– Sa panulat ni: Rocel P. Cheche
🌹KABANATA 8🌹
– (Ang pag-uusap nila Rolly at Edward).
” Ma, Bakit parang nagulat kayo ni Daddy Edward? Siya po si Sir. Rolly.” wika ni Rollyson na nakahalata sa reaksiyon nila Rea at Edward.
” Hindi naman anak, kilala na kasi namin ng Daddy mo si Sir. Rolly… nakasama na rin namin siya sa ibang mga event dati pa.” Pagkukunwari ni Rea.
” Oo nga anak.” Pagkampi at segundemanong reaksiyon naman ni Edward sa sinabi ni Rea.
” Kumusta Sir. Edward? masaya ko na nagkita rin tayo.” wika naman ng nakangiting si Rolly na nakipagkamay kay Edward.
” Kumusta ka rin Rolly? Nagagalak rin ako na nagkita muli tayo.”nakangiti rin na si Edward.
” Kumusta ka na Miss Rea?.” wika uli ni Rolly na may matamis na ngiti at nakikipagkamay kay Rea.
” Ah… eh… ok lang naman a…a…ako, i…i…ikaw, musta ka naaaaa…?.” wika ng nauutal na si Rea.
” Masaya ko Rea dahil nakita kita.” Bulong ni Rolly sa sarili niya habang nakahawak ang kamay kay Rea na parang ayaw niyang ibitaw ang kamay sa pagkakahawak sa mga kamay ni Rea.
Halatang halata ni Edward ang pananabik ni Rolly kay Rea.
Hanggang…
” Rea, Rollyson, maiwan muna namin kayo ni Rolly, mag- uusap lang kami saglit tungkol sa pagsisimula ng pag- iinvest natin sa Company nila.” wika ni Edward.
Sa umpisa ng pag- uusap nila Rolly at Edward ay may kinalaman talaga ito sa negosyo pero hanggang dumating sa puntong nagbukasan sila ng mga saloobin patungkol sa isang babaeng pareho nilang inibig… si Rea.
Isang pagkakataon para kay Edward ang hulihin ang kiliti at tunay na damdamin ni Rolly para kay Rea.
” Rolly, may asawa ka na ba? O may girlfriend ka ba ngayon?.” Tanong ni Edward na nakakaintriga para kay Rolly.
” Well, sa ngayon wala akong girlfriend, lalo na asawa.” wika ni Rolly na medyo pinagpawisan ng butil butil.
” Bakit naman wala kang girlfriend? sa guwapo mong yan, hindi ba dapat may asawa’t anak ka na dapat ngayon.” mga tanong ni Edward na bumabalot sa isipan ni Rolly.
” Nagka-girlfriend ako noon pero sinayang ko yun chance na magkatuluyan kami kasi naging marupok ako, masyado kong inenjoy ang buhay, pinaglaruan ko ang damdamin ng dalawang babae.” Paliwanag ni Rolly.
” Ang isa ba sa tinutukoy mo na nakarelasyon mo ay...
ano kaya mangyayari?????!!!!!