Perhaps it’s you Chapter 5


“Oh Jenny ikaw ba yan? Di makapaniwalang tanong ni Thelma sa dalaga.
“opo, Tita nilipat na po ako ng boss namin”. Pagsisinungaling niya.
Nagkataon kasi na bumili ito sa drugstore na pinagtatrabahohan niya.
“sige Jenny, minsan pasyal ka sa amin ha?
” opo Tita. Nakangiting sambit niya dito..
Napagpasyahan niyang na lumipat na lamang ng ibang lugar. Dahil kung mananatili siya sa bayan ng Santa Catalina ay makikita at magkikita lamang sila ni Samuel. Kailangan niyang kalimutan ang lalaking yon. Dahil alam niyang Wala naman siyang mapapala sa binata. Bukod sa babaero ay may nobya na ito.
Alam niyang hindi siya pagaaksayahan ng panahon ng lalaking iyon. Kaya pinili na lamang niyang lumayo at kalimutan ang nangyari.
Isang beses lamang siya sa loob ng isang buwan kung umuwi sa bahay nila sa Santa Catalina.
Umaga, Nakaupo siya sa upuang kahoy nila sa kanilang bakuran isang umaga ng biglang bumaliktad ang sikmura niya sa masamang amoy na iyon.
” ‘Nay anu po ba yon? Nakakasuka ang amoy! Sambit niya sa inang halos ikasira na ng mukha niya.
” Anu ka ba Jenny, nag-ihaw akong paborito mong tuyo at ka partner ng nilagang kamote.”
” ganun po ba? Bakit ganun parang nasusuka ako sa amoy Hindi ko gusto..”
“Jenny anu bang nagyayari sayo? Kunot noong tanong ng Kanyang inang si Nanay Carmen
Iniwan niya ang ina at nagduduwal kung siya sa kung saan.
Huh!! Anu bang nagyayari sa akin? Ang sama ng tyan ko. Wala naman akong nakain na kakaiba?..May daing sambit niya sa sarili.
Kinabukasan pagpasok niya sa store parang nanglalambot ang pakirdam niya..hindi pa rin nawawala ang pakiramdam niyang nasusuka siya lalo na kapag nakakamoy siya ng Hindi niya gusto. Parang Hindi siya komportabli sa nararamdam niya. Ngunit kahit ganun ay kailangan niyang kumilos at mag trabaho. Kaya binaliwala niya iyon.
Itinoun niya ang atensyon sa trabaho. Araw-araw ganun ang nararamdaman niya nakakaradam siyang morning sickness. Pero laban parin. Kayang kaya niya iyon. Sa dami ba naman ang hirap na pinag daanan niya sa maynila dati ngayon pa ba siya a ayaw. Kung dati nga kahit may lagnat siya nagagawa pa niyang Pumasok ngayon pa kaya. Na sa umaga lang naman niya iyon nararamdam.
“Jenny parang tumataba ka yata ngayon! Sambit ng kaibigan niyang si Maggi.
” ahh? Ako tumataba? Parang Hindi naman!
“Hindi daw oh ang malaki na nga ang tyan mo”
Biro pa ng katrabaho niya. “yong totoo Jen?
Buntis ka ba o sadyang tumataba ka lang? Wala sa loob na tanong nito. Alam niya kasi na dalaga si Jenny
” huh? Hindi ah! Hindi ako buntis noh?.alanganing tanggi niya dahil kahit siya mismo ay Hindi niya rin alam. Ilang buwan na rin syang Hindi dinadatnan.
Ngunit umaasa pa rin siya ngayon dahil minsan kasi delay lamang ang period niya.
Pero sa pagkakataong ito iba ang pakiramdam niya.
Kaya kumuha siya ng pt sa store na pinagtatrabahohan kanina at pagdating sa bahay ay nag test siya.. Habang pinapatak niya iyon sa maliit na parihabang tester na iyon ay kinakabahan siya. Nananalangin na sana Hindi totoo ang kutob niya.
Ngunit nabigo siya dahil dalawang guhit ang rumihistro doon pakatapos ng ilang minuto.
Npatingin siya sa Kanyang tiyan na bahagya nang nagpapakita. Parang may kung anung bumara sa Kanyang lalamunan na Hindi niya mawari.
“buntis nga ako.. Pano toh?.. Wala siyang ama..napaiyak siya sa awa sa sarili.. At sa batang dinadala niya.. Hindi niya alam kung kanino kakapit. Wala naman siyang nobyo. O asawa.
Sinarili na lamang niya ang problimang kinakaharap ngayon.
Hindi niya alam kung pano ito sasabihin sa ina. Na nabuntis siya. Isang buwan niyang kinimkin iyon at walang sinabihan kahit isa sa Kanyang mga kaibigan.
Ipinangako nya na kakayanin niya ang lahat kahit siya lamang mag-isa. Hindi...


