Ang malambot kong pag-ibig Chapter 2


Abby : Bakla siya!!!
Kate : oo nga, Bakla!!
Abby : uy hindi, binibiro mo lang ako.
Kate : totoo, Bakla siya!!!
.
At nooy dinig na dinig ni Alvin ang pinag uusapan ng dalawang babae, nagtatanong ang isip ni Alvin kung sino ang bakla na pinaguusapan ng dalawa.
.
Alvin : sinong bakla?
.
Natahimik sina Abby at Kate.
.
Alvin : sino yong sinasabi niyong bakla.?
.
Si Abby ang sumagot sa tanong ni Alvin.
.
Abby : sir, usapang babae to!.
Alvin : ay sorry po, pasensiya na tsismoso lang.
.
Nagtawanan silang tatlo.
.
Alvin : tulungan ko na kayong magluto.
Abby : ay hindi na po sir, ako na lang, kate buti pa samahan mo si Sir pumunta kayo sa labas, sa garden, o kaya mag swimming kayo, gusto ko ako lang ang kikilos muna sa kusina, sige na huwag kayong makulit, mag relax muna kayo.
Alvin : Tara na kate iwanan na muna natin si Ma’am Abby diyan, basta pag sinabi niya, kailangan yun ang masunod, manood na lang tayo ng movie.
Abby : Mainam pa nga sir..
.
Umalis na ang dalawa, at naiwan si Abby na malungkot dahil sa nalaman kay Vince..
.
Abby : Bakla siya, pero parang hindi naman, sa gwapo niyang iyon, hindi, hindi,, hindi totoo yong sinasabi ni Kate.
.
Hindi makapaniwala si Abby, paano naman daw magiging bakla si Vince ay lalakeng lalake ang dating, perfect face para sa kanya, may Gwapong mukha, may matikas na pangangatawan, paano daw naging bakla si Vince..
.
Abby : hmp kate gino-goodtime mo lang ako!!
.
Lumipas ang mga oras, tulog na ang kabahay ni Abby ngunit siya ay gising na gising pa, iniisip niya kasi yong sinabi ni kate na bakla si Vince..
.
Abby : hay nakakainis ka naman kate! Hindi bakla yun!!
.
at hanggang sa nakompirma niya na totoo ang sinasabi ni kate.
.
Kate : abby kay Vince tayo sasabay pauwi.
.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig niya ang pangalan ni Vince, sumasaya ang puso niya. At hanggang sa–
.
Vince : hi girls sakay na!
.
Nataranta naman si Abby dahil ayun na naman at nagtutumalon ang puso niya ng makita si Vince, ipinagbukas sila ni Vince ng pinto, at para na namang hihimatayin si abby dahil hawak ni Vince ang braso niya na inaalalayan siyang makasakay sa kotse, at hanggang sa nagulat si Abby pagsakay sa loob ng kotse ni Vince ay may isang gwapong lalake ang nakasakay sa tabi ng Driver seat, at Hanggang sa nakasakay na din si vince sa driver seat..
.
Vince : Girls siya nga pala si Macky, boyfriend ko, kate siya yong kinukwento ko sayo!
.
Sa pagkarinig ni Abby ay parang gumuho ang mundo niya, parang umalingawngaw sa utak niya ang “boyfriend ko”
.
Vince : macky, this is Kate my Classmate, and bff din, at si Abby Friend niya.
Macky : hi girls.
.
Masayang nakikipag usap si Kate kay Macky at Vince, samantalang si Abby ay nakatahimik lang, nagulat na lang si Abby ng basagin ni Vince ang kanyang pananahimik.
.
Vince : Abby, okay ka lang.
Abby : h-ha o-oo o-okay lang ako!
.
