Nong snack bandang hapon, nasa cafeteria kami ni Yhany best friend ko.
Napansin agad namin yong mga boys na parang may kinahuhumalingang bago.. Well inamin ko dati ganon din ako.. Nawala lang dahil kay Ace, binakuran nya kasi ako at akala nga dakilang manliligaw ko sya.
Maya maya, nakita namin yong maarte na babaeng parang model kung rumampa. Sakit non sa katawan ah.. Trying hard naman.
May itsura nga pero ang arte naman, di natural yong beauty nya .
Feeling nya tuloy, campus crush agad sya.
Sabi ni Yhany transferee daw yon, at engineering ang course. Oh my! Bat bigla akong kinutuban. Inalala ko yong sinabi ni Ace na may bago syang pinopormahan.. Hindi kaya itong babaeng ito. Knowing na from engineering din sya. Umakyat yong level ng selos ko..
Nanggigigil ako sanhi ng pagtupi nong bottled water na hawak ko.
Biglang umusok ang ilong ko. At tiim bagang tinitigan ang babae. Hindi sya kagandahan.. Sa isip ko. Lalo akong nag ngingitngit dahil ang arte2 nya. The way she talk, and move.. Nang aakit yong galawan nya. Iniisip ko pa lang na nag uusap sila o halimbawa tabihan sya ni Ace..ang sakit na sa dibdib.
Nong papauwi na.. Nasilip ko pang lumingon Ang babaeng yon kay Ace habang naka focus si Ace sa susian ng kotse. At paliko na sya para tuntunin ang kinatatayuan ko. Don sa likod ng nilalakaran ng mga estudyante.
“Yong sinasabi mong pinopormahan mo, engineering din ba yon? ”
Napatingin sya sakin
“Muli na akong papasok sa kompanya ni Papa. Busy na yong tiyuhin ko.” seryoso nyang pahayag.
Bat bigla syang nag change topic.
“Ace… Aalis na lang kami ni Tatay.”
“Huwag mo kong umpisahan Nice ha.!”
Napabaling ako sa labas ng kotse..
“Lumalaban pa ako Ace.. Para kung anong maging kahihinatnan natin, di mo ako sumbatan na di kita ipinaglaban. Tanda ko pa kasi yong sinabi mong hanggang sa pagtanda.. Magsasama tayo, kaya di pa ako bumibitaw.”
Sinabi ko yon ng taimtim kahit di ako nakatingin.
” Hayaan mo muna akong humupa. ”
” Yon lang ba ang kailangan mo, baka kailangan ko munang lumayo muna. Mainit pa kasi ang dugo mo sa akin. ”
Nakakunot na ang noo nya tsaka pinaandar ang makina.. At pinaharurot na ang sasakyan.
Kinagabihan.. Naglaro nga kami.
Pero yon pala para sa paglalabanang kasunduan.
Pag natalo ako, magagawa nya kung ano mang gusto nya ng di ko sya pakikialaman.
.. Kapag natalo ko naman sya. Aalis na kami ni itay sa bahay..
Kita kong kumunot agad ang noo nya at umarko ang kilay ng marinig ako. Diretso uli talikod at pumili ng balang cd.
Nong simula, sya yong bumibida pa. Ganon naman istilo ko talaga. Di ako mg eeffort agad sa umpisa don na ako sa halos end of the game na.. Napapamura na sya. Ramdam ko ang tensyon sa kanya. Para bang takot na takot syang matalo. Halos di na yata sya humihinga.
Plus inaasar ko pa sya. “Goodbye Ace” paulit2
Nang magkachance akong sumulyap kita ko ang pamumula ng mga mata nya. Ayon tuloy na wala ako sa focus.
Alam kong kabado na sya, dahil madalas ko syang matalo. Sobrang focus nya na yong mata nya halos ivulcaseal nya na sa monitor.
Tapos.. Sumigaw ako.. I won!
Napatingin ako sa kanya, Napangiwi sya.. Di ko tuloy nakita may nag iisang bala pa sya.
Huli na, ng mayari na ako.
Boom! Sigaw nya.
Tsaka sya ngumiti ng pagkalapad lapad tila nabunutan ng tinik.
Tumayo na ako at aayusin na ang higaan nang kabigin nya ako, napadagan ako sa kanya.
Nagkatitigan kami, biglang lumamlam ang mata nyang ilang araw nang matalim.
Napakunot akong tumingin sa kanya.. Hinaplos nya ang pisngi ko, at bago pa ako kumontra. Nadampian nya na ang labi ko.
Inilalayo ko pa ang sarili, dahil baka ano na naman gagawin nya, di na kasi ako nagtitiwala sa kanya. Kasi puro sya asar.
Matapos ng maarte nyang halik, niyakap nya ako.
“Lahat ng gagawin ko sayo, huwag kang kokontra. Coz I won over you. Klaro? ”
Sabi na nga ba..
“Pano kung nanalo ako. Hindi ka rin ba kokontra sa gagawin kong yon.?”
Hindi sya nakakibo.
“Pwede bang humingi ng pabor kahit ikaw yong nanalo.”
He press his lips.
“Pwede mo ba akong yakapin at sabihin sa akin na mahal mo pa rin ako. Pang oxygen lang..Masyado na kasing masakit at masikip dito.. “sabay turo ko sa aking dibdib
Napanguya sya tsaka diretso yakap sa akin.
” I love you..”
” Pwedeng itagalog..”
” Mahal na mahal kita Nice. Mahal na mahal kita..”
Ewan ko kung totoo.. Mukhang galing naman sa puso. Ewan lang talaga
Binuga ko yong natitirang naipon pang paninikip sa dibdib ko. Ilang beses bumuntong hininga. Tapos niyakap sya ng mahigpit, iniyakap ko pati ulo ko sa balikat nya. Inalala yong mga sweet moments namin…. Nadama kong hinahagod nya na yong likod ko.
Tapos muli nya akong tinitigan. Napayuko ako..
“Mr. Pogi.. Sukong suko na ako.. ” feeling ko maiiyak na naman ako
“Huwag muna android 18..” napapakurap sya ng tingnan ko
tsaka nya inabot yong baba ko at dahan dahang dinampi yong labi nya. Dama ko na uli yong passionate kiss nya.
Pero ilang minuto lang napamura sya sabay kagat sa labi ko at bitaw. Napaaray ako sa sakit.
Binuhat nya ako.. At dinala sa kwarto. At inangkin ng marahas. Akala ko magiging ok na kami. Tinatanong nya pa ako . Kung mas magaling ba si Gray sa kanya. Nanggigigil sya habang ginagawa yon.. Walang pag iingat, walang pagmamahal tinulad nya sa mga ex nya.
Pagkagising, para akong lantang gulay.. Hindi ng aking katawan pero ng puso ko.
Nakatingin lang ako sa kawalan habang tumutulo ang luha.
“Bumangon ka na.. Malilate tayo.”
Tumagilid ako at sinabing di ako papasok.
“Tsk.. Halika na..”
Hinawakan nya ang kamay ko.. Para alalayan.
Umupo na rin ako tsaka ko pinahid ang luha hinimas himas ang kamay niya. Idinampi sa pisngi ko.
Inabot ko ang pisngi nya at hinalikan. Tsaka sya niyakap. Dinama ko sya ng matagal.
Hinarap ko...