Incompatible Part 36


Author: Ren Salazar
Makalipas ang ilang buwan matapos ang aksidenteng naganap kina Schiyev at Zu……..
” Zu…gumising ka na. ” Sabi niya sa kanyang asawang nakahiga sa kama sa loob ng hopital.” Pinilit kong lumaban para sayo at sa ating magiging baby.”
Hindi na niya mapigilan ang maluha sa nakikitang si Zu ngayon. Walang malay at nasa state of coma. Malaki ang naging pinsala ng nangyaring aksidente ilang buwan nang nakalipas.
” Yeobo….please.” hinawakan niya ang kamay ni Zu at hinalikan.” Gumising ka na. Maghihintay ako maski kelan. Pero sana…sana huwag abutin ng taon. Zu..paki usap.” Tuloy tuloy na sa pag agos ng mga luha sa kanyang pisngi. ” Kung ayaw mo..papaluin kita,sige ka. ” Dinaan pa niya sa biro ang lungkot na nadarama.
Maya maya ay dumating ang kanyang ina. Sumugod ito nang mabalitaan ang nangyari noon. Sinamahan at tinutulungan sa pag aalaga kay Zu.
” Aning …tama na yan. Makakasama sa kalagayan mo yan. Pitong buwan na rin yang tiyan mo at malapit ka ng manganak. Makaka apekto sa anak mo yang ginagawa mo.” Hinagod ng kanyang ina ang likod niya.” Magigising rin siya. Lagi mo lang kakausapin. Ipapaalala ang mga masasayang sandali nyo.”
” Nay…hindi ko mapigilan. Ilang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.Nag aalala nko baka…baka tuluyan na niya kaming iwanan.” Humagulgol na si Schiyev nang maisip ang kanyang sinabi.
” Shh …sh..magpakatatag ka,Aning.”
” Zu….” Baling niya kay Zu. ” Zu,kung naririnig mo ko,please…..gumising ka na. Ang lungkot lungkot ko na.”
Araw araw siyang nasa hospital. Dito na nga rin siya natutulog dahil inasikaso ni Dome ang kwartong inuukupahan nila. Hindi halatang nasa loob ito ng Hospital.
Dumating rin ang step mother ni Zu na galing Korea at ito na muna ang nangalaga sa kompanya. Katulong syempre si Director Choi na naging malungkot rin dahil sa sinapit ng apo.
At si Hanz…
Si Hanz ay naging kaibigan ni Schiyev. Dumadalaw rin ito lagi sa hospital at tinutulungan si Schiyev kay Zu. Pati na si Dome ay naroon ding naka alalay pagkatapos ng trabaho nito.
Dahil sa aksidenteng naganap,naging magkalapit sina Schiyev ,Hanz at Dome. Naayos na rin ang problema ni Schiyev kay Hanz. Pero kahit kelan naman ay hindi naging problema ito sa babae. Sa halip,nagtulungan pa silang dalawa.
” O! Kumain ka na ba?” Ang tanong ni Hanz nang minsang dumalaw sa hospital. Nadatnan niyang naka upo sa tabi ni Zu si Schiyev.
” Kanina.” Sagot niya.
” Marami bang kinain mo?”
” Medyo..”
” Hindi pwede yan. Ano ka ba ,Schiyev? May maliit na batang nandiyan sa sinapupunan mo. Gusto mo bang lumabas na parang butiki lang ang laki niyan?”
” Hindi ah…”
” Pwes! Kumain ka ng marami. O ,heto …may dala akong mga prutas. At saka yung mga damit na kailangan mo..si Dome na ang magdadala rito. Pinagpahinga namin si Nanay mo. Matanda na iyon para samahan ka ng matagal rito. ”
” Salamat…” tumayo siya at lumipat sa sofa.
” Kunin mo. Hinugasan ko na yan bago pumunta rito. Umuwi muna kasi ako para magpalit.”Iniabot ni Hanz ang prutas sa kanya. At kinuha naman saka kinain agad.
” Ano kaya magandang ipangalan sa baby nyo ni Bekket ay ni Zu pala?” Nag isip naman agad si Hanz.
” Saka ko na aalalahanin yan kapag gising na si Zu. Siya kasi ang mas gusto kong magbigay ng pangalan sa baby namin.” Sagot niya habang ngumunguya nguya.
Natigil ang pag uusap nila nang pumasok si Dome.