Pilit ang mga ngiti ni Abby, hindi pa muna hinatid ni Vince ang dalawang magkaibigan, dumaan muna sila sa isang restaurant upang, kumain, ipinaghila ng upuan ng dalawang lalake sina Kate at Abby, si Macky ang naghila ng upuan ni Abby, kumilis ng normal si Abby, ayaw niyang ipahalata na may Lungkot siya sa kanyang kalooban, masayang kumakain ang tatlo maliban kay Abby, lalo na at nakikita niya na sinusubuan ni Macky si Vince, si Abby naman ay gigil na gigil sa inis dahil sa na kikita niyang kasweetan ng dalawang lalake..may panghihinayang sa puso ni Abby, kung bakit daw ba nagkagusto siya sa lalake na bakla pa daw ito.sinaway ni Abby ang sarili, bakit daw ba siya maiinis, eh sa ganoon nga daw ang pagkatao ni Vince, anong magagawa niya..at lumipas ang oras ay naroon na sila kate at abby sa bahay..
.
Alvin : ginabi yata kayo.
Kate : Alvin, akala ko bukas pa ang dating mo?
Abby : opo nga sir, bakit po napa aga kayo.
Alvin : Natapos na agad ang trabaho kaya eto naka uwi na ako, bakit parang ayaw ninyo akong makita.
Abby : hindi naman po sa ganoon sir..
Alvin : sino ang naghatid sa inyo?
.
Pero ang tanong ni Alvin ay kay kate nakatuon ang mga mata ng amo ni Abby.
.
Kate : Ah, yun wala lang yun.
Alvin : Manliligaw siguro ano?
.
Kay kate uli nakatuon si Alvin.
.
Kate : hmm o-oo!
.
Alvin : bukas ako na ulit ang maghahatid sa inyo, ikaw abby, magtapos ka ng pag aaral mo bago mag boyfriend!!(madiin niyang sabi)
.
Pero kay Kate nakatuon ang mata niya habang sinasabi ang katagang “magtapos ng pag aaral bago mag boyfriend”
.
Abby : opo naman sir!
Alvin : Kumain na tayo, naihanda na ang pagkain ni Jessa.
Kate : ah Sorry Alvin ha, busog na ako eh, Kumain na kasi kami sa labas..
Alvin : ganun ba.
Kate : oo.
.
Nakaramdam ng inis si Alvin, nagselos ito sa lalakeng kasabay kumain ni Kate..
.
Alvin : Jessa paki ligpit na yong pagkain, wala na akong ganang kumain.
.
Mabilis na ulit umakyat si Alvin sa kanyang kwarto, at ang dalawang babae ay natigilan, nagkatinginan at iisa ang nasa isipan nila, na galit si Alvin. At hanggang sa sumapit na naman ang hating gabi ay di pa napipikit si Abby, sakop na naman ng isipan niya si Vince, di niya makalimutan ang mga eksena sa pagitan ni Vince at ng boyfriend nito, ang sweet sweet ng dalawa..
.
Abby : abby ano ka ba, bakit ba pinoproblema mo yong walang kwentang bagay, ang intindihin mo ay yong makatapos ka ng pag aaral, hindi yong kung ano ano yong iniintindi mo.(sermon niya sa kanyang sarili)
.
Pilit niyang iwinawaksi ang puso niya sa nararamdaman niya kay Vince, at pilit na siyang umiiwas, ngunit di naman niya maiwasan ito dahil sa kaibigan ito ni Kate, at dahil madalas niyang kasama si Kate, madalas na din niyang kasama si Vince, naging malapit na din sila ni Vince, mabait na tao naman kasi si Vince, kaya agad naman din napalagay ang loob niya dito, na parang wala lang, na parang hindi siya nagkagusto dito, at hanggang sa paglipas ng panahon at sumapit na ang pagtatapos nila Kate at Vince..
.
Alvin : Abby, hindi ka ba sasama samin?
Abby : Hindi na po sir.
Kate : sure ka?
Alvin : sumama ka na ng makita mo naman yong kaibigan mong mag Speech..
Abby : hindi na nga po sir, alam ko na yong speech ni Kate, nabasa ko na.
Alvin : Tara na Kate, kapag sinabi ni Abby na ayaw niya ayaw na lang niya, hindi mo na yan mapipilit.
Kate : oo nga.ewan ko ba diyan.
.
Ang totoo gusto niyang pumunta, kaso naisip lang niya na naroon yong boyfriend ni Vince na si Macky, kaya hindi na lang siya pupunta, at hanggang sa paglipas ng oras sumapit na ang gabi ay dumating na si Alvin, at mukhang mainit ang ulo nito, hindi na lang niya pinansin ang init ng ulo ng amo, nagtaka na lang si Abby dahil wala ang kaibigan niya, hindi ito kasama ng amo..
