The Mayors..(Series)..😍😍Ace Justin Saavedra


….)))Chapter One(((….

Malalakas na iyak..ungOL,pighati at lumbay ang nagpagising kay Coleen ..

Nak ng pating ..halos isang oras palang ang tulog nya!
Pero ano pa nga bang magagawa nia?!hindi normal ang buhay nya!Kasi nga sa gilid ng sementeryo nakatirik ang kinaroroonan nya !
At ang malalakas na iyak at pighati ng mga naiwang pamilya ng mga namayapa na sa mundo ang nagsisilbing alarm clock nya..

Sinipat nya ang relong pambisig,ah ganap ng alas nwebe ng umaga ! Inumaga na naman kasi sya sa kapapanood nya ng mga K’drama,ganun soguro talaga kapag adik ka na nga sa mga koreanovela at ang masaklap ay single ka pa !!!…

Eh sa di sya biniyayaan ng mga manliligaw tsaka isa pa may mga nagkakagusto naman sa kanya yun nga lang mataas ang standards nya,gusto nya yung mga mukhang Oppa,yung kamukha ni Lee Min Hoo at ni Ji Chang Wook,ang kaso wala syang mahanap na kasing yummy nila sa Pinas kaya heto,matanda na sya ni hindi manlng nya naranasan na maregaluhan ng chocolates or kahit bulaklak manlang ng kalabasa tuwing sumasapit ang araw ng mga puso…pero who cares?ang saya kaya maging single !!!!…

Ilang sandali muna syang nag inat bago tuluyang tumayo ng sa wakas makompleto na ang kabuuan ng cells nya.. nagtungo agad sya sa banyo upang maglinis ng mukha ngunit di pa man sya nakakapasok ng may ilang sunod sunod na katok syang narinig sa may pintuan !

Ah bwisit! sa lakas ng katok nun malamang kundi pa nya pagbubuksan yun ay masisira na ang pinto nya !
Kaya naman bago pa magiba ang buong bahay nya wala sa mood na binuksan na nya iyon !

Kumunot ang noo nya ng makita ang tatlong naka formal attire na lalaki ang mabungaran nya ! Kompleto naman sana ang araw nya kung sakaling gwapo ang nabubgaran nya ang kaso lalo iyong pumangit sa itsura ng mga itong mukhang kalaban ng avengers…

Nameywang sya “,Huhulaan ko..pinadala kayo ni Mayor Saavedra dito?!”, sarkastic na saad nya..Ang tinutukoy nya ay ang pinakabatang naging Mayor sa lugar nila na naging bwisit narin sa buhay nya..Pinag iinitan kasi sya nito na umalis na sa bahay nya,bibilhin daw nito iyon upang mas maging maluwag ang public semetery,good naman sana ang rason nya ang kaso ay may reason din dyan sya at may motto sa buhay na
..”,DUN SYA SINILANG ..DUON DIN SYA MAMAMATAY ..!”,
KAYA sorry nalang yung mayor na yun hindi sya matitinag noh!Ninuno nya si Andres Bonifacio..a tapang a tao ! Kaya hindi sya papasindak…

“,Eh Miss..nakailang balik na po ang mga tauhan ni Mayor dito,bakit po ba ayaw nyo pa umalis dito ?!”,sabi ng isa

Naningkit ang malalaking mga mata nya “, Excuse me lang ho,mawalang galang na pero ilang beses ko na rin hong sinabi na hindi ko po ibebenta tong lupang ito,pakisabi ho ulit kay Mayor … “,Sinikap nyang pabaitin ang tono,mahirap na baka mabanat pati wrinkles nya..

“,Pero nakikiusap ho kami ng maayos Miss,..maganda naman ang hinaing ni Mayor sa inyo..pabor pa...


nga sa inyo dahil malaki laki ang ibabayad sa inyo ni Mayor sakaling pumayag kayo.. “,

“,Hindi na magbabago ang isip ko kahit Marcos Gold pa ang ibayad ni Mayor Saavedra,pakisabi nalang pong muli sa kanya..kundi rin po nya ulit maintindihan ..paki English nyo na lamang po!baka sakaling naintindihan nya..”,

Nagkatinginan ang tatlo…tila ba may pag aalinlangan sa awrahan ng mga ito ..hanggang sa nagmakaawa na ang isa sa kanya.

“,Miss utang na loob pumayag ka na,matatanggal kami sa trabaho kapag hindi ka pumayag..baka alisin kami ni Mayor !”,

Awtomatiko ang naging paglingon nya ..ano daw?napakalupit naman ng Mayor na yun para gawin sa mga ito na tanggalin sila sa work nila sakaling di siya pumayag,its too unfair..pero sa kabilang banda,naisip nya baka trick lang nga mga ito iyon para pumayag sya!
No way ! Hindi sya uto uto !!!…
Ngumiti sya ng nakakaloko sa mga ito sabay sabi ng mga katagang —–
“,Wala akong Paki ! “,…

(Mayor Ace Justin Saavedra)…

“,Damn it ! “,Ngitngit na sambit ni Ace habang nkadikit parin ang phone sa tenga nya “,bat ba ang tigas ng puso ng babaeng yun,,hanggang ngayon nagmamatigas parin sya ! “,Gigil na anas nya sa kabilang linya…ang kausap nya ay ang isa sa mga nautusan nyang makipag usap muli ng pang sampung beses na yata sa babaeng lunatic na nakatira sa gilid ng sementeryo ! Nag offer na sya ng malaking halaga subalit mukhang matigas yata ang isang iyon !

“,ANG sabi nya Mayor magharap na raw kayo kay Raffy Tulfo,hindi daw sya aalis sa lupang hinirang nya ! “,

Lalo syang nagngitngit at pakiramdam nya ay umakyat sa ulo nya ang lahat ng dugo nya “,Maybe hindi nyo inexplain ng maayos yung sinabi ko sa inyo ! Baka naman wala na naman kayong ginawa ..baka tumunganga lang kayo duon ! Kaya hindi na naman sya pumayag?kaya naman ngayon din maghanap na kayo ng trabaho kasi kayong tatlo!Fired na kayo !”,..

Hindi man lamang nya pinagsalita ang nasa kabilang linya at agad na nyang pinatay ang end button !!

Napahawak sya sa sentido !..
Wala syang pakialam sumama man ang loob ng tatlong yun sa kanya,tatanga tanga eh at hindi inaayos ang trabaho ! ..Pero naisip din nya ng ilang tauhan na nyang pinatanggal dahil lamang sa babaeng yun ..

“,Ah,sinusubukan mo talaga ako Coleen ah ..hindi mo na nga ako binoto nung eleksyon,hanggang ngayon nagmamatigas ka pa rin ! … “, bulong nya ..ilang beses nagbago ang ekspresyon nya habang sinasabi yun sa sarili,eh sino nga ba ang bukod tanging tao na nakakapagpabago ng mood nya,si Coleen lamang yun at wala ng iba pa ! ..ang lunatic na babaeng yun!

Naikuyom nya ang kamao, mukhang no choice na talaga sya kundi sya na mismo ang makipag usap dito..alam nyang isang baldeng pride ang kakailanganin nya makaharap lamang ito pero ano magagawa nya,para lamang naman iyon sa ekonomiya at nasasakupan wala ng ano pa man…

Kaya naman,maya maya lang ay ng desisyon na sya..makikipagkita na sya MULI dito !!!..

Not now..but..
Not sure???!!!

To be Continued…






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. feeling ko nakakatawa to hahaha pls continue

  2. nxt chapter pls

  3. Exciting next na pls

Leave a Reply


top