A WIFE’S CRY Chapter 8


Maagang gumising si Aileen, excited kasi siya sa lakad nila nila ni Xavier. San kaya siya nito dadalhin? Simula pa noon hilig na nito ang manorpresa.
Nagulat siya ng makita niya si Lexter na nagluluto sa kusina. Pero hindi niya ito pinansin at dumiretso lang sa lababo para maghilamos. Ano naman ngayon?
Aakyat sana siya ulit dahil pipili siya ng isusuot. “Let’s eat.” Yaya nito sa kanya. At inaayos pa ang mesa. “Hindi, ako kumakain ng breakfast.” Saka siya umalis.
Naweweirduhan na talaga siya sa ginagawa ni Lexter pero kahit na anong mangyari hindi na siya aasa dahil sawa na siyang masaktan at magmukhang t*nga.
Pagkatapos niyang maligo ay sinuot niya ang pinakamaganda niyang damit. Namiss niya ng isuot ang mga iyon. Diba mas okay ng magpaganda siya?
Kaysa magkulong sa bahay at umiyak na lang sa isang tabi. At isa pa si Xavier ang kasama niya. Gusto niyang maayos na maayos siya sa paningin nito.
Nag-apply din siya ng konting make up pero naman sobrang kapal yung light lang hindi magmumukhang babaeng clown katulad ng Celine na iyon.
Pagharap niya sa salamin ay parang hindi siya iyon. Malayong malayo sa Aileen na lagi na hindi na napabayaan na ang sarili at n*gpakatanga dahil sa isang lalaki.
Bigla namang tumunog ang cellphone niya. Ang lokaret na naman na si Belle. Sinagot niya agad iyon baka siguro may chika na naman ito o mang-aasar lang.
“Sana oll ipapasyal! Haba ng hair eh noh?Nagrejoice ka ba girl? Ang swerte mo talaga kay Xavier! G*ga ka bat di nalang siya pinakasalan mo noon!”
“Teka ano bang pinagsasabi mo diyan ha?” Saka paano nito nalaman na aalis sila.”Sinabi sa kin beh. Niyaya nga ako. Pero sabi ko ayaw ko maging third wheel.”
Kilala din ni Xavier...


si Belle. Sa katunayan ay magkakaklase sila noon. “Wala pa nga kami! Excite na excite ka eh no?” Narinig niya naman ang tawa nito.
Gusto niya pa sanang makipagkuwentuhan pero nakarinig na siya ng busina mula sa ibaba. Mukhang nandiyan si Xavier. Hays napapangiti na lamang siya.
Napalabas ng bahay si Lexter ng makarinig siya ng busina. Nagulat siya ng makita ang isang lalaki.Pero sino naman ang mokong na ito?Kaibigan ni Aileen?
“Sino ka at anong ginagawa mo dito?” Tanong niya pero pasimpleng lang ito ngumisi saka sinagot ang tanong niya. “Im here for Aileen.” Anito, confident.
“Anong kailangan mo sa asawa ko?” Pero tinawanan lang siya nito. “Asawa? Pagkatapos ng lahat ng pananakit mo sa kanya?” Sarkastiko nitong sabi.
Akmang susuntukin niya ito ng makarinig siya ng sigaw na nakapagpatigil sa kanya. “Lexter itigil mo yan!” Sigaw ni Aileen lumapit ito sa kanila.
“Ano bang problema mo? Di ka naman inaano nong tao! Napakabayolente mo talaga ano?” Galit nitong sigaw sa kanya. Na ikinagulat niya.
Sumakay na sa kotse yung Xavier akmang sasakay na rin si Aileen pero hinawakan niya ang braso nito. “San kayo pupunta?”Tanong niya dito.
Pero mabilis nitong binawi ang braso.
” Wala kang pakialam! Kung gusto mo pumunta ka dun sa Celine mo. Di kita pinakikialam kaya sana ganun ka din! ”
Saka ito sumakay sa kotse at umalis na ang dalawa. Sa unang beses ay nakaramdam siya ng selos dahil kay Aileen. “Ano sila ng lalaking iyon?”
“Hindi pa rin ako makapaniwalang ipinagtanggol mo ko sa lalaking iyon” Sabi ni Xavier habang nagdadrive nakatingin lang naman siya sa labas.
“Sa tingin mo hahayaan kong saktan ka niya?” Aniya. Na ikinangiti naman nito ng sobra at mamula mula na ang mukha nito.”Kinikilig ako babe.” Biro nito.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Can a computer virus passively infect the computer by just being online?

Leave a Reply


top