.
Alvin : hindi ko alam!!
.
Galit nga amo, dahil nagdadabog ito..
.
Nagtatanong ang isip ni Abby, kung ano daw kaya ang nangyari, di naman na siya makapagtanong sa amo dahil nasa loob na ito ng kwarto, at Hanggang sa paglipas pa ng oras ay wala pa si Kate..
.
Abby : nasan kaya yong babae na yun, bakit kaya hindi sila magkasma ni Sir Alvin.
.
Nagpasya na lang si Abby na pumasok sa kwarto niya at nahiga sa kanyang kama, dahil gusto na niyang makatulog, siguro naman daw ay walang masamang nangyari kay kate, dahil alam niyang di pababayaan ng amo niya ang kaibigan.siguro daw ay may di pagkakaunawaan ito, at hanggang sa naisip niya na baka sumama si kate sa mga classmates nito na nagparty. At noon ay naiisip ni abby si Vince, sigurado siya na kasama nito si Vince.
,
Abby : Congratulations Vince!!(sa isip)
.
Sabi niya sa sarili niya kung sumama siya kila kate ay nabati niya ng personal si Vince, hindi makatulog si abby Maraming sumasagi sa isip niya, Sa isip niya kung noon pa niya naisipan na magaral sana daw ay graduate na din siya ng Kolehiyo ngayon..ngunit sa kabilang banda naman ng isipan niya at ginawa niya lang iyon para sa pamilya niya, inuna niya ang kanyang pamilya, pero masaya na siya ngayon dahil ang mga kuya niya ay malaki na ang pinagbago, siya na ang binibigyan ng pera ng kanyang mga kuya..at Hanggang sa paglipas ng araw ay di niya inaasahan na makikita niya si Vince sa Labas ng Gate, para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya.
.
Vince : Hi abby!!(naka ngiting sabi)
.
Parang natutunaw naman si Abby sa mga ngiting iyon ni Vince.
.
Vince : Pakibukas mo naman yong gate oh.
Abby : ay oo sorry..
.
Mabilis na nagtungo si Abby sa gate at pinagbuksan si Vince..
.
Vince ; si Kate, may problema daw siya at kailangan ng tulong ko.
Abby : ah oo, may Aswang kasi sa bahay namin.
Vince : Aswang? What do you mean aswang? Yong nahahati yong katawan kapag gabi?
Abby : mashol pa dun. halika pasok ka sa loob.
Vince : Teka baka pati ako aswangin.
Abby : hindi ako papayag!!(agad niyang sagot) ang ibig kong sabihin, hindi aaswangin nun, basta tara na sa loob.
.
Nataranta si Abby dahil umakbay pa sa kanya si Vince, amoy na amoy niya ang mabangong pabango ni Vince, sobrang bilis ng tibok ng puso ni Abby. Ewan ba niya kahit alam na niyang bakla si Vince, di nagbago ang nararamdaman niya dito, crush niya pa din, at kilig na kikig ang puso niya, dahil sa akbay ni Vince, yun nga lang matanawan mo ang crush mo ay kilig na kilig na, ano pa kaya yong nakaakbay pa!! At sinalubong na sila ni Kate..
.
Vince : hi!!
Kate : Vince buti pumunta ka, tamang tama, kailangan ko ng tulong mo.
Vince : ha bakit?
Kate : basta!!
.
At sinabi ni Kate ang gagawin nila, kailangan nilang pagselosin si Alvin.
.
Vince : ano? Grabe ka, kahirap naman ng pinapagawa mo sakin.
Kate : please Vince kailangan kong makasiguro kong wala talagang pagtingin si Alvin sakin.
Vince : pagseselosin mo si Alvin ganun ba?
Kate ; oo dahil, kapag nakikita ka sumasama ang timplada niya na parang galit,siya.
Vince : oh my God, ang laki laking tao niyan oh,baka mamaya magselos nga umbagin ako niyan, masisira ang beauty ko!!!
.
Naiiling na lang si Abby sa kanyang...


isip, talaga ngang magkaparehas sila ng pagkatao ni Vince.
