IT WAS ALWAYS YOU Chapter 6


“Pansamantala lang ang pagkawala ng memorya niya Galvin pero darating ang araw na magbalik din ang lahat ng ala-ala niya.”
“Salamat Pare,dito lang muna siya pansamantala..hangga’t hindi pa siya nakaalala..”
“Ok lang pare,so paano?mauuna na ako” at tinapik siya sa balikat
*****
Isang malaking kasalan ang naganap at kitang-kita ni Clarence ang sarili niya na naglalakad sa Aisle na iyak ng iyak..mahinang-mahina ang kanyang lakad na nagdalawang isip na tumuloy sa altar,hindi niya maaninag ang mukha ng lalaking naghihintay sa altar.Maya-maya’y may sumabog sa simbahan.
”Hu..huwaaggggg!!” napabalikwas si Clarence at dama niya ang takot ng sandaling iyon.Nanaginip siya at naalala niya ang pagpapakasal sana niya sa isang lalaki at ang huli niyang naalala ay nakasakay siya ng eroplano na gulong-gulo ang isip.
“Iha,gising ka na pala” bungad ni Nay Rosing sa dalaga nang makita itong gising na.
“Nasaan ho ako?”
“Nandito ka sa isang Isla,malayo sa bayan.”
“Sino..sino po iyong...


lalaki kanina?”
“Si Galvin iyon Iha,at siya ang tumulong sa iyo..sa kanya itong resort na tinutuluyan mo..”
“Wala po akong maalala..”
“Huwag mo munang pilitin ang sarili mo na maaalala ang lahat,..tawagin mo na akong ‘Nay Rosing’..dito ka na lang muna..ipaghain kita ng mainit na sabaw..”
“Sige po..Nay Rosing”
****
Naabutan ni Galvin ang kwarto ng dalaga na nakabukas at sinilip niya ito,natanaw naman niya si Nay Rosing na may dalang tray ng pagkain kaya naisipan niyang siya na lang ang magdala nito sa kwarto.
“Good morning,ipinagluto ka ni Nay Rosing ng sabaw..kumain ka muna,..kumusta na ang pakiramdam mo?” sabi ni Galvin at inilapag ang tray sa side table
”I’m ok na..pwede na ba akong makaalis mamaya?” pagtataray ng babae
“Without saying ‘Thank you’?at saan ka naman pupunta?
“Edi uuwi na..”
“Do you think makakatakas ka rito?just stay here,dahil kailangan mo munang magpahinga..wala ka ba talagang maalala?”
“Wala nga..paulit-ulit ka?”’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top