The Mafia Boss Property


The Mafia Boss Property
Written By: Kaizer Clux
Meet ‘Remiah Jianne Agatha’ isang simpleng babae na tanging gusto lamang ay ang mabuhay ng tahimik. Simpleng babae na mas piniling manirahan kasama ang kaniyang lola. Isang babae na mas ginustong mabuhay ng ordinaryo at payapa. At hindi sa buhay na halos lahat ata ng tao ay inaasam.
Pero handa ba siyang isugal ang tahimik na buhay na mayroon siya para sa lalaking minamahal niya? Kaya ba niyang isuko ang lahat makasama lang ang lalaking yon?

“Kamusta naman ang naging lakad niyo kahapon,apo?”biglaang tanong ni lola sa gitna ng pagkain namin ng agahan. Napinto naman ako sa pag subo at nag angat ng tingin kay lola,tapos na siyang kumain at naka titig lang siya sa akin.
Napa-buntong hininga ako bago ibaba ang kubyertos na hawak ko.Sa totoo lang ay wala naman ako masasabi sa kanya tungkol sa nangyari kahapon. Walang nagbago,kung ano ang nangyayari noong umpisa ay ganoon pa din hanggang ngayon.
“Ganon’ pa din naman la,wala naman ng bago sanay na ako. Nagsasawa na din ako kaya naman pinutol ko na ang komunikasyon ko sa kanila. Kaya maghanda ka na la,lilipat na tayo ng tirahan.”malumanay kong sagot. Bakit ba kasi hindi nila maintindihan na nais ko na lang ngayon ay tahimik na buhay?
“Sigurado ka na ba dyan apo? At tsaka bakit naman tayo lilipat? Hindi mo na ba gusto dito sa bahay natin?”nag aalalang tanong niyang muli. Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis-tamis bago siya lapitan at yakapin.
“La,parehas natin gusto ng tahimik at payapang buhay. Kaya paano tayo makakapag simula kung dito parin tayo mag sisimula? Hindi ba’t mas maganda kung malayo sa kanila natin umpisahan ang plano nating mabuhay ng matiwasay? Kahit ngayon lang lola maranasan man lang natin ang normal na buhay.”wika ko ng hindi bumibitaw ng yakap sa kanya. Marahan naman niyang sinuklay ang buhok ko bago ko madinig ang kaniyang sagot.
“Sige kung yan ang nais mo apo.”napangiti naman ako dahil sa sagot niya.”Oh siya tapusin mo na ang pagkain para makapag-impake na tayo.”
“Akyat na po kayo sa kwarto niyo la,ako na bahalang mag ligpit dito.”
Mas pipiliin ko na mabuhay ng ordinaryo kaysa sa maranyang buhay. Ano bang gagawin ko sa mga pera kung hindi naman ako magiging masaya? Like people said;money can’t buy happiness.
Kung hanggat maaari hayaan sana ako ng tadhana na maging masaya. Kahit hindi habang buhay basta maranasan ko lang maging masaya ngayon kasama ang aking pakamamahal na lola. Lalayo na kami sa buhay namin noon at mag uumpisa ulit sa una.

[Remiah’s POV]
~One year later~
“Ji-Ah!”sigaw ni Valmoria ng makita niya ako. Bakit ba lagi akong inaabangan nung babaeng ‘to sa labas ng gate? Kung hindi lang siya babae at isa siyang lalaki iisipin ko na may gusto siya sa akin. At ito yung paraan niya ng panliligaw. Ang araw araw akong hintayin sa labas ng gate ng ‘eskwelahan.
“Magandang umaga,Ji-Ah!”isa pa yung pag tawag niya sa akin ng ‘Ji-Ah’ hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pangalan na iyon. Basta ang alam ko lang nung unang pasok ko sa paaralan na ito at naging kaklase ko siya ay iyon na ang tawag niya sa akin.
“Uh magandang umaga,ano nga ulit ibig sabihin nung ‘Ji-Ah’? ” naiilang ng tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya kaibigan at hindi ko rin siya gaanong kinakausap tanging ngayon ko lang siya binati pabalik.
“Oh my! Halos isang taon na kitang...


