IT WAS ALWAYS YOU Chapter 5


“Nay Rosing,pakibuksan nga po ang guest room sa itaas at nang mailipat ko po siya..” sabi ni Galvin kay Nay Rosing nang mailapag niya ang dalaga sa sofa
Ito ang nagbabantay sa resort kasama ang asawa na si Manong Carding.
“Naku Galvin anak,ang ganda niya para siyang kamukha ni Sophia..” sabi ni Manang Rosing nang mapagmasdan ang dalaga na natutulog sa Sofa.
“Ay,pasensya anak..naalala niyo naman po siya..” sabi ulit ni Nay Rosing sa kaniya
“Ok lang Nay Rosing..tanggap ko nang wala na nga si Sophia..” malungkot na sabi ni Galvin
“May plano ang Panginoon sa lahat ng nangyari Anak,magtiwala ka lang..huwag kang mawawalan ng pag-asa..”
“Salamat Nanay Rosing..”
“Sige,bubuksan ko na ang kwarto sa itaas at nang makapagpahinga na ng maayos itong napakagandang bisita natin..”
Ngumiti lang si Galvin at pinagmamasdan niya ang dalagang natutulog.
Tama si Nanay Rosing,medyo magkahawig nga si Sophia at ng babae.Ang makapal na kilay,manipis na labi at ang napakagandang mukha niya.Magkaiba lang...


sila ng pananalita,mahinhin si Sophia pero ang babae ay ubod ng taray.May nunal naman si Sophia malapit sa ilong.Kung ihahambing silang dalawa mas maganda ang babae kaysa kay Sophia.
“What did I think?” nasambit na lang ni Galvin nang lumalayo na ang imagination niya
“Galvin,ready na ang kwarto at pinalitan ko na ng mga kurtina ang bintana..”
“Sige Nanay Rosing..kapag nagising siya ipagluto mo na lang siya mamaya ng mainit na soup.”
Inilipat niya sa Guest room ang dalaga.Maya-maya’y tinawagan niya ang kaibigang Doctor para macheck ang kalagayan ng dalaga.
“May mild damage ang likod niya gawa ng pagkabagsak niya sa matigas na bagay at imposibleng may trauma ang patient.We need to investigate her case Galvin baka may nanakit sa kanya or I should say isa siya sa mga pasaherong bumagsak sa eroplano.Sa ngayon she need more rest..” sabi ng kanyang kaibigan na si Doc.Franco
“Medyo nabagok ang ulo niya at may possibility na magkaroon siya ng amnesia..”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top