at baka mamaya kulangin ka pa, at kung may problema pa, huwag kang mahihiyang magsabi sakin ha.
Abby : Maraming maraming salamat po sir..
Alvin : Gumayak ka na din Kate, may magandang palabas daw sa sine ngayon.
.
Lumipas ang mahabang oras ay nasa ospital na si Abby upang puntahan ang tatay niya..
.
Abby : tay, ano bang nangyari sayo?
Ernesto : anak, pasensiya ka na ha, naabala ka pa tuloy.
Abby : ano ka ba naman tay, ano po bang sinasabi ninyong abala, ano po kumusta na po yong pakiramdam ninyo?
Ernesto : ayos naman na anak, mabuti na lang at nandiyan sila ninong at ninang mo na sina pare Carlos, at mare Helga, sila ang nagdala sakin kagabi, hanggang ngayon nga hindi pa sila nauuwi.
Carlos : huwag mong alalahanin yun pare, basta magpagaling ka.
.
Labis ang pasalamat ni Abby sa kaniyang mga ninong at ninang niya, sa pagbabantay sa tatay niya.
.
Helga : abby anak umuwi ka naba sa inyo?
Abby : hindi pa nga po ninang dito na po talaga ako tumuloy, mabuti na lang po talaga at nandiyan kayo ni ninong, nasan po ba kaya ang mga kapatid ko, bakit wala man lang ni isa sa kanila dito.
Carlos : hay hindi ko alam sa mga kapatid mo, yong mga hipag mo naman hindi pwedeng magbantay sa tatay mo at may mga maliliit namang anak..
Abby : maraming maraming salamat po ninang.
.
Galit na galit si Abby sa mga kapatid niya, kaya nagpaalam muna siya sa ninang at ninong niya na uuwi muna siya sandali sa kanilang bahay, binilhan muna ni Abby ng pagkain ang ninong at ninang niya bago siya umalis..at Hanggang sa pauwi na siya sa bahay nila, ng makita niya ang kuya Manny niya na nakikipag sugal, mabait siyang tao, ni wala nga siyang kibo kahit inis na inis na siya sa mga kapatid niya pero ngayon ay hindi niya napigilan ang sarili, diretso siyang pumunta sa kung saan nagsusugal ang kanyang kuya manny, sa tindi ng galit niya ay itinaob niya ang lamesa na pinagsusugalan ni Manny at ng mga kalaro nito, gulat ang mga naroon sa ginawa ni Abby.
.
Manny : Abby, siraulo ka!!!!(galit niyang sabi)
Abby : pagpasensiyahan po ninyo ako sa nagawa ko, nadamay lang po kayo sa Galit ko sa walang kwenta kong kapatid.(sambit niya sa mga kalaro ng kuya niya)
Manny : Tarantado ka abby, ano bang gusto mong palabasin ha???
Abby : kuya gusto kong sabihin na napakawalang kwenta mong anak, nasa ospital ngayon si tatay pero ikaw, nandito ka na nakikipag sugal lang, anong klase kang anak ha kuya!
.
Umiiyak si Abby sa galit sa kuya Manny niya, at hindi na din Nagtagal ay umalis na si Abby roon at iniwan na niya ang kuya Manny niya, at nadagdagan ang galit niya ng makita naman niya ang kuya Wally niya na masayang nakikipag inuman sa mga kaibigan..nag apoy na naman sa galit si Abby, nakita niya ang tubo na nakasandal sa pader ng bakod nila at hinawakan niya ng mahigpit ang tubo, at mabilis na pumunta sa bahay ng kuya wally niya, at pinaghahampas ang lamesa na pinagiinuman nila Wally at ng barkada nito, nataranta sina wally at ang mga kabarkada nito ganun din ang mga asawa ng kuya niya, nagulantang sila sa ginawa ni Abby, dahil ang mga bote ng alak at ang mga baso at ang lahat ng nasa lamesa ay pinaghahampas ni Abby hanggang sa nagkabasag basag ang mga baso plato ng pulutan, hindi nila naawat si Abby dahil nagwawala ito sa galit, walang nagawa ang mga barkada ni Wally kundi umalis na lang..
