My husband cheater


Panimula.

Sosorpresahin sana niya si mateo sa kanilang first anniversary. Subalit siya ang nasorpresa. Walang kaalam alam sina mateo at elane na nasa likod nila si zara. Naka kubli ito sa isang malaking puno ng mangga.
Panatag ang loob ni zara kay elane dahil mga bata palang sila ay matalik ng magkaibigan. Subalit hindi niya inaasahang sa isang lalaki lang sila umibig. Pero ang masaklap pa doon ay mas mahal siya ni mateo. Kaya lang napilitan si mateo na pakasalan si zara dahil sa isang pagkakamali noong maglasingan ang kanilang mga barkada. May naganap sa kanila at hindi pweding hindi siya pananagutan ni mateo. Lalo na at matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina. Nagkakilala sina mateo at elane. Noong araw na ng kanilang kasal.

May pag nerd kasi si zara. Hindi siya marunong manamit at palaging nakasalamin na akala mo may sira sa mata. At sobrang kapal pa ng kaniyang kilay. Ang kanyang bohok palaging nakatali. At may katabaan pa ito. Ang mga suot ay palaging nakabistida at kung hindi naman nakabistida naka slacks ito at napalda.
Kaya hindi maiwasan ni mateo na tumingin sa iba.

“Kailangan kulang pakisamahan si zara.’ Sabi ni elane kay mateo.
‘Kailan mo bang balak na hihiwalayin siya.’Saad pa niya na tila malungkot ang mukha habang nakaharap siya sa lalaki at hawak naman ni mateo ang kanyang kamay.
“Bigyan mo pa ako ng kunting panahon.’ Sabi ni mateo at sabay hawak niya sa pang ibabang labi ni elane.
“Maghihintay ako hon.”? Sabi naman agad ni elane at sabay yakap sa lalaki. Halos madurog ang puso ni zara sa tagpong iyon. Doon kasi sila magkikita sa park. At dahil kaibigang matalik ni zara si elane. Kaya malaki ang kanyang tiwala dito. Subalit di niya inaasahan ang isang malaking secretong tinatago ng dalawa. Kung hindi niya pina una si elane sa tagpuan nila ng asawa ay hindi sana niya malalaman ang isang secreto.
May binili pa kasi siya na isang mahalagang regalo para sa asawa. Matagal din niyang pinag iponan ang regalo na iyon para sa asawa. Isang mamahaling relo. Na noon pa sanang gustong gusto na ni mateo.
Hindi napigilan ni zara ang kanyang mga mata at sabay sabay iyon pumapatak.
Bigla siyang tumalikod at paakbang palayo sa dalawa.

‘Tama na. Baka dadating na iyon at makita pa tayo.’ Agad naman sabi ni elane. At agad nag ayos. Ngumiti muna si mateo bago tumalima. Hanggang isang oras na ang lumipas. Medyo nainip na rin silang dalawa sa kahihintay kay zara.
“Nasaan na kaya ang babaeng iyon.?’ Sabi agad ni mateo.
‘Teka lang. At tatawagan ko.”? At agad dinayal ni elane ang numero ni zara. Subalit out of rich ito.
Inulit pa niya ng apat na beses ngunit dina makontak ang number ni zara.
“Wala parin.? Sabi pa ni mateo. Habang nakatingin kay elane. Na biglang nag iba ang ekpresyon ng mukha nito. At biglang napuno ng pangamba na baka nakita sila ng babae.

Kabanta 2

Pagkatapos mag empaki ni zara agad siyang umalis sa bahay kung saan sila nakatira ni mateo. At agad sumakay ng bus papuntang manila. Labis ang hinagpis at pagkabigo niya sa isang lalaking inakala niyang mahal siya. Lalo na sa kanyang kaibigan. Labis na nadurog ang kanyang puso. Hindi niya akalaing tatraydohin siya ng kanyang matalik na kaibigan at asawa. Habang nililisan niya ang lugar kung saan siya pinanganak ay hindi niya mapigilan ang hindi umiyak. Lalo na at hindi siya nakapag paalam sa inay at itay niya. Palaging nasa gunita niya ang tagpong nakita niya sa may park kung saan nandoon ang kanyang kaibigan at asawa.

