Change Of The Martyr Nerd PROLOGUE


#HMS1COTMN
“LET’S END this.” Nabura ang malapad at masayang ngiti sa mga labi ni Micheles ng marinig ang sinabi ni Xendrake.
Natahimik ang kanina’y sobrang ingay at nagsasaya na panauhin. Namasa ang mga mata ni Micheles ngunit pinigilan niya ang paglaglag ng mga iyon at sa halip pilit na ngumiti.
“Some kind of prank or surprise?” Katagang nailabas niya.
Walang emosyon lamang na nakatingin sa mga mata niya si Xendrake. “Hindi mo parin mainrindihan?” Ngumisi pa si Xendrake na wari’y hindi makapaniwala. “Announcement to everyone! I and Micheles are officially breaking-up with the presents of you all ,guys!” Malakas na sigaw ni Xendrake habang nakangiti.
Masaya talaga ito sa ginawang pagsasabi sa lahat ng bagay na iyon habang siya naman ay tuluyan ng nalaglag ang kanina pa pinipigilang mga luha.
“X-xendrake, can we talk about that later? It’s my birthday, please..” paki-usap niya sa binata habang umiiyak ngunit iling lang ang iginanti nito.
“No. I want to end this shit now, Micheles. I don’t love you and you know that. Masyado kalang talagang naging desperada para pilitin akong pakisamahan ka. Katawan mo lang ang nakuha kong benefits sayo. Walang wala ka naman kasi. Fucking nerd!”
Nasapo ni Micheles ang dibdib sa narinig na salita mula kay Xendrake. Hindi siya makapaniwalang nagawa nitong sabihin iyon sa harap ng mga taong malalapit sa kaniya.
Kagaya ng inaasahan napasinghap ang lahat at napuno ng ugong ang buong classroom. Napayuko siya.
Wala siyang masabi dahil alam naman niyang totoo ang sinabi ni Xendrake. Naging desperada siya para mahalin lang ni Xendrake. Umaasa kasi siya na mamahalin din siya nito.
“Tarantado ka pala! Gago ka ang kapal ng mukha mong sabihin iyan?!” Mabilis na pinigilan ni Micheles si Darwin ng mabilis nitong nilapitan si Xendrake at binigyan ng isang malakas na suntok.
“Darwin, tama na..” namumurol ang paningin niya ngunit pinilit niya parin na pigilan si Darwin.
“Bakit ka galit? Dahil hindi kita hinatian sa katawan ni Micheles? Sana sinabi mo ka-agad at nang napagbigyan kita kahit saglit.” Mas lalong napaluha...


si Micheles sa narinig kaya nabitawan niya si Darwin.
“Hayop ka! Bakit ba kasi ikaw pa ang minahal ni Micheles! Napakahayop mo! Gago ka! Hayop!” Sunod sunod na suntok ang binigay ni Darwin at wala man lang naging reaksyon si Xendrake.
Hindi na niya nagawa pa na pigilan si Darwin dahil nanghihina na ang tuhod niya dahil sa sakit sa dibdib na kaniyang iniinda.
Oo, sanay na siya sa ginagawang pambabastos ni Xendrake sa kaniya pero ang sabihin iyon sa publiko ay hindi niya matanggap.
Napahiya siya at nasaktan, isang tao lang ang may gawa no’n, ang lalaking tangi niyang minahal. Basang basa na ang pisngi niya dahil sa kaiiyak pero hindi parin siya tumitigil.
Masakit at nakakahiya ang ginawa ni Xendrake ngunit kahit sa kabila ng ginawa ni Xendrake ay nanatili parin ang pagmamahal niya para rito. Patakbo siyang umalis sa classroom habang umiiyak upang takasan ang mapanghusgang tingin ng mga kakkilala ni Xendrake.
Hinabol siya ng mga kaibigan niya ngunit hindi niya man lamang nagawang tingnan ang mga iyon. Gusto niya ng makalayo, makalayo sa lugar na kung saan nagbigay sa kaniya ng mapait at masakit na ala-ala.
PAGKATAPOS ng nangyari ay nag desisyon si Micheles na umalis ng Pilipinas at mangibang bansa upang kalimutan ang nangyari.
Pinilit niyang magbago at nagtagumapay siyang magbago ngunit may isang bagay siyang hindi nabago at napalitan. Iyon ay ang nararamdamang ng puso niya at ang tinitkbok nito.
Sa mahigit limang taon sa states kahit minsan ay hindi naisip ni Micheles na muli silang magtatagpo ng binata.
Hindi niya iniisip ang bagay na iyon. Nang magkita silang muli doon niya lang nareyalisar na sa kabila ng lahat ng ginawa nito ay mahal parin niya ito.
Tuliro siya at hindi alam ang gagawin. Tama lamang ba na mahalin niya parin si Xendrake sa kabila ng ginawa nito sa kaniya at sa pagkatao niya? Ano na ang mangyayari ngayong muli silang nagkatagpo?
🖤•••••
My first so sorry if lame hope you’ll give chance to this one! Thank you!🖤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top