.
Wally : Abby ano ba tama na!!!!(malakas na sabi ng kuya niya)
.
Ngunit di nakinig si Abby sa halip ay patuloy niyang pinaghahampas ang lamesang plastic hanggang sa masira ito..
.
Manny : Abby tumigil ka na.!!!!(sigaw niya sa kapatid)
Wally : Manny pagsabihan mo yang si Abby makakatikim talaga sakin yang babae na yan!
Abby : ano sasaktan mo ako ha kuya, sige gawin mo saktan mo ako!!(malakas na sabi).gawin mo kung doon ka masaya!!!! Mga wala kayong kwenta, lahat kayo!!!!!
Wally : ano nagmamalaki ka na ha, kaya mo na kami dahil ikaw ang may trabaho ha. At kami uumaasa lang sayo.
Manny : oo nga, abby huwag kang mayabang, dahil wala ka namang ipagmamayabang.
Abby : kahit kailan hindi ako nagyabang sa inyo..buong buhay ko ibinigay ko sa inyong lahat, tinalikuran kong lahat ng mga pangarap ko dahil sa inyo.(umiiyak na sabi)
.
Naroon na din ang dalawang kapatid niyang nakababata sa kanya.
.
Abby : kahit gustong gusto kong makapag aral di ko magawa dahil inuuna ko kayong lahat, alam ninyo yan, wala akong ginusto kundi ang maibigay ko ang pangangailangan ninyong Lahat pero anong ginagawa ninyo, masama pa ang tingin ninyo sakin, mayabang ang tingin ninyo sakin!! si tatay nasa ospital, anong ginagawa ninyo nagpapakasarap, si tatay halos mamatay na pero kayo nagpapakasarap, anong kwenta ninyong mga anak, pinabayaan ninyo si tatay, ipinaubaya ninyo siya sa ibang tao na sa halip ay kayo ang nag aalaga at nag aasikaso kay tatay sa ospital..
.
Hindi na nakapagsalita ang mga kuya ni Abby, dahil mukhang nasundot ni Abby ang mga konsensiya ng mga kapatid.
.
Abby : Ang gusto ko lang naman ay tulungan ninyo ako, kahit man lang sa pag aalaga kay tatay, nag iisa na lang yong magulang natin, wala na nga si nanay pati ba naman si Tatay hahayaan pa ba natin siyang mawala sa atin, ha, kalabisan na ba ang hilingin sa inyo na magtulungan tayo sa buhay, nakita ninyo kapag sinabi ninyo na kailangan ninyo ng ganito, ganyan, ibinibigay ko naman sa inyo, kahit na magkanda utang utang ako sa amo ko ginagawan ko ng paraan yong mga pangangailangan ninyo, eto lang ang hinihiling ko, alagaan ninyo si tatay, pahalagahan ninyo si tatay.
.
Humupa ang galit ni Abby, pinagsabihan niya din yong mga nakababata niyang kapatid, hindi bumalik si Abby sa trabaho hanggat hindi nailalabas ng ospital ang tatay niya, at sa paglipas ng araw, nagpasalamat si Abby dahil ilalabas na din niya ang tatay niya sa ospital, nagulat si abby ng makita ang kaibigan at ang amo.
.
Abby : Kate, sir Alvin!
Kate : kamusta na yong tatay mo?
Alvin : magaling na ba si Tatay Ernesto?
Abby ; opo sir, sa awa po ng Diyos magaling na siya, salamat po sa tulong mo sir Alvin.
Alvin : wala yun.ang mahalaga gumaling si Tatay Ernesto.
.
Kausap ni Alvin ang tatay ni Abby, samantala naman si Kate at abby ang magkausap ngayon.
.
Kate : okay ka lang ba?
Abby : oo, hindi, oo na hindi.
.
Naawa si Kate sa kaibigan, dahil si kate lang ang napagbubuhusan ng mga sama ng loob Abby.
.
Kate : magiging maayos din ang lahat, mababago din ng mga kapatid mo ang mga ugali nila.
