HE’S INTO HIM


HE’S INTO HIM
I’ve been in a healthy relationship with the guy named Clyde, my husband. Wala pa rin kaming ina-adopt na bata dahil ayon sa kaniya masiyadong maaga pa at ni-re-respeto ko ‘yon. 4 years na rin kaming nagsasama at ganoon pa rin walang nagbabago sa nararamdaman namin. Pero, wala nga ba? Nakatatakot mang isipin pero hindi ko rin alam kung kailan ulit ako magpapakatanga para sa kaniya.
Noong una, masaya naman kami ang kaso nga lang nagsimulang magbago ang lahat nang dumating sa buhay niya ang babaeng mas una pa niyang minahal kaysa sa akin.
I sighed.
“What’s the matter? Is there something wrong? Maybe I can help you?” he immediately inquired.
Napalakas yata ang buntong hininga ko.
I shook my head. “Nothing, it is just a random thoughts.”
“Talaga ba?” paninigurado pa niya. “Baka kung ano na ‘yan. Alam mo namang nandito lang ako para sa ‘yo.”
“W-Wala ‘yon… uhm, kumusta nga pala ang bagong sekretarya mo sa kompanya? Is it going well?” pag-iiba ko ng usapan dahil baka hindi ko makayanan ang luhang nagbabadyang bumagsak.
Mula sa aking kinauupuan, kitang kita ko kung paano sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi na mas lalong nagpapasikip ng dibdib ko.
Why?
Salitang ‘bakit’ na gusto kong itanong sa kaniya. Bakit niya nagawang ngumiti nang ganoon sa tuwing binabanggit ko ang babaeng ‘yon? Gano’n niya ba talaga siya kamahal? Why?
“Maayos naman,” aniya at saka umiwas ng tingin.
I slowly nodded. “I’m glad to hear that and by the way, ipinagluto kita ng hapunan. Let’s eat?”
“Y-Yeah, let me take the plates first.”
And with that, he stood up and went to the kitchen while my heart was secretly shattering in pain.

Today is weekend which is my rest day from work so I decided to make some breakfast for him because I know that he’s probably starving himself right now. He is such a workaholic person.
I look at the lunchbox and packed it up with my handbag. I then drove my car and arrived at the company after 26 minutes. Pagkababa ko pa lang ramdam ko ang kaba mula sa aking dibdib ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon sapagkat mas nangingibabaw ang saya ko na makita siya.
Dala-dala ang pagkain na inihanda ko, inayos ko ng kaunti ang aking damit bago ako tuloyan makapasok sa office niya ngunit nang akma ko nang bubuksan ay may batang biglang tumabi sa akin habang may hawak itong ice cream.
Tiningnan niya ako with his innocent look. “Hi po kuyang pogi. Si Daddy denden po ba ang sadya ninyo?”
“Daddy?” takang tanong ko.
He nodded fast. “Opo.”
Nabitawan ko ang aking hawak-hawak na dala habang nanginginig ang mga kamay.
Sunod-sunod din ang naging aking paglunok dahil pakiramdam ko may bumabara sa aking lalamunan. Muli kong tiningnan ang bata at pinagmasdan ang mukha nito. He looks like a child version of my husband.
This can’t be…
“Baby, where are you— Ryle?”
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong puso. Ang lalaking minahal ko nang lubos. Ang lalaking binuo ko sa panahong durog na durog siya. Ang lalaking kasama ko bilang asawa sa loob ng apat na taon. Ang lalaking hindi ko aakalaing lolokohin ako nang ganito kalala na ngayon ay natigilan habang gulat na gulat na makita ako mismo sa kaniyang harapan.
Tumingala ako upang pigilang bumagsak ang luha ko.
“Ryle, let me explain.”
Hindi ko siya pinakinggan at tumakbo nang mabilis, rinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan pero hindi ko pinansin at nagmamadaling umalis.
Nang makarating sa bahay, napagdesisyunan kong lumayas at hindi na nagpakita sa kaniya.

