MAGKAIBANG MUNDO Chapter Three Continuation


Pagkatapos naming kumain pumasok na ako sa kwarto at dahil na rin siguro napagod ako di ko namalayan na hinihila na pala ako ng antok hanggang sa nakatulog nalang ako.
Napabalikwas ako ng bangon ng mapanaginipan ko na naman siya. Ano bang nangyayare halos araw-araw nalang siya ang laman ng buong panaginip ko na para bang kinain niya na ang buong sistema ng bawat pagtulog ko. Naalala ko ang libro na binili ko at dali-dali ko itong kinuha sa bag.
Pinagmamasdan ko ang mukha ng nasa larawan, sobrang magkahawig sila ng lalaki sa panaginip ko.
“Ches!” boses ni Lou at malakas nitong katok ang nagpauntag saaking pagkatulala.
I opened the door and saw her bitbit ang isang high class ladies wine.
“Kanina pa ako katok ng katok ba’t ngayon mo lang binuksan?” pagtatakang tanong niya.
“Wala! may iniisip lang Lou” ani ko.
Binuksan ni Lou ang wine at pumasok na rin si Gladys na may kinausap pa pala sa phone.
“Miss Ches tumawag si Sir Dale he set for an appointment para daw makapag-usap...


kayo tungkol sa pinapahanap mo.” sambit ni Gladys.
“Yeah and for sure wala na naman yan, sighhh” pagod kung turan.
“He’ll text you the place nalang daw po miss.” sagot ni Gladys.
“Ilang taon mo ng ginagawa yan Ches until now wala padin ba? Siguro it’s a sign that you have to stop na. Baka kasi ma disappoint ka lang, ayoko lang na bumalik ka sa dati na parang walang buhay. You’ve come so far Ches so will you just focus on your career” singit ni Lou.
Well, may point naman siya it’s been 6years but until now wala padin.
“Wala na yatang pag-asa na mahanap siya” naiiyak kong turan.
Lumapit si Lou at niyakap ako. I feel rest sa balikat ng best-friend ko. Siya kasi ang tumayong pamilya saakin mula nung mawala ang mga magulang ko at nag iisang kapatid na babae sa isang aksidente. Nabangga ang kotse nila at sumabog pero nung kunin ang mga bangkay nila tanging kay mom and dad lang ang nakita hindi nakita ang katawan ni Mia.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top