Lumuwas siya sa manila dahil may kapatid doon ang kanyang itay. At matagal na din siyang hindi na nakabalik sa maynila.
Dahil ilang oras din ang beyahe. Nakatulogan nalang niya ang kanyang mga isipin.

“Miss nasa manila na po tayo.’?” Pukaw sa kanya ng kundoktor.
Halos lahat ng pasahero ay nakababa na. Nagpalinga linga muna siya sa paligid bago tuluyang bumaba.

Sumakay siya ng trysekel at itinuro sa driver ang address ng kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang itay.
“Naku miss dagdagan mu ng isang daan ang pamasahe mo kasi medyo malayo layo din ito.?” Sagot ng driver sa kanya habang napakunot noo.
‘Okey po manong.?” Agad naman niyang sagot at agad naman isinakay ng driver ang kanyang dalang bag na medyo may kalakihan din.

At kahit nasa loob na siya ng trysekel di parin niya maiwasang isipin ang tagpong kanyang nasaksihan.

Halos tatlongpot minuto din ang tinakbuhan ng trysekel bago sila dumating sa address na iyon na ibinigay niya sa driver.
Pagkababa niya nakita niyang nagwawalis ang kanyang tita lucia. At nagkakaidad na rin ang kanyang tita.

“Tita.?” Tawag niya dito agad naman napalingon ang matanda sa kanya at agad naman siya nakilala nito.

“Naku ikaw pala iyan. Sabi naman ni tita lucia at agad na pinagbuksan ang pamangkin. At nag alala pa ito.
“Anu bang problema at napaluwas ka agad dito. Kamusta na ang itay mo.”? Sunod sunod na tanong niya sa pamangkin.
“Okey lang po si itay.” Malungkot niyang turan sa tiyahin.
“Oh!bakit ka malungkot at saka namumugto yang mga mata mo.”? Sabi naman ni tita lucia habang nakatingin sa kanya.
Nag alala din ito habang pinagmamasdan ang pamangkin.
‘Sabihin mo saakin.” Aniya.
At agad naman nag ring ang celpone ni aling lucia. Agad naman kinuha ni zara ang celpone ng matanda at pinakiusapan niya muna si tita lucia na huwag sabihin sa kanyang mga magulang na nasa kanila siya. Kahit na labis ang pagtataka ni tita lucia ay sumunod nalang

Kabanata 3

Labis ang pag aalala ni aling agnes sa biglaang pagkawala ng anak. Gayon din si mang leandro. Lahat nalang ng kanilang mga kakilala at kaibigan, kamag anak ay napagtanungan na nila. Subalit walang zara na nakita at nakapansin man lang sa kanya.

Hindi rin malaman nina mateo at elane kung anu ang kanilang gagawin sa mga pangyayaring iyon. Ngunit bigla nilang naisip na alam na ni zara ang relasyon nilang dalawa.
Labis naman nabahala si elane. Dahil hindi sa ganoon paraan ang gusto niyang mangyari para sa kaibigan.

Umuwi si mateo sa kanila at iniwan ang bahay nila ni zara. Labis din nag alala ang ina niya.

“Anu ba ang pinag awayan ninyo mag asawa mateo. At bigla nalang lumayo si zara, na wala man lang paalam.!” Sabi sa kanya ni aling veronica na halos hindi na mapakali.
“Inay. Hindi ko po alam.?” Sagot agad niya sa ina na labis naman nabahala sari saring emosyon ang kanyang nadarama. Ang kalahati ay masaya ito dahil makakawala na siya sa kanyang asawang nerd. Pangalawa nag alala ito dahil baka anu ang gagawin nito para sa sarili niya.

