Broken family


Hi I’m Dennis tawagin niyo nlang ako sa pangalang paw² nanirahan kami sa bundok noon yung tatay ko nmn nag tatrabaho sa marawi construction worker pero kahit ganon
Proud ako sa tatay ko kase mabait mapagbigay d kami pinag bubuhatan ng kamay and then ayun na nga 7 years old ako noon nagising ako ng tanghali na Makita ko si mama at lolo ko nag harvest ng mais so dahil bata pa ako tumakbo agad ako sa mama ko then dko namalayan may aso pala na dumaan kse marami kaming aso dati ehh ginagamit ng lolo ko pag nangangaso kami kase syempre sa bundok kami nakatira and then ayun na nga habang tumatakbo nabangga ko Yung aso namin na tumba ako tsaka kinagat narin ako ng aso at nawalan ng malay pag gising ko nasa hospital. Na ako umiiyak Yung mama ko pagtingin ko sa pinto nakita ko Yung tatay ko umuwi na pala kase dalawang araw na akong wlang malay nang nakita ko sa tuwang tuwa ako at sumigaw kase minsan lang kami mag sama niyakap Niya ako at binuhat pagkalipas ng ilang araw nakalabas na kami nagulat ako kase ibang bahay na inuwian namin sa kapatid pala ng lolo ko yun hanggang nag tayu na kami ng bahay doon sa barangay na yun soon narin ako nag aral ng mga kapatid ko apat pa kase kami noon ngayun siyam na ang dami diba so nag aral kami and then grade 1to 4 honor student ako 1st honor lang diko na abot lagi akong pinag mamalaki ng nanay at tatay ko pag tong² ko ng grade 5 maganda. Sa simula pero pag dating sa kalahari ng taon nag iba na takbo ng pag aaral ko wla na sa focus kse Yung nanay ko nagloko na Yung tatay ko Naman malayu nag trabaho laging nagpapadala tatay ko kaso pinagiinum lang ng mama ko bili ng alak utang Jan utang doon pag uwi ko galing sa school nakita ko mama ko nag laba pumasok na ako ng bahay tapos Sabi Niya mag init daw ako ng tubig para sa kapatid kong maliit para mag timpla ng cerilac so nung kumulo na inotusan ako ng nanay ko na timplahin ko nadaw so tinimpla ko ayun dahil bata pa ako nadamihan ng tubig ng Makita nya galit na galit sya pinagpapalo Niya ako at hindi yata sya nakuntinto Yung tubig galing sa heater binuhos nya sakin tumalikod ako kaya sa likod tumama lahat tapos umalis sya pag Ali’s nya panay iyak ako habang gumugulong sa sahig sa sobrang init ng likod ko hanggang nakatulog ako lumipas ang dalawang araw namamaga na Yung paso sa likod ko may dumatpng na DSWD nagtanong sa akin Kung ano daw nangyari sa akin ng akmang sasagot na Sana ako agad na sumagot. Yung nanay ko na pag buhos daw Niya ng mainit na tubig tumakbo daw ako kaya tinamaan Yung likod ko pero Yung totoo tumalikod lang ako para hindi sa mukha ko tatama ang pinakolong tubig ng marinig ko mga salita nya napaluha nlang ako sobrang na aagrabyado ako sa time na yun after 1 month gumaling na pinsala sa likod ko at nakabalik narin ako sa pag aaral at nagtoluy² na hanggang araw na graduation sa elementarya naka lungkot lang wlang dumalo na magulang ko kase malayo tatay ko ayaw ng nanay ko kase nga d ako honor so ante ko nlang sumama...


sakin matapos graduation umuwi na ako gagabi narin kase pag uwi ko nakita ko nanay ko lasing na may kasama pang ibang lalaki nakakalungkot lang guys ano naghihirap tatay ko kakatrabaho tapos niloloko lang ng nanay ko hindi parin Alam ng tatay ko mga ngyari kase Sabi ng nanay ko pag magsusumbong daw kami sa tatay ko papatayin Niya ako Sabi pa Niya sakin “baka ikaw lang ang dahilan magkakahiwalay pamilya natin pag magsusumbong daw ako. So ako Naman naawa sa mga kapatid ko umiiyak nlang ako ayaw ko kase magkakahiwalay pamilya ko kase kawawa mga kapatid ko kapatid ko kase iniisip ko sa time nayun matured na kase ako sa edad na 12 so nagpatuloy ako sa pag aaral ng highschool hanggang nakatapos ng junior high pag tong² ko ng senior high doon na nasira pag aaral ko nagkaroon ng barkada natutu mag inom,sigarilyo ay pag sama sa riot hanggang hindi na ako pumapasok sa school so I decided na mag trabaho nlang sumunod ako sa tatay ko sa pampangga nag trabaho kami sa construction dito ko naranasan lahat hirap pala kumita ng pera Sabi nga nila makapal ang Yung kamay nasusunog pa ang kulay at doon ko rin na realize na sobrang kawawa pala ng tatay ko kase niloloko lang ng nanay ko kase 2,000 pinapadala Niya linggo² tapos lolokohin lang ng nanay ko kayA lahat ng sahod ko binibigay ko sa tatay ko hihingi lang ako ng konte pang bili ng short at t-shirt masaya na ako non maayos Naman takbo ng buhay ko and makalipas ang apat na buwan nagkaroon kami ng malaking problema malaman namin ng tatay ko buntis na nanay ko ayun nag away sila ng nanay ko sa telephono hanggang nag hiwalayan panay iyak ako sa oras na yun kase iniisip ko saan ko nlang dadalhin mga kapatid ko na naiwAn sa probinsya parang gusto kuna sumuko sa buhay sa panahong iyon makalipas ang ilang linggo tumawag Yung ante ko kapatid ng tatay ko wla nadaw lola ko dun ko nakita umiiyak tatay ko naawa ako sa tatay ko naluluha ako habang nakikita ko umiiyak tatay ko dko Alam Kung anong dapat kong gawin daming problema dumating so dahil doon pinauwi ko tatay ko dahil wlay kaming pamasahi Kung kami dalawa kase pinadala namin sahod namin bago mamatay lola ko a nanghiram kami ng pera sa kaibigan ng tatay ko at nag paiwan ako para magtrabaho at para din mabayaran Yung inutang ko ng gabing umalis tatay ko panay iyak Sabi ko sa sarili ko ito ba Yung kapalaran ko bakit ganito Yung buhay ko sobrang sakit ng nararamdaman ko Bata pa ako pero halos ramdam kuna lahat pang gusto kunang sumuko mag Isa nlang ako sa oras nayun pero kinaya ko magtrabaho parin ako para sa sarili after 2 years may tumawag sakin dko Alam kong sino sinagot ko yun pala nanay ko humihingi ng tulong wlay na daw silang makain kaya syempre binigyan ko kasi nasa kanya lima kong kapatid hanggang ngayun ako nag bigay sa kanila linggo² ng pambili ng pag Kain ako na naging tatay ng mga kapatid ko ako na nag sustinto kase kahit baliktarin ko man ang mundo nanay ko parin yun at kapatid ko parin yun kaya Kung ako sa inyu kahit ano mn nagawa sa inyu ng mga magulang niyo magulang nyu parin yan.

MARAMING SALAMAT SA PAGBASA NG KWENTO NG BUHAY KO






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. iloveyou

  2. Jay aane picaYour Name

    Nextt po plisss parth 2 po pliss

  3. Jay aane picaYour Name

    Next po pliss

Leave a Reply


top