THE HAPPY ENDING


THE HAPPY ENDING
EVER since I was a child, I have always been excited when it comes to the topic of love. Masyado kasing malawak at malalim ang salitang ito. So everything that I have watched from the fairytale love stories, from what I have heard from the people who have been In loved and still falling in love are the things that are deeply planted in my brain and of course in my heart.
And one of those is The Happy Ending, they said that the Happy Ending is the most wonderful thing ever. They said that Happy Ending is the last and the most amazing part of love.
And they call it the Wedding.
Kaya sa paglaki ko ay dala-dala ko ang isiping iyon, na ang kasal ay hindi lamang isang sagradong bagay upang pag-isahin ang dalawang taong nagmamahalan. Ito ay upang makamtan, ang Happy Ending.
At sa sobrang kagustuhan ko na makasaksi sa pangyayaring ganoon ay ginawa ko ang lahat para makamit ito. I took BA in Event Management, and I started my very own Event Planning Service.
And I called it WYHP Planning Services. Pasensya na sa pangalan ng business ko ha, it sounds a liitle bit corny but babawi na lang kami sa serbisyo.
It means; Way to Your Happy Ending. Di ko na sinama yung two letter word, medyo mas magiging corny kasi pakinggan. At mas nakatuon kami sa mga Wedding events.
And you know what, being a Wedding Planner for over 3 years is so much fun, it is so nice seeing different kinds of people who found the love of their lives.
I am Ellise Tuazon, and this is my story in finding THE HAPPY ENDING.
“Martha! Bakit ang sabi nung isang coordinator natin ay kulang daw yung dinalang mga upuan dun sa venue?” I was so busy preparing, 2 weeks na lang ikakasal na ako.
Matagal-tagal din akong naghintay para sa pagkakataong ito, at malapit na. Alam ko malapit ko na ding marating yung sarili kong Happy Ending. 2 weeks na lang, nandoon na ako. Kaya ayaw ko ng pagkakamali, I want it all to be perfect. Gusto ko na mag focus dun sa pakiramdam na iyon.
“Nako Ma’am nakausap ko na po, papunta na din po yung mga kulang na upuan at mesa. Nagkamali daw po kasi ng bilang yung nagpatas.” Alam kong hindi lang ako ang stressed, lahat sila takot magkamali dahil alam nilang this is going to be the most special event in my whole life.
“Just make everything sure okay?”
“Yes Ma’am”
“Kris yung mga gowns nung mga abay na distribute na ba? Baka kasi may mga sukat na hindi tumugma, para magawan agad ng paraan.”
“I dini-distribute na po ngayon Ma’am.” Magalang na nag-paalam ang staff ko bago muling nag-asikaso ng mga bagay.
Natapos ang maghapon na puno ng madaming paulit-ulit na pag check at pag-aayos ng mga kulang.
Thankfully ay maayos naman ang araw na iyon at walang gaanong naging problema, kaya umuwi ako ng maaga para makita nang muli ang aking Fiancé.
“I miss him so much”, I keep on muttering those silly words. I can’t help it eh, miss ko talaga.
We have been together for 4 years, and yes kasama ko na siya bago ko pa man masimulan ang business ko. He never left my side, kahit na madaming sumubok na gibain kami ay pinilit naming lumaban at magpatuloy. Kaya seryoso na ako na siya na ang kasama ko patungo sa sarili naming Happy Ending.
Alam niya kung gaano ako sobrang naaapektuhan ng word na Love. At alam niya din ang isa sa pinakamalaking goal ko in life. Kaya wala na akong maisip na iba pang dahilan para itigil ko ito, para matakot o mag dalawang isip.
“Love? Niko I’m home!” I entered our apartment, may bahay na naman kami kaso syempre saka na kami lilipat kapag kasal na kami.
I searched every corner of our not so big apartment, no one is in here. Wala ang fiancé ko, His name is Niko. Niko Marquez.
“Saan naman kaya nagpunta ‘yon?” I murmured.
Sinubukan kong tawagan siya at i text, pero di naman niya sinasagot. Baka na busy lang siguro kaya ganon.
I waited a liitle bit longer–no, I have actually waited for more than an hour. No signs of him, no reply nor call. I’ m getting a little worried and scared.
For some reason, natatakot ako. I don’t know why. Basta lang natatakot ako, at kinakabahan.
Minutes passed and I got a message from my Mom, it says; “Maybe it wasn’t just meant to be anak.” And I was like, What’s up with her? I mean ano yung hindi meant to be?
So I decided to call her, she answered after a few rings.
📲Bakit ka tumatawag anak? Susunduin ka na ba namin diyan?
“What’s with the message Mom?”
📲What do you mean message? I always send that to you for 2 years now. Naninibago ka pa din ba?
“Wala naman pong problema diba?”