Pagkaraan ng dalawang araw. Kinausap ni tita lucia si zara tungkol sa hindi niya pagsabi ng totoo sa kanyang mga magulang. Ayaw niya lang na baka labis na mag alala ang mga magulang dahil sa kanyang paglisan sa mga ito.
At pilit parin niyang pinaamin si zara tungkol sa kanyang biglaang pagluwas sa maynila. Dahil palagi itong nagkukulong sa silid ng kanyang pinsan. Na sa ngayon ay nasa bakasyon kasama ang boss nito.

Habang nag aalmusal sila sa kusina. Napilitan magkwento si zara sa kanyang tita dahil sa pangungulit nito sa kanya.
Labis naman siyang nagulat at nagalit sa asawa ng pamangkin. Nagtihim ang kanyang mga bagang.

“Naku zara tama lang ang ginawa mong pag iwan sa asawa mo na niloko ka lang pala.?” Sabi niya habang nagkuyom ng kanyang kamao. At nagsalubong bigla ang mga kilay.
“Pero, zara hindi naman tama. Na hindi mo sasabihin sa mga magulang mo lalo na sa itay mo.?” Sabi naman niya na nag alala ito para sa bunsong kapatid.
“Pero tita, baka po sasabihin niya kay inay veronica na nandito ako.?” Sagot niya na may pangambang baka malaman nila mateo kung nasaan siya.
“Naku’ ako ang kakausap sa itay mo.?” Aniya.
Dahil sa pangungulit nang tiyahin nakombinsi naman niya ito.

Kabanata 4

‘Diyos ko huwag niyo pababayaan ang anak ko.? Sabi naman ni aling agnes na labis ang pag alala dahil dalawang araw na ang lumipas subalit wala paring balita.
Bigla naman tumunog ang celpone ni mang leandro. At agad naman niya sinagot habang naninigarilyo ito sa labas nang kanilang bahay.
At agad...


naman siyang nabigla ng malamang nasa maynila si zara.

“Ate,noong tumawag ako sainyo, sinabi niyo na wala si zara diyan, at ngayon sasabihin niyong nandyan siya.?” Galit na sabi ni mang leandro sa kanyang ate lucia.
“Leandro. Makinig ka? Ayaw nang anak mong malaman ninyo na nandito siya.” Paliwanag naman ni tita lucia sa kanya.
“Bakit? Anu bang dahilan? tanong naman niya ulit at labis din nagtaka?
Bigla naman dumungaw sa may bintana si aling agnes nang bigla niyang marinig ang pangalan ni zara.
“Leandro si zara ba yan?” Tanong naman niya sa asawa. Subalit parang walang narinig si leandro at naka fucos siya sa usapan nila ng kanyang ate lucia.
At labis naman siyang nabigla at agad nag iba ang kanyang mood. Dahil sa narinig sa kapatid na niloko lang ni mateo ang anak. At ang isa pang masakit na katotohanan ay kaibigan pang matalik ng kanyang anak.
At nakiusap naman si tita lucia na huminahon ito. At huwag munang padalos dalos.?

Agad naman kinuha ni aling agnes ang celpone ng asawa ng bigla niyang makita ang asawa na nagpipigil ng galit.?

“Ate, anu bang nangyari bakit galit na galit si leandro.” Nag alalang sabi naman ni aling agnes sa kausap.

“Agnes pigilan mo ang asawa mo baka susugurin ang manugang mo at baka mapatay pa niya?” Hiyaw naman ni tita lucia sa kabilang linya.
“Bakit ate?” Naguguluhang sabi ng ginang.
“Si mateo may relasyon sila ni elane, si zara mismo ang naka saksi sa mga ito. Kaya siya biglang napaluwas? Dogtung pa niya. Hindi nga nagkamali si tita lucia at agad na umalis si mang leandro at sinugod nga ang manugang.
Dali daling hinabol ni aling agnes ang asawa.