Abby : hindi ko alam kate, ang totoo kinalimutan ko yong mga pangarap ko para sa kanila, sila na nga ang inuuna ko kesa sa sarili ko, pero hindi nila nakikita yun.
.
Hindi na nagtagal pa sina Alvin at Kate, umalis na din ang mga ito, inabutan na naman siya ng pera ng amo at hindi na siya nakatanggi pa sa amo dahil ipinilit ito sa kanya, lumipas ang mga oras ay nakauwi na sila sa bahay nila.
.
Abby : tay, dahan dahan po kayo.
.
Inaalalayan ni Abby ang tatay niya papasok, nagulat na lang silang mag tatay dahil pagpasok nila ng bahay ay naroon Lahat ng mga kapatid ni Abby, may mga hinanda itong pagkain, tinulungan na siya ng mga kuya niya na ipasok ang tatay nila..naging payapa na ang mga tensyon sa kanilang magkakapatid, gabi na ng mga sandaling iyon tapos na din silang Kumain, pinagsaluhan ang mga hinandang pagkain ng magkakapatid, naroon sila sa kwarto ng kanilang ama..
.
Wally...


: Tay, patawarin mo kami kung di ka man namin natulungan, patawarin mo kami tay, dahil naging pabaya po kami sa inyo.
Manny : opo tay, patawad po, at abby, pasesensiya ka na din ha, patawarin mo kami kung naging pabigat kami sa iyo.
Abby : kuya hindi ko naman sinasabi na pabigat kayo.
Wally : abby tama ka naman eh, hindi kami naging mabuting anak at kapatid, hiyang hiya kami sa iyo abby, imbes na kami ang magtataguyod sa pamilya dahil kami ang matanda pero ikaw ang nagtataguyod sa aming lahat, patawarin mo kami Abby,
Manny : alam namin na mahal na mahal mo kami, at labis kaming nagpapasalamat sayo dahil hindi mo kami pinababayaan.
Wally : pangako namin sayo Abby, babaguhin na namin ang buhay namin.
Manny : tama yong narinig mo kay kuya wally abby, magiging katuwang mo na kami sa pagtaguyod ng ating pamilya, pangako namin iyan.
Wally : oo abby, at saka gusto namin abby na tuparin mo na yong pangarap mo, alam kung gustong gusto mong mag aral, di mo lang magawa dahil inuuna mo kami.
Abby : mga kuya totoo ba?
Wally : oo abby, kami na ni Manny ang magpapaaral sa bunso nating sila kambal, ipagpatuloy mo ang pangarap mo kapatid namin, mahal na mahal ka namin.
Abby : mahal na mahal ko din kayo.
.
At Nag yakapan ang mga magkakapatid, at samantala naman ay panay ang agos ng luha ni Mang Ernesto at noon napansin na nila na umiiyak ang kanilang ama..
.
Abby : oh tatay bakit po kayo umiiyak.
Wally : opo nga tay, may masakit po ba sa inyo.
Ernesto : wala mga anak, masayang masaya lang ako, dahil nakikita ko kayo na magkakasundo, maraming salamat sa inyo mga anak ko.
Abby : tay mahal na mahal po namin kayo..
.
Niyakap nilang magkakapatid ang knilang ama, Mabilis ang pag galing ni Mang Ernesto, kaya bumalik na sa trabaho si Abby, samantala naman ang mga kuya niya ay may mga permanenteng trabaho na, at binago na din ng mga kuya niya ang mga sistema ng kanilang buhay.naging masipag, naging responsable, kaya nabawasan ang mga dalahin ni Abby.
.
Kate : Abby samahan mo naman ako sa mall.
Abby : Anong gagawin natin dun?
Kate : may bibilin lang ako.
Abby : kailangan ko munang magpa alam kay Sir Alvin.
Kate : sinabi ko na kay Alvin na magpapasama ako sayo.
Abby : ah ganun ba sige..
.
