BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER NINE


“Kung ganon, para saan at pinapunta mo ako rito? ” hindi ko na napigil at kusang tumaas ang kilay ko.
“B-bakit? Trabaho mo naman talaga na gawin ang mga gawain dito. ” pangangatwiran pa nya.
“Oo nga, pero alin ang gagawin ko? Wala kang labahin o kahit hugasin… Malinis ang bahay mo, kahit nga yata alikabok ay wala dito. ”
“Masama kasi ang Pakiramdam ko, kung sasabihin ko pa kay mommy ay baka…. ”
“Baka? ”
“Baka pigilan na nya kong tumungo sa inyo. ” malungkot na aniya.
Kung gayo’y balak nya talagang dumalaw palagi sa bahay ganun ba ?
“Pero baka ako naman ang pagalitan noon kung malaman nyang nagkasakit ka ng hindi nya alam. ”
“Pakiusap Maricon, iyon ang unang beses na sumaya ako ng ganon. ” senserong aniya. “buong buhay ko ay nakulong lamang ako sa pader ng malaking bahay namin, naging abala si Mommy sa trabaho nya para sa future ko kaya hindi nya natugunan ang pagmanahal na naranasan ko kasama ang mga parents mo..kung pwede…hayaan mo naman na dumalaw ako sa inyo paminsan-minsan. ” pahina ng pahina ang boses nya hindi ko alam kung dapat ko ba syang kaawaan, nakilala ko sya bilang isang masamang ihemplo sa lahat ng Estudyanye, Campus Bully at ang pinaka tanyag na Heart breaKer sa buong campus.
Tama ba na hinusgahan ko sya noon? Na ang taong kinatatakutan ko ay labis pala ang kalagayan kumpara sa akin.
Kaya ba palagi nya’kong kinakausap ay dahil naiinggit sya sa’kin? gusto nya kong maging kaibigan?
“G-Gusto mo kong maging k-Kaibigan? “pautal-utal na tanong ko dahil hindi ko alam kung tama bang itanong ko ito.
Nilunok nya sandali ang huling subo nya ng lugaw. “Oo t-tama! Gusto kita! M-maging Kaibigan! ”
“Si Jade! Hindi ba’t kaibigan mo sya? Bakit hindi sya ang dalawin mo! ”
Lumabi sya. “Kinakaibigan lang ako non dahil alam nyang mayaman ako.”aniya na parang batang nagsusumbong.
Gusto ko na lamang mapatawa dahil sa itsura nya, “bilisan mo ang pagkain mo dyan at iinom ka nang gamot. ”
“O-Oo. “sagot sya. “hsssss.. “paghigop nya ng hangin habang nakangiwi. ” Napaka anghang naman neto! ” siguro’y nakain nya iyong luya.
“kailangan mo yan at baka sipunin ka. ”
“Hindi madalas lumabas si mommy ng hapon nung ipinagbubutis nya’ko kaya alam kong hindi ako sipunin.” pagmamayabang nya.
“At san mo naman napulot iyan, ang sinasabi ko lang naman ay kailangan mo talaga ng Luya. ”
Sa mahabang pag uusap namin ay hindi talaga sya nagpatalo, siguro ay talagang napaka sama ng pakiramdam nya kaya mabilis syang nakatulog matapos nyang uminom ng gamot.
Inayos ko ang kumot nya tsaka ako naupo sa tabi ng higaan nya, nagtipa ako ng mensahe para kay Inay.
~INAY, NILALAGNAT PO SI SUHO BAKA PO GABIHIN AKO SA PAG UWI. ~
Message sent!
Pinagmasdan ko ang taimtim na pagtulog ni Suho, totoo ang lahat ng bulungan sa Eskwelahan sadyang napaka gwapo ng nilalang na ito, kahit pa napaka bully ay marami paring nagkakanda rapa sa kanya pero kataka-takang malaki ang ipinagbago nya nitong pag pasok namin sa kolehiyo.
*DING DONG!
Tumayo ako para tingnan kung sino ang bisitang iyon naglakad ako palapit sa pinto, malayo pa lang ay natanaw ko na ang pigura ng babae sa monitor na naroon sa gilid ng pader. Si JADE!
