MY LOVE; Campus Crush fall inlove to the nerd


MY LOVE; Campus Crush fall inlove to the nerd
GENRE: Romance | Tragic | Fantasy | Reincarnation | Vampires
REQUESTED OF : Diane Leona, Mary Jean Geyrozaga, Lorittes Allera, San Lariego Siatoca
CHARACTER:
GIrl: Celestine Verandora, San Lariego
Boy: Clifford versoza
WRITTEN BY: Trisha/Trishieees
____________________________________________
“Ang pangit pangit mo na nga, ang lakas pa ng loob mong sumali sa pageant.”
Napalingon ako sa babaeng tinutukso nila. Nerd. Hindi maayos ang buhok, tahimik, nakasalamin at palaging may hawak ng libro. Hindi naman siya pangit kaya bakit maraming nakekealam kung sasali siya ng pageant?
Isa pa… Mula sa kinatatayuan kong ‘to, alam ko kung sino siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong iisa lang kami.
“Hi Good Morning. I am San Lariego, the SSG President this Axiulz University. You are the representative from the last section for the pageant. May I know your name?” Tanong ko sa kaniya.
Nagkatitigan kaming dalawa. Agad na sumingalaw ang ngiti sa labi ko ng hindi nga ako nagkakamali ng akala. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siya o tunay nga talagang hindi niya napapansin.
“I’m Celestine Verandora from 3, class D.”
Ngumiti ako at tumango bago isinulat ang pangalan niya sa listahan ko.
Celestine Verandora… Mmmm???
“Hi Miss President.” Bigla namang sumulpot ang Campus Crush namin.
Matamis siyang ngumiti na kumaway pa sa akin.
“Hello Mr. Clifford Versoza.” Bati ko naman. “Ano ang maililingkod ko sa pinakagwapong binata sa Campus na ‘to? Mmm.”
Natawa naman siya tsaka lumapit pa sa’kin. Ang gwapo niyang mukha ay talagang nakaakit. Matapang ko naman na sinalubong ang tingin niya.
“Ikagagalit ba ng mga taga hanga ko kung sa’yo ako magkakagusto?” Tanong niya.
Napairap naman ako at natawa. “Wag mo ‘kong bolahin. Ano ang pakay mo?” Tanong ko sa kaniya.
Natawa naman siya. “Clifford Versoza, 4 class A.” Sabi niya na kumindat pa sa’kin bago tumakbo palayo.
Ow one of the candidate huh.
“The list of the participants is already done Madam.” Sabi ko sa gurong nag utos sa’kin.
Ngumiti naman siya at kinuha ang listahang ginawa ko. Tinignan niya ‘yun bago tumango at senyasan akong pwede ng lumabas. Lumabas naman ako ng tahimik at...


nagtama agad ang tingin namin ni Celestine. Umangat nanaman ang gilid ng labi ko ng siya ang unang nag iwas ng tingin.
“Anong nginingiti ngiti mo diyan?” Singhal naman ni Anderson.
Umiling naman ako. “Malalaman mo pagdating ng pageant.”
Napakunot naman ang noo niya na napailing pa. Hindi ko na lang siya pinansin at ngumisi na lang.
“Good evening everyone.”
Agad na sumilaw ang ngiti sa labi ko ng dumating ang araw ng pageant. Hindi na mahinto ang paglingon ko sa paligid.
“What a great dress San.” Bati sa akin ni Clifford.
Napairap naman ako. Ano bang trip nito?
“Stop flirting me Mr. Versoza.” Mataray na sabi ko, natawa naman siya.
Abala na ang lahat sa kaniya kaniya nilang sit. Agad kong siniko si Anderson ng makita si Celestine. Napakunot naman ang noo ni Alton habang pinapanood si Celestine.
“Naamoy mo ba ang naamoy ko?” Bulong ko sa kaniya.
Agad na sumilaw ang ngiti sa labi niya. “Nakuha ko na ang tinutukoy mo. Talagang woah… She looks different.”
Tumango naman ako at nakangiting sumimsim ng wine. Nang matapos ang pageant ay agad kong tinawag ang mga kasamahan ko. Inabangan namin si Celestine sa madilim na parte ng parking lot.
“Celestine.” Sabi ko na agad siyang hinarang.
“Bakit?” Tanong niya, inosenteng inosente ang tanong.
Umangat nanaman ang gilid ng labi ko na tinitigan siya. “Are you trying to act?”
Kumunot naman ang noo niya. “Come on Ms. President, what are talking about?”
Ngumiti naman ako at tumitig sa itsura niya. “By the way, nice dress.” Bati ko tsaka muling nagseryoso. “Hindi mo talaga ‘ko kilala?”
Sa sobrang init ng ulo ko ay hindi ko na kayang itago pa ang sarili kong pagkatao. Namula ang mata ko at nailabas ko ang pangil ko sa inis.
“Now. Hindi mo pa rin ba ‘ko kilala Celestine?” Nananaliksik ang mata ko. “Wag ka ng mag disguise as a nerd Celestine, alam kong kalahi ka namin.”
Ngumisi naman siya kasabay ng paglabas ng pangil niya. “Yeah, isa nga ako sa inyo.” Sabi niya na dinilaan pa ang sariling pangil.
“Bakit ka nagdidisguise?” Tanong ko.
“It’s none of your business sister.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top