Nasa mall na ang mag kaibigan, nasa national book store sila, marami ding mga studyante ang naroon, sa isip ni Abby ay parang nainggit siya sa mga estudyante na naroon, at iniimagine pa nga niya na isa din siyang estudyante na nakasuot ng school uniform, sa isip niya kung ano daw kaya ang feeling na suot ang uniform, ah siguro daw maganda din siyang tingnan kapag naka uniform na tulad ng kaibigan niyang si Kate, at hanggang sa pagmumuni muni niya ay may nakabangga siya, sumabog ang dala ng nakabangga niyang lalake.
.
Abby : ay sorry po, hindi ko po sinasadya.
.
mabilis niyang pinulot ang mga nalaglag sa sahig, tulong sila ng lalakeng namulot, at ganun na lang ang pagkabigla ni Abby dahil ang lalakeng nakabangga niya ay ubod ng guwapo para sa paningin niya, parang huminto ang mundo ni Abby sa mga sandaling iyon, nakatuon lang ang paningin ni Abby sa gwapong mukha ng lalakeng nakabunggo niya..
.
Lalake : hey miss, are you okay?
.
Ngunit walang imik si Abby, parang umurong ang dila niya, hanggang sa-
.
Kate : Vince!!!
Vince : Katelyne, nice to see you here.
.
At noon ay parang natauhan si Abby, at nagulat siya dahil kakilala ng kaibigan ang lalake.
.
Abby : Vince ang pangalan niya!(sa isip)
Kate : sinong kasama mo?(tanong niya kay Vince.)
Vince : wala nga eh. Ikaw sino kasama mo?
Kate : yong friend ko si Abby.
.
At pansin ni Kate na parang shock si Abby.
.
Kate : Huy abby, anong nangyari sayo?
Abby : h- ha, w-wala parang nahilo lang ako, kaya tuloy nabunggo ko siya.(sabay turo kay Vince
.
Hindi makatingin ng diretso si Abby kay Vince, nahihiya siya dito, para bang natutunaw siya kapag nagkakatinginan sila.
.
Kate : Vince siya si Abby, Abby si Vince Classmate ko.
Vince : hi abby!(inilahad ang kamay)
Abby : h-h-hi….
.
Napilitan siyang makipagkamay kay Vince, dahil ayaw naman niyang mapintasan siya ni Vince baka daw isipin pa ni Vince na ang suplada niya.
.
Vince : okay ka na ba abby, nahihilo ka pa ba.
.
Nakahawak padin si Vince sa kamay ni Abby, si abby naman ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya ng makadaupang palad niya si Vince, at dahil sa bilis ng tibok ng puso niya ay para siyang hihimatayin dahil hanggang ngayon ay hawak pa din ni Vince ang kanyang kamay, hindi niya alam ang gagawin, natataranta siya.
.
Abby : o-oo parang tumindi yong hilo ko!
Kate : mabuti pa kaya ay kumain tayo, baka nagugutom ka lang.
Abby : oo nga Kate, tara na!
Kate : Vince halika sama ka sa amin.
.
Napanganga na lang si Abby, kaya niya inaaya si Kate ay upang makalayo na siya kay Vince, dahil parang hindi nagiging normal ang tibok ng puso niya sa presensiya ni Vince, ayun at isinasama pa ng kaibigan niya at makakasama pa nila itong kakain, naroon sila sa isang fastfood, halos hindi makakain ng mabuti si Abby, nag aalala siya dahil baka daw mamaya ay mapangit siyang kumain, baka mamaya daw bigla nalang siyang mahirinan, o kaya bigla siyang magsinok, masamid, kaya dahan dahan siya sa pagsubo. At samantala naman si Kate at Vince ay masayang nagkukwentuhan, sa tingin niya ay close na close ang dalawa, nagtatanong ang isip ni Abby na baka daw kaya nanliligaw ito sa kaibigan niya, at sa isip niya paano na ang amo niya, dahil hindi lingid sa kaalaman niya na may gusto ang amo niyang si Alvin kay Kate, at alam din niya na may gusto din si kate sa amo niya, pero daw paano kung mahulog ang loob ni Kate kay Vince at mabaling na kay Vince ang pagtingin ni Kate paano na daw ang sir Alvin niya..
