Meant to be? Chapter 14


“Hello? Tay?”
“Pwede ba tayong mag usap.”
Nagkita si Mang Anton at Ace sa isang private road. Dala ang kanya kanyang sasakyan.
“Yong sinabi mo nong isang gabi, ngayon ko sisingilin ang pagkukwento mo. Maging tapat ka sa akin. Simple lang kaming namumuhay ng anak ko sir Ace, sya na lang din ang meron ako. pero ayaw kong may maaapakan kaming tao.
At mas lalong hindi ko kukunsintihin ang anumang posibleng ginagawa mo o ninyong mali! .”
” Umamin ka sa akin.. Ayaw ko ng pa ligoy ligoy. Tatanungin kita ng diretso, lalaki sa lalaki sagutin mo ako ng diretso! .”
” May relasyon ba kayo ng anak ko!”
Bulyaw nito sa pagmumukha nya.
Napamulagat si Ace.. Akala nya matapang na sya at handa nang harapin ang ama ni Nice. Pero di nya maiwasang kabahan lalo na ng makita ang galit sa itsura nito.
Pero kailangan nyang harapin to.. Di sya dapat maging duwag.
“Tay? magiging tapat po ako sa paglahad ng totoo, ipangako nyo lang po.. Na hindi nyo sasaktan si Nice. Ako na lang..
Tay.. Nong gabing pinasama ni Khate ang anak nyo sa bar, nalasing po sya, kinailangan nya po ang tulong nong nabagok sya sa cr. Di ko sya natiis nang nadaanan ko sya.. Pagkakamali ko sinunod ko ang hiling nyang di iuwi dahil takot syang malaman ng pamilya nya na nalasing sya.
Dinala ko sya sa unit ko
Nagdilim na ang mukha ni Mang Anton. Nakakuyom ang kamao.
” Tay.. Patawad,. Kapwa po kami nakainom.. May nangyari po sa amin ng gabing yon..๐Ÿฅบ”
“Hayop ka!!! Gago ka pala!! MaPapatay kita!!! ” tiniis ni Ace ang mga pinakawalang suntok ng matanda sa mukha nya, hanggang tumutulo na ang dugo sa kanyang ilong at putok na ang kanyang labi at may pumatak ng dugo gaLing sa itaas ng kanyang kilay..
“Tay! Mahal ko na ang anak nyo! Paninindigan ko sya!”
“Sinong niloko mo! Kaya ka pala nag babait baitan sa akin. Gago ka!! Ahas ka!!
Lubayan mo ang anak ko!!
Mapapahamak lamang sya sayo!!”
PinabaAyaan nya itong pinagsawaan sya sa kakasuntok.. Hanggang ito na rin ang napagod
Umiiyak itong napaluhod.
Mabilis itong pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito.
Naalarma si Ace kung saan ito patungo.
Tinawagan nya si Nice kung nasaan ito. Sinabi nitong nasa bahay na.. Nakauwi na kasi ito galing sa eskwelahan
Agad itong nagpaalam dahil totoong battery empty na. . Napamura si Ace. Mas binilisan ang takbo. Inabot ang tissue at pinunasan ang dugo sa mukha..
Pagdating ni Mang Anton sa bahay agad na pinuntahan ang anak sa kusina. Pinasunod nya ito sa labas ng bahay.. Nakita ni Nice ang sasakyan, medyo Malayo layo sa kinaroroonan ng gate..
Nasa private area kasi ang nakatayo ang malaking bahay, Malayo sa kabahayan.. Ang katapat ng bahay ay damuhan at malawak na bakanteng lupain tanging mangilan ngilan...


na puno ng niyog at mumunting puno ang naroon na syang nagbibigay ng preskong hangin.
Naglakad si Nice papunta sa papa nya. Kinabahan sya sa nakitang galit na anyo nito.
Nag aabang ito sa labas ng sasakyan hindi pa ito nagpapark.
Maya maya dumating ang sasakyan ni Ace, kitang kita nya kung paano salubungin ng sampal ang mukha ng dalaga, at kung paano na baling ang mukha nito. Napaigting ang kanyang panga Mabilis na lumabas ng sasakyan at patakbong sumugod sa mag ama..2 beses nyang nakitang sinampal ng magkabilaan ang dalaga! Sapo Sapo ni Nice ang pisngi. Mas bibilisan nya ang takbo, pakiramdam nya sya ang sinasampal.
“Walang hiya ka!! Paano mo nagawang ilihim sakin to? ha! Pinagtatawanan na pala ako ng gagong yon.. Wala lang sayo!!! Hanggang kailan mo balak ilihim sa akin at pikutan ako sa ulo!!
Hindi ko akalaing magagawa mo to?? Sobra akong humanga na personalidad na hinulma ko sayo, na akala ko totoo ka! Pero palihim ka lang pala kung gumalaw! Parang hindi ikaw ang anak ko!!!
PA???
Tanging sambit nya.. Nagulat pa sya sa bilis ng pangyayari di nya iyon inaasahan na ganon kaaga at sa oras na iyon magkakaalaman sila ng papa nya.
“Patawad pa!!!! ” Ni yakap nya ito.. Kahit pilit syang itinataboy at tinutulak, habang panay agos ang kanyang mga luha. “Di ko po sinasadya”
“Bitawan mo ako!! Iwinaksi sya nito kaya tumilapon sya sa may gilid ng gulong.
Agad syang dinaluhan ni Ace nang hahablutin pa sya ng papa nya.
“Parang awa nyo na Tay! Ako na lang uli ang bugbugin nyo! B- buntis po sya.”
” A-anong sabi mo?”
“Anong sinasabi ng gagong to!!!” baling ng paningin ng papa nya sa kanya.
Hirap syang bumigkas… Nakatingin ang mga mata kay Ace. Kita ni Ace ang galit dito.. Iyon ang masakit.. Ang makita ang galit ni Nice.
O Opo pa๐Ÿ˜ญ
“Walang hiya!!! ” Muli nya itong nilapitan pero agad humarang si Ace.
” Tay tama na please… Sa akin mo na lang ilabas ang lahat ng galit mo” pagmamakaawa nya dito.
“Paninindigan ko sya..”
“Hindi yan, mangyayari!!! Sisirain mo ang magandang samahan namin sa pamilyang ito. Magugulo mo lang ang buhay naming mag ama. Itatago nyo ito!! Naiintindihan nyo??
” Tay, itutuloy po ni Nice ang dinadala nya.”
” Hindi ako mamamatay tao bata. Magiging apo ko ang binabanggit mo. Pakakatandaan mo lang ito.. LUBAYAN MO ANG ANAK KO!!”
Di na napigilan ni Ace ang mga luha.. Napakagat sya ng labi at nilingon ang dalaga na tinatakpan nya mula sa ama nito.
Nakayuko lang ito habang may mga luha din ang pisngi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top