.
Kate : huwag kang maingay kailagang hindi niya mahalata na girl ka!!
Vince : naku ha, siguraduhin mong hindi ako mapapahamak sa ginagawa mo.
Kate : ako ang bahala!
Vince : Abby kailangan naka alalay ka din sakin ha.
Abby : oo, ako ang bahala sayo, di ko hahayaang masaktan ka ni Sir Alvin.
.
Natigilan si Abby sa isip niya, mukhang pinapakita niya ang pagka concern niya kay Vince.
.
Vince : okay, okay, what do you want me to do?
Kate : makiki-join tayo sa kanila sa pag-suswimming, Tapos kailangan maging sweet ka sakin ha..
Vince : ay grabe Abby yong bestfriend natin, desperada!
Abby : sige na pagbigyan mo na si Kate, dahil ayoko ko din yang Erica na yan para kay Sir Alvin, sige maiwan ko kayo diyan yong pinahahandang merienda ni Sir Alvin sa aswang niyang bisita.
.
Mabilis na nagpunta si Abby sa Kusina..
.
Vince : oh my Goodness!!wala naman akong panligo..
Kate : meron si abby na naitatagong swim trunks,sandali at kukuhanin ko sa kanya..
Vince : ganun, bakit meron siyang ganun?
.
Ibinigay ni Kate ang Swim tranks kay Vince, at nagtungo na si Vince sa pintong itinuro ni kate na pagpapalitan niya ng panligo, kwarto ang napasukan ni Vince, at napag alaman ni Vince na kwarto ni Abby ang napasukan niya, dahil may Picture ni Abby sa Bedside table, nakapag hubad na si Vince ng damit at tinanggal na din niya ang kanyang pantalon, at sinuot ang swim tranks na binigay ni Kate, papalabas na sana si Vince ng biglang bumukas ang pinto, at biglang pumasok si Abby, at ganun na lang ang gulat ni Abby ng bumangga siya sa matigas na katawan ni Vince, na nuoy nakahubad ito, at naka swim tranks lang ito, kitang kita niya ang magandang katawan nito, amoy niya ang mabangong katawan ni Vince, naagapayanan siya ni Vince upang hindi siya mabuwal, ramdam ni Abby na nakakulong siya sa bisig ni Vince, huminto na naman ang mundo ni Abby, sa mga oras na iyon, at Hanggang sa Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin niyang nakadikit na ang ilong niya sa nipple ni Vince.
.
Abby : Jusmio!!!
.
bigla siyang kumalas kay Vince dahil parang hihimatayin siya sa nerbyos, at tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang pagkatao, sa pakiramdam niya kulang isang libong boltahe ang gumapang sa kalamnan niya.
.
Vince : sorry, dito na ako nagbihis.
Abby : s-sorry d-din.. h-hindi k-ko alam na n-nandito ka(nauutal niyang sabi).
.
Labis na nataranta si Abby.
.
Abby : ah s-sige balik na ako sa kusina.
.
Mabilis na niyang iniwanan si Vince, ngunit tinawag siya nito.
.
Vince : Abby!
.
Huminto sa paglalakad si Abby..
.
Abby : b-bakit?
Vince ; pahinging tubig na malamig, kinakabahan talaga ako sa gagawin namin ni Kate.
.
Nakuha nang tumawa ni Abby.
.
Abby : relax ka lang di ka pababayaang masuntok ni sir Alvin.
Vince : hay naku naman!
.
At hanggang sa nagpunta na si Kate at Vince sa Pool na kung saan ay masayang naliligo si Alvin at ang bisita nitong babae na si Erica, ang dating kasintahan ni Alvin. Naiwan si Abby sa loob ng bahay na nakatulala pa din sa pangyayari sa kanya, at parang gusto niyang pumasok sa kanyang kwarto at mag gugulong sa kanyang kama at takpan ang kanyang bunganga dahil gusto niyang magtitili sa kilig, ramdam pa daw niya sa katawan niya ang mga hawak sa kanya ni Vince, lalo na yong maidikit ang ilong niya sa nipple ni Vince.
.
Abby : hay abby, ano ka ba, umayos kang bruha ka, baliw ka talaga..
