Dinala na kami sa Ospital. Yung baby namin karga karga lang ng isang babaeng pulis . Wala kaming choice kundi isama ang bata sa ospital para narin makasiguro si Russel na ayos na kami.Si Mich naman nagkamalay na at nasa kabilang kwarto lang kausap ng mga pulis tungkol sa mga nangyari.
“Russel, nam*tay ba yung gunman?”
“Dapat lang sa kanya yun! bwe*sit! dapat pinahirapan ko muna bago ko napatay!” nakakuyom parin ang mga kamao nya kaya hinawakan ko. Pinasuot nya ang jacket nya sakin dahil napunit yung damit ko.
“Ericka, kung hindi pako nakauwi malamang..” hindi na nya kayang banggitin kaya ako na nagsalita.
“Thank you for saving us” sabi ko nangilid yung luha nya kaya lang pinipigilan nya lang .
“I’m so sorry hon, naging pabaya ako. Inuna ko ang trabaho ko kesa bantayan kayo. Wag kang mag alala self defense ang nangyari hindi ako makukulong. Patawarin nyo ko may kasalanan rin ako. Madadamay pa ang anak natin sa kapabayaan ko. Hindi ko alam kung May mukha pakong maihaharap sayo . Patawarin mo ko.”
I hug...