Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER FIFTEEN


“NASAN na kayo iyon?”
Sinilip niya sa kusina pero wala ito doon ganun din sa dirty kichen wala din.Sa garahe ganun din pati sa harden wala talaga.
“Saan nagpunta ang lalaking iyon?”
Kanina niya pa hinahanap si pablo para magpasama sana sa falls pero hindi niya naman ito makita.May nakasalubong siyang isang katulong sa sala.
“Nakita mo ba si pablo?”
“Si pablo?”
“Oo”
“Kanina ay nandito siya eh..Ahh doon sa gate ng hacienda.pumunta pala siya doon dahil tinawag siya ni Natalia”
“Natalia?”Tanong niya.
Sinong natalia ito?Girlfriend ba ito ng lalaki?.Biglang may tumusok na kong ano na naman sa puso niyang ng isipin niya iyon.
“Oo.Sige mauna na ako ha.magluluto pa ako eh”
“Sige.salamat”
Pagkaalis ng katulong ay napagpasyahan niyang puntahan si pablo para makita ng nataliang sinasabi ng katulong.
Pagkarating ay natanaw niya nga si pablo sa may gate at may kausap na babae.Nakakapit ang babae sa braso ni pablo.
‘So that’s natalia?Bakit ganoon makakapit?girlfriend niya ba talaga ito?’
Hindi niya alam kong bakit pero parang gusto niyang hablutin si pablo doon at ihiwalay ang pagkakahawak ng babae sa braso ni pablo.Gusto niyang sabunutan ang babae,naiinis siya.Nainis siya lalo nang nakita niyang nakangiti ang dalawa habang magkausap na tila masayang-masaya ito sa pinag-uusapan.
Ano ba itong nararamdaman niya?.Teka Hindi kaya……gusto niya na talaga si pablo? Kaya ganto ang nararamdaman niya?.
Pinagmasdan niya ang dalawa.Nag-uusap parin ito.Nanlaki bigla ang mata niya ng biglang hinalikan ng babae Si pablo sa pisngi.
FINE. Gusto niya si pablo At walang ibang pwedeng humalik dito kundi siya lang.Siya lang period.
Matapang na naglakad siya papalapit sa dalawa.Binati pa siya ng guwardyang nakakita sa kanya ngunit di niya ito pinansin at nilapitan si pablo.Napatingin ito sa kanya dahil narin siguro narinig nito ang pagbati sa kanya ng gwardiya.Ngumiti ito sa kanya pagkalapit niya.
“Mixxel,Ikaw pala anong ginagawa mo dito?”
“Hinahanap ka”
“Ha?bakit?”
Di niya ito sinagot at nilingon ang kausap nitong babae.Napansin siguro ni pablo na nagtataka siya kong sino ang babae kaya pinakilala nito ito.
“Mix si Natalia nga pala,Anak ng isa sa mga pinag dedeliveran ng mga ani ng hacienda.Talia si Mixxel,pamangkin ng may-ari ng hacienda”ani pablo.
Ngumiti ang babae sa kanya na kahata namang plastik.”Hi mixxel,Nice to meet you”sabi nito sabay lahad ng kamay.
Ginaya niya nag ngiting plastik nito.”Hi din.Nice to meet you din”aniya bago bumaling kay pablo.
“May idedeliver ba kayo sa kanila?”
“Wala naman”
“So bakit to nandito?”
Hindi niya na napigilang lumabas ang kamalditahan niya dahil sa pagkairita sa nakitang halikan kanina.
“Ahh…ehhhh”hindi makasagot mg maayos si pablo at napakamot ng ulo.
“Eninvited ko siya mag-date”Ang babae ang sumangot.Lumingon siya dito
“What?”
“I said eninvite ko siyang mag-date”
“WHAT?!”Napasigaw na siya.
“Bingi ka ba?.Bakit ba paulit-ulit ka?”
“ANONG SABI MO?!AKO BINGI?EH KONG IKAW ANG GAWIN KONG BINGI DIYAN!GUSTO MO!?”
“Don’t yelled at me.”
“SA GUSTO KONG SIGAWAN KA EH.MAY MAGAGAWA KA!”
“Oh my gosh makaalis na nga.Bye na pab,may sira yata sa ulo yang pamangkin ng amo mo”Anito pa.
“Aba’t naghahanap ka ng away ha?”
“Mix stop”Awat ni pablo.
“Eh ang babae ito eh”Sabay turo sa babae.
“Pabayaan mo na”
“Sige na Pab,mamaya ha.yong date natin.”wika na naman ng babae.