“hala, naku! Anong gagawin ko! ” tarantang saad ko.
*DING DONG!
Muli ko pang nilingon ang monitor at mababakas...


na sa mukha nito ang matinding inis.
Kapag nakita nyako dito ay baka kung, anong isipin nya, kapag nalaman nyang maid ako ni Suho ay baka ipagkalat nya pa iyon sa School!
Tumakbo ako pabalik sa kwarto, “Suho! Suho! “paulit-ulit na saad ko habang, niyuyug-yog ang braso ni Suho.
Pupungas -pungas sya ng magdilat. “S-si Jade! si Jade nandyan! ”
Napabalikwas sya ng bangon nang marinig nya ang sinabi ko.
“Mag tago ka! Bilis! “aniya tsaka lumabas ng kwarto.
Pumasok ako sa loob ng Malaking damitan ni Suho, ikinubli ko ang sarili ko sa mga nakahanger na damit.sinadya kong lagyan ng kaunting awang ang pinto nito para makita ko sila.
“Galing ako sa bahay nyo,, sabi ni Tita nandito ka daw. ” maarteng anito.
Siguro ay palagi syang bumibisita sa bahay nila.
“Ah… o-Oo, ”
*BARK! BARK!
Tahol ni Sucon, nakangiti si Jade sa Aso at akmang hahawakan nya ito ngunit umangil si Sucon, kamuntikan pa sya nitong sunggaban. Hindi ko alam pero natutwa ako kay Sucon pareho kami ng puso tulad nya ay ayaw nya din sa malditang iyon.
“Hwag mo na lang hawakan. “saad ni Suho.
“Wala talagang ibang nakakahawak dyan. “anito pa patungkol sa aso.
MALI KA!
“ano pala ang ginagawa mo dito?”
“i’m Just… I miss you.” naging mapungay ang mga mata ni Jade at lumapit ito kay Suho, mabilis kong iniwas ang paningin ko.
ANG T*NGA KO! BAKIT KO PA KASI BINUKSAN EH!
.”Sorry. “rinig kong ani Jade.
“Hwag mo nang uulitin yon!” bakas ang galit sa tono ni Suho, isinandal ko na lamang ang sarili ko sa gilid kaysa manuod sa kanila hanggang sa maramdaman kong ayain ako ng Antok.
~
Nang buksan ni Suho ang closet nya ay nakita nya si Maricon na mahimbing na natutulog, bahagya pa syang napangiti. Kinuha nya si maricon at binuhat para ihiga sa kama nya. “Pinagaling mo’ko…salamat. ” aniya pa tsaka hinagkan ang noo ng dalaga lumabas sya sandali at kinuha ang gitara nya na nasa kabilang kwarto, bumalik sya kasunod si Sucon, umakyat pa ito para tabihan ang dalaga samantala sya naman ay naupo sa tabi ng tulog na si Maricon.
Nagsimula syang kalabitin ang apat na string ng Gitara
PLAYING: PARE KO
by:ERASERHEADS
~Pare ko, meron akong prublema
‘Wag mo sabihing “na naman?”
In-lab ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging siryoso, saka ka niya gagaguhin.
(O) Diyos ko, ano ba naman ito
Di ba ‘tang-ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig ‘to
Diyos ko, ano ba naman ito, woh?~
Huminto sya, tsaka nya pinagmasdan ang dalaga. “bakit sa twing nag kakalakas ako ng loob na aminin ang damdamin ko ay nilalayuan mo’ko? ” napatawa sya sandali ngunit naroon ang pait. “sleep tight my Queen, thanks for making my Sunday Completed” aniya bago lumabas.
“Aba! Maria! Anong oras na hindi paba uuwi ang anak mo! “nang gagalaiting ani Elsyong.
“Mahal, may sakit ang anak ni Mam Shiena..unawain mo naman sana. ” ani Maria.
“Tawagan mo si Suho, sabihin mo sa kanyang, kamustahin ang Kezia ko! ”
Gustong matawa ni Maria dahil sa snabi ng sawa, Si Suho ang kasama ni Kezia ngayon iyon ang hindi nito ala. “Oo, hayaan mo at, ipararating ko kaagad. ” nakangiting ani Maria.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top