siya lalapit kay Samuel para magmakaawa na panagutan siya at Hinding Hindi malalaman ninuman kung sino ang ama ng anak niya.. Ayaw na niyang magkaroon ng koneksyon sa lalaking iyon. Namumuhi siya sa ama ng Kanyang anak na nagsamantala sa Kanya…
Pag-uwi niya sa bahay ay ipingtapat niya sa ina ang Kanyang kalagayan. Hindi niya rin naman iyon matatago ng habang buhay isa pa kailangan niya ng tulong nito.
“Wala na tayong magagawa dyan kung buntis ka. Ang tanong ko lamang sino ang ama niyan Jenny? Nasaan siya?
” ‘nay wala po, wala po akong boyfriend.
“Anu, nabuntis ka na walang nobyo? Anu ka ba naman Jenny bakit ka pumayag??
” Nay lasing po kasi ako noon. Nagkamali po ako, patawarin nyo po ako! Boung pusong pagsusumamo niya sa ina.
“Jenny… . Anu pa bang magagawa ko. Kundi tanggapin yang dinadala mo. Balibaliktarin man ang mundo apo ko pa rin yang dinadala mo.”
“Salamat po nanay”. Naluluhang sambit ng dalaga sa ina. At yumakap siya dito.mabuti na nga lang ang mabait ito at maunawain. Hindi na siya nito kinulit pa kung sino ang ama ng pagbubuntis niya..
___
Pinili niyang mag prenatal sa isang clinic na malayo sa Lugar nila. Sa isang private na clinic siya nag pachek up. Mabuti na lamang at wala siyang kakilala dito. Kalahating oras din ang hininhintay niya para siya ay tawagin.
“number fifteen!” sambit ng secretary ni Dr. Bonifacio.
Walang pumapasok kaya tumawag itong muli.
“okay, sixteen! Muna wala pa si patient 15″! .
” Tumayo si Jenny at tinungo niya ang pintuan.. Ng biglang dumating mag salita uli ang secretary.
“ah Mrs.,Gomez, wait po muna sorry! Si Mrs. Madrigal pala nandito na sila muna po bago kayo.. Ha..? Marahang wika sa Kanyang secretary.
Npatingin siya kay Maylene. Nagulat din ang babae ng makita siya doon.
” ah mareng Jenny..! Bakit ka nandito?
“aah.. May.. Sinamahan lang ako.. Pagsisinungaling niya.. Ikaw??
” ako ito… We’re expecting baby number two! Masayang wika nito.. Mag kasama ang asawa na pumunta sa clinic..
“ay congrats! Maree, pareng Rodney!! Masayang bati niya sa mga ito.
” Salamat Jenny! “nakangiting wika ni Rodney. Sa kumari. Bakas dito ang kasiyahan sa mukha.
” umh.. Mrs, madrigal? Hinhintay na po kayo ng Doctor! Sambit ng sectretay
“okay po.. Uhm.. Mars Jenny mamaya na ha pasok muna kami…
Tumango lamang siya mag- asawa.. Pagka pasok nito ay umalis na siya doon. Ayaw niyang malaman nito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa ngayon. Hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam niya Hindi pa ito ang Tamang panahon para malaman nito ang tungkol sa pagbubuntis niya..
Nag madali siyang umalis sa Lugar na iyon. Ayaw niyang malaman ng kaibigan ang tungkol sa pagbubuntis niya. Sa tingin niya Hindi pa ito ang Tamang panahon, hindi pa niya kayang Ikwento ang lahat.lalo na ngayon minsan emotional pa siya. Maawa lamang siya sa sarili kapag nakipag usap pa siya sa kaibigan na malapit sa ama ng anak niya.
Naglipat siya ng lugar na magpapa pachek-upon.
Sa isa pang private clinic na malapit sa trabaho niya. Pagpasok niya doon mahaba ang pila.. Mga naglalakihan ang tiyan ng mga nandoon may mga bababy din.. Mag-asawa. Na magkasamang nagpapacheck-up.. Naalala niya ang kaibigang si Maylene. Kasama din nito si Rodney sa prenatal check up nito. Ang sweet pa rin nila sa isat- isa.
Minsan pinapangarap niya din ang ganong buhay. Pero ngayon sa kalagayan niya pakiramdam niya Hindi na matutupad yon. Dahil buntis na siya.
Pakiramdam niya wala ng magsesryoso sa kanyang lalaki dahil isa na siyang dalagang ina. Napaluha siya dahil sinira ni Samuel ang pangarap niyang iyon na magkaroon ng masaya at sariling pamilya.
A/N
Thank you dear readers ❤️ambilis ko mag-update kapag kaunti ang nagbabasa.. 😊🍀






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. wala pa po bang update hehe excited po ako sa nxt chapter. Nag eenjoy po ako sa story ni jenny

Leave a Reply


top