“Hayop na lalaki na iyan?” Wala siyang karapatang saktan ang anak ko? Sabi ni mang leandro at nagtihim ang mga bagang at galit na galit ito.
“Leandro? Tawag naman ni aling agnes sa asawa pero parang walang narinig ang matanda at patoloy parin siyang humakbang patungo sa bahay nina mateo.

Kabanata 5

Tamang tama naman sa pagdating ni mang leandro nasa labas si mateo at elane. At nagkunwaring dinadamayan niya ang asawa ng kaibigan. Para ipakita sa ina nito ang pagdamay sa pamilya nila.
Nabigla sila ng biglang suntokin ni mang leandro si mateo at sa panga ito tinamaan. At agad naman sila inawat ng dalawang babae. At agad din dumating si aling agnes.
At inulit pang sapakin ni mang leandro ang lalaki hanggang sa may dugo ng lumabas sa kanyang bibig.

“Hayop ka mateo? Sigaw ni mang leandro.
“Bakit mong nagawang lukuhin ang anak ko.?sigaw pa niya ulit dito at biglang nagulat si veronica at elane sa narinig.
“Teka lang? Leandro di kita maunawaan? Bakit muna man nasabi iyan sa anak ko?” Anung niluko.” Agad agad naman sabi ni veronica sa kaharap habang nasa likod niya ang kanyang anak.
“Iyang magaling mong anak at iyang malanding kaibigan ng anak ko nahuli ng anak kung may relasyon sila? Sabi naman agad ni aling agnes kay veron habang tinuturo si elane na nasa likod din niya na naka alalay kay mateo.
“Anu? Sagot bigla ni veron sa kaibigang si agnes.
“Nagulat karin anu? ” ganoon din ako veron. Akala ko iyang anak mo mabait? Iyon pala gago siya? Sabi pa ulit ni aling agnes at napuno na din ng galit.
“Totoo ba ito mateo? Baling niya sa anak.
Hindi makatingin ng deretso si mateo sa ina. At ganoon din si elane.
“Bakit di kayo makatingin saakin ng deretso? Totoo ba?” Sigaw ni aling veronica at bigla din napaiyak sa pagka disaponted niya sa anak.

“Im sorry inay’?” Pero totoo po? Agad naman sabi ni mateo.
Na agad naman nagpainit sa dugo ni mang leandro. Susugurin pa sana niya si mateo pero agad ng inawat siya ni aling agnes.
marami din ang mga kapit bahay nila ang nakapaligid sa kanila dahil sa hiyawan nila.

Humingi din ng dispensa si elane sa inay ni mateo at ganoon din kina mang leandro at aling agnes.
Nang bigla naman mapansin ni aling agnes na pinagtitinginan na sila ng mga kapit bahay napilitan silang umuwi nalang sa kanila. Dahil sa kahihiyan.

Agad naman pina uwi ni aling veron si elane. At nagalit din siya dito dahil hindi niya akalain na magagawa niya sa kanyang matalik na kaibigan ang pagtaksilan ito.
“Inay, hindi kasalanan ni elane na pagtaksilan niya ang asawa ko?” Ako po ang may kasalanan.?” Pagtatanggol niya kay elane. Habang namimilipit ito sa sakit sa panga dahil sa pagkakasuntok ni leandro dito………._________________

Kabanata 6

Isang ĺinggo ang dumaan. Nakabalik na ng kanilang bahay si tricia galing bakasyon kasama ang amo nito. Isang secretarya ng isang mayamang business man si tricia. Maganda at sexy si tricia. Di katulad siya ng kanyang pinsan na nerd pa at mataba. Kaya pinagpalit ng asawa. Labis siyang natutuwa dahil nakita niya si zara na nandoon sa kanila. Dahil sobrang namis niya ang pinsan nito.
At labis din siyang nagulat sa ayos nito ng makita si zara dahil mas lumala ang kanyang pagka badoy. Lalo na at sobrang taba pa nito.