” Abah…kumakain ang buntis ah. Ganyan nga. Para maging healthy si Baby. ” Sabi nito.” Siyanga pala. Heto na yung mga damit mo. Mamaya maligo ka. Mukhang ang lagit mo na oh. Kapag maamoy ka ni Zu siguradong papaluin ka non sa legs mo.” Biro sa kanya ni Dome. Alam niya kasi na ito ang biruan ng mag asawa.
” Maliligo naman ako mamaya.” Sagot niya kay Dome. ” Salamat dito ha.” Itinaas pa niya ang mga damit na dala ni Dome.
” Dito ka ba matutulog ngayong gabi ,Hanz?” Baling ni Dome sa huli.
” Ah! Oo. Walang kasama si Buntis.” Lumapit siya kay Schiyev” pahawak nga ng tummy mo,Aning…” Inilapit nito ang kanyang kamay sa tiyan ni Schiyev at pinakiramdaman ang nasa loob nito.
” Ako rin..” naiingit yata si Dome kaya pati siya ay nakihawak na rin. ” Uy..baby zu…tulungan mo si Mama mo para gisingin si papa mo ha. Para naman makita ka niya paglabas mo dito sa loob.”
Nakakatuwa namang pagmasdan ang dalawang lalaki na nakahawak ang mga kamay sa malaki ng tiyan ni Schiyev.
Nagtagal muna si Dome sa hospital. Nagbibiruan pa sila ni Hanz para lang hindi malungkot si Schiyev. Kahit papano ay nakakalimutan ng huli ang problema nito. Kailangan niya ring maging masaya at malusog para sa baby nila ni Zu. Kaya naman todo alaga ng dalawang lalaki ang buntis.
Samantala sa mansyon…..
” Balae…kumain ka na. Katatapos ko lang magluto. Masarap kainin ang sabaw habang mainit init pa. ” Ang sabi ng nanay ni Schiyev. Nagluto ito ng hapunan matapos makapagpahinga kanina.
” Thank you.” Tipid na sagot ng step mom ni Zu. ” Si papa? ” Ang tinutukoy nito ay si Director Choi.
” Ah..nagpapahinga pa sa silid...


niya sabi ng isang kasambahay. Bababa daw kapag nagutom na. Malungkot pa rin si Director Choi. Naawa nako sa kanya pati sa anak ko. ”
Kahit taga Korea ang step mom ni Zu, nakakaintindi ito ng tagalog.Hindi nga lang masyadong marunong kaya madalas nanahimik na lang.
” Halika na. Sit….sit down. Lets kain…kain.” nahihirapan man sa pagsalita ang nanay ni Schiyev ,sinisikap pa rin niyang makipag-usap ng mabuti sa step mom ni Zu.
” Thank you. ” Ang tanging sagot nito.
Sa Hospital……
Mahimbing sa pagtulog si Schiyev. Doble ang pagod na nararamdaman niya dahil sa bumibigat na ang kanyang lumalaking tiyan.
Tahimik naman sa pagmasid si Hanz sa kanya. Nakaramdam siya ng awa rito. Tunay na mabait si Schiyev. Hindi man lang ito nagalit sa kanya nang malaman ang tungkol sa pilit nyang pang aagaw kay Zu noon. Nagpasya na rin siyang baguhin ang buhay niya. At sinimulan niya sa pakikipagkaibigan sa babae. Tinutulungang alagaan si Zu para rito at sa magiging baby nila.
Bahagyang nababa ang kumot ni Schiyev nang bigla itong kumilos. Lumapit naman si Hanz at inayos ito. Kinumutan si Schiyev nang dahan dahan. Pagkatapos,umupo sa tabi ng kama ni Zu.
Nagpakawala ng malalim na hininga bago nagsalita.
“Zu ….nakikita mo ba yung asawa mo at ang baby n’yo sa tiyan niya? Naghihintay sila sayo. Hinihintay na magising ka. Zu..dalawang buwan na lang…manganganak si Schiyev. Mananatili ka pa rin bang tulog?” Aniya. ” Sige ka..kapag hindi ka magising…ako ang mag aalaga sa asawa at sa magiging baby n’yo.” Saka ngumisi ng pilit.
At ilang buwan pang lumipas….
” Ah..….ah….Aarraayyy” daing ni Schiyev habang hawak hawaka ang kanyang tiyan. ” Ah! ”
” Aning …..ano? Manganganak ka na ba?” Alalang alalang turan ni Hanz.
” Schiyev….sabihin mo!” Pati si Dome ay nag alala na rin. ” Tatawag ako ng nars!”
” Sandali,Dome! Huwag nars ang tawagin mo. Doctor! Doctor ang tawagin mo! Dali!”