📲Anak, alam ko na mahirap tanggapin ang mga pangyayari. Pero 2 years na din ang nakalipas nung hindi ka siputin ni Niko sa araw ng kasal niyo, you should learn to let go anak.
I didn’t speak until the call ended.
Oo nga pala, nagkamali na naman ako. Palagi na lang akong nagkakamali sa pagbabahagi ng istorya ko. Gusto ko lang naman kasi na kahit sa kwento lang, maranasan ko din na magkaroon ng Happy Ending. Kaso hindi rin nangyayari.
Ako si Ellise Tuazon, isa akong Wedding Planner. At hindi ako naging masaya kagaya ng na ikwento ko. Hindi na kami inabot ng apat na taon ng pagsasama, sa pangalawang taon ng relasyon namin ay pinagplanuhan na agad namin ang kasal. Masyado kaming nagmadali at nawalan ng kontrol sa aming mga sarili.
Masyado kaming excited or should I say, masyado akong naging excited. Ako lang pala, ako lang pala yung masyadong nagmadali para sa Happy Ending.
Hindi siya dumating sa araw ng kasal namin, hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. I was devastated, I feel cheated and embarrassed. Pakiramdam ko nakadagan sa akin ang buong mundo. Akala ko hindi ko na kakayanin.
At sa dalawang taon na nakalipas, pilit kong binabago ang kwento ng buhay ko. Yung hindi malungkot, yung hindi ako iniwan.
Pero kahit anong laban ko, kahit gaano ko galingan yung pagkukwento ay hindi nababago ang
katotohanan.
Walang Happy Ending na para sa akin. Walang Happy Ending na para sa kahit na kanino. Everything has an End, but none of them was a Happy one.
Sa apat na taong pagiging Wedding Planner ko, I have never seen that Happy Ending. It was not a wedding that would define a happy life, it was not the perfect venue and perfect vows that would give a couple the Perfect Life.
Iyan ang natutunan ko, siguro ginagamit na lang nating rason iyon. Para kapag nagsisimula nang gumuho ang lahat, ay mayroon ka pa ring mahawakan. Para kahit binabato ka na ng mga rason para bumitaw, maninindigan ka pa din, kasi may isa pa, may isa ka pang panlaban, yung Happy Ending.
Marriage is a Wonderful thing for a Couple. Walang pagkakaila na ito ay isang napakagandang kaganapan...


para sa buhay ng dalawang taong tunay na nagmamahalan. But there will never be a Happy Ending.
I am saying this not because I am being bitter, gusto ko lang ibahagi kung ano ba talaga ang meaning ng salitang yon.
Kaya muli akong nag-isip, kung hindi Wedding ang batayan ng Happy Ending, ano yon? It couldn’t be death. Kasi kapag may namamatay, nalulungkot at umiiyak yung mga kapamilya at kaibigan. So wala pa ding Happy Ending doon.
If not Wedding nor Death, nasaan ba ang Happy Ending? Hindi ko na alam kung saan ko pa ba ito hahanapin.
Wedding is the start of a Whole New Chapter for a Couples life. And Death is the End of a Persons existence. Wala pa din si Happy Ending, nagsisimula na akong mawalan ng gana na hanapin siya. Baka naman kasi talagang imaginary word lang iyon na ipinaniwala sa atin ng Love. Para hindi tayo bumitaw, kahit nasasaktan na.
While thinking of some possible answers, I met a woman. Kinukuha ako bilang Wedding Planner nila.
So we started talking hanggang sa naisip ko na itanong sa kaniya kung naniniwala ba siya sa Happy Ending.
“Yes, kapag sa pagtatapos ng isang bagay o sa pagbitaw mo ay natuto ka at nag grow. That for me, is The Happy Ending.” Then she smiled.
Well I didn’t think of that. And for some reason, parang napa isip din ako doon ha.
“So, not something specific?”
“I don’t think there is some specific event to define it.” Feeling ko ang bait ng taong ito, pakiramdam ko ang saya niya kasama. Swerte ang mapapangasawa nito.
“Oo nga no, May point ka.” She just smiled, and then we continued discussing for her wedding.
Paparating pa daw kasi yung fiancé niya, may mahalaga lang inasikaso. She looks so happy while talking about her fiancé. Naaalala ko kung gaano din ako kasaya noon, pero hindi lang dahil sa mapapangasawa ko. Mainly because I am just few steps away from my Happy Ending.
Siguro ganoon ang nangyari, nakalimutan ko yung saya na dulot ng partner ko. Yung saya na dulot ng pagsasama namin. Masyado akong nalulong doon sa thinking na malapit na ako sa Happy Ending.
A few minutes later, my office door opened. Then a man entered, hindi ko inaasahan na dito ko muli siyang makikita.
Niko Marquez just entered my office and went beside the woman in front of me. They kissed and hugged.
