MY HEARTLESS MAN CHAPTER 7


MR SEBASTIAN AND MAXINE STORY
Diring diri na pinunasan ni maxine ang mukha nya.Si Sebastian nman ay patawa tawang humiga sa king size bed.
Dali daling nagtungo si maxine papuntang banyo upang maghilamos.
Nang matapos nyang sabunan ang mukha nya, Nagpasya syang maligo na lamang dahil Hindi na nya kayang tiisin ang amoy ng suka ni Sebastian. Matapos nyang maligo ng maalalang wala pala syang pamalit sa loob BG banyo dahil nga sa hotel sila, tinignan nya ang damit nya ngunit napasimangot na lamang sya ng makita may mga suka rin ito.
“Arghhhh humanda ka saken MAX SEBASTIAN MAY BUKAS KA RIN SAKEN!” Nang gigigil na sigaw ni maxine sa loob ng banyo,ngunit napangiti sya ng may ma-isip na plano tungkol kay Sebastian.
Napagdesisyunan ni maxine na maghanap sa closet ng damit na pwede nyang suotin,pero bago iyon nais nya munang silipin kung mahimbing ang tulog ni Sebastian.Nakita nyang nakatalikod ito sa kanya tamang tama lng din na patay ang ilaw kaya hindi sya makikitang naka hubad.Dahan dahan syang naglakad patungong kama at kinuha ang kumot malapit sa ulo ni Sebastian. Ipinulupot nya ito sa kanyang katawan at dahan dahang naglakad subalit biglang bumangon ang binata at hinila si maxine papalapit sa kanya.
“Damn bket ba napaka malas ko!!!” Inis na inis na tugon ni maxine.
Sinubukan nyang makawala mula sa pagkakayakap ng binata ngunit sa ginagawa nya ay hinihigpitan lalo neto ang pagkakayakap.
“Babe please don’t leave me mahal na mahal kita” walang sariling turan ni Sebastian habang sinisiksik ang ulo neto sa balikat ng dalaga.Naramdaman ni maxine na mayroong basang tumulo sa balikat nya duun nya lamang napagtanto na umiiyak ang binata habang paulet ulet sinasabe neto na wag syang iwan.
Biglang kumirot ang puso ni maxine dahil sa emosyon ng binata.Sobra sobra pala itong magmahal ang buong akala nya masungit at walang pakealam ang boss nya ngunit narealize nya na may tinatagong bait rin pala ito, Hinayaan nya na lamang na yakapin sya ng binata hanggang sa makaramdam sya ng antok at tuluyan ng makatulog.
Nagising si Sebastian ng nakayakap sa kanya Ang dalaga, bahagya pa syang nagulat dahil nakita nyang nababalutan lamang ito ng kumot at kitang kita nya rin ang mapuputi netong hita.Ka agad nyang tinignan kung may saplot ba sya sa katawan at naka hinga na lamang ng maluwag ng malaman nyang may damit pa sya.Bigla nyang ma-alala ang nangyare kagabe, ang Tanging tanda nya lamang ay kung paano sya tinawag ni maxine na asawa na ka agad nmang ikinatakot...


ng mga babae dahilan upang lumabayan sya ng mga ito.
“Hmmm” Mahinang daing ni maxine habang nag-uunat ng katawan.
Idinilat ni maxine ang talukap ng kanyang mga mata ng bigla nyang makita si Sebastian na tumitingin sa kanya ka agad nya itong sinipa sa mukha dahilan upang malaglag ang binata sa kama.
“Arhh ang sakit!” Daing ni Sebastian ng mahulog ito.
Napatakip na lamang sa labi si maxine dahil sa ginawa neto, dumagdag pa ang kaba nya ng malamang wala syang suot na damit at tanging kumot lamang ang nakatabon sa kanyang katawan bago pa man bumangon si Sebastian dahil sa pagkakahulog agad na tumakbo si maxine papuntang banyo upang duun ikulong ang sarili dahil sa kagagaha* na ginawa nya.
“Maxine!” Inis na sigaw ni Sebastian mukhang ginalit nya yata ng sobra sobra si Sebastian.
“Paktay tayo neto, kakagising lng siguro nun hayy bahala na nga!” Kabang kaba na turan ni maxine sa sarili habang hawak hawak ang kanang dibdib neto.
Sampung minuto ring nasa loob si maxine ayaw nyang lumabas dahil kay Sebastian baka ano na nmang pumasok sa isip ng lalakeng iyon at may gawin pa sa kanya na Hindi maganda.Nakaka siguro si maxine na Hindi maipinta ang mukha neto, makalipas ang ilang minuto napagpasyahan nyang lumabas sa banyo at silipin kung naroon pa ang binata.Laking pasasalamat nya ng makitang wala ito at mayroong isang dress, na may underwear din na kasama bahagyang namula ang pisnge nya dahil sa konsensyang nararamdaman nya sipain nya ba naman iyon sa mukha.
Kinuha nya ang dress at may nakitang papel rito.
“Be ready at 10 am may bago tayong client!” Iyon lamang ang nakasulat sa papel tinignan nya ang orasan at ganun na lamang ang gulat nya na 9:30 na pala ng umaga 30 minutes at malalate na sya.Paano ba nman kase hindi sya agad lumabas, nagmadaling tumakbo si maxine sa patungong banyo upang maligo.
Sampung minuto lamang at tapos na sya sinuklay nya rin ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting liptint at pulbo sa mukha nya.Nagmadali syang lumabas ng kwarto at nag-abang ng jeep, 50 pesos na lng kase ang pera nya dahil pinang bayad nya kagabe ang pera nya sa taxi.
Walong minuto na lamang at malelate na sya, sobrang traffic pa buti na lamang at medyo malapit na sya nagbayad na agad si maxine at bumaba sa jeep.Dinala nya na lamang ang sandal nya at nakapaang tumakbo papuntang Sebastian company halos lahat ng tao eh pinagtitingin sya ngunit wala syang pake dahil nagmamadali na talaga sya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top