MY HEARTLES MAN CHAPTER 6


MR SEBASTIAN AND MAXINE STORY
Sobrang nakakapagod ang araw na ito para kay maxine.Simula ng matapos nilang kumain hindi na nga nakita pa ang binata umalis na rin si range dahil may aasikasuhin pa raw ito.Napa buntong hininga na lamang sya dahil inip na inip na sya sa opisina ni Sebastian. Nakaupo sya sa upuan ng boss neto, naeenjoy nya kaseng umupo rito nagpaikot ikot rin sya duun hanggang sa mayroong tumawag sa telepono agad nya itong sinagot.
“Good evening sir and ma’am this is Maxine Joan’s the new secretary of Mr Max Sebastian what can I do for you?” Magalang na turan neto sa kabilang Linya.
“Hello miss can I ask a favor? ” Sigaw nman ng Boses lalake naririnig din ng dalaga ang ingay mula sa kabilang Linya.
“Sure sir what favor is that?” Turan ni maxine habang taimtim na nakikinig sa susunod na isasagot ng lalake.
“Ahm Si Mr Sebastian po kase nagwawala dito sa bar-” Hindi na tapos ang sasabihin ng lalake ng magsalita si maxine.
“On the way nako teka saan yan makikita paki text na lng sa numero ko”. Kinakabahan na turan ni maxine sa kabilang Linya at ibinigay Ang numero ng cellphone nya.
” Aytss ang lalake na yun sakit talaga sa ulo!”Inis na Tumayo si maxine at kinuha ang bag neto upang puntahan ang amo nya sa isang bar.Hindi rin nman ito masyadong malayo subalit kinakailangan nyang magmadali dahil baka napano na ang boss nya at mawalan pa sya ng trabaho.
Pagkarating ni maxine sa bar, rinig nya ang ingay na mula sa loob neto kahit na nasa labas pa lamang sya.May nakita syang isang lalake na paparating sa direksyon nya.
“Hi ma’am ikaw po ba si Ms Maxine?” Tanong ng lalakeng kakarating lamang at nginitian sya.
“Yes ako nga Nasaan na pala si Mr Sebastian?” Pag-aalala neto sa amo.
“This way ma’am ” Magalang na turan ng lalake at sinamahan sya kung saan nagwawala ang amo.
Biglang nang-init ang ulo ni maxine ng makitang may mga babae sa paligid ng kanyang amo habang sumasayaw ito ang ilang babae nman ay hinahalikan ito sa batok o di kaya’y niyayakap ito.
“Nako talaga nman may girlfriend na nga nakikipag lampungan parin sa iba!!Hmp” gigil na gigil na Bulong ni maxine sa kanyang sarili at pinuntahan ang boss neto.
“Alis hoy mga babaeng clown ang mukha lumayo nga kayo sa kanya chupee!!” Pagtataboy ni maxine sa limang babae ngunit tinarayan lamang sya ng mga ito.
“Hoy miss kung gusto mo sya solohin asa ka isa pa your so cheep kaya iwww” Maarteng turan ng babaeng nakayakap kay Sebastian agad nmang kumulo ang ulo ni maxine dahil sa sinabe ng babaeng iyon..
“Hoy babaeng mukhang clown kahit isaksak mo pa yan sa baga mo wala akong pake, saka excuse okay lng kung cheep hindi yung tulad mo na matagal ng ginamit at pinagsawaan ng kung sino sino iwww” Mayabang na turan ni maxine sa Babae habang iwinawagay-way ang buhok neto papunta sa kanyang likod, nagtawanan ang apat na Babaeng nakikisayaw sa binata.
Dahil sa inis ng babaeng nakayakap kay Sebastian ay Padabog itong umalis at naghanap ng ibang lalake.
“Hoy kayo ano di pa kayo aalis!” Sigaw sa knila ni maxine ngunit pinagtawanan lamang sya ng mga ito.
“Bket nman kami aalis sino ka ba at ka- ano ano ka nya” Sagot ng babaeng halos lumuwa na ang kaluluwa dahil sa suot neto.
“Sino ako? Well ako lng nman ang asawa ng lalakeng ito!” Agad na nagulat ang apat sa turan ni maxine at Umalis na roon alam kase nila na kapag may asawa na ang isang lalake...