.
Vince : alam ninyo girls, maaga pa naman para umuwi, manood muna tayo ng sine, may magandang palabas ngayon.
Kate : alam mo magandang idea yan.
.
At nanuod nga sila ng sine, at ang pagkakataon nga naman na iyon ay katabi pa niya si Vince sa upuan, nakapagitna pa siya sa dalawa, sobrang bilis ng tibok ng puso niya kasabay na parang may kuryenteng dumadaloy sa kanyang pagkatao sa tuwing sumasagi ang braso ni Vince sa braso niya, at lalong natataranta ang puso ni Abby ng mag-usap sina kate at alvin, at dahil nasa pagitan siya ng dalawa, halos hindi siya humihinga dahil nakalapit ang mukha ni Vince sa kanya, upang marinig ang sinasabi ni kate, umaabot pa sa pang amoy niya ang hiningang mabango ni Vince, siya sa pakiramdam niya ay kulay talong na ang mga labi niya at mga kuko dahil ayaw niyang huminga, baka daw mabaho ang hininga niya, at saka lang siya nakahinga ng maluwag ng natapos ang pag uusap ng dalawa, Hanggang sa lumipas ang mga oras ay nakabalik na sila sa Bahay.
.
Alvin : Mukhang nag enjoy kayo ah.
Kate : oo Alvin, Ikaw kamusta yong naging lakad mo?
Alvin : ayos lang naman, nagluto nga pala ako ng dinner natin.
Jessa (kasamabahay): abby masarap talagang magluto si sir.
.
Ngunit di umiik si Abby, paano lumilipad ang isip ni Abby, nasa isip pa din niya si Vince.
.
Alvin : Anong nangyari diyan?(takang tanong)
Kate : ah siguro napagod.
Alvin : Hoy ma’am Abby!!(malakas na sabi)
Abby : ay hoy!!(malakas niya ding sabi) sir alvin naman!
Alvin : san mundo naroon yong isip mo?
Abby ; wala sir, nadito lang.
Alvin : ha, bakit parang lumulutang yong isip mo, mabuti pa ay magpalit na kayo ng damit, at magpahinga, mamaya maya kakain na tayo.
.
Pumasok sa kwarto si Abby, at pabagsak siyang humiga sa kanyang kama, at nasa isip pa din niya ang guwapong mukha ni Vince, aminado siya Crush niya si Vince, may Crush siya kay Brando na kaibigan ni Alvin pero dito kay Vince siya naging Tuliro..
.
Abby : hay abby ano ka ba, baliw ka..
.
Lumipas ang araw ay di niya nakalimutan si Vince, hindi niya masabi kay kate ang totoo, nahihiya siya sa kaibigan na magtanong tungkol kay Vince, at dahil sakop ng isipan niya si Vince ay hindi niya namamalayan na kinakausap na pala siya ni Alvin ay hindi pa niya napapansin ito, kumuha si Alvin ng isang bagay na makakalikha ng ingay at saka niya ibinagsak sa sahig.
.
Abby : ay kabayong malaki!!(gulat niyang sabi)
.
Tawang tawa naman si Alvin sa pagkakagulat ni Abby,
.
Abby : sir alvin naman, ginugulat mo na naman ako!!!
Alvin : paanong hindi kita gugulatin ay kanina pa ako nagsasalita dito di mo ako pinapansin.
Abby : ganun po ba, may iuutos po ba kayo sir?
Alvin : susundo na ako kay Kate, baka sa labas kami kakain.
Abby : ah mag didate kayo sir.(pabiro niyang sabi)
Alvin : bakit porke sa labas kami kakain date agad.
Abby ; oo naman sir.
.
Kinikilig pa si Abby sa isipin na para na silang nag date ni Vince nong kumain sila ni kate na kasama nila si Vince sa mall noon, ngunit ang kilig ay naipakita ng kanyang mga ngiti.
.
Alvin : pansin ko abby ang saya mo nitong mga nakakaraang araw, ano bang meron.