Jessa : abby ayos ka lang ba?
Abby : hay ate Jessa, hindi!
Jessa : bakit anong problema?
Abby : naiihi ako.
Jessa : umihi ka na ah..baka maihi ka pa diyan.
.
Pumasok sa loob ng banyo si Abby, at talagang naiihi na siya sa kilig, nangmakpasok siya sa loob ng Banyo ay doon ibinuhos ang emosyon, nagtatalon si abby, dahil di maalis sa isip niya yong pangyayari sa kanila ni Vince, dumikit na daw yata ang pabango ni Vince sa kanya dahil hanggang ngayon ay naamoy pa niya ito sa sarili niya, naamoy pa niya sa kanyang damit.
.
Abby : ay grabe ang gwapo niya talaga, at ang bango pa, at ang tigas pa ng katawan niya, hay bakit ka ba naging bakla pa Vince..
.
Jessa : abby, bakit katagal mo diyan sa loob ng Cr, ayos ka lang ba?
Abby : oo ate Jessa..
.
Inamoy amoy pa ni Abby ang damit niyang nahawahan ng pabango ni Vince.
.
Abby : Hinding hindi ako maliligo, ayokong maalis ang amoy ni Vince sa damit ko.
.
Lumabas na si Abby sa banyo, Kumakanta kanta pa si abby, habang nagpupunas ng alikabok sa mga picture frame na nakadisplay, para siyang lumulutang sa alapaap sa twing binabalik tanaw niya ang pagkakabunguan nila ni Vince, nakadikit na nga ang mukha niya sa dibdib ni Vince, at hanggang sa nagulat na lang si Abby ng biglang pumasok si Alvin at mukhang mainit ang ulo dahil nagdadabog ito na umakyat sa taas.
.
Alvin : Hoy Abby!!!(malakas na sabi)
Abby : Hoy Abby!!!(gulat niyang sabi)
Alvin : iligpit mo na yong hinanda mong merienda..at huwag na huwag mong pagmemeriendahin yong asungot na bisita ni kate!!(at tuluyan ng pumasok sa kwarto)
.
Samantala naman ay kasunod na pumasok si Erica.
.
Erica : hoy, ikuha mo ako ng Juice.(utos niya)
Abby : hoy, wala kaming Juice dito, expired na lahat!!
Erica : pinagloloko mo ba ako?
Abby : hindi kita niloloko.
Erica : hoy babae, ayusin mo yong pakikipag usap mo sakin ha.
Abby : bakit amo ba kita?
Erica : malapit mo na akong maging amo, at kapag nangyari yun humanda ka.
Abby : hindi mangyayari yun!!
.
At haggang sa pababa na si Alvin at nakagayak itong paalis.
.
Erica : Hey darling saan ka pupunta?
Alvin : aalis.
Erica : ah wait? Sasama ako hindi pa ako nakakabihis..
.
Natatawa na lang si Abby dahil hindi na nakuha pang magbihis ni Erica, dahil mabilis ng lumabas si Alvin at takot itong maiwanan, nang mkaalis na ang amo ni Abby ay saka siya nagpunta sa pool, nakita niyang masayang naliligo si Vince at Kate.
.
Abby : Kate, wala na si Sir at ang aswang, umalis na sila..
.
Lumungkot ang mukha ng kaibigan niyang si Kate..at hanggang sa iniwan sila ni kate doon sa pool.
.
Kate : abby ikaw muna ang bahala kay Vincent.
Abby : h-ha ako!
.
Pumasok sa loob ng bahay si Kate, samantala naman si Abby ay naroon pa din siya na nakatayo sa gilid ng pool..hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niyang pang iistima kay Vince, haggang sa tinawag siya ni Vince.
.
Vince : Bi, halika maligo tayo!
.
Napanganga si Abby sa narinig.
.
Abby : Ha Bhie! As in baby!
.
Nagtutumalon ang puso niya sa isiping tinawag siang baby, ngunit sinaway niya ang sarili niya.
.
Abby : hoy abby, ilusyunada, hindi ka nya tinatawag na baby ano, Bi short for Abby, baliw(sabi sa isip)
Vince : Tara maligo!
.
Sinabuyan siya ng tubig ni Vince at hanggang sa nabasa siya..
