WORLD AGAINST US Chapter 1


Nakasakay sa motor si Calvin papunta sa Tagpuan nila ni Elves. Nakarating siya sa Parke kung saan sila nagkikita . nakita niya si Elves na nag aabang sa kanya . bumababa siya sa kanyang motor at lumapit siya kay Elves. Nakangiting niyakap ni Elves si Calvin .
” Salamat at dumating ka ” Ngumiti si Calvin sabay akbay kay Elves.
” Maaari ko bang paghintayin ang mahal ko ” Napangiti si Elves.
” Yiee napapangiti siya ” Umupo ang dalawa at tinanaw nila ang Paligid.
” Sana Babae nalang ako Calvin ” umakbay si Calvin kay Elves.
” Bakit naman Elves ” Tanong ni Calvin.
” Eh kasi Para pwede tayo para sa isat isa walang manghuhusga sa atin ” Napahinga nang malalim si Calvin.
” Elves mahal kita kahit ano kapa Huwag ka nang mag isip nang kung ano ano ” Tumingin si Elves kay Calvin.
” Salamat ha ” Sabay hawak niya sa kamay ni Calvin at sumandal siya sa Braso nito.
Biglang dumating ang magulang ni Elves. Nagulat sila at napatayo.
” Bakit ka nakikipagkita sa kanya Ha diba sabi ko tigilan mo na ito ” nagalit si Juancho ang Ama ni Elves at sinuntok niya si Calvin natumba si Calvin at nang lalapitan siya ni Elves ay Pinigilan siya nang kanyang ina.
” Hayaan mo na siya nang madala ” Pilit na pumipiglas si Elves sa pagkakapit sa kanyang ina nasi Melanie.
Hindi pa nakontento si Juancho pinagsisipa pa niya ang katawan ni Calvin.
Namimilipit na sa sakit si Calvin at puro pasa na ito. Nang tumigil si Juancho ay nakawala si Elves agad siyang lumapit kay Calvin habang Tumutulo ang kanyang mga luha. Kinapitan niya ang mga kamay ni Calvin.
” Magkita tayo mamayang gabi sa dating tagpuan ” Bulong ni Elves.
Muli siyang Hinigit nang kanyang ama. Ang magkahawak nilang kamay ay unti unting nagbitaw.
Nang makauwi sila ay Tinulak ni Jauncho si Elves at tsaka niya ito sinuntok sa mukha.
” Hanggang kailan mo bibigyan nang kahihiyan ang pamilya natin ha . Ayoko nang anak na Bakla ” Hindi na napigilan ni Elves ang sarili nasagot niya ang kanyang ama habang Tumutulo ang mga luha.
” Ano bang problema niyo Ha Nagmamahalan lang kami walang mali dun ” Sinampal ni Melanie ang anak .
” Bastos ka...


! Maling mali ang pagmamahal mo malaking kasalanan niyan sa Diyos ” hinigit ni Juancho ang anak at kinulong niya ito sa Isang Kwarto . Sinuntok suntok ni Elves ang Pinto.
” Pakalwan niyo ako dito Dad Mom please ” sigaw ni Elves. Nang mapagod siya ay napaupo nalang siya habang Lumuluha.
Nasa sala si Jauncho lumapit sa kanya ang kanyang asawa at inabutan niya ito nang Tubig .
” Oh inom ka muna ” Kinuha ni Juancho ang tubig at uminom siya. Umupo si Jauncho at tumabi sa kanya si Melanie.
” Tama ba ang ginawa natin sa anak natin ” Tanong ni Melanie.
” Walang mali sa ginawa natin Gusto lang natin siyang Turuan nang leksyon mali ba yung iiwas siya sa Mali ” Hinawakan ni Melenie ang likod ni Juancho at nagkatinginan sila . nababakas sa kanilang mukha ang pagkadismaya.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha at tumayo siya. Nagpauli uli siya at nagisip kung paano makakatakas. Nakita niya ang kurtina at Kinuha niya ito. Pumunta siya sa Bintana at binuksan niya ito at tinali ang tali sa bakal nang Bintana. Agad siyang Tumong tong palabas nang Bintana at dahan dahan siyang Bumababa nakakapit siya sa mga Kurtina at nakarating siya sa baba at Mabilis siyang nakatakbo.
Nakarating na sa parke si Elves at nakita niya si Calvin . maluha luha silang nagyakapan.
” Tumakas na tayo Please ” Hinawakan ni Calvin ang pisngi ni Elves.
” Oo aalis na tayo dito ilalayo na kita sa kanila ” Agad silang sumakay sa motor.
Humupa na ang galit ng mga magulang ni Elves. Pinuntahan ni Juancho at Melanie ang anak sa kwarto pag bukas nila nang pinto ay wala nasi Elves . Nagalit ang magasawa at agad silang lumapit sa bintana at nakita nila na may nakatali dito na kurtina. dali daling sumakay ang mag asawa sa kanilang Kotse at inabot sila nang mga ito. Pinabilis pa ni Calvin ang pagpapatakbo nang kanyang motor. Biglang may Tumawid na Aso sa kanilang daanan Iniliko ni Calvin ang Motor at napabangga sila sa isang Kotse at tumilapon silang dalawa.
Duguan ang dalawa at Hinawakan nila ang kamay nang isat isa.
Tumigil ang Kotse at bumababa ang mag asawa at nakita nila ang dalawa na duguan at magkahawak nang kamay .
TO BE CONTINUED






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top