Abby : masaya? Sino ako sir?
Alvin : oo, ikaw lang naman ang kausap ko,
Abby : hmm syempre po masaya ako.
Alvin : naku, mukhang inlove yong saya mo ah.
Abby : ay naku sir, hindi ah.
Alvin : Huwag ka ng magkaila, alam na ala. Ko yan.
Abby : ganun po sir, dahil po ba na inlove kayo kay Kate.
.
Natigilan si Alvin sa sinabi ni Abby, nahihiya siyang aminin na inlove nga siya kay Kate. Iniba na lang ni Alvin ang topic nila.
Alvin : siya nga pala, napag isipan mo naba yong sinasabi ko sayo?
Abby : na alin sir?
Alvin : yong sinasabi kong mag aral ka.
Abby : eh sir kung mag aaral ako paano naman yong mga trabaho dito sa bahay,
Alvin : nandiyan si Jessa.
Abby : nakakahiya naman sir, baka hindi ko na magampanan yong obligasyon ko,
Alvin : Abby bakit ba iisipin mo yun, matagal ko ng sinasabi sayo na ipagpatuloy mo yong pag aaral mo, alam mo Isa yun sa mga pangarap ni Yaya na makatapos ng mga pag aaral yong mga anak niya, lalo ka na daw.
Abby : sinabi po ni nanay yun?
Alvin : oo, kaya nga inuudyukan kitang mag aral eh, alam mo abby huwag kang nahihiya sakin, si Yaya ay para ko na siyang nanay, nalungkot ako ng sobra ng nawala siya, kaya masaya ako dahil kahit papaano ay meron akong alaala sa kanya, ikaw, kaya huwag kang nahihiya sakin dahil parang kapatid na kita, at talagang kapatid ang turing ko sayo, kaya sana nga huwag mo na akong tinatawag na sir.
Abby : hayaan mo na sir kasi yun na ang nakasanayan ko.
.
Nakumbinsi nga ni Alvin na mag aral si Abby, dalawa na sila ni Kate na inihahatid ni Alvin.
.
Kate : Masaya ako para sayo Abby.
Abby : kinakabahan talaga ako Kate.
Kate : sa una lang yan pero pag nagtagal tagal ka, mawawala din yong kaba mo.
Alvin : ready na ba kayo Girls, ihahatid ko na kayo.
.
Matyagang hatid sundo ni Alvin ang dalawang babae, kahit madaming trabaho sa opisina ay susundo at susundo ito.
.
Abby : Oh kate ayan na yong Knight in shining armour mo!
Kate : oo nga eh, ang gwapo niya(kinikilig na sabi)
Abby : may gusto ka talaga kay sir Alvin ano?
Kate : bakit kapag naga gwapuhan crush agad, may gusto agad.
Abby : ah ganun ba yun.
.
At naisip ni Abby si Vince, hindi niya Crush si Vince nagagwapuhan lang siya, humahanga lang siya.
.
Alvin : hi girls.
Abby : Hello sir Alvin.
Alvin : aba, naging maganda yata ang araw ni Abby.
.
Sumakay na sila Abby at kate sa kotse.
.
Alvin : abby magkwento ka naman.
Abby : masaya talaga ako sir, kasi yong mga classmate ko, napagkamalan lang nila na kaedad nila ako, tapos nong inintroduce ko yong sarili ko sa kanila ay pareparehas silang nakanganga ng sabihin kong 20 na ako, pero ganun pa man ay naging mababait ang mga classmate ko, lahat sila magagalang.
Alvin : sabi sayo eh..eh kung noon ka pa sana nag aral, sana ay kasabay mo si Kate ngayon.
Abby : kung alam ko nga lang po sana sir na dadating si Kate sa buhay ninyo di sana—
.
Nahinto sa pagsasalita si Abby dahil nakita niya sa salamin ang amo na pinanlalakihan siya ng mata, kaya ang tatlo ay mga wala ng imikan. At lumipas ang sandali ay iniliko ni Alvin ang kotse at naroon sila sa isang restaurant.
.
