Island


By:Drake Manunulat
Napadpad ako sa Islang walang katao-tao, tanging ang babaeng asul tulad ng karagatan ang mga mata, malaabo ang buhok nya na parang anghel sa ganda ang nakilala ko rito.
Ilang araw na mula ng mapunta ako sa lugar na tanging alon ng dagat ang maririnig mo at simoy ng hangin.
Natagpuan ko sa dalampasigan ang isang babae. “Astre!” tawag ko rito.
Umupo ako sa tabi nya. “Malungkot ka ata?”
Tumingin sya sakin. “Alam kong iiwan mo na ako!”
“Paano mo naman nasabi?”
Tumingin sya sakin.” Alam ko Liam,alam ko kong hanggang kailan mananatili ang isang tao sa lugar na ‘to”
“hindi ko gagawin yan,kong kailangan manatili ako rito gagawin ko makasama ka lang.”
Ang babaeng ‘to lang ang minahal ko ng ganito, kahit sa sandaling kasama at nakilala ko sya.
“Kailangan ka ng pamilya mo, hindi maaaring habang buhay kang manatili rito” sa pag-kakataong to nakita ko ang unti-unting pag patak ng mga luha nya .
“ayaw kong iwan ka kase mahal kita”
“Hindi mo ako maaaring mahalin sa mag-kaibang mundo,mas mabuti siguro kong lisanin mo na ang...


lugar na ‘to”natigilan ako sa sinabi nya
“Hindi pwede”
“Pumikit ka ng mariin, at imulat mo ang mga mata mo” ginawa ko ang sinabi nya.
Naramdaman kong unti-unting nag lalaho ang katawan ko, tumingin ako kay Astre pilit syang ngumiti sakin.
“Paalam,hanggang sa muli mahal ko” sambit nya ng tuluyan na akong nag-laho.
“Liam!”
“Gising na sya!”
“Anak”
“Salamat naman at gising kana”
Iba’t-ibang ingay ang naririnig ko nang imulat ko ang mga mata ko.
“Ma!” sambit ko ng makita si mama sa gilid ko
Niyakap nya ako.”Buti naman gising kana”
Kita ko ang saya sa mukha nila,pero bakit parang may kulang?
” Nasaan po si Astre?” taka silang nag-katinginan lahat.
“Sinong Astre nak?”
“Girlfriend ko ma!” mas lalo silang nagtaka sa sinabi ko.
” Girlfriend? Wala akong kilalang Astre, 8 months kang comatose nak” natigilan ako sa sinabi ni mama.
Naalala ko ang lahat ng nang-yari sa Isla,ang mga araw na kasama ko sya.
Napahagulgol ako ng iyak ng isiping. 8 months?walang Astre?walang Isla?wala lahat ng ‘yon?
She only exist in my dream, she’s my beautiful nightmare’s.
-END-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top