“Pinsan! Grabe ka naman maging confident, ka sana sa sarili mo kasi kaya ka pinagpalit ng asawa mo. Kasi look at your self.?” At sabay turo nito sa kanya at nakapamewang.

“Tricia? Tigilan mo na nga iyang pinsan mo?” Sabad naman ni tita lucia sa anak.
Tahimik lang si zara. Habang nakikinig sa dalawa.

Maya’t maya pa muli naman nagsalita si tricia. At pinayuhan ang pinsan na mag diet at magpa ganda.
Bigla naman siya napa isip sa sinabi ni tricia sa kanya.

“Gusto kung magtrabaho tricia. Tulungan mo akung makapasok sa pinapasukan mo.” Agad niyang sabi sa pinsan at seryosong nakaharap ito sa kanya. Habang naka upo sila sa kanilang sala.

Kumukuha noon si zara ng kursong business managment kaya lang hindi niya lang natapos dahil maaga itong nag asawa sa idad na benti dos.

“Sige,susubukan kitang ipasok sa kompanya ng boss ko.?” Turan ng pinsan habang naglalagay ng lipstik sa kanyang labi.

Pagkaraan ng isang linggo.
“What?” Sigaw ni dave sa kausap sa telepono. Si dave delos reyes ay isang mayamang business man dito sa bansa isa siyang CEO ng kanilang kompanya. Kapatid ni Ethan delos reyes na boss ni tricia. Magkaiba ang kanilang ugali ni ethan. Si dave laging galit at hindi mo makausap dahil palaging naka sigaw. Kaya lang niloko din siya ng naging girlfriend niya. Kaya magmula noon hindi na muling umibig. Fucos lang siya sa kanyang business.

Kabanata 7

Biglang nag quit ang kanyang secretary dahil sa ugali nitong hindi mo maintindihan. Kaya hindi na nakatiis ang kanyang secretary at bigla siyang umalis pagkatapos ng kanyang huling sahud. Halos lahat ng naging secretarya niya ay umaalis dahil kahit na kumakain pa ang secretarya nito palaging nag uutos. At palaging galit.

“Oh! C’mon kuya!” Pang ilang secretarya muna iyan?” Inis na sabi ni ethan sa kapatid.
“Kung nabubuhay pa sana si papa?” I’m sure” na hindi lang sapak ang matatanggap mo?”
Dagdag pa niyang sabi sa kuya niya..
At agad naman nilagok ni dave ang isang boteng whisky na nakalagay sa lamesita nila.
Kahit palaging seryoso ang mukha niya ay halata paring napaka pogi niya at matangkad kayumanggi at sobrang tangos ng ilong.

“I’ll go ahead kuya.” Sabay tayo at nagtungo siya sa kanyang silid at iniwan mag isa si dave.
Sila lang dalawa sa kanilang mansyon. Dahil ang kanilang ina ay sa state na ito namalagi. Mula ng mamatay ang kanilang ama.

Galit parin si aling veronica sa ginawa ng kanyang anak sa kanyang manugang. Dahil kahit na anu pa ang sabihin ng mga tao kay zara! Badoy pangit. Para sa kanya si zara lang ang pinakamaganda sa kanilang nayon……….

“Wala kabang balak na puntahan ang iyong asawa sa maynila.?” Sabi sa kanya ng kanyang ina habang siya ay nag hahanap ng mapapasukang trabaho sa internet. Gusto niyang magtrabaho sa maynila.

“Inay, siya po ang kusang umalis, kaya siya din po ang kusang babalik.?” Sagot naman niya sa ina. Ayaw ni mateo na magpakasal noon kay zara dahil sa pagka nerd nito. Pero dahil sa ina,kaya siya napilitan magpakasal dito kahit simpleng kasal lang sa simbahan.

Kung hindi lang sana siya ikinasal kay zara. Isa na siyang ganap na enhinyero______________________________






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. nice story nxt chapter pls

Leave a Reply


top