Alvin : i-celebrate natin ang pagbabalik eskwela ni Abby..
Abby : ay naku sir, wala akong panlibre sa inyo ha.
Alvin : syempre sagot ko.
.
Naging masaya sa pag aaral si Abby, sa katunayan ay nangunguna siya sa klase, kahit naman kasi hindi siya nag aaral ay lagi siyang nagbabasa ng mga libro, kapag walang gawaing bahay ay sa mini library ni Alvin naglalagi si Abby at doon ay binabasa niya ang mga libro na nakaka agaw ng kanyang interes at sa pagbabasa niya palagi ay napapakinabangan niya ngayon siya ay nag aaral na.
.
Alvin : Girls, pasensiya na kayo ha, hindi ko kayo mahahatidsundo ng tatlong araw.
Kate : ayos lang Alvin, mag iingat ka na lang sa pupuntahan mo.
Alvin : Salamat Kate, ikaw din mag-iingat ka.
Abby : aysus, ingat ka sa pupuntahan mo, ikaw din magiingat ka!
Alvin&Kate : Abby!!!(sabayan nilang sabi)
.
Pinanlalakihan ng mga mata nila si Abby, si abby naman ay nag peace sign sa dalawa..
.
Abby ; sabi ko na kasi mag luto na ako, sige po diyan na kayo dito na ako sa kusina..
.
Masayang naghahanda ng iluluto si Abby, pakanta kanta pa ito, masaya siya dahil nakita at naka usap niya si Vince nang siya ay nagpunta sa Palengke, pauwi na siya noon at nagulat si Abby ng may humintong kotse sa tapat niya, at ganun na lang ang tuwa ng puso niya ng pagbukas ng bintana ay ang gwapong mukha ni Vince ang nakita niya at inalala niya ang pag-uusap nila ni Vince.
.
Vince : Hi ikaw si Abby right?
Abby : o-oo.
.
Mabilis na naman ang tibok ng puso niya dahil nasilayan na naman niya ang gwapong mukha ni vince.
.
Vince : halika hatid na kita sa inyo.
Abby ; ah may Service ako, nakapark lang sa gawi diyan.
Vince : ah okay, sige mag ingat ka!
Abby : Salamat, ikaw din ingat ka!
.
Nagtutumalon sa tuwa si Abby, dahil nakita nanaman niya si Vince..at hanggang sa pagmumuni muni niya ay ginulat siya ni Kate..
.
Abby : Ay Vince ng buhay ko!(gulat niyang sabi)
.
Gulat si Kate ng mabanggit ni abby ang pangakan ni Vince..
.
Kate : Abby, may gusto ka kay Vince!
Abby : ano ka ba naman kate, bakit ka ba nanggugulat!!
Kate : malay ko bang magugulat ka eh, pangiti ngiti ka diyan, kanina pa ako dito hindi mo ako pinapansin, anong meron? si Vince ba?
Abby : huy Kate, anong Vince ang pinagsasabi mo.
Kate : diba sabi mo Vince ng buhay mo.
Abby : ano ka, Vince? Wala akong sinasabing Vince no, ang sabi kong Vince ay itong beans na hinihiwa ko na ihahalo sa chopsue,.Vince ka diyan!!
Kate : Ganun? Hindi ako naniniwala sayo, si vince talaga yong iniisip mo.
Abby : hindi nga, kulit din eh..
Kate : okay, sabi mo eh, pero alam mo may sasabihin ako sayo, tungkol kay Vince.
Abby : Ha ano?(mabilis niyang tanong)
Kate : ano excited lang.
Abby ; oo na, ano na nga..
Kate : Hindi talo si Vince.
Abby : anong hindi talo?
Kate : hindi talo, i mean, his a gay,
Abby : Ano?????
.
Gulat si Abby sa sinabi ni Kate, nakaramdam ng panlulumo si Abby ng malaman ang katauhan ni Vince.
.
Itutuloy.
Heto na naman po ako muling nagbabalik, sana po suportahan nio po ulit ang New story ko, at sana po magustuhan po ninyo,, salamat..❤️❤️❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top