.
Vince : Halika na samahan mo akong maligo oh please.
.
Nakiusap si Vince, at ang pakiusap ni Vince ay pumayag siya.
Abby : ah o-oo..
.
At dahil natataranta si Abby ay sinunod niya agad si Vince tumalon siya sa swimming pool, kahit nakalimutan niya hindi pa pala siya marunong lumangoy, lilitaw lulubog siya sa tubig dahil ang pool na pinagbagsakan niya ay 7 Ft, at napansin na nga siya ni Vince nalulunod, nag alala si Vince kaya mabilis siyang lumangoy papunta kay Abby, si abby naman nun ay takot na takot, sa isip niya ay katapusan na niya, at hanggang sa maramdaman na lang niya na may mga kamay ng nakahawak sa kanya, at alam niyang mga kamay ni Vince iyon.
.
Vince : Abby kumapit ka sakin.
.
Nawala ang takot ni Abby dahil naroon na daw ang Hero niya, Wala nang nagawa si Abby kundi yumakap sa Likod ni Vince, nakakapit siya sa balikat ni Vince, at hanggang sa naiahon na siya sa Gilid ng pool, naroon na din si Kate, dahil nakita niyang nalulunod ang kaibigan.
.
Kate : abby anong nangyari sayo, bakit ba sa 7 ft ka tumalon, nakalimutan mo ba na pang 3 – 4 ft ka lang.
Vince : Abby hindi ka pala marunong lumagoy?
Kate ; hindi, kaya kapag nag su swimming kami hanggang dito lang siya sa 4 ft.
.
Labis na nanghihinayang si Abby sa kanyang suot, nawala na daw yong amoy ni Vince sa kanyang damit, pero nakaramdam naman siya ng saya, dahil ramdam na naman niya ang matigas na katawan ng Crush niya, nagtutumili si abby sa kanyang isip.
.
Vince : abby gusto mo turuan kitang lumangoy.
Kate : sige nga Vince turuan mo si Abby.
Abby : a-ah h-hindi na, okay na ako, hindi na lang.
.
Ngunit huli na siya dahil hinila na siya ni Vince, ngayon ay sobrang lapit na naman niya kay Vince, nagkakarambola na naman ang kung ano ang nasa dibdib niya, sinaway niya ang sarili..
.
Abby : Abby kalma, parehas kayong babae ni Vince ano.
Abby : oo pero hindi siya mukhang babae(sagot niya sa kanyang sarili)
Abby : kahit na babae pa din siya.
Abby : Lalakeng lalake siya!!(sagot niya ulit)
.
Nagsusumigaw ang isip niya dahil nababaliw na daw siya, ang hindi niya alam ang sigaw niya sa kanyang isipan ay totoo na pala siyang humihiyaw na pinagtakhan nina Vince at Kate..
.
Vince&kate : anong nangyayari?
.
At nooy narealize ni Abby na, nailalabas na niya ang nasa isip niya..nagmadali na siyang umalis sa tubig dahil mahirap na daw baka mamaya maibuking pa niya ang kanyang sarili na Crush niya si Vince..at hanggang sa paglipas ng araw ay naganap ang di inaasahan..
.
Abby : Ano, magpapakasal na kayo ni Sir Alvin?
Kate : o-oo abby!(nahihiyang sabi)
Abby : magandang balita yan Kate..sa wakas, nanalo ka sa Erica na yan.
.
Pero pansin niya na hindi masaya ang kaibigan..
.
Abby : oh bakit malungkot ka?
Kate : nanalo nga ba ako?
Abby : at bakit hindi, pakakasalan ka na ni Sir Alvin at si Erica maiitsapwera na.
.
Pinasasaya na lang ni Abby ang kaibigan, at hanggang nagpakasal na nga sina Kate at Alvin, at dahil doon umpisa na ng pagiging malapit ni Abby kay Vince dahil siya na lagi ang nakakasama ni Vince.
.
Itutuloy..
Minsan isang araw lang po ang pag aapdate ko, medyo alalay lang po, kasi hindi ko pa tapos ang story..pero sisikapin ko po na makapag update agad, oras na naging maayos na ang mga sumusunod na chapter..salamat..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top