MY TANGA GIRL
KABANATA 01
Tumitilaok na ang manok ngunit tulog parin ang babae na ngayo’y yakap-yakap ang kaniyang manika. Napaka-inosente nito, daig pa ang 5 years old na bata na nagngangalang Leanna
“Lean, Gising na! Baka ma-late ka sa school!” Pagtawag ng kaniyang ina na agad namang sumunod ang babae,
“Sige po Inay!” Sagot n’ya sabay hinatak ang kaniyang manika, “Kikay, dito ka muna sa bahay ha? wa’g kang aalis, mag school ako ngayon” masigla n’yang bilin at tumungo sa banyo para maligo.
S’ya ang tipong babae na parang bata kung tawagin, dahil sa kaniyang kinikilos at sa kaniyang pananalita. No’ng natapos na s’ya maligo nagbihis agad ng kaniyang uniporme at sinuklayan ang makintab at mahaba n’yang buhok na parang kasing haba ng kaniyang pangalan
“Yow! Pinsan!” Pababa na s’ya ng hagdan nang sumalubong ang kaniyang pinsan na ngayo’y puno ng makukulay ang mukha
“Sino po ang may birthday?” Agad nitong tanong,
“Ha? Wala, bakit?”
“Talaga po? ba’t mukha mo po parang clown?” Inosenteng nitong tanong na nagpapainit ng dugo sa kaniyang pinsan
“Tanga! Buti na lang may pagka-isip bata ka kung hindi babatukan talaga kita!” Padabog nitong saad,
“Ha? pero-” Hindi natapos ang sasabihin ng inosenteng dalaga nang magsalita ang kaniyang Inay
“Tama na yan, hali na kayo at kumain. Ikaw na man Zeke, alam mo naman ang kalagayan ni Lean wag mo nang patulan” Paalala ng Ina ni Lean sa kaniyang pinsan
“Pasensya na po kayo tita pero, ba’t ganun? Diba Ang C. A. M. I. L. L. E. ang spelling ng Camille ni Lean? Ba’t po iba ang pagkabigkas nito? ba’t Ka-me-ley?”
“Para unique” walang pag-aanlinlangang sagot ng Ina ni Lean,
“At tsaka ba’t-”
“Ang daldal mong bata ka halina’t kumain ka na. Sisiguraduhin mong maging Isa kang journalist bagay na bagay sa’yo”
Nakasimangot naman si Zeke, “Tita, naman e! gusto ko maging isang modelo! At tsaka nagtataka rin lang naman ako, ba’t Ang spelling ng pangalan ko is Z. E. K. E. parang lalaki pero ang pagkabigkas is Zi-ki parang wrong spelling!”
“Para cool, para maiba, Tama na ang satsat kumain ka na rin”
“Okay po, hehehe”
“Ma! Ba’t po may death sa pangalan ko?” Singit ni Lean,
“Oo nga, Tama si pinsan, bakit? Pangalan ko rin may death! Anniza Zeke Death Sze Monteza Dela Cruz! ”
Tumawa ng mahina ang Ina ni Lean, “dahil lahat tayo ay mamamatay, bakit? May tao bang hindi mamamatay? O, diba, ang cool”
“Oo nga! Ang cool!”
“Yamards, kaya pala…”
“Zeke! ‘yong bibig mo!”
“Hehehe, sorry tita!”
Makalipas ang ilang oras ay tamang-tama pagdating nang mag-pinsan sa kanilang paaralan
“O s’ya, maiiwan na kita dito at ako’y pupunta na sa aking silid. Wa’g kang magpakatanga-tanga okay?” Paalala ni Zeke,
“Aye sir!” Masiglang saad ni Lean,
“Aye sir ka jan…”
“Hala! Di n’ya kilala si Happy! Yong partner ni Natsu yon!!” Pahabol n’yang banggit bago tumungo sa kaniya ring silid
“Good morning Ma’am Milla! Ang ganda n’yo po”
‘Yong mukha mo parang clown kagaya ni insan hehehehe’
Napailing-iling na lamang ang dalaga dahil sa kaniyang iniisip
‘Bad ang manghusga Lean!!!’
“Ang sweet mo naman, O s’ya, maupo ka na para makapag simula na tayo”
“Okay Po!”
” Hala, si patay nandito na”
“Maganda kaso Tanga”
Bulong ng mga kaklase n’ya, buti nalang pinabayaan n’ya na lamang sila
‘Mamaya kayo sa gate’
MATAPOS ang mahabang araw, nagsi-uwian na ang mga estudyante pwera na lamang sa isang babae na nag-aabang sa gate. Hindi dahil hinihintay n’ya ang kaniyang pinsan kundi, inaabangan n’ya ‘yong nanlalait kanina…
Sa kasamaang palad, sinundo na s’ya ng kaniyang auntie, kapatid ng Ina n’ya, at Ina ng kaniyang pinsan
“Auntie, may inaabangan pa po ako”
Nandilim naman ang mukha ng kaniyang auntie, “Ikaw ha, kilalang-kilala kita baka ma-guidance office ka ulit! Ali ka na!”
Napa-pout na lamang s’ya na parang bata, “Hindi ko naman sinasadya noon e, Wala akong alam na bawal pala tadyakan yong bukol sa pants ng lalaki! Nagtataka lang ako no’n, baka nabunggo kaya nagkabukol! Gusto ko lang namang tumulong, kaya sinipa ko para mawala yong bukol”
Tudo pigil sa tawa ang kaniyang Auntie dahil sa pinagsasabi n’ya.
Muli nagsalita ang dalaga, “Alam mo ba auntie, alam na alam ko na kung sino ang Ina ko sa inyong dalawa kahit kambal kayo ng mukha” saad n’ya kaya...