That was a years ago and the memories are still vivid in my head. Tumungga ako ng alak at luminga sa paligid. Kakauwi ko lang galing ng ibang bansa pero dumiretso kaagad ako sa bar para mag-inom.
Naramdaman ko ang kamay na pumulupot sa aking bewang and shock was written on my face.
“T-Troy?” mahinang usal ko.
I blinked twice.
He’s my...


ex when we were just highschool, how can this man looks so stunning with his outfit? Mukhang dugyotin pa ito dati ah. Natatawa tuloy ako sa naisip.
He pouted. “I thought namamalikmata lang ako and it turns out na ikaw nga talaga.”
“Gago, gwapo mo ngayon ah.”
Hindi nakaligtas sa akin ang pagsilay ng kaniyang ngiti, he still has this smile that can capture everyone’s heart. Nahulog nga ako rito kaso hindi kami nagtagal kasi medyo naging toxic kami sa isa’t isa no’n.
Umupo naman siya sa tabi ko habang nakahapit pa rin ang braso sa bewang ko. Wala akong lakas para pigilan siya at ginugusto ko rin ang ginagawa niya, I feel safe but not in a way na pinaramdam sa akin ng ex-husband ko— tangina, bakit ko ba naiisip siya? tss.
“I miss you,” biglang sabi ni Troy.
Tumango lang ako.
“Matagal kitang hinintay, Ryle. Ikaw pa rin nilalaman ng puso ko, e. Kahit noong mga panahon na may asawa ka na, ikaw pa rin. Nabalitaan ko rin kamakailan ang tungkol sa biglaang paghiwalayan niyo.”
“Stop talking about that jerk. You’re ruining my mood.”
Natawa siya at hinawakan magkabilang pisnge ko. “Can we start over again then?”
Hindi ako sumagot basta wala na ako sa sarili ko kun’di hahayaan na ang dapat mangyari. Unti-unting inilapit ni Troy ang kaniyang mukha sa akin upang halikan at hinihintay ko na ang labi niyang lumapat ngunit may nagsalita mula sa aming likuran.
“Try to continue that and I’ll slit your neck.”
Natigilan kami at humarap kay Clyde na seryosong nakatitig kay Troy habang nakatiim bagang. Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Troy at saka tumayo habang nakikipagpantayan ng tingin.
“Talaga?” Troy teased. “Why are you saying that? Ex-husband ka na lang because you fucking cheated,” he added.
I rolled my eyes because of the scenario.
“Ex-husband? No, I’m still his husband,” anang Clyde at ngumiti nang nakakaloko.
Bahagya akong nagulat at hinarap siya mismo. “Ikaw tangina ka, matagal na tayong wala. Pinirmahan mo na nga mismo ang annulment paper.”
“That’s just a fake paper,” he nonchalantly said.
I was about to utter a word when he punched Troy in the face. Napabulagta naman kaagad si Troy na walang malay dahil sa kalasingan, kaagad naman nagkagulo ang bar at tinulongan itong itayo ngunit bigla na lang ako hinila ni Clyde sa kung saan.
“Pota, ano ba!?” pagpupumiglas ko hanggang sa nakarating kami sa isang madilim na lugar ngunti naiilawan pa rin ng mga disco lights.
Sisigaw ulit sana ako nang maramdaman ko ang mainit niyang yakap. Naramdaman ko ang mahinang pagtaas baba ng kaniyang balikat, what the fuck? Is he crying?
“Hon, I m-miss you.”
I bit my lower lip, trying to stop my tears. I let him speak habang nakapikit lang ako.
“Hindi ko ‘yon anak at lalo nang hindi ako nagloko. That kid was my brother long lost son and I was about to explain it to you pero umalis ka bigla at hindi na kita nahanap pa.”
“W-What?” mahinang usal ko.
“Na-misinterpret mo lang lahat. Hindi ko rin pinirmahan ang annulment paper dahil ayoko, ayoko maghiwalay tayo. Kaya apelyido ko pa rin ang hawak mo kahit hindi mo namamalayan.”
“C-Clyde…”
Humarap siya sa akin at ipinagdikit ang aming noo. “I’m still your husband, I will always be your husband.”
“I-I’m sorry,” I mouthed.
He smiled and pulled my waist closer to him. “You’re still my wife, hon. It’s okay, everything now is okay. Would you mind if I’ll marry you again?”
“A-Ano?”
“Will I marry you again?”
I swallowed hard while looking at his eyes. “Yes—”
He kissed me and all I could feel is the love and pure intentions to each other.
I realized that no matter how painful the situation is, we’d still have to listen their explanation then it will be up to us on how we can handle it because sometimes we misinterpret something that is not really meant to happen.

Written by: Cai Shun
Photo credits to the rightful owner.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top