” Sige sige sige sige..”maka ilang bese na sambit niya. Saka tuluyang umalis.
” Hingang malalim,Aning…” Sabi ni Hanz na sinunod naman niya.” Hu…hu…hu..kalma lang.”
” Hu..hu…hu…ahh….ahh….hindi ko na kaya!!! ”
” Ay naku! Saan na kasi si Dome?! Ba’t ang tagal! ” sabi niya kahit kalalabas lang ni Dome.
” Zuuuuu!!!” Sigaw niya. Hinawakan niya ang kamay nito. Tila dito kumukuha ng lakas. ” Zuu!! Gising na! Ano ba?! Manganganak nako!” Inis niyang turan.” Eehh…ang daya mo! Ako lang ang nahihirapan! Bumangon ka diyan! ” Pinagpapalo niya ang binti ni Zu kahit na tulog na tulog ito.
” Aning…itigil mo yan! Baka biglang magising yang si Zu.”
” Eh,ano ngayon?! Mabuti ngang magising siya!”
” Ehh…pero..”
” Ahhh!! Ang sakit!! Ah!!” Nagngangawa na si Schiyev sa sakit.
” Ahh!!” Gumaya na rin si Hanz sa kanya.” Aahh!!!”
Pero biglang tumigil nang masampal ni Schiyev.
Plakk!!
” Aray naman!”
” Nakikisigaw ka kasi! Eeeee..”
” Hindi na! Hindi na. Bakit ba ang tagal ni Dome. ”
Si Dome ay naguguluhan kung saan pupunta. Dahil sa natataranta na siya ibang doktor ang nakausap niya. Tatangi pa sana ang doktor pero bigla itong binuhat ni Dome patungong silid ni Zu kung saan si Schiyev. Mabuti na lang at babae ito kaya madali niyang nabuhat.
” Heto na siya!!!” Wika ni Dome habang papasok.
Natigilan pa si Hanz pero hindi na lang binigyang pansin dahil mas inuna pa niya si Schiyev.
” Dok…manganganak na siya..pakitulungan naman,oh.” Paki usap ni Dome.
” Ha? Ahh…hindi ako OB.” Hayag nito.
” Ha?! ” Sabay pa talaga silang tatlo.
” Eh,pero sandali..pakalmahin n’yo muna siya. Tatawagan ko yung OB.”
Kahit na hindi nagkakanda ugaga ang dalawang lalaki,nairaos pa rin nila si Schiyev. Sila na mismo ang bumuhat rito patungong E.R. At hinayaan na lang sa mga nars at Doktor ang iba pang kailangang gagawin.
” Hu! ” Nagpakawala ng malakas na hinga si Dome.
” Ha …ha…ha..” maging si Hanz ay habol ang hininga.
” Grabe…parang humiwalay yung espirito ko don ah!” Ani Dome. ” Ganito ba talaga kapag manganganak? ”
” Siguro nga.” Sang ayon ni Hanz. ” O!nasaan yung isang sapatos mo?” Sabay turo sa paa ni Dome.
” Ha?!” Tiningnan naman ng huli ang kanyang paa. Isang sapatos na lang yung suot niya. Madali lang kasi mahubad yon kaya marahil nawala nang hindi niya namamalayan.” Nasaan na kaya yon?”
” Hahahhaah!! ” Malakas na tawa ni Hanz.
” Uy! Huwag kang ano! Tingnan mo nga rin yang t shirt mo! May punit! Hahaha”
” Ha?!” Si Hanz naman ang tumingin sa kanyang suot na t shirt. ” Naku…..si Aning talaga. Ang lakas makakapit. Nadali t shirt ko.”
At muli na naman silang nagtawanan.
” Ehermn….”
Bigla silang tumigil nang marinig ang Doktor na binuhat ni Dome kanina.
” Heto yung sapatos mo. Natanggal ata kanina.” Iniabot nito ang isang sapatos ni Dome.
” Salamat. Kala ko hindi ko na makikita ito. At saka,pasensya kung binuhat kita agad. Akala ko kasi…”
” Wala iyon.” Nginitian siya ng babaeng doktor.
” Salamat rin kanina.” Sabat ni Hanz. ” Hindi kasi namin alam kung anong gagawin.”
” Ok lang. Ganoon talaga. Pero ang swerte ng pasyente. Dalawa talaga kayong narito para sa kanya.”
” Hehe….” si Dome.
Isang matamis na ngiti ang ipinukol nina Dome at Hanz sa Babaeng Doktor.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top