‘Pinapainit talaga ng babaeng ito...


ang ulo ko ha’
“Di makakapunta si pablo”Sabi niya.
“At bakit hindi?tapos na ang trabaho niya mamaya kaya wala na siyang gagawin pa”
Tinaasan niya ito ng kilay.”Sinong nagsabi sayo?.Hey miss,Sorry to say this Pero hindi talaga makakapunta si pablo Dahil may pupuntahan kami at buong maghapon at gabi kami doon kaya maghanap ka ng ibang date at wag mong guguluhin si pablo.Naiintindihan mo ha.HA!?”
“W-what”
“Tsk ang haba ng sinabi ko di ko na uulitin.sorry ka”
“What?”
“Bingi ka ba?bakit ba paulit-ulit ka?”Pang-gagaya niya sa sinabi nito kanina.
“Diyan ka na nga.Lika na pablo”Aniya.Ngumisi muna siya sa babae bago niya ito tinalikuran at hinila si pablo pauwi.
Akala nito ha.Sa kanya lang si pablo at siya lang ang pwedeng makipagdate dito wala ng iba.possessive na Kong possessive basta wala siyang pake.
At kahit wala Na harapan niya ang nataliang ito ay hindi parin na alis ang init ng ulo niya hanggang makalapit na sila sa bahay.
“Hey mix okay ka lang ba?Galit ka ba?”Di niya sinagot ai pablo at nagpatuloy lang sa paglalakad.
“Mix”
“Hindi ako galit”
“Talaga?eh bakit ang init ng ulo mo?”
“Hindi mainit ang ulo ko”
“Wehh”
“Oo nga”
“Eh bakit ka biglang nagalit kay natalia?Wala naman ”
“Nairita ako bigla sa mukha niya”
“Paano ka maiirita eh ang ganda naman ni natalia ah”
Huminto siya sa paglalakad at Nilingon niya ito.Ano sabi nito maganda daw ang babaeng iyon?.
“Anong sabi mo?”
“Maganda siya?”
“Maganda?”nakataas kilay ng sabi.”Edi sumama ka sa date niyo at wag ka ng babalik dito ha!”Inis niya pang sabi dito at naglakad ulit.Hinabol siya nito at hinawakan sa braso at pinaharap.
“Mix akala ko ba may pupuntahan tayo?”
“Bitawan mo nga ako.Wala na tayong pupuntahan kaya pwede ka ng sumama sa babae mo.”
“Babae ko?….Teka nga,nagseselos ka ba kay natalia?”
“Ako nagseselos sa babaeng iyon?”Sabay turo sa sarili.”Ha-ha-ha tatlong tawa para sayo,Bakit ako magseselos doon eh mas maganda naman ako doon?”
“Natanong ko lang naman”
“Pwes,Hindi ako nagseselos.Hindi ako nagseselos kahit na parang ungg*y kong makakapit ang babaeng iyon sa braso mo kanina na ang sarap sabunutan.at hindi talaga ako nagseselos kahit na ang saya saya mo habang nakikipag-usap sa bruhang yon.AT HINDI TALAGA AKO NAGSESELOS KAHIT NA HINALIKAN KA NIYA SA PISNGIIII!.KAYA BAKIT AKO MAGSESELOS?.BAKIT?.EH MAS MAGANDA NAMAN AKO DOON!!!”Pagkatapos niya iyong sabihin ay tinalikuran niya na ito.
GULAT na gulat si pablo sa sinabi ni Mixxel sa kanya.Ngunit ang gulat na iyon ay napalitan ng tuwa.
‘Hindi nga ito nagseselos’
Hinabol niya ito at nang maabutan ay hinawakan niya ito sa pulsuhan at hinarap sa kanya.Ngumiti siya rito.Ito naman ay hindi nakangiti.nakamaldita mode na naman ito.
“Wag kanang magalit.Magkaibigan lang kami ni talia.Wala ka naman dapat ipagselos”
“Sabing hindi ako nagseselos eh”
Natawa siya.”O sige hindi kana nagseselos.”
“Hindi naman talaga kasi”
“Oo na nga.Pero ito ang tandaan mo kapag niyaya ulit ako ni talia mag date…”
“Sasama ka?Edi sumama ka.”putol nito sa sasabihin niya.
“Hindi iyon, patapusin mo nga muna ako.Ang sasabihin ko,Hindi ako sasama sa kanya dahil isang tao lang ang gusto kong mayaya sakin non”
“Sino naman iyon aber?”mataray na tanong nito habang nakapamewang pa.
Ngumiti siya ng napakatamis dito.
“Ikaw”.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top