WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 56


DAVID’s POV:
“David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.”,
“David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.”,
“David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.”,
Ito ang patuloy na bumubulong sa aking tenga.
Wala akong masabi dahil pakiramdam ko, naubos ang lakas ko nang sabihin niya ‘to.
“Si Sandra at si Kate ay iisa.”, she said again.
This time, tuluyan ko ng inangat ang tingin ko sa kanya. Hinihintay ko na bawiin niya ‘to dahil baka gino-goodtime lang ako ng babae.
Pero walang biro at tawa ang reaksyon nito, bagkus kitang-kita ko ang pagkaseryoso sa mukha niya.
“Hindi ako patay. Buhay ako, David. Buhay na buhay ako.”, madiin niyang wika.
“A-are you joking? Kasi ang sakit na eh. Kaya kung binibiro mo ako, pwede bang ‘wag mong idamay ang pangalan ng asawa ko. She’s dead. Payapa na siya sa langit habang kasama ang anak namin.”, litanya ko na tila ayokong paniwalaan si Sandra.
And I hate it. Pinaka-ayoko sa lahat yung nadadamay si Kate.
“Hindi ko pipilitin na maniwala ka. Dahil gano’n talaga ang gusto kong mangyari. Ang paikutin ka sa kamay ko para pahirapan ka. You killed my son, David. Ikaw mismo ang pumatay sa anak ko.”, pahayag ni Sandra na animo’y binalutan ng galit ang bawat salitang binibitawan niya.
“Pinatay ko? Wala akong pinatay. Kung meron mang namatay at nagdusa, ako ‘yon.”, tugon ko sa dalaga.
“At teka nga, bakit mo ba pinagpipilitan na ikaw si Kate? Yung mukha mo at mukha niya, masyadong malayo.”, patuloy kong sabi.
“Dahil sinadya kong baguhin at palitan ang dating Kate na tinapakan niyo! Ikaw, si Katrina at ‘yang mama mo, ang rason kung bakit ako bumalik! Mga hayop kayo!”,
“Bakit parang ako ang sinisisi mo? You know everything, right? Nakwento ko na sayo ang nangyari sa akin.”,
“Pero hindi pa lahat. Kasi ikaw ang dahilan kung bakit nalaglag ang anak ko! Yung anak natin, namatay dahil sa galit ko sayo! Umiiyak ako nung mga araw na ‘yon, samantalang ikaw, masaya ka habang kasama si Katrina!”, she shouted.
Nagawa nitong duruin ako na parang sasabog na siya sa galit.
“Kitang-kita ko pa David sa mga litrato niyo na may nangyari sa inyo! At alam mo yung masakit, pinuntahan kita sa hotel para malaman ko ang totoo. Pero pagkarating ko do’n, gulat na gulat ka dahil nahuli kita sa akto.”, pagwiwika niya ulit.
I don’t know what to say, kasi wala akong maalala na kasama ko si Katrina si Hotel.
One thing I know, nakita ko lang siya sa Cebu at hiniram niya ang cellphone ko.
“Oh ano? Natulala ka? Kasi totoo ang nakita ko, diba? You cheated on me! Ang sabi mo, may ka-meeting ka lang. Ang sabi mo, uuwi ka agad, hindi ka magtatagal. But you lied!”, saad niya...


sabay patak ng luha sa mata.
Tinitigan ko ng mabuti ang mata ni Sandra. At dito ko napagtanto na siya nga si Kate.
Kapag mahal mo ang isang tao, bumibilis ang pintig ng puso mo.
And I feel it right now.
Kaso umiiyak na siya dahil sa sakit.
At nasasaktan ito na halos sampalin ako.
“Hindi kita sinaktan. At lalong hindi kita niloko. Sandra–Kate, walang nangyari sa amin ni Katrina. Yung hotel na tinutukoy mo, hindi ako pumunta do’n. Please believe me, naset-up lang yata ako.”, pakiusap ko saad sa babae.
“Set-up? Malabong mangyari ‘yon, David. Kasi nakita at nakausap kita. Nando’n ako sa Cebu nung araw na kasama mo si Katrina!”, bulyaw nito.
“Bakit ba pinagpipilitan mo sa akin na ako ‘yon? Kate, nasa Japan ako.”,
“Kung hindi ikaw, sino? Sino yung lalaki na kasama ni Katrina? Sino yung lalaki na tumawag sa akin at kinausap ako?”, aniya ng dalaga.
Hindi pa rin siya tumitigil sa panunumbat sa akin na tila pinaparating niya na may kasalanan ako sa lahat.
Pero wala akong kasalanan dahil hindi ako ‘yon.
Nagkamali lang ako dahil mas inuna kong asikasuhin ang kompanya.
“David, naniwala na sana akong naset-up ka nung nilason mo si Michael, nung pinalayas ako ng mga tauhan mo habang binuburol ang anak ko! Pero yung itanggi mo na hindi ikaw ‘yon? Ang bobo mo!”, pagsisigaw niya ulit.
Akma sana nitong itatama ang kamay sa pisngi ko, pero bigla niya itong pinigilan.
“Sige lang Kate, ituloy mo. Sampalin mo ako ng malakas. Tatanggapin ko ‘yan, kung ito ang paraan maniwla ka. Ibuhos mo ang galit mo ngayon. Kahit sipain mo ako tadyakan, maiintindihan ko. So slap me now.”, turan ko sa kanya.
But instead na gawin niya ito, bigla siyang napa-upo sa buhangin.
Humahagulhol siya at natakpan ang pagiging matapang niya.
Hindi na si Sandra ang nakikita ko.
Dahil umapaw sa babae ang dati niyang pagkatao. Umapaw ang pagiging Kate niya sa araw na ‘to.
“I w-want to believe you, but still, you broke my heart. Y-you hurt me. At wala ka sa tabi ko nung wala ka. Hindi lang isang anak ang nawala sa akin, pati si Michael na inalagaan at minahal ko ng higit pa sa buhay ko, pinatay nila!”, pahayag nito sabay angat ng mukha.
Pulang-pula ang mata at ilong niya, buhat ng pag-iyak.
“David, h-hindi aksidente ang nangyari sa anak natin, dahil sinadya nilang patayin ang bata.”, litanya ni Kate.
“A-and, I want justice. I want the justice.”,
Sa sinabi niya, dahan-dahan akong lumuhod at pinunasan ang luha sa pisngi ng babae.
“Then let’s help each other. Magtulungan tayo. Pangako, hindi ko ibubunyag ang tunay mong pagkatao. Just continue to pretend, being Sandra.”, tugon ko rito at mahigpit ko siyang niyakap.
END OF CHAPTER 56
©






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Geradine marciano

    neeext po pleaaase🤩

Leave a Reply


top