ay maaari silang kasuhan kaya ganun na lamang ang takot nila sa sinabe ni maxine.
“Hey babe your back!” Turan ni Sebastian habang niyayakap si maxine.
“Hoy anong babe ka Jan bumitaw ka nga!” Pagpupumiglas ni maxine ngunit niyayakap lamang sya ng binata, wala na syang ibang magawa kundi hayaan na lamang ito.
“Let’s go to home na babe” Malambing na turan ni Sebastian habang hinahalikan si maxine sa noo agad nmang pinunasan ni maxine ang kanyang noo at tumango na lamang sa binata bilang pagsang-ayon.
Nang makalabas na sila sa bar nag-abang si maxine ng taxi hanggang sa nakasakay na silang dalawa. Napatampal na lamang sa noo si maxine dahil hindi nya na tanong kung saan ang address neto hindi rin pwede sa bahay nila dahil paniguradong titili na nman ang ina neto at baka gawing asawa pa ang boss nya.
“Ma’am saan po ang punta nten?” Magalang na turan ng driver .
“Ah manong sa hotel na lng po siguro” Turan ni maxine at tinignan ang among mahimbing na natutulog dulot ng kalasingan.
“Kaya pala Hindi kita mahanap kanina, sa bar ka lng pala nagsisipunta” Sermon neto sa binatang akala mo ay gising.
“Boyfriend mo ba iyan iha” Tanong ng driver na ikinanlaki ng mata ni maxine.
“Ay nako Hindi po-” hindi na nga natuloy ang sasabihin ng biglang magsalita ulet ang driver.
“Nako ganyan din kmi ng misis ko, may itsura ang boyfriend mo iha siguradong magiging maganda ang magiging Anak nyo balang araw”. Namula na lamang ang pisnge ni maxine dahil sa sinasabe ng driver sa kanya.
Naging tahimik ang biyahe walang sino man ang nagsalita,nakatulala lamang si maxine sa bintana habang inaalala Ang mga nangyare sa unang araw nya sa trabaho kung paano sya mahalikan ng binata at kung paano sya inisin neto.Sa totoo lang ay hindi talaga mainisin si maxine, ngunit pagdating sa lalakeng kasama nya ay nauubos lahat ng kanyang pasensya bigla na lamang syang napangiti dahil sa iniisip hindi nya namalayan na kanina pa pala sya tinatawag ng driver.
” Huh”? Tanong neto sa driver.
“Ang sabi ko nandito na tayo” Turan nman ng driver habang umiiling na lamang ito dahil sa expression ng dalaga.
“Ganun po ba magkano po?” Tanong nman ni maxine sa driver.
“400 lng iha” Ngiting turan ng driver inabot na rin ni maxine ang bayad at inalalayang makababa si Sebastian.
Pagewang gewang sila ng lakad sa kadahilanan na makulet ang binata. Pumunta sila sa counter upang mag check in ng maibigay na ang susi ng kwarto nila ay agad ng tumungo si maxine sa elevator habang naka-akbay ang binata rito.
“Hmmm I like your smell babe” Nakapikit na turan ng binata habang inaamoy ang buhok ng dalaga.Umiling iling na lamang ang dalaga dahil alam nyang girlfriend ni Sebastian ang tinutukoy neto.
Nang Nakarating na sila sa kwarto agad na inilapag ni maxine Si Sebastian sa kama ngunit hinila lamang sya nito pabalik.Dahilan upang mapaibabaw sya rito, mahigpit ang yakap ng binata sa dalaga na para bang ayaw sya netong pakawalan.Ngunit nanaig pa rin kay maxine ang maka-alis sa pagkakayakap sa kanya hanggang sa magtagumpay nga sya dahan dahan syang naglakad papunta sa pinto.
Nang bubuksan nya na ito, bigla syang niyakap ni Sebastian mula sa likod neto at pinaharap sya ng binata, unting unting umatras si maxine hanggang sa macorner na nman sya ng binata.Sobrang lapit ng kanilang mga mukha titig na titig sila sa isat isa hanggang sa lumapit ang labi ni Sebastian kay Maxine kasabay ang pagsuka neto sa mukha ng dalaga.
“Ayyy kadiri!!!!” Inis na sigaw ni maxine habang naka pikit pa rin ang mga mata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top