Wala akong maramdaman. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, muling nadurog ang puso ko na matagal ko nang pilit binubuo.
Ang lalaking nang iwan sa akin sa altar, ang lalaking dumurog sa matinding paniniwala ko sa pag-ibig. Ang lalaking nasa harapan ko, na sumira sa magandang istorya ng buhay ko.
“So let’s plan the Wedding?” He wrapped his arms around her waist then looked at me.
I didn’t see any shock in his eyes, instead all I can see is his overflowing happiness. Yung kasiyahang never kong nakita habang pinaplano namin yung kasal namin. He looks so different and so In love.
Kahit masakit, pinilit kong kayanin. I am a professional so I have to act like one. Pinlano namin ang mga mahahalagang bagay para sa… Kasal nila.
After our orientation and discussions, umalis na sila. But I did not expect na after a few hours ay bumalik siya. He knocked and entered my office.
“May nakalimutan ka?” Bungad ko sa kaniya.
“Oo, I’m sorry Ellise. Kung hindi ako dumating sa araw ng kasal natin. Hindi ko kasi maramdaman na gusto mo talaga akong pakasalan, all that I can hear from you is that you want to reach The Happy Ending. Alam ko na nasaktan ka sa ginawa ko, alam ko na nahirapan ka. Pero kasi Ellise, pakiramdam ko ginamit mo lang ako. Ginamit mo lang ako para makarating ka sa sarili mong definition ng Happy Ending. ” Nakatayo lamang siya sa harap ng lamesa ko, nakikinig lang ako pero wala akong maramdaman.
“She thought me the other definition of Happy Ending. Ellise it is not the same as yours. Hindi kasing selfish ng sa iyo. I am sorry. ” Tumungo siya.
“So I am your Happy Ending? Ganon ang gusto mong sabihin diba Niko? That I am your Happy Ending. Kasi nung makalaya ka sa akin, sumaya ka. Nung magkalayo tayo, natuto ka at nahanap mo siya. Tama ba ako? I am your Happy Ending.”
Instead of answering, he just nodded. And that.. Is the end. The end of everything, yun na lang siguro ang hinihintay ko para tuluyan na akong bumitaw.
“Sana dumating na agad yung panahon na matanggap ko na din, na ikaw ang Happy Ending ko.” Ito na nga siguro yung closure, tuluyan na naming sasaraduhan ang aming nakaraan. Pero dala namin yung mga aral at magagandang alaala.
“Huwag kang magalala, sisiguraduhin kong magiging maayos at masaya ang kasal niyo. Tutupadin ko pa din ang pangarap mo na maikasal sa babaeng mahal mo, kahit hindi na ako.” Ang sakit pala, pero alam ko na mas masasaktan lang ako kung patuloy lang akong kakapit.
Baka tama nga si Mommy, Maybe it was not just meant to be.
Sa dalawang buwan ng paghahanda para sa kasal nila ay nasaksihan ko kung gaano kalaki ang nabago kay Niko. He was just so Happy, at masaya na ako para sa kaniya. Medyo may sakit pero alam kong ito ang tama.
Nakatayo ako sa loob ng simbahan habang nasasaksihan ko ang pagiisang dibdib nilang dalawa. Walang pag aalinlangan habang binabanggit ang mga katagang ‘I do’. Lahat ay masaya, lalo na silang dalawa. Of course I can’t help but imagine na paano akay kung ako yun, paano kung ako yung kahawak niya ng kamay at kapalitan niya ng vows? Ganyan din kaya siya kasaya at ka contented?
Pero ako ay masaya na, I get to know what Happy Ending is. Yun yung kapag nag tapos ang isang bagay o kapag nag let go ka ay mas naging maayos ang lahat at sumaya ka. At higit sa lahat ay natuto ka at nag grow. That is Happy Ending.
Love really is a very Complex word. Madaming definition, madaming paniniwala. But the most important thing is, we learn and grow.
Hindi lahat ng break up dapat masakit. We should look at the brighter side. Kaya instead of saying, ‘broken hearted ako’ or ‘hiwalay na kami’. Bakit di mo i level up? Just say, ‘I Just had my Happy Ending’.
Well syempre sa simula ay hindi mo pa din mararamdaman yung saya lalo na at ang pinanghahawakan mo lang ay yung mga pangako niyo sa isa’t-isa. Just learn how to let go. Kasi ako, when I learned to let go of those promises na hindi na naman matutupad. That is when the Happy Ending starts.
I am Ellise Tuazon, and that is my Happy Ending.
God Bless you❤️
The End..
Note: Please give me an honest review so I know if magpo post pa ba ako dito ng mga one shot story ko. Mayroon din po akong story sa wattpad just visit She_Pose. Salamat sa pagbasa, Have a Nice Day. Saka na lang ako mag popost ng panibago if may nag comment at naka appreciate nito. THANK YOU SO MUCH!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top