tinatawag na Ji-Ah tapos hindi mo pala alam kung ano yon. Jianne Agatha that’s the meaning of Ji-Ah, Cool right?”i smiled akwardly and not minding to give her an answer.
“Ji-Ah…Jianne Agatha~”mahinang bulong ko habang nag papatuloy sa pag lalakad.
Dumiretso muna ako sa school garden dahil maaga pa naman at alas nuebe pa ang umpisa ng una kong klase. Nang makarating ako sa garden ay naupo ako sa isang bench na gawa sa kahoy.
Malakas ang ihip ng hangin na napaka sarap sa pakiramdam. Naipikit ko na lamang ang aking mata at dinama ang pag dampi ng hangin sa aking balat. Idagdag mo pa ang mga huni ng ibon na kay sarap pakinggan.
Isang taon na pala. Isang taon na pala na ganito na katahimik ang buhay ko. Isang taon na ang nakakalipas nung nag desisyon akong mamuhay ng normal,tahimik,at malayo sa kinagisnan ko. Pero hindi ko naman pinag sisihan ang naging desisyon ko na’yon. Dahil naging masaya naman ako-kaming dalawa ni lola.
Pero hindi ko lang alam kung hanggang saan at kailan mag tatapos ang kasiyahan naming ito.
Mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan ko nang aking marinig ang pag tunog ng bell,hudyat na mag sisimula na ang klase.
Habang tumatakbo ako ay nakita ko pa sa harapan ko ang kumpulan ng mga tao. Minsan lang magkaroon ng ganito dito kaya anong meron ngayon? Hindi ba sila aware na may klase na?
“Ah excuse me,miss. Anong meron at nagkaka gulo kayo?”magalang na tanong ko sa babaeng nasa aking unahan. Humarap siya sa akin habang may hindi matagong ngiti na naka ukit sa kaniyang labi.
“Bumalik lang naman kasi si Dion Del Fierro~”sagot nito bago muling humarap sa pinagkaka guluhan nila.
Dion Del Fierro…Del Fierro siya? Ibig bang sabihin non anak siya ng may ari nitong ‘Del Fierro University’? Kung ganon matutuwa talaga ang mga ka-schoolmate ko dahil bumalik na ang hinahangan nila. Bago pa man ako pumasok sa paaralang ito ay naging studyante na din daw dito ang Dion na ‘yon. Kaya nga lang umalis din dalawang taon na ang nakalalipas dahil sa may importante daw itong ginawa.
Hindi ko alam kung totoo iyon ngunit yun ang mga dinig kong usap usapan dito. Napag ku-kwentuhan din yon nung mga kaklase ko kaya naman di ko maiwasang marinig.
Umalis na lang ako doon at sa ibang daanan dumaan. Kung mag tatagal pa ako doon ay baka hindi na ako maka-abot sa klase ko. Yung mga studyante naman ata na iyon walang balak umattend ng kanikanilang klase. Mas inuna pa nila ang pakamamahal nilang ‘Dion’.
“Ellijah!”tawag ko sa isang lalaking nauunang mag lakad sa akin. Lumingon naman siya sa akin at ng ma-mukhaan ako ay agad siyang ngumiti.
Mabilis akong nag lakad para magkasabay kami.”Good morning,Miah.”bati niya sa akin at mabilis na inilagay ang kaniyang kamay sa aking balikat. Wala namang malisya sa akin yon kaibigan ko naman siya at isa pa sanay na din ako.
“Morning,may ginawa kang assignment?”tanong ko na naging dahilan para matigilan siya sa pag lalakad at maialis niya ang kamay niya na naka-akbay sa akin. Looks like he didn’t make his assignment…again. “Hindi ka na naman gumawa?”
“Wow ah! Ano naman akala mo sa akin hindi gumagawa?”napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
“Lagi lagi ka naman walang gawa…wala ng bago kung wala na naman ngayon~”bulong ko. Akma siyang mag sasalita ng biglang mag open ang speaker na nakakabit sa kahit saang sulok ng eskwelahan. May announcement.
—🍁
Pa-approved admin please😊





2
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top