Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 19


Author: Miss J
” Nasiyahan ka ba kung ano ang ginawa mo? Kase ako hindi! Masakit bang makita at maramdaman na wala ng pag asa? Ganyan ang sakit na idinulot mo sa akin ” Isa pang malakas na sampal ang ipinagkaloob ko Kay Jojo ” Alam Kong may puwang dyan sa puso ang galit, galit sa akin dahil sa nagawa ko, bakit hindi mo ilabas? Ilabas mong lahat para malaman ko kung ano ang totoong nasasa loob mo ” patuloy kong saad sa lalaking patuloy na lumuluha, nakayuko ni hindi ako tinapunan man lang ng tingin ” Jojo, hindi ko sinasadya na mahulog ang kalooban ko sa iba, hindi ko inaasahan na magmamahal ako ulit gaya ng pagmamahal ko sayo noon ” Naisatinig ko na sa wakas ” Patawarin mo ako ” habang akoy kumalas na sa kanya at inilalayo na ang aking sarili sa kanya ” Minahal kita, halos mahal na mahal pero sinayang mo lahat ng iyon, sinayang mo ako ”
” Hindi, hindi ako naniniwalang ganun mo ako kadaling malimutan, babawiin ko kayo, ikaw....


Gagawin ko ang lahat, tatanggapin ko kung ano man ang kamalian na nagawa mo, magiging tahimik ako at wala kang maririnig na kahit na ano patungkol sa nakaraan maging maayos lang tayo ” at dahan dahan lumalapit syang muli sa akin ” Huwag! Huwag mong gawin sa sarili mo ang mga bagay bagay na alam mo rin na ikaw ang unang nasasktan ” ako na pinigilan sya sa kanyang tangkang paglapit ” Dyan ka na lang, wala na akong sasabihin pa kase nasabi ko na ang lahat ng hinanakit ko sayo. Hayaan mong buoin ang buhay ko na wala ka, ang mga bata? Hindi ko ipagkakait sayo, Malaya kang makita, makausap at mahiram kung kailan mo gusto pero ako pabayaan mo na lang muna ako, or else pabayaan mo na ako ng tuluyan ” iyon lang at binuksan ko ng maluwag ang aming pintuan ” Makakaalis kana ”
” Jane.. Ayaw Kong palayain ka dahil ikaw ay sa akin lamang, aayusin ko to kahit maghintay ako ng matagal maging maayos lang ulit ang pamilya natin ”
Happyreadingpo😍






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top